OGLSB 2 - Operation Dating Ms Casiño

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Operation: Dating Ms. Casiño.

|Operation: Gawing Lalake si Bakla Part 2|

Read first the Part 1: Operation: Gawing Lalake si Bakla para mas maintindihan ang
takbo ng story. Click the external link on the right side, link po iyon ng part 1,
hihi, thanks.

---

Prologue

Simula nung maging kami...

Walang araw na hindi kami nagbabangayan...

Walang araw na hindi kami nag-aasaran...

Madalas lang kaming magkasundo...

Kapag may nagseselos, world war 3 na.

Nakasigaw ka na nga, sisigaw rin siya,

Ganito ba talaga kahirap maging syota ang Esmeraldang iyon?

Okay na sana e, kaso, may dumating pang iba.

--

Operation: Dating Ms. Casiño.

Chapter 1. Magshota.

Chapter 1. Magshota

---
Ito na nga. Parehas silang nakahiga ngayon ni Esme sa kama niya habang ang ulo nito
ay nakapatong sa braso niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala,
bumalik ito sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay parehas rin sila ng nararamdaman?

"Uhmm..." Biglang nagsalita si Esme kaya naman napatigil siya sa pag-iisip niya.

"E-esme.. Ba't ka bumalik? Ibig sabihin ba.. gusto mo rin ako?" tanong niya rito.
Shet. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Masyadong
mabilis ang mga pangyayari.

Tumango naman ito.

Bigla ay napabangon siya mula sa pagkakahiga. "Talaga? Hindi dahil sa pera?"

Bumangon naman si Esme at kaagad sinapak ang lalake. "Baliw! Nagresign na nga ako
sa trabaho tapos pera pa rin? Nakakaasar ka talagang bakla ka!" sumbat nito sa
kanya.

Napahimas naman si Axel sa sinapak na ulo niya. "Malay ko ba! Hindi ko naman
inexpect na babalik ka agad! Eh di sana hindi na lang ako naglasing! Tss! Tomboy!"

Binato naman siya ni Esme ng unan sa mukha. "Mukha mo! Bakla! Kainis!" padabog
itong tumayo mula sa kama niya saka naglakad papunta sa pintuan. Magwawalkout pa
talaga.

Kaagad din naman siyang bumangon at nilapitan ito. Shete. Hindi niya alam kung
anong mararamdaman niya. Bumalik ito sa kanya. Parang sasabog na ang puso niya
dahil sa emosyong nararamdaman niya. "Naman e. Nagbibiro lang naman ako. Ikaw kasi,
nakakabigla ka. Hindi ko kasi inasahan na babalik ka.. sa kin." Hinawakan niya ang
kamay nito.

Hinarap naman siya nito na nakataas pa ang isang kilaw nito. "Weh?"

Naaasar na naman siya rito. "Babalik-balik ka sa kin tapos di ka maniniwala?"

"Aba't ikaw pa talagang may ganang magalit!" sabat nito sa kanya. Tinuluyan na nga
nitong binuksan ang pinto. "Makaalis na nga! Lalayas na lang ako ulit! Che!"
inirapan pa siya nito.

Hays! Kung bakit may topak talaga ang babaeng ito.


Nahawakan naman niya kaagad ang braso nito at kaagad hinalikan. Buti na lang wala
si Manang.

Tumugon na rin si Esme sa halik niya. Ilang sandali ay binitawan na niya ang mga
labi nito. Ayaw niya munang gawin iyon. Medyo ramdam pa rin niya ang tama ng alak
na ininom niya. Ayaw niya munang mapikot.

Napansin naman niyang parang namumula si Esme pagkatapos nun. "Kung magpapakipot ka
lang din naman, yung hindi halata." Pang-aasar niya rito.

Napansin naman agad niya ang pag-iba ng itsura nito. Napikon na naman yata. "Ang
sarap talagang ibalibag yang pagmumukha mo! Lalayas na talaga ako! Bwisit!"
tumalikod na naman ito sa kanya at humakbang.

