M2 - El Fili

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GRADE 10

IKAAPAT NA MARKAHAN
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC) –Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa
akda sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangyayari,pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa tagpuan at
pagtukoy sa wakas.
MODYUL 2 : (WEEK 2)
Kasanayang Pampagkatuto:
● Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinhagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela.
● Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat(baybay,bantas at iba pa.) gayundin ang wastong pag-
uugnay ng mga pangungusap.

Ang mga pangyayari sa lipunan at sa personal na bayaning si Jose Rizal mula pagkabata hanggang sa
kanyang pagtanda ay malinaw na makikita sa unang sampung kabanata ng akda.
Kaagad na mapupuna ang pagiging tahas at mabagsik ng karakter ng mayaman at tila-Europeongmag-
aalahas sa simula pa lamang ng nobela.Siya si Simoun,ang tagapayo ng Kapitan Heneral kaya may impluwensya
sa pamahalalaan,Nakasuot siya ng salaaming de-kolor ,magaspang ang ugali at mabagsik ang anyo.

Himagsik ng katauhan at Kapangyarihan ng Sariling Pagbabangon


(Kabanata 1-x)
Nagsimula ang nobela sa paglalarawan sa panahon at kondisyon ng isang barkong kung tawagin ay Bapor
Tabo. Isang umaga ng Disiyembre, lulan ang maraming pasaherong patungo sa lalawigan ng Laguna, naghihirap na
bumabangga sa paliko-likong daloy ng Ilog Pasig ang bapor na halos hugis ng isang tabo na siya Ang pinaghanguan ng
pangalan nito. Mabagal ang takbo nito na nakapagdagdag sa angking tikas na animo isang maharlika. Sa kabila noon, hindi
maitatago ang katotohanang lubhang marusing na ang nasabing bapor. Hindi na kayang takpan ang dumi nito ng puting
pinturang paminsan-minsang ikinukulapol dito upang ipagmalaki ang balatkayong pag-unlad. 
Nahahati sa dalawang kubyerta ang Bapor Tabo. Kabilang sa mga pasaher lulan ng itaas na kubyerta ang
pinaglipasan na ng panahong Kapitan ng bansa Bagama't matanda na, lakikitaan pa rin siya ng angking tikas at
pagkamagili Ipinakilala rin si Donya Victorina, ang mapanlait na ginang, na nag-iisang babae nakaupo sa piling ng mga
Europeo. Taglay ng Pilipinang ito na nagpupumilit maging Europeo, ang mga ugaling kinasusuklaman ng karamihan.
Madalas siya s mararangal na pagtitipon. Ang katotohanan ay pinagtitiisan lamang siya dahil kaniyang napakaganda't
napakayamang pamangking si Paulita Gomez. Ulila na sa Paulita kaya naiwan sa pangangalaga ng tiyahin. Naroon din
ang tatlong prayleng sina Padre Irene, Padre Camorra, at Padre Sibyla. Kabilang sa mga hanay ng tauhang ito sina Don
Custodio, ang tagapanukala ng mga batas na payapang natutulog sa mga sandaling iyon Kabilang din doon ang hambog
na manunulat na si Ben Zayb, na naniniwalang nag-iisip ang Maynila dahil siya ay nag-iisip. At si Simoun, ang
mayamang alaherong sinasabing katiwala ng Kapitan Heneral. 
Inilahad ang suliranin sa unang kabanata na naging dahilan ng pagsiklab ng mga pagtatalo ng mga pasahero sa
itaas na kubyerta. Ito ang mabagal na paglalakbay ng bapor dahil sa mga problema ng lawa. Nagbigay ng kani-kanilang
solusyon at sariling pananaw ang kapita-pitagang mga pasahero. Higit na naging mainit ang naging pagtatalo sa pagitan
nina Simoun at Don Custodio na ikinapikon ng huli. Nagtapos ang pagtatalong ito sa pagtalikod ni Simoun patungo sa
ibaba ng kubyerta. Hindi niya inalintana ang nasaling na mga damdamin at nagsumiklab na galit dahil sa pangahas at
matalim niyang dila. 
Kaibang-kaiba ang mga tagpo sa ibaba ng kubyerta. Karamihan ng mga pasahero dito ay mga Indio, Intsik, at
mestiso. Kapansin-pansin ang kahabag-habag na kalagayan ng mga naroon dala ng matinding init. Maingay roon dahil sa
mga pasahero at ugong ng makina ng bapor. Siksikan at masangsang ang amoy dulot ng magkahalong amoy ng langis at
ng tao.
Nasa ibaba ng kubyerta ang ilan sa mga tauhang marapat kilalanin tulad ni Kapitan. Isa siyang mayamang ginoo
