Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Pamagat ng Pananaliksik:

Pagsusuri sa Kalagayan ng Maagang Pagbubuntis (Teenage Pregnancy) ng mga Kababaihan

sa Barangay. Bahay Toro

Pangunahing Layunin:

 Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang kalagayan o sitwasyon ng

maagang pagbubuntis ng mga kababaihan sa Brgy. Bahay Toro.

Mga Tiyak na Layunin:

 Alamin ang kahulugan ng maagang pagbubuntis (teenage pregnancy) para sa mga

kabataan

 Alamin ang kahulugan ng maagang pagbubuntis (teenage pregnancy) para sa mga

eksperto

 Alamin ang dahilan at epekto ng maagang pagbubuntis

 Alamin ang demograpiya ng mga kabataan na nakaranas ng maagang pagbubuntis

 Alamin ang bilang o datos ng mga kabataan na nakaranas ng maagang pagbubuntis

 Alamin ang datos o bilang ng mga kabataan na nakaranas ng maagang pagbubuntis

bago magkaroon ng pandemya at habang may pandemya

 Alamin ang mga programang inihanda ng lokal na pamahalaan upang maagapan o

malabanan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga maagang nagbubuntis.

 Alamin kung ano pa ang mga magagawa upang malabanan ang isyu patungkol sa

maagang pagbubuntis ayon sa mga eksperto.

Paglalarawan sa Metodolohiya ng Pananaliksik:

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiyang

pananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng “Descriptive Survey Reseach Design”

na gumagamit ng talatanungan (Survey Questionnaire) para makalikom ng mga datos.

Ito ang napaili ng mga mananaliksik bilang disenyo ng pananaliksik dahil sa

pamamagitan nito ay malalaman ang opinyon ng mga kabataan at eksperto patungkol

sa maagang pagbubuntis. Ito ay nababagay sa pagaaral na ito upang mas mapadali ang

pangangalap ng datos ng mga respondente.

B. Instrumento sa Pagkuha ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kwantitatibong pananaliksik kaya gagamit

ang mga mananaliksik ng sarbey at interbyu upang makakalap ng mga datos at

impormasyon upang malaman ang bilang ng mga kabataan na nakaranas ng maagang

pagbubuntis sa Barangay. Bahay Toro bago magkaroon at habang may pandemya.

Gagamitin ang nakalap na datos upang malaman kung gaano kalala ang mga

naapektuhan at ilang porsyento ang itinaas ng bilang ng mga kabataan na nakaranas ng

maagang pagbubuntis. Magagamit din ang datos na ito sa pagbuo ng maaring programa

na magiging solusyon ng lokal na pamahalaan upang malabanan ang patuloy na

pagtaas ng bilang ng mga kabataan na maagang nabuntis.

C. Paraan ng Pagsasaayos ng Datos

Sa pag-aaral na ito ay gumamit ang mga mananaliksik ng Frequency at

Percentage upang mailarawan ang mga datos na aming nakalap ng mga mananaliksik

dahil ang frequency ay ang pagbibilang sa mga sagot sa bawat tanong. Ang percentage

naman ay upang malaman ang porsyento ng demograpiya ng mga kabataan tulad ng

edad, anong antas ng pagaaral, may karelasyon o wala, at magagamit din ito upang

malaman ang porsyento o bilang ng mga kabataan na maaga nabunti bago magka

pandemya at habang may pandemya. Mabisa itong paraan upang maipresenta at

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
mailarawan ng maayos ang mga nakalap na datos mula sa mga respondente lalo na

kung ang uri ng sarbey-kwestyoneyr o interbyu. Nakokompyut ang percentage sa

pamamagitan ng pormyula na:

F
P= x 100
n

Kung saan:

P = Percentage o Porsyento

F = Kabuuang bilang ng mga respondente (frequency)

n = Kabuuang bilang ng populasyon sa barangay

Kaugnay na Literatura:

Ayon kay Barros (2021) Ang usapin sa maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa

iba’t-ibang parte, hindi lang ng ating bansa, maging ng mundo. Sa ngayon, tayo ay nahaharap

sa masaklap na katotothanang, sa napaka-murang edad pa lamang, marami na sa mga batang

kababaihan ang mayroon nang sariling anak. Ayon sa pag-aaral, dito sa Pilipinas, sa

isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong

kababaihang may edad 15 hanggang 24 ang sexually active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa

katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, 7 percent ng mga kabataang sexally active ay hindi

gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad magbuntis ang babae o

magkaanak.