Nahablot niya kaagad ang braso nito. "Teka nga, ba't ba ang dali mong magalit?
Kababalik mo nga lang dito tapos lalayasan mo na naman ako? Grabe! Ang swerte mo na
ngang hinalikan kita e!"

"At talagang ipinamumukha-"

"Tumigil ka na nga!" hindi niya ito pinatapos. "Bakit ba tayo nag-aaway?" puno
niya.

"E-ewan ko sayo! Inaaway mo ko!" sumbat nito sa kanya.

Natawa na lang siya. "Ikaw talaga. Pasalamat kang mahal kita. And yeah.. so.. ibig
ba sabihin nito, tayo na?" Tae. Tae. Tae. Wala talaga siyang alam kung pa'no
manligaw.

"A-anong tayo na?!" react nito.

"Magpapakipot ka na naman ba? Eh kung hindi pa pwede maging tayo, ba't ka bumalik?
Ano ba talaga?" react din niya. Sa totoo lang, hindi niya talaga alam kung pa'no
sumuyo.

"Nakakainis ka talaga no?"

"Hays, Esme naman e. Hindi ako marunong manligaw kaya h'wag ka ng magpakipot. Pero
dahil bumalik ka sa kin, siyempre, ibig sabihin nun, gusto mo rin ako. MU na tayo
kaya siguro pwede na kitang maging girlfriend, diba?" Takte. Ganun ba talaga ang
dapat sasabihin 'pag nanliligaw.

"Eh kung magtatapat ka lang naman, sana sabihin mo ng maayos!" reklamo nito.
Ang demanding pa. Napabuntong hininga na lang siya. "Okay. Esmeralda Casiño, will
you be my girlfriend?"

Bigla namang natahimik ito. Kaasar, hindi pa ito magsasalita pagkatapos niyang
inayos ang pagtatapat niya.

"Esme naman. Sumagot ka nga-"

"Oo na."

Napatigil naman siya. "Talaga?"

"Aba't umoo na ko di pa rin nanini-" Niyakap niya kaagad ito.

"Oo na. Tumahimik ka na nga lang. Tara, atat kang lumayas talaga e."

--

"Unang date natin tapos sa sementeryo agad?!" reklamo ni Esme kay Axel nang
dumating na sila sa sementeryo. Niyaya kasi siya kanina nito na lumabas. Oo,
magsyota na raw sila. Pero akala niya sa isang romantic place siya dadalhin ng
bakla pero hindi. Sa sementeryo. At sementeryo pa naisipan ng gaga na magdate sila?
Ano yung? Dating with the dead?

"H'wag ka ngang magreklamo! Masyado kang atat e!" sabi naman nito sa kanya at mas
nauna pang naglakad kaysa sa kanya. Aba't hindi talaga gentleman itong baklitang
ito!

"Bwisit ka!" naiirita niyang sigaw rito. Kainis. Masyadong siyang nag-expect na may
pagkaromantiko ang gaga pero waley.

"Aba't mas ka! Tahimik nga. Nandito na tayo." Pabalik na sabi rin nito sa kanya.

Padabog na sinundan naman niya ito kung saan ito naroroon.

"Ano bang gagawin natin dito?" mataray na sagot niya. Ewan ba niya. Naiinis siya
kasi sa sementeryo sila magdedate.
"Dad, Mom. Ito nga pala ang baliw kong girlfriend." Biglang nagsalita si Axel.

Natigil naman si Esme sa pagsesemiento niya nang nagsalita ito. Ah, kaya pala sila
nagpunta muna rito. Masyado siyang nahighblood. Eh naman kasi! Bakit ba kasi may
pasecret-secret pang nalalaman ang mokong kung saan sila magdedate?

