Parirala

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Parirala

Ang parirala ay isang koleksyon ng mga salita na hindi mabubuo sa isang pangungusap
dahil hindi ito nagsisimula sa mga malalaking titik, kulang ang mga marka o bantas, at
mayroong hindi sigurado o hindi kumpletong kahulugan.
Samantala, ang pangungusap ay lipon o grupo ng mga salita na nagsisimula sa
malalaking titik, may bantas, at may kumpletong diwa.
Halimbawa:
* nang awitin ko ito
* bibili tayo nang
* pupuntahan ko sa
* iba-iba ang mga
* ang mga bulaklak
*maingay na paligid
* mabahong basura
* masayang nagwawalis
* si tatay at si nanay
* ang mga hayop
* ang nakakita
* ang aking guro
* sa ilalim ng mesa
* mataas na puno
* mamayang hapon
* sunog na sinaing
* mataas na bahay
* magandang dalaga
* ang aso
Mayroong maraming magkakaibang anyo ng mga salita, kabilang ang:
* Pariralang Pandiwa – ang mga uri ng parirala na may nakapaloob na pandiwa
Halimbawa:
1. Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral.
2. Ang naglalakad sa pasilyo ay ang aking nanay.
3. Ang aking kapatid ay nagluluto sa kusina ng aming almusal.
4. Si Alleah Mae ay naglalaro sa parke.
5. Ang mga mag-aaral ay palaging nagtatakbuhan sa pasilyo.

* Pariralang Pang-ukol – ang mga uri ng pariralang may pang-ukol.


Halimbawa:
1. Ang pagkain ay para sa mga bata.
2. Bumili ng bagong bahay sina Jose.
3. Huwag kayong gagawa ng labag sa batas.
4. Ang pagsunod sa mga ipinapatupad na mga batas ay para sa lahat.
5. Nagsumikap ako nang mabuti para sa aking pamilya.
* Pariralang Pawatas – uri ng pariralang nabubuo ng maraming pandiwa.
Halimbawa:
1. Ang maglingkod sa kapwa ay kabutihan.
2. Mahilig manood ng telebisyon ang nanay.
3. Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan.
4. Ang maglaro sa parke ay nakakaaliw gawin.
5. Mahilig kumain ng matatamis ang aking nakakabatang kapatid.
Panuto: Tukuyin kung ang mga lipon ng salita sa bawat bilang ay parirala o
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang aklat ay nabasa sa ulan.


A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
2. sa taas ng bahay
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
3. Malinis ang silid-aklatan.
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
4. Si Abby ay masaying bata.
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
5. Nakatanggap ako ng regalo.
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
6. nakaupo sa silya
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
7. masamang magalit
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
8. Umiyak si Jian.
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
9. Si Crystal ay maganda.
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit
10. Ang aso ay tumatahol.
A. parirala B. Pangungusap C. wala sa nabanggit

You might also like