Base naman sa report na inilabas ng World Health Organization (2020), 20 percent ng

mga kababaihang Pilipino ay nabubuntis sa edad pa lamang ng 19 anyos o pababa. Kaugnay

pa nito, binubuo ng 30 porsiyento ang mga batang ina. Napakaraming mga maaaring maging

dahilan kung bakit nangyayari ito. Nangunguna na sa mga kadahilanang iyan ang teknolohiya.

Marami sa mga kabataan ngayon ang exposed na exposed sa social media ati ba’t-iba pang

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
mga websites na hindi Malaya nilang nabubuksan at nababasa ang kabuuan at lahat ng

nilalaman mula sa teksto hanggang sa mga photos at videos. Kadalasan, ang mga content na

ito ay nagtataglay ng pornograpiyang nakapaghihikayat sa mga teenagers na maging mapusok

at sumubok sa premarital sex.

Sa inilabas na artikulo ng ABS-CBN News, ayon sa datos ng Commission on

Population and Development o POPCOM (2020), lumalabas na nadagdagan ng 63

porsiyento ang bilang ng mga nabubuntis mula edad 10 hanggang 14 anyos magmula taong

2011 hanggang 2018. Ito umano ay sa kabila ng pagbawas ng insidente ng teenage pregnancy

sa bansa. Mahalagang manggaling kasi sa magulang ang mga natutunan ng anak tungkol sa

sexual education.

Ayon kay Gatchalian (2020), kung pagbabatayan ang mga nagdaang kalamidad at

sakuna sa bansa at ibang bansa, isa sa nakikitang epekto nito ay ang pagtaas ng kaso ng

teenage pregnancy. Inihalimbawa pa ng senador ang Eastern Visayas matapos ang bagyong

Yolanda noong 2013, lumalabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-

National Research Council of the Philippines o DOST-NRCP na halos 23.5% ng mga

kababaihang teenager ang nabuntis noong panahong iyon. Samantalang 14.8% naman ng mga

batang inang nanganak ang muling nabuntis nang sumunod na taon.

Ayon pa sa datos ng Philippine Statistics Authority (2017), 200,000 Pilipinong

teenager ang nabubuntis taon-taon mula 2011 hanggang 2015. Katumbas nito ay isang milyon

sa loob ng limang taon. Ayon sa PopCom, nakababahala ito dahil magiging pabigat umano ang

sitwasyon sa ekonomiya ng bansa. Sa katunayan, sa pag-aaral ng United Nations Population

Fund, higit P33 bilyon ang maaaring mawawalang kita sa mga pamilyang Pilipino, at pati na sa

kalakal ng bansa kapag ang pinuno ng tahanan ay isang menor de edad. Pero naniniwala ang

PopCom, hindi porke't nabuntis nang maaga ay magiging habambuhay nang pasanin sa

lipunan. Kaya isinusulong ng ahensiya sa Kongreso na maipasa ang "Teen Pregnancy

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
Prevention Law" na tutulong sa mga batang ina na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Kung sakaling maisabatas, magkakaroon ng komprehensibong programa para tulungan ang

mga batang ina. Puwede na rin silang bumalik sa pag-aaral o 'di naman kaya'y magsimula ng

negosyo, dagdag ng ahensiya.

