Professional Documents
Culture Documents
Kaligirang Pangkasaysayan NG El Filibusterismo
Kaligirang Pangkasaysayan NG El Filibusterismo
Gaya ng nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me Tangere
na matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Maraming Makabayan ang
nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat ng mga kabuktutan at
pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan, nagpuyos ang
damdamin ng mga makapagyarihang Espanyol matapos matunghayan ang
nilalaman nito. Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas
kahit batid niyang ito ay mapanganib. Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan
ang kaniyang pamilya. Isinagawa niya ang kaniyang mga layunin sa kaniyang
pagbabalik. Ginamot niya ang mata ng kaniyang ina; nakipag-usap kay Leonor
Rivera at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kaniyang isinulat na nobela.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kaniyang naging suliranin upang matapos
ang nobela. Naging balakid din ang kaniyang suliranin sa puso, sa pamilya at sa
mga kaibigan. Nakarating sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang pinakaiibig na
si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Mababakas ang
pighati niya sa pangyayaring ito sa El Filibusterismo sa bahaging nagtalusira si
Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang
kaniyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag- uusig ng
pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at maling paratang. Labis siyang
nag-alala sa mga mahal niya sa buhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito kay
Kabesang Tales sa El Filibusterismo na may ipinaglalabang usapin hinggil sa
pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan sa pag-aari
bagkus ay nakuha pang manghingi ng buwis sa may-aring si Kabesang Tales.
Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t
ibang pangitain. Ganito rin ang pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag-urong-
sulong siyang isagawa ang katuparan ng kaniyang plano. Nakita niya ang
nagdusang ama at si Elias sa kaniyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga
kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang kawalan ng pagkakaisa
ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok
na mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip
ni Rizal na sunugin na lamang ang kaniyang isinulat. Sinasabing may bahagi sa
nobela ang hindi niya napigilang ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kaniyang
alalahanin.
Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung ang
Noli ay gumising at nagpaalab sa diwa at damdaming ng mga Pilipino ukol sa
mga karapatan, nakatulong naman ng malaki ang El Filibusterismo kay Andres
Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal
sa paghihimagsik noong 1896.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kaniyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang
ilang ikalawang obra maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na
nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at maging sa mga
Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.