"Ah.. Hehe, hi po." Nasabi na lang niya. Ano ba naman ito. Baka multuhin siya ng
mga magulang nito. Ayaw na niya. Tama na yung mga magulang lang ang nangmumulto sa
kanya. Hindi na niya matake kung meron pa!

"Dad, Mom, pasensya na. Kung ito lang nakayanan kung ligawan. Wala kasi akong
choice eh." Dagdag pa nito.

Aba't! Sinapak niya kaagad ang mokong. Sabihin ba namang parang napilitan lang?!

"A-aray! Tangina! Ba't ka nananapak?!" hinihimas nito ngayon ang ulong sinapak
niya.

"Anong pinagsasabi mo sa kanila?! Bwisit ka talaga!" sumbat niya rito. Sarap


bugbugin.

"Teka nga! Di pa nga ako tapos e! Kaasar ka!" ayan na naman. Magshota ba talaga
sila? Siguro, walang araw na hindi sila nag-aaway.

"Wala akong choice Dad.. Ack! Ang sakit!" hinihimas pa rin nito ang ulo nito at
nagsalita muli, "..w-wala akong choice kasi.. mahal ko.." dagdag nito na
namimilipit pa rin sa sakit.

Oo, aaminin niyang kinikilig siya sa sinabi ng bakla. At mukha pang napalakas yata
ang sapak niya. Kasi naman, ba't hindi na lang direchuhin.

"Sorry na.." tanging nasambit niya sa lalake.

Napatingin naman si Axel rito at bigla siyang inakbayan. "Tss. Tara, bisitahin na
natin ang mga magulang mo. Sige Dad, Mom, alis na kami. Baka makita niyo pa kung
pa'no kami magbugbugan."

---

"Oh, Suzie, nandito ka pala. What brings you here?" napatayo si Alice sa pagkakaupo
niya sa swivel chair ng table niya nang biglang bumukas ang pinto at dumating si
Suzie Chua. Kilala niya kasi si Suzie. Childhood friend ito ni Axel as well as
crush ni Axel noon. Ewan nga niya kung crush pa rin ba hanggang ngayon ni Axel ang
babae pero mukhang hindi na kasi dumating na si Esme. Alam rin niyang dumating na
ito sa Pilipinas noon pa.

"Have a sit." Yaya niya rito.

"Thanks, ate." Umupo naman si Suzie sa upuan. "Uhmm, ate Alice, I'm here.. for the
marriage deal."

Bigla namang napaangat ang isang kilay ni Alice nang marinig iyon.

Chapter 2. Marriage Deal.

Chapter 2. Marriage Deal.

"Nakakahiya kay Mariz.. dahil sa kin, hindi natuloy yung pagbisita naming ng lola
niya." Nagsalita si Esme nang dumating si Axel sa kusina habang umiinom siya ng
tubig. Ilang araw na ba mula nung bumalik siya sa bahay nito? Oo, mahigit tatlong
araw na. Parang naging normal lang ulit ang buhay niya pero ang kaibahan nga lang..
sila na ni Axel.

Napansin naman niyang nahinto si Axel sa pagbukas ng pinto ng ref matapos ang
sinabi niya. Bahagyang itinaas ang kanang kilay nito. "What do you mean? Nagsisisi
kang bumalik dito?" medyo galit ang tono ng boses nito.

Ke-aga-aga, bad mood. "Kahit kailan talaga, ambabaw mo!" naasar siya sa inasta
nito. "Sa kin lang, baka sumama ang loob ni Mariz, ayokong magkalamat friendship
namin no! Siya lang kumupkop sa kin nung lugmok ako sa utang ng mga magulang ko.
Baka aakalain niyang nakikipaglive-in na ko sayo!" puno niya rito. Bigla naman
siyang napaisip.

"Nga pala, bakit pa ba ako nandito sa pamamahay mo? Tapos na ang trabaho ko rito at
di na ako sinusweldohan."