Kaugnay na Pananaliksik:

Ayon sa isinagawang pagaaral ni Padernilla (2017) Malaking bilang ng mga kabataan

na ang nahihilig sa pakikipagtalik. Ang premarital sex ay isa na sa problema ng ating bansa.

Ipinanukala ng mga may posisyon sa gobyerno gaya ng pagbibigay impormasyon at babala

patungkol sa maagang pagbubuntis sa mga mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan. ito

ay naipanukala dahil sa tumitinding pagtaas ng populasyon at mga krimeng may kinalaman sa

seks gaya ng rape, teenage pregnancy, at mga sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng

pakikipagtalik.

Ayon sa resultang nakuha ni Villamer (2018) sa kanyang pagaaral, Halos lahat ng

nabubuntis na kabataan sa edad na 17 hanggag hayskul lamang ang natapos. Sa mga

impormasyong nakuha tungkol sa pag-aaral ng mga dalagang ina, marami ang huminto sa pag

aaral dahil sa kanilang sitwasyon at dahil na rin sa pagkaranas ng diskriminasyon sa paaralan.

Dumarating sa kanilang isipan na ipalaglag ang bata dahil sa nasabing sitwasyon. Sa

kalagayang sosyal naman ng mga dalagang ina, marami ang hindi Masaya sa kasalukuyang

sitwasyon, dahil sa nararanasan nilang diskriminasyon sa pamilya, mga kaibigan, mga tao, at

ng lipunan. Kung kinabukasan naman ang pag uusapan, maraming mga pangarap ang hindi

natupad at mas naging mahirap ang buhay. Pero gayunpaman, lahat ng mga dalagang ina ay

panatag na magandang kinabukasan ang anak. Tungkol naman sa kalusugan, halos lahat sa

mga dalagang ina ang nakakaranas ng maayos na pagbubuntis, naging malusog ang sanggol,

at naging maayos ang pangangatawan habang nagbubuntis. Nasabi rin nila na bibigyan nila ng

sapat na nutrisyon ang kanilang anak. At dahil sa mga resultang nakita, ang mga mananaliksik

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
ngayon ay nakahinuha na ang maagang pagbubuntis ay higit na nagdudulot ng masamang

epekto lalo na sa pag-aaral, kalagayang sosyal, kinabukasan at kalusugang ng mga dalagang

ina. Maraming mga pangarap ang naglaho, bumaba ang pagtingin ng lipunan at maging ang

sariling pamilya sa karagdagan, ang mga mananaliksik ay nagbibigay na ang teenage

pregnancy ay dapat bigyang pansin o nagangailangan ng atensyon at gabay mula sa mga

magulang at pati na rin ng lipunan maari itong magbigay ng kapahamakan sa sarili, sa lipunan

at maaaririn ito bigyan ng mantas ang magandang pangalan n gating bansa.

Ayon sa pag-aaral ni Garcia (2016) Ang populasyon sa Pilipinas ay malaki ang itinataas

na porsyento kada taon at malaki ang parte na ginagampanan ng mga kabataan dito dahil sa

maaga nilang pagiging sangkot sa pakikipagtalik na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis.

Ang media, emotional blackmail, pangaabuso ng mga kalalakihan pakikipag relasyon ng maaga

o labis na pag-ibig ng wala pa sa tamang edad, kapabayaan ng magulang at kawalan ng

kaalaman ng mga kabataan sa mga bagay bagay na humahantong sa kuryosidad ang mga

nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis. Ang maagang pagbubuntis ay maaaring magresulta

sa maraming bagay na nakaaapekto sa buhay ng kabataang nakaranas nito. Maaaring

masugpo ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa pagtutulungan mismo ng mga

kabataan at kanilang mga magulang, at sa mga programang ipinapanukala ng gobyerno at

