Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANANALIKSIK TUNGKOL SA EL FILIBUSTERISMO

I. INTRODUKSIYON
PANIMULA
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kanyang buong pusong inialay sa
tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos at Zamora. Ito
ang karugtong ng Noli Me Tangere kung saa’y bumalik ang pangunahing karaketer na si Ibarra
sa katauhan ni Simoun na isang mag-aalahas. Siya ay bumalik upang maghiganti sa mga taong
umapi sa kanya at sa pamahalaang lumapastangan sa kanilang bayan. Ang El Filibusterismo ay
ang sumunod na libro pagkatapos ng Noli me Tangere. Ito ay isang nobela na nagpapakita ng
kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ito ang ikalawang nobela na sinulat ni Jose
Rizal, ang ating pambansang bayani. Ang nobelang ito ay nagtatalakay sa mga problema ng mga
Pilipino sa nakaraan tulad ng pang-aabuso at diskriminasyon sa kamay ng mga Kastila. Nais
ipakita ni Rizal sa kanyang nobela ang matinding sakit sa lipunan at bakit nangangailangan ng
pagbabago ang bansa. Sa ganitong paraan nagsindi siya ng apoy sa puso ng bawat Pilipino at
tumulong sa pag-aangat ng bansang Pilipinas.

Nilalaman ng El Filibusterismo ang mga ideolohiya ni Jose Rizal kasama ang mga problema ng
lipunan. May kahalagahan pa ito kahit pagkalipas ng maraming taon dahil ang mga problema
noon ay nakikita pa rin sa kasalukuyan. Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at katiwalian ay
laganap pa rin sa lipunan. Ang mga nobela ni Rizal ay bahagi ng ating kultura bilang Pilipino.
Kasama sa mga ito ang ating kasaysayan bilang bayan. Dapat basahin ang El Filibusterismo para
matutunan natin kung paano nakamit ng Pilipinas ng kapayapan. Ang paniniwala ni Jose Rizal
ay ang kabataan ay ang makakagawa ng solusyon upang ipabuti ang bansa. Dapat basahin ito ng
kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan. Sila ang mga magiging bagong pinuno ng Pilipinas.
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng akda ni Rizal partikular na ang El Filibusterismo ay upang
bigyang pagpupugay ang ating pambansang bayani. Bigyang pansin ang kagitingang kanyang
ipinakita sa kabila ng mga ginawa sa atin ng mga mananakop.

Una sa lahat, ang nobela ni Rizal ang unang gumising sa mga natutulog na isipan ng mga
Pilipino, ito ang nagdilat sa mga mata ng ating kababayan sa kung ano talaga ang nangyayari sa
atin at sa inang bayan natin. Pangalawa, ang El Filibusterismo ay parte ng ating makulay na
kahapon, isa ang akdang ito sa nagpatingkad ng ating kasaysayan. Ito ang nagsilbing inspirasyon
at lakas sa ilan pa nating magigiting na bayani upang ipaglaban ang anuman na dapat ay para sa
atin. Pangatlo, may malaki itong ginampanan sa buhay ng bawat isang Pilipino, ang mga aral na
mapupulot dito ay maaari nating magamit hindi lamangngayon ngunit hanggang wakas ng ating
buhay na maaari pa nating maipasa sa mga susunod na henerasyon pang daraan. Napakaraming
aral ang maaari nating mapulot sa mga nobela ng ating bayani. Sa nobela niyang El
Filibusterismo, bagamat bunyag na sa titulo ang nais o patutunguhan ng kwento ay may
masasalamin pa rin tayong aral dito. Sa nobela nagbalik si Crisostomo Ibarra sa katauhan ni
Simoun na isang mayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapital Heneral. Ang aral na
nangingibabaw sa nobela ay ‘sa kabila ng mga kasalanan na ating nagawa sa katapus-tapusan ng
araw ay babalik pa rin ang loob natin sa Poong Lumikha’ napakaganda ng bawat tagpo sa nobela
kung hihimayin ang bawat paksa dito.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng baitang 10- pangkat STEP
Sylianco tungkol sa pag-aaral ng El Filibusterismo.