Biglang sinara ni Axel ang ref. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa kin, ha,
Esmeralda?" mukhang galit na nga ito.

Medyo kinabahan naman siya. Nakakatakot pala ang aura nito pag nagagalit. "Eh..
Ba't ka ba nagagalit?!" pasigaw na sabi niya rito. "Ang gusto ko lang naman eh,
babalik na ko kina Mariz. Doon na ulit ako titira sa kanila, Axel. A-ayokong
magmukha tayong live-in partner kung dito ako sa inyo."

Nagsalita naman kaagad si Axel. "Ba't mo ba iniisip ang mga sasabihin nila?
Problema na nila yun! Ano bang problema kung nandito ka sa poder ko? Paano tayo
magiging live-in partner eh hiwalay naman tayo ng kwarto? O, baka gusto mo.."
ngumiti ito ng kaloko-loko at biglang hinaplos ang pisngi niya patungo sa leeg
niya. "... gagawin din natin ang mga ginagawa ng isang mag-asawa?"

Binatukan niya kaagad ang gaga. Ang manyak!

"Tangina!" napamura ito sabay hawak sa batok nito.

"Gaga! Alam mo, kaasar ka! Kaya nga ayokong tumira rito, ang manyak mo! Tss."
Tuluyan na nga siyang naasar at nilagpasan lang ang lalake.

Pero muli ay nilingon niya ito. "Axel, seryoso ako. Titira na lang ako ulit kina
Mariz saka maghahanap ako ng bagong trabaho para pambayad sa utang ng mga magulang
ko. Hindi na rin kasi gaano kalaki yun dahil sa nasweldo ko sa inyo.. Saka, ayokong
isipin ng iba na kaya ako bumalik sa inyo dahil sa pera. Hindi pera ang habol ko."
Napabuntong hininga na lang siya. Sana maintindihan nito ang mga sinasabi niya.

Bigla namang lumapit si Axel sa kanya at niyakap siya. "Oo na. Payag na ko. Ang
sadista mo. Bugbog sarado ako sayo pag hindi. Saka.. pwedeng may schedule?"

Natawa naman siya sa sinabi nito habang kayakap ito. "Baliw! Anong schedule na
sinasabi mo?"

"Pag MWF doon ka sa pinsan mo, pag TTH naman saka weekends, sa kin ka. Ano?"

Hinampas niya ang dibdib nito. "Langhiya ka talaga!" natatawa talaga siya. "Ba't
mas marami akong oras na nilalaan sayo?"

"Aba, para sigurado. Baka makahanap ka ng iba dyan bukod sa kin, wala ka pa namang
taste pumili, kadalasan mas gwapo pa ako."

"Woo! Ang hangin! Pero, TTH lang ako pwede. Magtratrabaho pa rin kasi ako sa
weekends, ano, deal?"
"Hayy, hindi ka talaga magpapatalo e noh? Kung ako na lang kaya ang magbayad sa
utang ng mga magulang mo para tapos na?" sagot naman nito.

"Gusto mo talagang maging bugbog sarado e, ayoko nga. Ayokong umasa sayo, ayokong
maging tamad gaya mo no!" sumbat niya rito.

"Aba't.. kesa naman sayo, tomboy!" ayan na naman, nag-aasaran na naman sila.

"Walanghiya ka, bakla ka rin!"

"O, ba't nagsisigawan kayo?" parehas silang napatigil na dalawa nang sumulpot si
Manang Gina sa kusina. "Tomboy? Bakla? Uy, kayo ha! Yan tawagan niyo?" tila
kinikilig pa ang matanda habang sinasabi iyon.

"Tss! Kaasar! Alis na ko rito!" padabog na umalis sa kinaroroonan nila si Axel at


kaagad rin namang sumunod si Esme rito.

Walang imik-imik na sinundan niya ang lalake hanggang sa pumasok na silang dalawa
sa kwarto nito.

"Axel, sorry na nga! Naman kasi eh, ayokong umasa sayo. Gusto kong paghirapan ang
perang ipapambayad utang ko. Ayoko maging palamunin. Gusto kong tumayo sa sarili
ko, yan pangako ko kina nanay." Pagpapaliwanag niya pagkatapos ay nilingon naman
siya nito.

"Pasalamat ka talaga kasi girlfriend kita. Kung bakit hindi ka na lang kasi dito
tumira kahit nagtratrabaho, hay. Kaasar ka. Pakiss na nga lang." sabi naman nito.

Medyo gumaan na ang pakiramdam niyang naiintindihan na nito ang gusto niya. "Anong
kiss? Hambalusin kita diyan-" hindi natuloy ang pagsasalita niya dahil kaagad
sinakop ni Axel ang mga labi niya.

Well, she loves his kisses.

---

"Nandito na pala sila." Sinalubong kaagad ni Alice sina Axel at Esme nang dumating
na ito sa party na ginaganap ngayon sa hotel niya. Inimbitahan kasi ang dalawa na
dumalo sa party.

"Sige, I reserved seats for the two of you. Umupo na kayo doon kasi aasikasuhin ko
pa ang mga kliyente ko rito my dear brother, okay? Enjoy the party." Nakangiting
tugon naman nito sa kanila at pinuntahan kaagad ang mga naiwang kliyente.
"Axel, ba't di mo sinabi sa kin na ganitong party pala pupuntahan natin? Eh sana
nakadamit man lang ako ng maayos." Pabulong na sabi ni Esme kay Axel. Kasi naman,
akala kasi niya, ang pupuntahan nilang party ay yung normal lang kaso nang dumating
sila sa lugar kung saan gaganapin ang party, ang sososyal at ang gagara ng mga
bisita. Eh naka tshirt lang siya saka jeans.

"Hindi ko rin naman kasi alam na ganto pala ang party na sinasabi ni Ate, eh noon
naman, hindi naman ganito kagarbo ang idinadaos niyang party." Pabulong din na
katwiran nito.

"Mr. Kier Axel Santillan?" biglang may lumapit sa kanilang dalawa na isang
matandang lalake na nasa 50's na ang edad.

"Yes, I am, why?" binalingan naman ito ni Axel.

"Well, I've heard a lot from you. Magiging civil engineer ka na pala for the next
year. I'm Enrico Pulvera, CEO ng Enrico Power Inc. Nice to meet you." Sabi nito
sabay lahad ng kamay nito sa kanya.

Inabot rin naman niya rito ang kamay niya. "Nice to meet you too."

"At sino naman itong kasama mo?"

Tumingin naman si Axel kay Esme at ngumiti. "My girlfriend, Ms. Esmeralda Casiño.
She's a chemical engineering student."

Tinignan naman ng matanda si Esme from head to toe. Mukhang nandidiri pa talaga ang
gaga. Naconscious tuloy siya. "Your girlfriend? Casiño? I don't hear anything
prominent with that family name. And I thought she's your personal assistant."
Halata sa tono nito ang disgusto.

Kaasar ha, ininsulto pa talaga siya.

Pero bago pa niya mabugbog ang baliw na matanda ay nagsalita kaagad si Axel, "Yeah,
say what you want. Wala ka ng pakialam kung girlfriend ko siya, excuse us."
Seryosong sabi ni Axel dito at kaagad siyang hinila papunta sa reserved seats nila.

"Sayang! Kung makalait ang tandang iyon sa kin! Ikukulam ko talaga siya mamaya."
Nagsalita agad siya nang makarating sila sa table nila at nakaupo na.

Napangiti naman si Axel sa inasta ni Esme. "Kahit ginanun ka, baliw ka pa rin. Hay,
kaya siguro girlfriend kita."
"Talagang ganun! Porke nakatshirt lang ako? Makatingin sa kin, from head to toe
talaga. Aba! Who you talaga sila sa kin kapag yumaman ako."

