Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Polangui Community College
A.Y 2021-2022

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA


AT PANITIKAN
MODYUL 3/Gawain 3
Ipinasa ni:
IBARRETA, RUBILYN O.
BSED-FILIPINO 3
Ipinasa kay:
GNG. MARLYN HERNANDEZ
Tagapagturo
GAWAIN:

1. Depinisyon ng diskurso at komunikasyon (nagawa na po


natin to)
DISKURSO
✓ Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. Ang DISKURSO ay ang gamit ng
wika ng komunikasyon na nagreresulta sa pagbuo ng mga talata. Ang diskurso
rin ay nangangahulugang magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan.

KOMUNIKASYON
 Ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng
impormasyon, ideya, kaalaman, pilosopiya, prinsipyo, opinion,
katalinuhan, balita at iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at
niloloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin. Ang tao ay
mapamaraan sa paghahatid ng kanyang mensahe, maaaring gumamit ng
wika o ng ibang paraan.

2. Dalawang uri ng diskurso.


1. Pasulat – mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang
kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa
kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang
pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na
dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa.
Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat. Maaaring ikapahiya o
di kaya ay maging ugat ng gulo.
2. Pananalita – mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap
ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang
kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang
kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar
at maging sa taong kausap upang makamit ang layunin.

3. Mga estratehiya sa pagtuturo ng kakayahang komunikatibo.


 Ano ba Ang estratehiyang Pangkomunikatibo?
 Ang estratehiyang komunikatibo ay mga paraan na ginagamit sa paglilipat
ng konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan, at saloobin sa pag-iisip at
mga gawain ng mga mag-aaral mula sa pagkilala lang sa gramatika tungo
sa pagpapalawig, pag-uugnay, at paggamit sa aktwal na sitwasyon sa
tunay na Buhay, pasalita man o pasulat.
 Ang mga Katangian ng isang Mabisang Estratehiya sa
Pagtuturo
1. Angkop sa kakayahan at Kawilihan ng mga mag-aaral.
2. Bunga ng pagtutulungan ng Guro at ng mga mag-aaral.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga Guro at mga mag-aaral.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.
7. Nakakaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakakatulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10.Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng Pagkatuto.

Mga estratehiyang Pangkomunikatibo:


1.Ang pangkatang talakayan- pagbibigay ng pagkakataon upang mapagsama-
sama ang mga kuro-kuro/ideya, karanasan at kaalaman.
2.Ang BUZZ Session- Nagbibigay pagkakataon sa ganap na partisipasyon ng mga
miyembro ng pangkat sa pamamagitan ng maliliit na pangkat ng partisipant na
sinusundan ng talakayan ng buong pangkat.
3.Ang Talakayang Panel- isang talakayan na binubuo ng piling pangkat ng mga
partisipant. May lider sa harapan na tagapanood na lumalahok katagalan sa
talakayan.
4.Ang Talakayang Simposyum- isang talakayan na ang tapik ay nahahati sa iba’t-
ibang bahagi. Bawat bahagi ay inihaharap/tinatalakay ng isang taong may
malawak na kaalaman tungkol sa partikular na aspekto; sa paraang maigsi
ngunit malaman.
5.Ang Debate- pagtatalo tungkol sa maiinit na isyu. Ang layunin ay hihikayatin
ang tagapakinig na maniwala sa kanilang opinyon kaysa sa pag-atake sa
kalaban.
6.Ang Talakayang Ayon sa Karanasan- isang maliit o malaking pangkatang
talakayan ukol sa ulat mula sa pangunahing pinapaksa ng isang aklat, artikulo,
sine o karanasan sa Buhay.
7.Ang Concentric Circle- isang maliit na bilog ng miyembro na grupo na kasama
ng malalaking bilog. Ang nasa bilog na panloob ay nag-uusap tungkol sa isang
tapik samantalang ang nasa bilog na panlabas ay nakikinig. Pagkatapos ay
pagpalitin ang dalawang pangkat.
8.Ang Reaction Sheets- isang paraan ng pagbibigay ng reaksyon sa mga ideya sa
pamamagitan ng ideyang pinagdududahan; ideya na bago sa iyo; ideya na
tinatanggap.
9.Ang Reverse Thinking- Pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng salungat
na pag-iisip.
10.Ang Role Playing o Pagsasatao- pagsasadula ng isang sitwasyon ng mga piling
miyembro ng grupo.
Maraming Salamat po!

You might also like