na bagaman may gulang na ay magilas pa rin at tuwid na tuwid ang tindig. Kausap niya ang dalawang mag-aaral na sa
hap! makisali sa umpukan ng mga binatilyong mag-aaral ay mas piniling pene dulong bahagi ng bapor at makipag-usap sa
kaniya. Isa rito si Basilio, no medisina at kasalukuyang nangangalaga sa kalusugan ni Kapitan llys.no na mas bata ay si
Isagani, kasintahan ni Paulita, isang makatang buhat sa Hindi siya palakibo at karaniwang ayaw makipag-usap.
Pamangkin siya Florentino, isang marangal na paring Pilipino
.  Ang paksa ng kanilang pag-uusap ay tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Inilalakad ito ng mga kabataan na
hindi pa man natutuloy ay marami nang tumututol. Inilahad ni Isagani ang kanilang isinagawang paghahanda ukol dito na
aniya ay hinihintay na lamang ang pasiya ng Kapitan Heneral. Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap tungkol kay Donya
Victorina at ang paghahanap nito sa asawang si Don Tiburcio nang bumaba si Simoun at nakisali sa umpukan. Mayamaya
pa'y nauwi ang usapan sa pagpapalitan ng kuro ukol sa tubig at apoy. Mahahalatang ang kagaspangan ng pagsasalita ni
Simoun ay isa sa mga dahilan ng pagkailang at pagkainis ng kaniyang mga kausap. Tulad ng nangyari sa itaas, walang
pakialam na nilisan ni Simoun ang magkaibigan. 
Sa itaas ng kubyerta habang tumatakbo ang bapor, napag-usapan nila ang mga at Pilipinas. Isinalaysay ng Kapitan
ang alamat tungkol sa Malapad na Bato. rin ni Padre Florentino kay Padre Salvi ang alamat ni Donya Geronima 
an Nicolas kay Padre Salvi. Binalikan ng Kapitan ang tungkol sa isang waring naganap labintatlong taon na ang
nakalilipas sa bahaging iyon ng aniya, namatay ang isang lalaking nagngangalang Ibarra. Naging dahilan iyon ng kawalan
ng kibo ni Simoun. 
Ang mga sumunod na kabanata ay higit na nagpakilala sa mga tauhan Nagsalaysay ito ng kanilang mgakaranasan
at kapalaran sa kamay ng mga dayuhan at kapuwa Pilipino. Mapapansing binabalikan ang ilan sa mga tauhang minsan
nang nakatagpo sa unang bahagi ng kasaysayang ito.Tulad ni Kabesang Tales.anak ng matandang mangangahoy na si
Tandang Selo.Inilahad ang pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya ni Telesforo o Tales mula sa paglinang ng isang piraso ng
lupa sa hangganan ng gubat sa tulong ng ama,asawa at anak.
Sa paghawan ng lupa, dinapuan ng karamdaman ang mag-anak na nagine dahilan upang mamatay ang kaniyang asawa at
panganay na anak na si Lucia. Hindi nagpatinag sa pagsubok si Tales. Nang magbubunga na ang kasipagan niya, mav
korporasiyon ng mga pari na umaangkin sa lupang sinasaka niya. Nagkasundo na lamang sila magbabayad si Tales ng
taunang upa na noong una ay maliit lamang Nagpasensiya at sumunod si Tales upang maiwasan ang gulo sa payo na rin
ng amang si Tata Selo. Naging masagana ang ani ng mag-anak. Nakapagpatayo siya ng bahay at binalak na pag-aralin ang
kaniyang mga anak. Ngunit hindi umayon sa kanila ang kapalaran. Dahil sa pag-unlad ng kanilang buhay, hinirang siyang
cabesa. de barangay. Ang baryang upa noon ay lumaki nang lumaki hanggang sa hindi na kayanin ng kawawang
magsasaka. 
Hindi na niya kayang magparaya. Tinangka niyang ilaban sa korte ang kaso ng lupa. Itinaya niya ang lahat ng
kaniyang mga naipon para ipambayad sa mga abogado. Binakuran at binantayan niya ang lupa sa mga nagtatangkang
mang-agaw. Dumaan siya sa butas ng karayom sa pakikipaglaban. Ngunit hindi pa man natatapos ang mga kaganapang
ito, mga panibagong dagok ang tila humahabol sa pamilya. Ipinatawag ng hukbo si Tano, panganay na anak na lalaki ni
Tales upang maging guwardiya sibil. Dinakip naman si Tales ng mga tulisang Pilipino at ipinatutubos sa halagang
limandaang piso. Walang ibang magawa at malapitan, nagpasiya ang bunsong anak na babae, si Juli, na mamasukang alila
para matubos ang ama. Naging, amo niya ang isang matandang babaeng deboto sa simbahan. Wala na silang mga ari-arian
