Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Rizal Technological University

Kolehiyo ng Edukasyon
Kagawaran ng Filipino
Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino
Samahan ng Nagpapakadalubhasa sa Filipino

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
Inihanda ni:

BB. JEDEL B. GONZAGA


Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Tagasuri

Binigyang pansin nina:

BB. ALEXANDRIA M. CASTILLO G. JAYMARK A. MONFORTE


Propesor, Fil 124 Propesor, Fil 124

BB. CARINA NOCILLANO BB. AIRA F. MITRA


Propesor, Fil 123 Propesor, Fil 121
PAARA
Rizal Technological University BAITANG 9
LAN

GURO BB. JEDEL B. GONZAGA ASIGNATURA FILIPINO

ARAW,
ORAS AT IKAAPAT NA
SEKSI May 23, 2022 MARKAHAN
MARKAHAN
YON
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan


Pangnilalaman ng Pilipinas.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakilalahok sa paglalabas ng isang movie trailer o story board
Pagganap tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian
(dekonstruksyon)

C. Tema Noli Me Tangere (Kabanata XIX at XX)

D. Mga Kasanayang 1. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang,


sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan. (F9PB-IVd-58)
Pampagkatuto
(MELC) 2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at anak.
(F9PS-IVg-h-62)

II. NILALAMAN

A. Paksa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

B. Espesipikong Layunin Sa pagtatapos ng isang oras na pagkaklase ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na nagtulak kay Rizal


para isulat ang akda.

2. Nakapagbibigay ng opinyon hinggil sa paraan ng pakikipaglaban ni Rizal sa


mga Español.

3. Nakalilikha ng isang malikhaing gawain hinggil sa mahahalagang detalye ng


kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng panayam, dula, awit,
pananaliksik at pagguhit.

III. KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian

1. Gabay pangkurikulum p. 183

2. Mga Pahina sa Gabay


N/A
sa Pagtuturo

3. Mga Pahina Sa

Kagamitang N/A

Pangmag-aaral

4. Mga Pahina sa Teksbuk N/A

5. Karagdagang ● Bagtas Game Templates.


https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1llmLFHwzbjx831ke0kbHxm_nJegL
Kagamitan mula sa clSJ
Learning Resource (LR) ● Lacsamana, M. (2019). Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo.
Slideshare. https://www.slideshare.net/menchu25/kaligirang-kasaysayan-ng-
el-filibusterismo-150745754

● Preceden. (2022). Talambuhay ni Jose Rizal Timeline.


https://www.preceden.com/timelines/297775-talambuhay-ni-jose-rizal

● Sorela, GJ, S. (w.t). Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 1 Kaligirang


Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Department of Education Regional
Office IX, Zamboanga Peninsula.
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/06/Fil.10_Q4_M1Final-
ok.pdf

IV. PAMAMARAAN

A. Pang-araw-araw na 1. Pagbati
Gawain
2. Paglalahad ng mga alituntunin sa pagkaklase

3. Pagtatala ng liban

B. Balik-aral sa Pagkilala sa may-akda:


nakaraang aralin o
pagsisimula ng (Gamit ang aplikasyong quizizz.com)
bagong aralin (Drill/ GAWAIN: TUMPAK o LIGWAK?
Rebyu o Paghawi sa
sabagal)
Panuto: Piliin ang “ TUMPAK” kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan
hinggil kay Rizal, kung hindi naman ay ang “LIGWAK”
C. Paghahabi sa layunin
ng aralin
(Pagganyak)
1. Si Leonora Theresa ang inspirasyon ni Rizal, mahinhin at malapit sa Diyos.
(Leonor Rivera)

2. Si Jose Rizal ay nag-aral sa ibang bansa at hindi mahilig ng payo sa mga


nagdedesisyon. (mahilig siyang humingi ng payo lalo na sa kanyang kuya na
si Paciano)

3. Kasama sa akda ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere” ang tauhang si “Tiya


Isabel”

4. Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilpinas


sa pagiging kolonya nito sa Espanya.

5. Sa tulong ni Maximo Viola, naipalimbag ni Rizal ang nobelang “Noli Me


Tangere”.

6. Inihandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa kanyang ina. (tatlong


paring martir na Gomez, Burgos, at Zamora kaya ito ay maituturing itong
nobelang politikal.)

7. Ang unang guro ni Jose Rizal ay ang kanyang ina.

8. Tanging Kastila lamang ang wikang natutuhan ni Rizal bukod sa Filipino.


(mahigit sa 22 na wika ang kanyang natutuhan)

9. Itinatag ni Rizal ang La liga Filipina.

10. Hindi isinulat ni Rizal ang tulang sa aking kabata batay sa saliksik ni Ambeth
Ocampo.

Pagninilay

8-10 puntos Kabogera! (Malinaw ang aking kaalaman hinggil kay


Rizal.)