Makikita sa batayan ang pagkakalilanlan ng mga respondente, salik na maaaring makaapekto sa


pag-aaral ng El Filibusterismo at epekto nito sa magaaral. Makikita sa proseso ang isasagawang
sarbey na talatanungan sa baitang 10- pangkat STEP Sylianco.

Makikita sa kinalabasan ang mga pananaw , salik na nakaapekto at epekto ng pag-aaral ng


baitang 10- STEP Sylianco tungkol sa pag-aaral ng El filibusterismo. Mga gawaing kailangan
pang pagyabungin ng mga guro upang mas maging epektibo ang kanilang pagtuturo.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa guro, mag-aaral at sa mga mananaliksik:

 Guro. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga guro upang malaman nila ang salik at
epekto ng pag-aaral ng El Filibusterismo. Dito sila makakakuha ng ideya upang mas mapabuti o
mas maging maayos ang pamamaraan nila ng pagtuturo.
 Mag-aaral. Makakatulong ito sa mga mag-aaral sapagkat nabubuksan nila ang kanilang mga
isip sa mga bagay na maaaring makaapekto sa kanilang pamumuhay. Naiuugnay din nila ang
mga pangyayari dito sa pangkasalukuyang kaganapan sa ating lipunan.
 Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga susunod na mananaliksik
na may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

SAKLAW AT LIMITASYON O ISKOP AT DELIMITASYON

Nakatuon ang pag-aaral na sa ibat-ibang pananaw ng Baitang-10 pangkat Sylianco sa pag-aaral


ng El Filibusterismo.
Ang pag-aaral na ito ay limitado sa mga estudyante sa nabanggit na pangkat. Naniniwala ang
mga mananalisik na malaki ang magiging epekto ng pananaliksik na ito upang mas maging
produktibo ang pagtuturo ng mga guro hinggil sa nobleng El Filibusterismo.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Mataas na Paaralan ng Pambansa ng Lucsuhin sa taong
panuruan 2018-2019.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Sa bahaging ito nakalahad ang mga literatura at pag-aaral na nahanap ng mga mananaliksik
gamit ang mga paraan tulad ng internet na may kaugnayan sa napiling paksa ng pananaliksik.
Ayon sa Wikipediang Tagalog (2017), ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang
Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong
paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang
karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap habang
sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre
ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Ang nilalaman ng El Filibusterismo ang mga ideolohiya ni Jose Rizal kasama ang mga
problema ng lipunan. May kahalagahan pa ito kahit pagkalipas ng maraming taon dahil ang mga
problema noon ay nakikita pa rin sa kasalukuyan. Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at
katiwalian ay laganap pa rin sa lipunan. Ang mga nobela ni Rizal ay bahagi ng ating kultura
bilang Pilipino. Kasama sa mga ito ang ating kasaysayan bilang bayan. Dapat basahin ang El
Filibusterismo para matuto natin kung paano nakamit ng Pilipinas ng kapayapan. Ang
paniniwala ni Jose Rizal ay ang kabataan ay ang makakagawa ng solusyon upang ipabuti ang
bansa. Dapat basahin ito ng kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan. Sila ang mga magiging
bagong pinuno ng Pilipinas.
Ang sa buhay, mayroong iba’t ibang problema na kailangang harapin. Paano lumutas ng
problema ay depende sa ating sarili. Ang mga kabanata 1-10 ay nagpakita sa akin na naiiba ang
paningin ng isang tao sa ibang tao. Si Basilio ay kontedo lamang na kalimutan ang kanyang
nakaraan. Si Simoun naman ay nagtago ng matinding galit na tumagal ng mahabang panahon. Sa
tingin nila na ang mga ginagawa nila ang tama. Ano rin sa tingin ko ay tama ay maaring hindi
tama para sa iba.