na maaring ipagbili kaya mas pinili niyang magpaalipin kaysa ibenta ang relikaryong ibinigay ni Basilio sa kaniya.
Matatandaang ito ang relikaryong ibinigay noon ni Maria Clara sa isang ketongin. Ibinayad naman ito ng ketongin kay
Basilio matapos pagalingin ang kaniyang sakit. Ngayon ang relikaryo'y nasa kamay na ni Jull. 
Samantala, sa pagbabalik ni Basilio sa bayan ng San Diego, muling nanariwa sa kaniyang alaala ang kahapong
matuling lumipas, labintatlong taon na ang nakararaan. Dalawang ulit na napatigil ang paglalakbay niya. Hinuli at
malamang na mapiit pa ang kutsero ng sinakyan niyang karitela. Nagpasiya siyang Dunia at maglakad patungo sa bahay
ni Kapitan Tiyago. Inalam niya ang kala matanda mula sa katiwala at nakibalita sa mga kaganapan sa bayan. nabatid ang
pagkadukot ng mga tulisan kay Kabesang Tales. Nawalan" sa pagkain dahil sa nasagap na balita. 
Sa magkatulad na panahon at lugar, binalikan ni Basilio ang nakaraan. Bisperas ng Pasko at sa kagubatang
pagmamay-ari noon ng mga Ibarra. Inilahad ang kasaysayan ng batang anak ni Sisa na ngayo'y binatang anak-anakan ni
Kapitan Tivago. Nanalangin siya sa isang bunton ng bato kung saan nakalibing ang kaniyang Ina. Ganitong oras din noon
nang bawian ng buhay ang inang tigib ng takot at pagkahibang. Isang lalaking hindi niya kilala ang dumating at nag-utos
na kumuha siya ng mga panggatong. Nang magbalik, natagpuan niya ang isa pang lalaking wala ng buhay. Nagtulong
silang sunugin ang bangkay ng lalaking kasama nito. Naghukay ang mahiwagang lalaki ng mapaglilibingan ng kaniyang
ina at inutusan siyang tumakas matapos abutan ng ilang salapi. 
Walang magulang at kapatid, nagpalaboy-laboy ang batang si Basilio. Naghanap siya ng matutuluyan at
mapagsisilbihang mayamang pamilya sa Maynila. Ngunit dahil payat, bata pa at mukhang sakitin, walang tumanggap sa
kaniya hanggang sa matanaw niya ang pamilyar na mukha ni Kapitan Tiyago. Tinanggap siya nito bilang utusan, walang
bayad ngunit makakapag-aral siya nang libre sa San Juan de Letran. Hindi niya sinayang ang pagkakataon. Pinagbuti niya
ang pag-aaral kahit pa sabihing hindi naging madali sa kaniya ang makibagay sa mga kaklase at propes na ang tingin sa
kaniya ay basura. Matalinong mag-aaral si Basilio. Sa kabila ng lahat ng pang-aalipusta at panghahamak, nagtapos siya ng
medisina sa Ateneo at nahirang pang bumigkas ng talumpati sa pagtatapos.Binalak niyang umuwi sa kanyang bayan
upang doon manilbihan bilang doktor. Ibig niyang mamuhay nang kaniyang bayan upang doon manilbihan bilang doktor.
Ibig niyang tahimik at maligaya kasama ang kasintahang si Juliana o Juli. 
Nagsadya rin si Simoun sa kagubatan nang oras ding iyon at nabunya ng mag aalahas. Nagpakilala siya kay
Basilio na noong una'y tinangka nivar upang mapanatili ang lihim ng kaniyang pagkatao. Tama ang hinala ni Bad taong
ito at ang lalaking tumulong sa kaniya sa paghuhukay ng libingan ng Ina ay lisa. Nagsalaysay si Simoun ng mga
pinagdaanan. Ayon sa kaniya, naglih sa buong mundo upang magpayaman at tumuklas ng karunungan. Nagbalik bayan
hindi upang ituloy ang nasimulang hangaring tumulong. Sa halip, ibig ni maghiganti gamit ang kaniyang mga ginto at
nagbalatkayong alahero. Hindi noon, nakita ngayon ni Basilio ang kakaibang galit at poot sa mga mata ng lalake iyon.
Hinimok siya ni Simoun na makipagtulungan sa planong paghihigantin tumanggi ang binata. Para kay Basilio, sapat na
ang maglingkod at magpada ng maysakit. Umalis siya sa kagubatan. Naiwan si Simoun na pinaglilimian ang pangyayari. 
Sa muling pagbubukas ng panibagong araw, nagpatuloy ang mga kalban nina Jull, Tata Selo, at ng sawimpalad na
si Tales. Sa araw mismo ng kapaskuhan aalis ang dalagang si Juli kahit tutol ang kaniyang Lolo Selo. Walang magawa
ang matanda kundi magpatianod na lamang sa mga pangyayari. Maagang gumising ang dalaga, umasa sa himala ng Mahal
na Birhen ngunit nabigo. Inaliw na laman niya ang sarili sa pagbibiro sa kaniyang lolo na isipin na lamang na siya ay