5-7 puntos Palavarn! (May sapat na kaalaman hinggil kay Rizal


ngunit kailangan pang magbasa at
magsaliksik hinggil sa kaniya.)

0-4 puntos Kering keri! May kaalaman hinggil kay Rizal ngunit
kailangan nang ibayong sigasig sa
pananaliksik

D. Paglinang ng (May temang mga bituin)


Talasalitaan
Gawain: TALA-salitaan.
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan sa pangungusap.

1. Isinilang ang El Filibusterismo mula sa ningas ng himagsik ng naunang


nobela ni Rizal.

● naglalagablab

● sanhi

● simula

2. Inusig ang kaniyang pamilya kaugnay ng usapin sa lupa na umabot


hanggang Kataas-taasang Hukuman ng Espanya.

● isinakdal

● pinangaralan

● pinagbintangan

3. Pinagbintangan si Crisostomo na erehe at filibustero dahil sa kaguluhang


ibinintang sa kaniya.

● taong kalaban ng simbahan at pamahalaan

● taong may nakahahawang sakit.

● taong nagpapakalat ng maling impormasyon

4. Ang ipinamalas na katapangan ni Rizal ay larawan ng marubdob na


pagmamahal sa bayan.

● mapanganib, mapagkupkop at masarap

● tapat, malalim at Dalisay

● maasahan, mapagkaawanggawa at mapagkakatiwalaan

5. Mapangahas na isiniwalat ni Rizal ang baluktot na pamamalakad ng Español.

● matapang

● mapanganib

● maingat

6. Ang nobelang ito ang karugtong at wakas ng dalawang nobela upang


matighaw ang pagkauhaw sa kalayaan ng maraming Pilipino.

● mabusog

● guminhawa

● makalimutan

Pagnilayan:

5-6 puntos Kabogera! (Malinaw ang aking kaalaman sa mga


talasalitaan .)

3-4 puntos Palavarn! (May sapat na kaalaman hinggil sa mga


talasalitaan ngunit kailangan pang
magbasa at magsaliksik hinggil sa
talasalitaan.)

0-3 puntos Kering keri! May kaalaman hinggil sa mga talasalitaan


ngunit kailangan nang ibayong sigasig sa
pananaliksik

E. Presentasyon ng
(Gamit ang temang “netflix”)
Aralin
EL-FLIX!

Panuto: Upang mabuksan ang susunod na serye ay kailangan masagutan ang mga
katanungan pagkatapos ng serye.

Serye #1: El Fili: Ebanghelyo Ng Lahing


Pilipino
Isinilang ang El Filibusterismo mula sa ningas
ng himagsik ng naunang nobela ni Rizal. Ang
pagbitay sa tatlong paring martir—Mariano
Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na
pinag-alayan ni Rizal sa nobela ang naging
dahilan ng pagkakasulat ng akda. Higit itong
mapangahas kaysa sa Noli me Tangere. Ang
Filibustero ay naghihimagsik at itinuturing na
taong kalaban ng simbahan.

Susing Tanong

Bakit inialay ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring


martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora?

Serye #2: Mga Mahahalagang Petsa sa Pagkakabuo ng Nobela


Susing Tanong

● Saan pormal na sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?

● Paano nasolusyunan ni Rizal ang suliraning pinansiyal para mailimbag ang


nobela?

Serye #3: Mga Tagapagligtas Ni Rizal


● Valentine Ventura - Tagapagligtas ng El Fili, mula
sa España ay pinaldahan niya ng pera si Rizal
para matustusan ang pagpapalimbag.

● Jose Alejandrino - kasama niya sa paninirahan sa


Brussels Belgium. Nagtipid at pinili ang paupahang
walang kasamang pagkain, bumili na lamang ng biskwit
na kinakain sa agahan.

● Jose Maria Basa - hiningan niya ng tulong sa


pamamagitan ng pagpapadala ng liham.
Susing Tanong

● Bakit itinuturing si Valentine Ventura na tagapagligtas ni Rizal sa España?

● Ano ang danas ni Jose Rizal kasama si Jose Alejandrino?

● Paano humingi si Rizal ng tulong kay Jose Maria Basa?

Serye #4: Mga Danas Ni Rizal Sa Pagsulat Ng Nobela


Habang nasa ibang bansa, naganap ang kaniyang kinatatakutan

● Inusig ang kaniyang pamilya kaugnay ng usapin sa lupa na umabot


hanggang Kataas-taasang Hukuman ng Espanya.

