Lesson Plan Di Pa Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VI

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ang mga pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakilanlang kultural ng


kinabibilangag rehiyon

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakapagpahayag ng may pagmamalaki at pagkikilala sa nabubuong kultura ng mga


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

C. Pamantayan sa Pagkatuto

Nailalarawan ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon ng sariling lalawigan at ng


rehiyon. AP3PKR-III-c-3

Specific Objectives:

a. Matutukoy ang mga katangian at tradisyon ng mga Pilipino;


b. Maipapaliwanag ang kultura;
c. Maipakita ng pagpapahalaga sa mga mabuting kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino
d. Makakabuo ng akrostibong tula patungkol sa pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino.

II. NILALAMAN

Paksa: Ang Kultura at Pagbuo ng Pagkakilanlang Pilipino

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian: Araling Panlipunan-Ikaapat na baiting; p.204-207


Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan, Laptop, Power Point Presentation

IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik Aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin.

Magandang umaga mga bata. Magandang umaga po Guro.

Bago natin simulan ang ating aktibidad, nais


kung magtanong sa inyo.
Mga bata, naalala niyo pa ba ang aralin
noong nakaraang araw? Oo po Guro

Ano ang ating napag-aralan noong


nakaraang araw?
Ang ating napag-aralan noong nakaraang
araw ay tungkol sa mga tao na malaki ang
kontribusyon sa pangangalaga at nagpaunlad
ng kultura sa ating bansa.
Sino-sino ang mga tao na kilala sa iba’t
ibang larangan na nagpaunlad ng kultura ng
ating bansa?
Kilala sa panitikan ang ating tanyag na
pambansangbayani – Jose Rizal.
Mahusay! Kilala rin sa larangan ng
panitikan sila, Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez Jaena, at Francisco
Baltazar.

Sino naman ang tao na malaki ang ambag sa


pangangalaga ng ating kultura sa aspeto ng
arkitektura?
Sa arkitektura, kilala si Leandro Locsin dahil
sa kanyang galing at talino sa mga kamangha-
Magaling! Kabilang sa kanyang nagawa ay mangha niyang nagawa.
ang Cultural Center of the Philippines at
Catholic Chapel sa Unibersidad ng
Pilipinas.

Sa Musika?
Sa Musika, kilala si Pilita Corales dahil sa
kanyang angking galing sa pagkanta.
Dahil sa kanyang galing, tinagurian siyang
“Asia’s Queen of Songs” at nakamit niya
ang Levetrit Award.

Sa agham at teknolohiya, sino ang taong


kilala sa larangang ito? Si Dr. Eduardo Quisimbing

Tama! Ginawaran siya ng karangalan bilang


Pambansang siyentipiko dahil sa kanyang
natuklasan na pagsugpo ng pagkalat ng
cancer cells.

Mahusay mga bata! Kahanga-hanga ang


inyong galing. Tunay talaga na nakinig
kayo sa ating aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ngayon mga bata bago tayo magsimula sa


ating bagong tatalakayin, ano ang mainam
na gawin bilang isang mabuting mag-aaral Makikinig ng mabuti, Hindi makipag-usap sa
habang may nag sasalita dito sa harapan? kaklase upang hindi mag sanhi ng ingay, at
kung mayroong nais ipahiwatig o itanong ay
itaas lang po ang aming kanang kamay Guro.

Mahusay!

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

Kilala ang mga Pilipino sa iba’t-ibang


mabuting kaugalian, mayamang tradisyon at
masasarap na pagkain. Kaya ngayon mga
bata ating susubukin ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagbilog at pagtukoy sa
mga katangian na makikita sa crossword
puzzle. Bibigyan ko lamang kayo ng isang Oo po, Guro
minuto upang sagutan ito. Handa na ba
kayo?

Okay! Kung handa na kayo ay akin nang


sisimulan ang timer. 1, 2, 3, GO!

S I S T E M A N G M A Y P A D R I N O
E G E N E A O C B A Y A N I H A N N M
A W F A A P P Y O A R R K L A B W R M
A S D F G H J J K K U Y I O A M A Y A
L K J H G F S A D R T Y K S P M U B P
L M Y D E B E V A N C P I D E A S D A
O P O H P I O U E I G E S A L G H J G
V M A A W A I N E H I C A X O Q W E B
I O P S R A C P A A T T M B V Y U I I
M A B U T I N G P A G S A S A M A S I
W A U E R D U S S Y M P N A N P O Y A
Oo po, Guro
P A G G A L A N G T O H P M P G F A Y

Nahanap niyo ba ng katangian? Ang mga katangian na aking nakita ay


sistemangmay padrino, bayanihan at
mapagbigay
Anong mga katangian ang inyong nahanap?

Ang mga katangian na akin ding nakita ay


paggalang, mabuting pagsasama, maawain at
pakikisasama.
Mahusay! Ano pang mga katangian ang
inyong nakita sa crossword puzzle?

Kahanga-hanga ang inyong galing!


Nagpapatunay lamang ito na alam na alam
ninyo ang mga mabuting katangian ng isang
Pilipino.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

https://youtu.be/qL3Jc_cWpf0
Ang bidyong aming napanood ay tungkol sa
Kulturang Pilipino. Mga kaugalian at
Sa inyung napanood, tungkol saan ang tradisyon ng mga Pilipino na humuhubog sa
bidyong ito? ating pagkakakilanlan.

Ang kultura ay ang pagsasalin-salin ng mga


tradisyon ng isang grupo ng tao o komunidad.

Tama! Ano ang kultura?

Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong


paniniwala at pamumuhay ng mga dayuhang
sumakop at mgakatutubo.
Magaling! Ano pa?

Oo po Guro.
Kahanga-hanga! Sa palagay niyo ba
mayroong mga kultura ang iba’t-ibang lugar
sa mundo?

Sa isang lugar, ang kultura ang nagsisilbing


pagkakakikilanlan ng isang lugar. Ito ay
magsisilbing identidad sa iba’t-ibang lugar sa
Bakit niyo ito nasabi? ating na nagbibigay ng kaibahan sa kaugalian
at tradisyon ng bawat isa.

Pagmamano po
Anong isa sa mga kaugalian ng mga
Pilipino? Ang pagmamano ay tanda ng paggalang sa
nakakatanda.
Ano ang pagmamano?
Nagsimula ito noong mga panahon ng
praylengkatoliko na sumakop sa Pilipinas.

Kailan ito nagsimula?

Tama! Ang salitang mano ay galing sa


salitang “kamay” kung kaya’t kung
ginagawa natin ito sa nakakatanda sa
pamamagitan ng pagkuha ng kanilang
kamay at paglapat ng ating noo sa kanilang
kamay. Sa pagmamano, sinasabi natin ang
katagang “Mano po” o sa Ingles ay “Bless”. Paggamit ng “Po” at “Opo

Anong ang ikalawang kaugalian ng mga


Pilipino?

Tama! Isa din itong kaugalian ng mga


Pilipino bilang paggalang mga bata kagaya
ng anak sa kanilang magulang o sa lolo at Pista po Guro
lola.

Ano pang mga kultura ng mga Pilipino ang


nabanggit sa bidyo? Nagaganap ito kung mayroong mga
Ano ang Pista? pagdiriwang sa isang lugar, siyudad at
barangay.

Kailan nagaganap ang isang pista? May handaan tuwing pista sa isang lugar,
misa, parade, palaro at iba’t-iba pang
programa nanagbibigay kasiyahan sa mga tao.
Ano ang nagaganap sa isang pista?
Bayanihan po Guro

Ang bayanihan ay pagtutulong sa kapwa


taong walang halong kapalit. Kusang loob ang
Mahusay! Ano pa? pagtulong ng isang tao o grupo upang
matulungan ang isang indibidwal.
Ano ang Bayanihan?
Nagbabayanihan ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagtulong sa mga nasalanta
Sa anong paraan o sitwasyon, ng bagyo, tumutulong sa pagbuhat ng bahay o
nagbabayanihan ang mga Pilipino? pagbibigay ng pagkain at kagamitan sa mga
taong nangangailangan.

Simbang gabi po Guro


Mahusay! Ano pang mga tradisyon ang
natatangi ng mga Pilipino?

Ang simbang gabi ay nakaugaliang


pagdaraostuwing panahon ng kapaskuhan.
Tinatawagdinitong “Mesa de Gallo” na
Ano ang simbang gabi? dinaraos sa madalingarawsa siyam na araw
bago ang pasko.

Pamamanhikan po Guro.
Mahusay! Ano pang mga tradisyon ang
natatangi ng mga Pilipino?
Ang pamamanhikan ay isinasagawa kapag
ang isang babae at lalaki ay
Ano ang pamamanhikan? nakapagdesisyung magpakasal. Hinihingi ng
lalaki ng pormal ang kamay ng babae upang
makapagkasal.

Tama! Ang pamamanhikan ay isang


magandang pamamaraan upang
magkakakilala ang dalawang partido ang Harana po Guro
pamilya ng babae at lakaki.
Ang harana ay isang awit o tugtugin
Mahusay! Ano pa? naisinisagawang gabi mula sa labas ng
tahanan ng taong nililigawan.
Ano ang Harana?

Mahusay! Ang harana ay pag-aalalay ng


isang kanta sa kanyang taong sinisinta
upang makuha niya ang puso ng kanyang Pagsunod sa Pamahiin po Guro
minamahal.

Ano pa?

Tama, dahil ang mga Pilipino ay maraming


mga pamahiin at isang pamahiin na nakita Bawal bumili ng karayomsa gabi dahil
sa bidyo ay isang malas kapag nakakita ng mabubulagka kung bibili ka nito.
maitim na pusa.
Bawal muna magligpit ng pagkain kapaghindi
Ano pang pamahiin na nais ipagpatuloy sa patapos kumain kasi hindi daw ito magkaka-
mga nakakantanda? asawa.
Ano pa? Huwag magwalis sa gabii kundi lalabas
dawang biyaya.

Mabuti! Ako ay napahanga ninyo dahil


kayo ay nakinig ng mabuti sa bidyo na
inyong pinatuod.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglilinang sa kabishasnan (Tungo sa
Formative Assessment)
Oo po Guro
Ayon sa ating natatalakay ngayon
magkakaroon tayu nang oral resitasyon at
kung sino ang makakasagot ay mag
karagdagang puntos sa araw ito Mahalaga na pangalagaan ang ating mga
Nagkakaintindihan ba tayu mga bata? kaugalian at tradisyon dahil malaki ang
bahagi nito sa sa ating
Mga bata bakit mahalaga na ating kultura.
pangalagaan ang mga kaugalian at
tradisyon ng ating bansa? Ang mga kaugalian at tradisyon ng mga
Pilipino ay siyang humuhubog sa ating
pagkakakilanlan bilang Pilipino na siyang
nagpapakilala sa atin sa ibang bansa na tayo
ay magandang kultura at pagkakakilanlan.
Tama! Ano pa?

Mahalaga ito na ikonserba dahil ito ay


pamana ng ating mga ninuno na ipapamana pa
natin sa susunod na henerasyon upang
mapanatiling buhay ang kulturang Pilipino.

Magaling! Sino pa ang gustong sumagot?


Mapangangalagaan natin ito sa pamamagitan
ng paggamit nito sa ating pangaraw-araw na
buhay
upang magabayan tayo sa tamang asal.
Sa anong paraan natin ito
mapapangalagaan?

Bilang respeto sa mga nakakatanda,


nagmamano
po ako, gumagamit ako ng “po” at “opo” at
nagbibigay respeto sa aking mga magulang.
Anong mabuting asal ang iyong naipakita
bilang Pilipino?
Pinapahalagahan ko ang aking pamilya at
tumutulong ako sa mga programa sa aming
komunidad kagaya ng paglilinis.
Ano pa?

Mahusay! Kailangan magbigay tayo ng Ako po Guro


galang sa mga nakakatanda sa atin at Tinutulungan ko po ang nakakatanda na
tumulong sa gawain ng ating komunidad. mabigat o
madami ang dala niyang gamit kapag
naglalakad.
Mayroon pa bang makapagdagdag?