Inilahad ni Edo (2011), ang epekto nito (mga nobela ni Rizal) sa imahe ng bansa ay
nakakadulot ng posititbong motibasyon lalo na sa mga kapwa Pilipino na nasa ibang bansa.
Noong nagpunta si Rizal sa Madrid upang mag-aral ng medisina ay nakilala siya ng mga
Pilipinong magaaral sa Unibersidad ng Madrid na mga determinadong magtrabaho para sa
ikauunlad ng Pilipinas. Si Rizal sa kanyang edukasyon at katalinuhan mula sa buong mundo ay
gusto ng reporma at pantay na pagtrato mula sa Espanya. Ito ay isa sa dahilan kung bakit kilala
ang mga Pilipino bilang demokratiko o gusto ng isang maayos at malayang pamamahala.
Mula sa Artikulong, Pilosopiyang Pang-edukasyon ni Rizal: Isang Pilosopiyang Pilipino
sa Edukasyon Guillermo Q. Roman, Jr., Wensley M. Reyes, Minda C. Valencia, at Nerissa S.
Tantengco, kung babalikan ang mga akda tungkol sa pambansang bayani, hindi maitatanggi ang
dami ng mga aklat na tumatalakay sa kanyang buhay. Ngunit sa maraming talambuhay na
naisulat, ang ilang mga akda ang mga depenitibo: tuwiran, malinaw at tiyakan. Ayon kay Belvez
(2000), ang mga guro ang pangunahing salik sa kahit anumang sitwasyon ng pagtuturo at
pagkatuto. Ang mga guro ay malaki ang magiging impluwensya sa kanilang mga mag-aaral,
kaugnay nito, ang epektibong pagtuturo at paggaganyak ng mga ay makakatulong sa mabilis na
pagkatuto ng mga mag-aaral.
Higit pa dito, dapat maganyak ng mga guro ang kanilang mga mag-aral, mapanatili ang
atensyon nito sa talakayan at maiwaasang ibaling ang tuon nito sa ibang mga bagay.Ayon kay
Leume (2002), ang atensyon ang pinakamahalagang sangkap ng impormasyon. Ito ang
nagdudulot sa utak upang ihanda ang pagproproseso ng mga impormasyon.Pinapawalang bisa
ang kahit anumang pamamaraan ng pagtuturo kung hindi niya mapupukaw ang atensyon ng
kaniyang mga mag-aaral. Nawawalan ng motibasyon ang mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang
kanilang pagkatuto.
May mga paniniwalang ang atensyon ng isang bata o mag-aaral ay tumatagal lamang ng
10 hanggang 15 minuto lamang. Gaunpaman, sinabi nina Wilson at Korn (2007) sa kanilang pag-
aaral na walang sapat na patunay ang paniniwalang ito. Gamit ang mga kilos at katangian ng
mga bataang paniniwalng ito ay batay lamang sa mga hindi tiyak na pag-aaral.
Sa pananaw naman ni Acero (2007), malaki ang epekto ng pisikal na kaanyuan sa
pagpukaw ng atensyon ng mga mag-aaral. Malaki ang magiging epekto sa mga mag-aaralng ayos
ng silid aralan, ang lawak at laki nito, lokasyon, bentilasyon, mga ilaw, mga kagamitang
pampagturo, ayos ng mga upuan maging mga probisyon ukol sa kaayusan ng silid-aralan.
Makakatulong din ang mga radio at telebisyon, mga pangkatang gawain maging mga komiks
upang makatulong maiwasan ang pagkabagot sa mga talakayan.Sa pamamagitan nito, hindi
agarang mawawala ang atensyon ng mga mag-aaral. Nababaling ang atensyon ng mga mag-aaral
mula sa mga distraksyon sa paligid.
Sa pag-aaral ni Mapa (2014), mananatiling pinakamahalagang bahagi ng pagtuturo at
pag-aaral ang pagkatuto. Ngunit, ang pagkatuto ay nakabatay sa kung paano at anong paraaan
ang gagagmitin ngmga guro sa pagtuturo. Ang mga pamamaraang gagagmitin ng mga guro ay
nakabatay din sa ninanais niyang resulta na makamit ngmga mag-aaaral, maging sa paksa ng
kanyang araling kanyang ituturo. Malaki ang maitutulong ng mga makabagong estratehiyang
gagamitin sa pagtuturo. Magdudulot ito ng aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral sa loob at
