Gawain 1 Panuto: Magbigay NG Mga Akdang Pampanitikang Nabasa Batay Sa Mga Paksa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Julie Anne B.

Cortez Petsa: Abril 1, 2022

Kurso: BSN 1-A Iskedyul: GE 13-2:15-4:15PM

Gawain 1

Panuto: Magbigay ng mga akdang pampanitikang nabasa batay sa mga paksa.

File Name & Format: (SUBJECT + GAWAIN(G)/TAKDANG ARALIN (TA) + SURNAME +


SCHEDULE)
Example: GE13 G1 DELA CRUZ 5;30PM.pdf

Paksa Pamagat Manunulat


1. Kahirapan Ang Pagsisikap Genevieve delos Santos
2. Karapatang Pantao Panatang Makabayan Department Order No. 8
3. Pangmangagawa Manggagawa Jose Corazon de Jesus
4. Pangmagsasaka Magtanim ay Di Biro Felipe de Leon
5. Isyung Lokal at Kung Ang Buhay ay Isang Daryl Morales
Nasyunal Salapi
6. Isyung Global May Pagbabago pa Ba? N/A
7. Isyung Pangkasarian Pagkat Lalaki Ka Michael Coroza
8. Marxismo Awit ng Bakwit Vijae Alquisola
9. Migrasyon Walang Natira Gloc-9
10. OFW Sampaguita Juan Karlos & Gloc-9

11. Alin sa mga naitalang akda ang tumatak sa iyo?

Ang pamagat ng akdang tumatak sakin’ ay “Kung Ang Buhay ay Isang Salapi ni
Daryl Morales. Sa kwentong ito, sinalaysay ng manunulat ang buhay ni Rowena.
Mahirap lamang ang pamilya nila Rowena at may sakit rin ang kaniyang ama,
sinabayan pa ito ng kaniyang ina na mahilig makipag sugal. Ngunit kahit halos wala
na silang makain, nag dadasal parin ang mag ama sa Panginoon dahil kahit walang-
wala na sila ay alam nilang ginagabayan parin sila ng Maykapal. Di nagtagal ay
lumala ang sakit ng kaniyang ama at namatay ito. Makalipas ang ilang taon ay
naging dalaga na si Rowena ngunit nalulong naman ito sa bisyo at pakikipag
barkada. Nagkaroon ito ng maraming pera ngunit ginagasto niya lang ito para sa
kaniyang sarili. Isang araw ay hindi umuwi ang dalaga at nag alala ang kaniyang ina
kaya’t hinanap ito at natagpuang nakikipag sugal kasama ang mga adik, sinermonan
ito ng kaniyang ina pati na rin ang mga kasama kaya’t napikon ang isa sa mga lalaki
at bumunot ng baril sabay putok sa dibdib ng ina ni Rowena at di kalaunan ay
pumanaw na rin. Labis ang pagsisisi ni Rowena dahil naging pabaya itong anak, lahat
ng mga pera niya ay napunta lamang sa lamay ng kaniyang Ina.

Ang natutunan ko sa kwentong ito ay hindi dapat masilaw ang sinuman sa pera dahil
hindi natin ito madadala sa kabilang buhay, kaya’t habang kasama pa natin ang
ating mga magulang ay pahalagahan natin sila. Dahil dito, natuto akong
magpasalamat kahit sa maliliit lamang na biyayang natatanggap ko mula sa
Panginoon.

12. Epektibo ba ang paggamit ng mga akdang pampanitikan sa pagpapahayag ng


isyung panlipunan?

Oo epektibo ito dahil sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan, napapahayag ng


mga manunulat ang kani-kanilang saloobin patungkol sa isyung lipunan. Ang mga
mambabasa ay nabibigyan o nadadagdagan naman ng kaalaman tungkol sa isyung
panlipunan. Sa pamamagitan nito, mas nabibigyan pansin ng mga Pilipino ang
mahahalagang pangyayari o kaganapan sa loob ng ating bansa na may malawakang
epekto sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.

You might also like