Kagawaran ng Kalusugan

Ayon kay Borcena (2013), Ang pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan kabilang na

ang pagprotekta sa kanyang reproductive health at kapangyarihan sa tahanan sa pamamagitan

ng pagpaplano ng pamilya ay isang mahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Sa

pananaliksik, matagpuan na magkakaiba ang dahilan ng pag-aasawa sa murang edad ng mga

kababaihan at ito ay dulot ng kani-kanilang natatanging karanasan. Napag-alaman din sa pag-

aaral na ang proseso ng paggawa ng desisyon ng mga kababaihan ay iba-iba at nababatay sa

iba't-ibang salik tulad ng uri, antas ng edukasyong natamo, pagkakaroon o kawalan ng kita at

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
relasyon sa ibang tao. Napatunayan sa pananaliksik na ang katangian ng mga babaeng

maagang nagasawa ay maaaring magdulot ng iba-ibang epekto sa kanilang paggawa ng

desisyon sa pagpaplano ng pamilya tulad ng pagiging sagabal o pagsulong. Ang pananaliksik

ay tinatanaw na isang ambag para sa karagdagang kaalaman sa pagsasakapangyarihan ng

mga kababaihan sa pamamagitan ng pagpaplano ng pamilya.

Ang pagbubuntis at panganganak sa ng mga kabataan ay nauugnay sa mas mataas na

peligro ng mas mahirap na kalusugan at kagalingan para sa parehong ina at sanggol, posibleng

sumasalamin ng mga salik na pang-ekonomiya at ekonomiya na nauna sa maagang

pagbubuntis at panganganak. Mayroong maliit na katibayan tungkol sa epekto ng pagiging

teenager na pagiging ama sa kalusugan at mga hinaharap na pag-aaral ay dapat na siyasatin

ito. Ang epekto sa lipunan ay isang pagpapatuloy ng lumalawak na puwang sa kalusugan at

hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ang mga interbensyon sa kalusugan ng publiko ay

dapat na hangarin na makilala ang mga tinedyer na mahina laban at suportahan ang mga

buntis na may mga interbensyon batay sa ebidensya tulad ng mga teenage antenatal na klinika

at pag-access sa mga pagkukusa na nagbibigay ng suporta para sa maagang pagiging

magulang. (Paranjothy et al., 2009).

Talaan ng Sanggunian

https://buntis.info/maagang-pagbubuntis/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/06/18/2021631/teenage-pregnancy-

lolobo-sa-gitna-ng-pandemic

https://news.abs-cbn.com/news/02/19/20/tiwala-sa-anak-mahalaga-para-maagang-pagbubuntis-

maiwasan

https://rh-care.info/paano-ba-mapipigilan-ang-maagang-pagbubuntis/

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
https://news.abs-cbn.com/news/10/03/17/paglobo-ng-bilang-ng-mga-batang-ina-pabigat-sa-

ekonomiya

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/726028/more-girls-aged-10-14-get-pregnant-in-

the-philippines-popcom/story/

https://psa.gov.ph/tags/teenage-pregnancy

https://www.pna.gov.ph/articles/1116071#:~:text=MANILA%20%2D%2D%20The

%20Commission%20on,old%20give%20birth%20every%20week.&text=If%20the%20rate%20of

%20growth,of%202020%2C%22%20it%20said.

https://www.academia.edu/31298264/_EPEKTO_NG_MAAGANG_PAGBUBUNTIS_EDAD_15_

19_Isang_Pananaliksik_na_Iniharap_Kay

https://www.coursehero.com/file/52001786/EPEKTO-NG-MAAGANG-PAGBUBUNTIS-EDAD-

15docx/

https://www.academia.edu/23694847/Research_paper_in_filipino?auto=download

https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Isang-Pag-Aaral-Tunkol-Sa-Mga-Kabataang-

Sangkot-Sa-Maagang-Pagbubuntis/41170

http://dspace.cas.upm.edu.ph/xmlui/handle/123456789/532

https://adc.bmj.com/content/94/3/239.short

This study source was downloaded by 100000827077068 from CourseHero.com on 05-04-2022 20:30:33 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86158002/Konseptong-Papel-Teenage-Pregnancydocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like