● Mga kamag-anak na namatay na walang hustisya.

● Mga tinanggihang ilibing sa libingan ng mga katoliko.

● Ipinakasal sa iba ang kaniyang kasintahan (Leonor Rivera).

● Namatayan ng kaibigan.

● Pagkaubos ng salapi dahil sa gastusin.

Susing Tanong

● Ano pinakasuliranin ni Rizal sa kaniyang adhikaing mapalimbag ang nobela?

● Bakit inusig ang kaniyang pamilya?

● Karapat-dapat ba kay Rizal ng kaniyang dinanas?

● Kung ito ay ihahalintulad sa kasalukuyang panahon, saan ito maaaring


ihalintulad?

Finale:
● Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero na ibig sabihin ay ‘’mga
balak’’ o’’ paghahari ng kasakiman’’.

● Ang tuon ng El Filibusterismo ang pakikibaka at pagsalungat sa mga


matataas na uri sa pamamagitan ng isang marahas at mabalasik na paraan.

● Ang nobelang ito ang karugtong at wakas ng dalawang nobela upang


matighaw ang pagkauhaw sa kalayaan ng maraming Pilipino.

F. Pangkatang Gawain Panuto: Ang bawat grupo ay binigyan ng takdang aralin na isang pangkatang
gawain. Bibigyan ang bawat grupo ng tatlong (3) minuto upang maghanda.
Pagkatapos, ito ay ipe-presenta sa oras ng klase.

1. Isipin niyo na kayo ay isang news anchor o


tagapaghatid ng balita. Ibalita ninyo ang
mga naging danas ni Rizal sa pagsulat ng El filibusterismo.

Narito ang pamantayan:

Nilalaman (Nakapagbibigay ng iba’t ibang 20 puntos


damdaming namayani sa napanood na bidyo.)

Pagsasatao (mahusay a ginampanan ang pagiging 10 puntos


tagapaghatid ng balita)

Pagsasalita (maayos ang pagbaybay sa salita at 10 puntos


pagbabantas)

Pagkakaisa (naipapakita ang pagkakaroon ng 10 puntos


kolaborasyon ng bawat miyembro)

Kabuoan 50 puntos

2. Gumawa ng Komiks hinggil sa pagpapakilala


sa mga tagapagligtas ni Rizal.

Narito ang pamantayan:

Nilalaman (malinaw na naihahayag ang kaisipan sa 20 puntos


komiks at may malinaw na diyalogo.)

Pagkamalikhain (nagpapakita ng pagiging 10 puntos


malikhain sa pagpili ng kulay, disenyo, at tagpo

Orihinalidad (sariling gawa at hindi kinuha sa iba 10 puntos

Pagkakaisa (naipapakita ang pagkakaroon ng 10 puntos


kolaborasyon ng bawat miyembro)

Kabuoan 50 puntos

3. Bumuo ng tula bilang papuri sa kabayanihan


ng may akda ng El filibusterismo na si Jose
Rizal.

Narito ang pamantayan:

Kariktan (nagtataglay ng matatalinghagang salita) 10 puntos

Paksa (nakasusunod sa paksang ibinigay) 10 puntos

Pagkamalikhain (gumagamit ng mga simbolismo 10 puntos


upang mailarawan ang nais sabihin)

Orihinalidad (sariling gawa at hindi kinuha sa iba) 10 puntos

Pagkakaisa (naipapakita ang pagkakaroon ng 10 puntos


kolaborasyon ng bawat miyembro)

Kabuoan 50 puntos

4. Isipin niyo na kayo ay mahusay na alagad ng


sining ng pelikula. Sasali kayo sa isang Film
Festival. Gamit ang Canva na aplikasyon,
gumawa ng isang “POSTER” para sa El-
Filibusterismo na angkop sa kasalukuyang panahon. (kung hindi
maka-akses maaaring gumuhit sa papel at kunan ng larawan).
Narito ang pamantayan:

Nilalaman (naipapakita ang El Filibusterismo bilang 20 puntos


isang akdang dapat basahin ng madla)

Pagkamalikhain (nagpapakita ng pagiging 10 puntos


malikhain sa pagguhit o pagpili ng larawan)

Orihinalidad (sariling gawa at hindi kinuha sa iba) 10 puntos

Pagkakaisa (naipapakita ang pagkakaroon ng 10 puntos


kolaborasyon ng bawat miyembro)

Kabuoan 50 puntos

5. Ilahad ang mga nakalap na datos sa panayam


hinggil sa kahalagahan ng pag-aaral ng El
filibusterismo.

Narito ang pamantayan:

Nilalaman Nilalaman (Nakapagbibigay ng iba’t 20 puntos


ibang opinyon hinggil sa panayam)

Orihinalidad (sariling gawa at hindi kinuha sa ibang 10 puntos


website)

Gramatika (maayos na pagbaybay ng salita at 10 puntos


pagbabantas)

Pagkakaisa (naipapakita ang pagkakaroon ng 10 puntos


kolaborasyon ng bawat miyembro)

Kabuoan 50 puntos

G. Pagpapahalaga/ BRING ME!


Paglalapat ng aralin
sa buhay Panuto: Makinig nang mabuti sa aking sasabihing kagamitan para sa ating laro.

● bring me “panulat” (ballpen, lapis, pentel pen, atbp.)

● bring me “makabagong teknolohiya” (keyboard, cellphone, tablet, atbp.)

Kanilang ipapakita sa camera ang kanilang hawak. Pagkatapos, ipapataas muna ang
panulat at ikalawa ang makabagong teknolohiya. Kanilang sasagutan ang tanong na
ito:

● Sa panahon ngayon bilang mag-aaral, maaari mo bang masolusyonan ang


ilang suliraning panlipunan sa pamamagitan ng panulat, papel at
makabagong teknolohiya? Ipaliwanag.

H. Paglalahat/ Sintesis PULOT OF THE DAY!

Ang tanong:

Panuto: Maghanda ng papel at panulat. Mamili ng serye na pinakatumatak sa inyong


isipan.Sumunod ay isulat sa papel ang numero at ipakikita sa kamera. Pagktapos,
dugtungan ang pahayag na ito.

“Napili ko ang serye bilang _____ natutuhan ko na ___________”

I. Panubaybay na PAGTATAYA
Pagtataya
Panuto: Sa pamamagitan muli ng quizizz na aplikasyon, sagutan nang mabuti ang
mga sumusunod. I-type muli ang code.

Paalala: Pagkatapos magsagot ay i-screenshot ang inyong iskor at i-send ito sa ating
GC.

1. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang _____

A. pampamilya

B. panlipunan

C. panrelihiyon

D. pampolitika

2. Ano ang ngalan ng palimbagan na handang maglimbag ng nobela nang


paunting-unting pagbabayad?

A. La Liga Filipina

B. La Publicidad

C. F. Meyer-Van Loo Press

D. El Nuevo Regimen

3. Sino ang tagapagligtas ni Rizal na nagpadala sa kanya ng salapi upang


matuloy ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo?

A. Jose Maria Basa

B. Valentine Ventura

C. Jose Alejandrino

D. Maximo Viola

4. Ano pinakasuliranin ni Rizal sa kaniyang adhikaing mapalimbag ang nobela?

A. pag-uusig sa kaniyang pamilya

B. pagkakasakit

C. kawalan ng pera

D. pagkamkam sa kanilang lupain

5. Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo sa pagbitay sa tatlong paring martir na


sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Ang Filibustero ay
itinuturing na taong kakampi ng simbahan.

A. Mali ang unang pahayag samantlang Tama naman ang ikalawang


pahayag.

B. Tama ang unang pahayag samantlang Mali naman ang ikalawang


pahayag.

C. Mali parehas ang pahayag.

D. Tama parehas ang pahayag.

4-5 puntos Kabogera! (Malinaw ang aking kaalaman sa mga


tinalakay na paksa.)

2-3 puntos Palavarn! (May sapat na kaalaman hinggil tinalakay


na paksa ngunit kailangan pang magbasa
at magsaliksik hinggil sa kaniya.)

0-1 puntos Kering keri! May kaalaman hinggil sa mga talasalitaan


ngunit kailangan nang ibayong sigasig sa
pananaliksik

J. Takdang Aralin Pagkilala sa Tauhan ng El Filibusterismo

Panuto: Manaliksik hinggil sa mga tauhan ng El Filibusterismo at ilarawan ang bawat


isa.

1. Basilio 6. Benzayb

2. Simoun 7. Sandoval

3. Isagani 8. Kabesang Andang

4. Juli 9. Don Custodio

5. Kabesang Tales 10. Hermana Penchang

V. MGA PUNA

VI. PANGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aaral na


nagangailangan ng iba pang gawain para
sa remedyasyon

C. Nakatulong ba ang remedyal? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa Remedyasyon

E. Alin sa mga estratehiya sa pagtuturo na


nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


masosolusyonan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo na aking


nadibuho ang nais kong ibahagi sa mga
kapuwa ko guro?

You might also like