Tama! Kung kaya’t ipagpatuloy ninyo ang


inyong mabuting ginagawa mga bata.
Kailangan ipagpatuloy natin ang ating mga
mabuting asal sa ating pamilya, kaibigan at
kapwa tao.

Magaling ang inyong ginawa kaya’t may


karagdagang puntos ang mga sumagot.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-arawaraw


na buhay

Dahil natutunan na natin ang mga mabuting


kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino,
mayroon naman tayong panibagong gawain.
Ang gawaing ito at tinatawag na
“lights,camera, action!”

Sa gawaing ito, bibigyan ko kayo ng


dalawang minuto upang bumuo ng mga
eksena na inyong igaganap. Sa inyong
pagganap, kailangan na iopen ninyo ang
inyong mga camera upang itoy makita ko at
nang iyong mga kaklase. Ang mga eksena Wala napo Guro.
ay patungkol sa iba’t-ibang mabuting
kaugalian o tradisyon ng mga Pilipino na
hindi
nabanggit sa ating aralin.

May katanungan ba klase?

Maari niyo nang simulan ang pagganap.


Oo/Hindi po Guro
H. Paglalahat ng Aralin

Dahil natutunan na natin ang mga mabuting


kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino,
mayroon naman tayong panibagong gawain.
Alam niyo ba ang akrostikong tula?

Ang akrostik ay isang tula kung saan ang


unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng
espesyal na salita o mensahe.
Sa loob ng tatlong minuto, bumuo ng isang
akrostik na tula tungkol sa inyong
repleksyon sa pagpapahalaga sa kultura Wala napo Guro
nating mga Pilipino hango sa salitang
“KULTURANG PILIPINO” at ipresenta ito
sa klase.
Sa pagsisimula ng orasan, magsisimula na Oo po Guro
kayong gumawa ng akrostik na tula.

May tanong ba kayo sa ating gawain?

Handa na ba kayo mga bata?

Okay! 1,2,3 – GO!

I. Pagtataya ng Aralin

Ngayon, kumuha ng ¼ sheet of paper para


sa isang pasulit. Lagyan ang inyong papel
ng mga numero 1 hanggang 10. Sa inyung
papel, maglagay ng kung mabuting Oo po Guro
kaugalian at tradisyon na aking nabanggit
ay galing sa mga Pilipino. Lagyan naman ng 1.
kung ang nabanggit ay hindi
magandang kaugalian at tradisyon ng mga 2.
Pilipino.
3.
Malinaw ba ang aking mga instruksyon mga
bata? 4.

1. Pagtutulungan sa oras ng mga 5.


kalamidad o unos. 6.
2. Paghahanda ng maraming pagkain at
pag-iimbita tuwing kapaskuhan, pista o 7.
ano mang mga pagdiriwang.
3. Indibiduwalismo 8.
4. Crab Mentality
5. Pakikipag-tsismisan at pakikipagaway
sa kapitbahay. 9.
6. Ngumingiti kahit anong problema o
suliranin ang dumarating sa buhay.
7. Pagdala ng maraming regalo sa pamilya 10.
o kamag-anak kapag galling abroad.
8. Pagpapaupo sa mga nakakatanda sa Oo po guro
upuan kung puno na ang bus o
sasakyan.
9. Pagkawalang bahala sa oras o “Filipino
Time”.
10. Pagbati ng “Magandang Umaga” o
“Magandang “Hapon at pagmano sa
mga nakakatanda.
Tapos na ba mga bata?

Ngayon ating iwawasto ang inyung mga


sagot.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang


aralin at remediation.

Gumawa ng collage tungkol sa mga


mayamang kaugalian at tradisyon ng mga
Pilipino na galing sa mga pinagtagpi o
ginupit na mga larawan sa dyaryo, magasin
o iba pang mga kagamitan. Maglagay din ng
paksa sa collage at ipresenta ito sa klase sa
susunod na klase.

You might also like