mag-aard sa isang kolehiyo. Doon nagsimulang mamuo ang kaniyang luha. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang tampipi
at nagmamadaling pumanaog sa tahanang saksi se paglalaho ng kaniyang pangarap. Naiwan si Tandang Selo,
nakadungaw sa bintana at tinatanaw ang mga taong bihis na bihis kasama ang kanilang mga anak. Inakal niyang magiging
masaya ang araw ng Pasko subalit naging bangungot pala part sa kaniyang pamilya. Nakita niya ang pagdaraan ng mga
kaibigan at kamag-anak Nang tangkain niyang batiin ang mga kamag-anakang dumaraan, walang lumaba na salita sa mga
labi ni Tata Selo kundi mga malalabong tunog. Nabigla ang lan Napipi ang kaawa-awang matanda! 
Mabilis na kumalat ang balitang napipi ang matanda. May ilang nam habang nagkibit-balikat ang iba. Walang
ibang maaaring sisihin. Hindi mana natigatig ang guwardiya sibil, ang bagong asendero o maging si Padre Siya ang paring
naging dahilan ng pagkakasamsam ng mga sandale kaya't nadakip ito ng mga tulisan. Maging si Hermana Penchang nam
ng kakulangang pantubos kay Juli kapalit ng pagpapaalipin nito ay hindi nabagabag. Parusa raw ito kay Juli dahil lubhang
makasalanan ang dalaga.Nang malaman niyang umuwi si Basilio upang kunin ang ipon nito at upang matubos si Juli 
ay lalo siyang nagngitngit. Sa kabila ng mga pangyayari, nakuha pang magdiwang ing korporasiyon ng mga pari.
Sinamantala nila ang pagkakadukot kay Tales upang malpanalo ang usapin ukol sa lupa. Nang umuwi si Tales,
malulungkot na balita ang humungad sa kaniya. Napipi ang kaniyang ama, Isinangla ng anak ang sarili bilang Callpin at
may mahigpit na pag-uutos na lisanin nila ang tahanan sa loob ng tatlong Laraw. Maghapon siyang hindi kumibo at naupo
na lamang sa tabi ng arna.
Kinabukasan, isang panibagong balita ang kumalat sa nayon na ikinabigla ng marami. Hiniling ng alaherong si
Simoun na makituloy sa bahay ni Kabesang Tales kahit na ilang araw na lamang ay nakatakda na nitong lisanin ang
sariling bahay. Dala ni Simoun ang lahat ng pangangailangan mula pagkain hanggang sa mga utusan. Ang tanging nais
lamang niya ay lugar na matutuluyan nang isang araw at isang gabi. Ang bahay ni Tales ay pinakamainam sa buong
nayon. Nasa pagitan 
ito ng San Diego at Tiani at inaasahan ni Simoun na maraming dadagsa rito upang mamili ng mga alahas. 
Gayon nga ang nangyari ,dumagsa ang mga mamimili ng alahas at lubhang naakit sa mga dala ni Simoun
mga dala ni Simoun. Naroroon si Kapitan Basilio at pamilya nito, maging s Hermana Penchang na hindi isinama si Juli
upang magsaulo ng isang munting aklat dasalan. Marami pang dumating na mga taong handang gugulin ang ipon uparing
makabili ng mga alahas at makadaupang palad ang makapangyarihang Simoun. Ang ilan ay naroon upang ipagbili ang
kanilang mga lumang alahas sa mayamang abahero. Tinanong ni Simoun kung may nais ipagbili si Tales. Naisip niyang
pagbili ang relikaryo ni Maria Clara na nasa pangangalaga ng kaniyang anak na si Jul. Nagustuhan naman ito ni Simoun at
tinuringan ng malaking halagang maaaring magligtas sa pamilya ni Tales. Ngunit sa pangongonsensiya ni Hermana
Penchang dahil sa takot na matubos ng ama si Juli, napigil ni Tales ang sarili. Sinabi niyang ipagpapaalam muna ito sa
anak at babalik bago gumabi. Agad na umalis s Tales patungo sa anak. Sa paglalakad, natanaw niya ang mga kumamkam
ng kaniyang lupain sa di-kalayuan. Nagtatawanan habang nililibot nila ang kaniyang taniman. Waring nakalimutan ang
balak, nagtungo siya sa kinaroroonan ng mga ito. Kinaumagahan, isang sulat ang nagisnan ni Simoun. Hum ihingi ng
paumanhin si Tales sa pagnanakaw nito ng rebolber ng mag-aalahas sa sariling tahanan. Sinabi niyang sumanib na siya sa
mga tulisan. Iniwan niya bilang kapalit ang relikaryong ibig bilhin ni Simoun. Kinagabihan, tatlong malagim na pagpatay
ang naganap sa hanggahan ng bukirin ni Tales. At dahil hindi natagpuan ang kabesa sa t ahanan nito para hulihin, ang
amang si Selo ang dinakip ng mga guwardya sibil.

Gawain 1.
A Sagutin ang sumusunod...

1. TAGPUAN...Tukuyin ang tatlong tagpuang ginamit sa binasang buod ng unang sampung kabanata ng nobela.Pumili ng
isa at isulat ito sa patlang.Sa kabilang pahina iguhit naman ang anyo nito batay sa mga paglalarawan at kulayan.
a.Tagpuan 1:____________________________________________________________________________
b.Tagouan 2:____________________________________________________________________________
c.Tagpuan 3:____________________________________________________________________________

Piniling tagpuan

2.TAUHAN..Ilarawan ang mga tauhang ipinakilala sa kabanata.Tukuyin ang kanilan mga katangian at kaugnayan sa iba
pang tauhan kung mayroon.
1.Simoun________________________________________________________________________________________
__
2.Kapitan ng
Bapor__________________________________________________________________________________
3.Donya
Victorina___________________________________________________________________________________
4.BenZayb_______________________________________________________________________________________
__
5Don
Custodio._____________________________________________________________________________________
6.Isagani_________________________________________________________________________________________
_
7.Kabesang
Tales___________________________________________________________________________________
8Tata
Selo.________________________________________________________________________________________
9.Hemana Penchang________________________________________________________________________________
10.Padre
Florentino_________________________________________________________________________________

