Professional Documents
Culture Documents
DLP Cot 1
DLP Cot 1
HIGH SCHOOL
Guro LORENEL S. INTERINO Asignatura FILIPINO 10
Petsa/Oras Marso 25,2021, / 1:00 ng Markahan IKALAWA
hapon
I. LAYUNIN
ANG PAMANA
ni Jose Corazon de Jesus
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain: (2 minuto)
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aral
4. Pagtala ng liban
5. Pagwawasto ng takdang -aralin
Balik- Aral- Magbibigay ng ilang katanungan hinggil sa katangian, uri at
mahahalagang elemento ng tula.
- Itatanong sa mga mag-aaral kung may katanungan o nais malaman
pa sa nakaraang paksang aralin.
B. PAGLINANG NG GAWAIN
1. PAGGANYAK: (2 minuto)
Sa ating aralin ngayong hapon, inaasahan ko na ang lahat ay magiging
K.A.R.L.A
K-kailangan
A- ang maging
R-responsible ang
L-lahat para sa
A-aralin natin ngayon.
2. PAGLALAHAD ( 2 minuto)
Jose Corazon de Jesus (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932), kilala rin
bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga
tula sa Tagalog, upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na
maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados
Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang
kapanahunan. Siya ay tinaguriang “ Hari ng Balagtasan “
A B C D E F G H I J
1 3 5 7 9 11 13 15 17 19
K L M N O P Q R S T
21 23 25 26 24 22 20 18 16 14
U V W X Y Z
12 10 8 6 4 2
4. Mga ginigiliw kong mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan, sana sa darating na aking
kaarawan ay huwag ninyong kalilimutan ang inyong mga regalo sa akin.
__ __ __ __ __ __ __ __ __
23 1 26 1 25 1 15 1 23
5. Sa gunita ng aking pagkabata hindi nawawaglit sa aking isipan ang kanyang sinabi sa akin.
__ __ __ __ __ __
1 23 1 1 23 1
Bago iparinig, palilipatin ng guro sa unahang bahagi ang mga mag-aaral na may
mahinang pandinig at paningin upang higit na maunawaan.
Pagpaparinig/ pagpapanood ng Record/ Video clip ng tulang
“Ang Pamana”) ( 3 minuto)
AKTIBITI : ( 15 minuto )
Naunawaan ninyo po ba ang tula? Ngayon hahatiin ko kayo sa apat na pangkat.
Bubunot ang bawat isa sa inyo dito sa kahon upang malaman ninyo kung saan
pangkat kayo kabilang. Pero bago kayo pumunta sa inyong grupo ibibigay ko
muna sainyo ang pamantayan sa gawain nating ito.
Daymensyon Pursyento
(Cooperative Learning)
A. Malikhaing presentasyon 40%
B. Angkop na kasagutan 30%
C. Pagkakaisa ng grupo 20%
D. Takdang Oras 10%
(1-20, 2-18, 3-15, 4-12)
Kabuoan 100%
Panuto: Susuriin ninyo ang diwa na nakapaloob sa saknong. Bawat pangkat ay may
nakatalagang gawain na naayon sa inyong nasuri. Bibigyan ng minuto para
pag-usapan ang gagawain at minuto para sa presentasyon.
P1- Unang saknong - pumili ng isang awitin na may kaugnayan sa diwang nasuri.
P2- Ikalawang saknong- gumuhit ng larawan na nagpapakita sa diwang nasuri.
P2- Ikatlong saknong – gumawa ng isang interpretatib na sayaw ayon sa diwang nasuri .
P4- Ikaapat na saknong- magpakita ng senaryo ayon sa diwang nasuri.
ANALISIS : ( 5 minuto)
(Magbibigay ng feedback ang guro batay sa inuulat ng bawat lider ng pangkat).
Daymensyon % P1 P2 P3 P4
Malikhaing 40
presentasyon
Angkop na kasagutan 30
Pagkakaisa ng grupo 20
Oras 10
Kabuuan 100
Gaya ng dati ipapasa ninyo sa akin ang inyong ginawa at isulat ang
pangalan ng mga miyembro sa bawat pangkat.
Ngayon, upang higit na mapalalim ang pag-unawa inyo sa akda may
inihanda akong katangungan para sa inyo.
ABSTRAKSYON ( 5 minuto)
1. Ano ang kahulugan ng ideyal na pag-ibig (ng ina sa anak , ng anak sa ina) na
mababasa sa tula?
2. Bakit ginamit na sukatan ang mga materyal na bagay sa abstraktong damdamin
gaya ng pag-ibig sa tula?
3. Saan mauugat ang pagkakamali ng tao sa materyal na bagay o pagiging
materyalistiko? Ano ang posisyon ng makata hinggil dito?
4. Sa iyong palagay ano kaya ang nais ipabatid ni Jose Corazon de Jesus sa mga
kabataan at mag-aaral na katulad ninyo?
5. Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong
magulang?
Panuto: Punan ang mga hugis sa ibaba ayon sa mga hinihinging kasagutan.
Pangkat 1 - Pumili ng isang pinakamalapit sa iyong puso na linya sa tula at isulat ito sa
loob ng puso. Ipaliwanag kung bakit.
Pangkat 4- - Sa loob ng bilog isulat ang mga aral na nais ipabatid ng tulang “ Ang
Pamana”.
E. PAGLALAGOM ( 2 minuto)
( Bibigyan ng panuto ng guro ang mga mag-aaral kung paano ipapasa ang papel )
H. KASUNDUAN (1 minuto)
1. Sumulat ng sariling tula na may hawig sa paksang tinalakay. Ivideo ang sarili
habang binabasa o binibigkas ang tulang ginawa at i-upload ito sa You Tube.
Inihanda ni:
LORENEL S. INTERINO
Guro 1 sa Filipino 10
Nabatid ni :
NELSON L. ESPAŃO
Punongguro III
Pinatunayan nina: