Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PABULA

Ang Planeta

Ang babasahing ito ay patungkol sa dalawang matalik na magkaibigan na


nakatira sa magkatabing planeta. Si Matsing ay nakatira sa planetang Mars na kung
saan organisado at may sistema ang lahat. Maaliwalas at malinis na paligid punong-
puno ng mga tanim punong-kahoy, mga halaman at mga pagkaing gulay. Sa kanilang
planet wala kang makikitang mga pagsunog at pagkalat ng mga basura, lahat ay naka
organisado. Si Kalapati naman ay nakatira sa planetang Earth, sila ay may
magkasalungat na paligid kay Matsing. Ang paligid ni Kalapati may makikita kang
basura. Kahit saan iba’t-ibang uri ng mga basura. Walang gaanong mga punong
kahoy sa kanila dahil pinuputol nila ito para pagkakakitaan. Sa kanilang planeta ay
may polusyon sa tubig, sa hangin, at sa lupa. Nasanay at nahilig narin ni Kalapati
ang ganitong buhay. Isang araw bumisita si Matsing sa planetang Earth sa kaniyang
kaibigan at laking gulat nito sa paligid na meron sila Matsing. Ang mga tao dito ay
wala lang pakialam sa kanilang paligid. Nag-usap ang magkaibigan.
Matsing: Ano ba tong paligid ninyo, dapat inaalagaan ninyo.
Kalapati: Okay lang yan, wala namang mawawala sa amin kung ganyan ang
aming paligid.
Matsing: Naku bahala kayo, hindi ninyo inaalagaan ang kalikasan. Malaking
trahedya ang maidudulot sainyo nito.
Kalapati: Wag kang mag-alala, okay lang yan.
Makalipas ang ilang taon, nagulat si Matsing dahil nakadayo ang mga taga-
Earth sa kanilang planeta. At nakita niya ang kanyang matalik na kaibigan sa hindi
magandang kondisyon.
Matsing: Ano bang nangyari sa inyo?
Kalapati: Alam mo kaibigan sa amin ang mga iba’t-ibang uri ng kalamidad.
Mapabaha, lindol, langdslide, at buhawi. Sa aming planeta rin kaibigan,
sobrang init na ng temperatura para na kaming malulusaw.
Matsing: Buti’t nakaligtas kayo kaibigan.
Kalapati: Oo nga, salamat sa inyo sa pagtulong sa amin dito.
Matsing: Walang anuman, basta matuto ka lang magpahalaga ng kalikasan dapat
ito alagaan at bigyang pansin. Kasi kung anong sama ginawa natin dito,
mas malala pa ang maibabalik sa atin.
Kalapati: Oo nga kaibigan natutunan ko nayan. Salamat sa iyong payo.

Kinalaunan natuto narin ang grupo nila Kalapati na magmahal at mag-alaga


sa kalikasan. Sinimulan nilang magbago at mag-alaga. Dumating ang panahon
ng bumalik sigla ang planetang nila Kalapati ang planetang Earth.

You might also like