3.Ilarawan ang pagkakaugnay ng mga buhay ng alaherong si Simoun at ng doctor na si Basilio labintatlong taon na ang
nakalipas.
4.Ano sa iyong palagay ang tunay na layumin ni Simoun sa pakikituloy sa bahay ni Kabesang Tales gayong alam niya ang
mga kasawiang dinaranas nito.Ipaliwanag.
5.Tukuyin at ipaliwanag ang isyung panlipunan sa kasalukuyan na maaaring iugnay sa buhay ng mga tauhang binanggit sa
kabanata.Sa titik C malayang makakapili ng ibang tauhang nais na talakayin

a.Kabesang Tales: Isyung panlipunan:____________________________________

Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

b.Basilio: Isyung panlipunan:____________________________________

Paliwanag:
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

c.__________: Isyung panlipunan:___________________________________

Paliwanag:
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Mga Mekaniks sa Pagsulat


Isang pangangailangan ang kasanayan at kahusayan sa komunikasyong pasulat pagbubuod ng isang artikulo o
kabanata. Dahil dito, mahalagang balik wan natin ang ibang mahahalagang mekaniks sa pagsulat. Pansinin na ang
mga karan iwang tuntunin ay hindi na babanggitin


A.Pagbabantas 
1.Gatlang(-) ginagamit ito:
a sa pagpapakita ng sakop ng bilang, petsa at oras. 
Halimbawa: 1887-1890
b. kung alam ang simula ngunit hindi tiyak kung hanggang kailan. 
Halimbawa: 1886-
c. pagpapakita ng biglang pagtigil at pagpokus ng pahayag sa dagdag na kaalaman
Halimbawa: Tunay na mahiwaga ang pagkatao ni Simoun - ang mag aalahas at katiwala ng Kapitan Heneral.
2. Panipi("") ginagamit ito sa: 
a tuwirang pahayag ng nagsasalita. 
Halimbawa: "Napatay ang isang binatang nagngangalang Crisostomo Ibarra sa lawang ito, labintatlong taon na ang
nakalilipas," salaysay ng Kapitan ng bapor. 

b.paghihiwalay ng salitang banyaga at pamagat ng isang kuwento na binabanggit sa pangungusap. 


Halimbawa: 
Dahil sa pag-unlad sa buhay, hinirang si Tales na "cabeza de barangay." 
Itinuturing na klasiko at dakilang obra maestra ni Dr. Jose Rizal ang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo." (Pansinin
m na ang bantas na tuldok (.) ay nasa loob ng panipi.) Kung encoded ang sulatin, tinatanggap din ang paggamit ng italics
sa halip na panipi. 
Halimbawa: 
Dahil sa pag-unlad sa buhay, hinirang si Tales na cabeza de barangay. Itinuturing na klasiko at dakilang obra maestra ni Dr.
Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
3.. Kuwit (,) ginagamit ito:
a. sa paghihiwalay ng 00 at HINDI sa iba pang salita sa pangungusap. 
Halimbawa: Oo, naging alipin ni Hermana Penchang si Juli
b. sa lipon ng salitang panuring o pamuno. 
Halimbawa: Si Donya Victorina, ang mapagkunwaring ginang, ay pinagpapasensiyahan lamang ng kaniyang mga kausap. 
 c. sa paghihiwalay ng tuwirang pahayag sa iba pang bahagi ng pangungusap.

. Halimbawa: Ayon kay Don Custodio, "Nag-iisip ang Maynila dahil nag-iisip ako."
4..Gitling ( - ) ginagamit ito:
a. sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama kapag may kinaltas kung hindi nagbabago ang kahulugan 
Halimbawa: kahoy sa gubat kahoy-gubat 
lakad at takbo lakad-takbo
b. kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, tatak ng isang bagay, sagisag at simbolo. Ang pangngalang pantangi ay
hindi dapat na mabago ang ispeling . 