pananatilihin ang interes ng mga mag-aaral sa talakayan,Ponce (2000). Nakasalalay sa guro ang
interes ng mga mag-aaral. Kung gagamit ang mga guro ng motibasyon at paggaganyak magiging
madali ang pagkakapukaw ng interes ng mga mag-aaral,Slovin (2000).
Pagsang-ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Agbay et.al. (2002), na napatunayan na
nakapagdudulot ng ibayong interes sa mga kasanayan at kaalaman ukol sa partikular na
asignatura ang mga mag-aaral kung ang isang guro ay gumagamit ng iba’t ibang estratihiya na
gagamitin sa larangan ng pagtuturo. Kung ang estratihiyang ginagamit ay matagumpay, ang mga
magaaral ay mawiwili at magkakaroon ng interes sa pag-aaral ukol sa mga aralin sa paaralan at
iba pang mga bagay-bagay. Gayundin, maaaring magpakita pa ang mga mag-aaral ng
pagpupursige na matuto at mapataaas ang kani-kanilang mga marka kung ang nasabing mga
estratihiya ay matiwasay na nasagawa. Sa makatuwid, mananatiling nasa kamay ng mga guro
ang pag-unlad ng kanilang mga mag-aaral gayundin ang pagkuha ng kanilang mga interes.
Ang kakayahan ng isang guro sa pagtuturo ay may malaking impluwensaya sa gagawin at
tutunguhin ng isang mag-aaral, ito ay ayon sapag aaral ni Flores (2002). Nangangahulugan ang
mga guro ay mag-sisilbing mga gabay ng bawat mag-aaral sa mga desisyon na kanilang gagawin
gayundin sa daang kanilang tatahakin. Ang kasanayan ng mga gurosa pagtuturo ay ang mabisang
pamamaraan sa pagtuturo. Magdudulot ng maayos ang kabisaan ng isang guro sa pagkuha ng
interes ng mga mag-aaral. Bunsod nito, magiging madali ang pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Kasabay nito ay maaari pang masiyahan ang mga mag-aaral sa oras ng talakayan ng mga
guro,Cueto et.al. (2002). Ayon naman kay Alday (2004), ang papel ng isang guro ay makabuo at
mapanatili ang interes ng isang mag-aaral. Dapat na maging malikhain upang mahikayat ang
mag mag-aaral na mag-karoon ng interest sa pagkatuto sa isang paksa o leksyon. Ang mga guro
ay hindi lamang nagbibigay ng motibasyonal na gawain ngunit maging sila mismo at ang
kanilang ipinakikitang kabutihan o dedikasyon sa pagtuturo ay maaaring maging motibasyon sa
mga mag-aaral upang mahikayat ang interes ng matuto hindi lamang sa kanilang asignatura
ngunit maging sa iba pang asignatura ng ibang mga guro.
KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Mag-aaral- Ang mag-aaral o estudyante (student sa Ingles) ay siyang taong nagaaral at maaring
bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na magaaral at makadiskubre ng mga
bagay

Guro- Ang isang guro o titser ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral.
Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang paaralan o
ibang lugar ng edukasyong pormal.

Mananaliksik- Ang mananaliksik o researcher sa ingles ay isang tao kumakalap at naghahanap


ng mga impormasyon at mahahalagang detalye patungkol sa isang paksa.

Salik- Ang salik ay ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring magkaroon ng
impluwensya sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa. Ang mga salik sa iba’t ibang anyo nito
ay nagagawang baguhin ang direksyon ng maraming bagay.

Epekto- Ang epekto ay ang bunga, resulta o kinalabasan ng isang bagay o sitwasyon.

Pananaw- Ang pananaw o paningin ay tumutukoy sa paniniwala o pagkakaunawa o personal na


perspektibo ng isang tao sa mga bagay bagay.
Halimbawa, lahat tayo ay may iba't ibang pananaw pagdating sa mga usaping politikal.

You might also like