Halimbawa: maka-Diyos mag-Espanyol

B. Pagbaybay ng Salitang Hiram (Mula sa: Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipinong Komisiyon
sa Wikang Filipino, Edisyong 2013)
1.Bagong Hiram na Salita. Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang
Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga
hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada.
Halimbawa, hindi dapat ibalik ang Fng orihinal na forma sa Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang "porma"
pati ang mga deribatibo nitong "pormal," "impormal," "pormalismo," "pormalidad," "depormidad," atbp. Hindi rin
dapat ibalik ang "pirma" sa firma, “bintana" sa ventana, ang "kalye" sa calle, ang "tseke" sa cheque, ang "pinya”
sa piña, ang "hamón" sa jamon, ang "eksistensiya" sa existencia, ang "sapatos" sa zapatos.
2. Lumang Salitang Espanyol. Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita malang Espanyol ang mga
nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa
Diksiyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban.
Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga
tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa "bakasyon" (vacacion),
"kabayo" (caballo), “kandila" (candela),"puwersa" (fuerza), "letson" (lechon), "lisensiya" (licencia), “sibuyas"
(cebolla+s), "silahis" (celaje+s), "sona" (zona), "komang" (manco), "kumusta" (como esta), "porke" (porque), at
libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray, at iba pang mga
wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Espanyol. 

3. Di-Binabagong Bagong Hiram. Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita
mulang Espanyol. Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang "futbol," "fertil," "fosil,"
"visa," "vertebra," " zorro," " zigzag." Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita mula Ingles ang
maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbabago sa ispeling, gaya ng "fern," "folder," "jam," "jar,"
"lével" (na hindi dapat bigkasing mabilis, gaya ng nag aakalang isa itong salitang Espanyol), 
"envoy," "develop," "ziggurat," at "zip."

C.Pag-ugnay-ugnay ng mga Pangungusap

Sa ano mang isusulat, dapat na laging isaisip ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap gayundin ng mga
talata. Isaalang-alang ang mga sumusunod: 
1.Ang lahat ng mga sulatin ay may tatlong bahagi: 
a.Simula. Tiyakin kaagad ang paksang pag-uusapan. Magbigay ng ideya kung ano ang maaaring asahan ng mga
mambabasa sa artikulong
b. Gitna. ilahad ang pangunahing kaisipan at mahahalagang impor masiyong sumusuporta rito. Iwasan ang
maligoy at paulit-ulit na mga ideya.. Buoin ang mga ideya at huwag lalayo sa paksang binanggit simula ng
c. Wakas. Lagunin ang nilalaman ng artikulong isiulat.Magbigay ng kaisipan o pahayag na hinihikayat sa mga
mambabasa na maging higit na mapag-isp.
2.Gumamit ng mga angkop na salita at pararila tulad ng mga pang-ugnay at iba pa,May mga tiyak na gamit ang
mga ito upang maipakita ang mga koneksiyon ng mga kaisipan.
a.Nagpapakita ng relasyon o koneksyon
Halimbawa:

Namatay raw si Crisostomo Ibarra;kung gayon sino ang lalaking tumulong kay Basilio sa paghuhukay ng libingan ng
kanyang ina.

Nabanggit ang pangalan ni Ibarra kaya namutla si Simoun.

b. Naglalahad ng oras o panahon 


Halimbawa: 

Paalis na si Basilio sa kagubatan nang may marinig siyang padating na mga yabag. Hindi pumayag sumama si Basilio kung kailan
handang-handa na sa paghihimagsik si Simoun
C. Nag-uugnay sa salitang naglalarawan at salitang inilalarawan 
(Paggamit ng mga katagang na at-ng)
Halimbawa: 
Nakukulapulan ng puting pintura ang Bapor Tabo upang makubli nito ang tunay na anyo. 

Prepared by: Checked and Approved by:

CHERYL B. GUILEB EROS B.


ESTRADA
Filipino Teacher Principal

JONH JONH M. LEYBAG


Filipino Teacher

You might also like