Natawa naman siya rito. "Oo na, proud ako sayo kahit ganyan ka-"

"Uhmm." Lahat sila ay napatigil nang may biglang nagsalita sa harap.

Nagulat naman sila Axel sa kung sinong nagsalita. Walang iba kundi ang kababata
niya noon na si Suzie Chua.

"Good evening everyone. May I have some of your time." seryoso tumingin si Suzie sa
audience at huminto ang tingin kay Axel. "In order to seal the deal between the
Santillan Luxury Group and FranCo Group of Companies, I'll be announcing that I,
Suzie Chua, future CEO of FranCo will be having an arranged marriage with Kier Axel
Santillan of Santillan Luxury Group."

Buong mga bisita sa party ang natahimik matapos i-announce iyon.

Lalung-lalo na sila Axel at Esme na parehong gulat na gulat sa pangyayari.

Chapter 3. What?!

Chapter 3. What?!

"In order to seal the deal between the Santillan Luxury Group and FranCo Group of
Companies, I'll be announcing that I, Suzie Chua, future CEO of FranCo will be
having an arranged marriage with Kier Axel Santillan of Santillan Luxury Group."

Hindi alam ni Axel kung ano i-rereact niya matapos marinig ang biglaang
announcement ni Suzie sa party. Wala siyang alam tungkol dito! Wala siyang alam sa
deal ng Santillan Group at ng FranCo!
Si Esme naman ay natulala sa announcement. Parang hindi pa nagsisink-in sa utak
niya ang mga sinabi ng Suzing iyon.

Pero mas nagulat si Axel nang biglang tumayo ang ate Alice niya at nagsalita, "Well
yes, everyone. That's true. In order to fully seal our agreement, my brother, Axel
will be having an arranged marriage with Suzie Chua of FranCo."

Pumalakpak naman kaagad ang lahat ng bisita matapos ang sinabi ng ate niya maliban
nila ni Esme.

Bakit hindi sinabi sa kanya ng ate ang tungkol dito? Kung kailan okay na ang lahat,
magiging kumplikado na naman.

Kailangan niyang kausapin ang ate niya ng mansinsinan pagkatapos ng party. Hindi
siya pumapayag sa gusto into. Ayaw niya maging collateral para sa makasariling deal
ng ate niya.

---

Hinintay nina Axel at Esme na matapos ang party at hanggang sa magsialisan ang
lahat ng bisita. Gusto kasi nilang kausapin si Alice tungkol sa pabigla-biglang
deal nito.

Nasa harap silang dalawa ngayon ng office ng ate ni Axel. At hanggang ngayon din,
hindi pa rin sila makapaniwala sa lahat ng nangyari.

Napansin naman ni Axel ang malungkot na expresyon sa mukha ni Esme. "Oy, h'wag ka
ngang ganyan. Hindi naman ako papayag sa kasal na yun e. Saka pati rin ako e ngayon
ko lang din nalaman ang tungkol rito, kaya kakausapin ko si ate." Paliwanag niya
rito. Damn. Ang pinakaayaw niya sa lahat, ang makitang malungkot si Esmeralda.
Gusto niyang lagi itong masaya kahit madalas, sadista ito at lagi silang nag-aaway.
Mabuti pa siguro iyong bugbog-sarado siya dahil sa pananapak into kaysa makita
itong nasasaktan.

"Hmm.. Alam ko naman e.. Pero.. Axel-"

Hindi na niya ito pinatapos at nagsalita siya agad, "Wala ng pero-pero basta, mahal
kita kahit anong mangyari. Dito ka muna, hintayin mo ko, 'kay?" niyakap niya muna
ito bago tuluyang pumasok sa opisina ng ate niya.

---

"Axel, ikaw pala. So how's the party?" panimula ni Alice nang biglang pumasok ang
kapatid niyang si Axel sa opisina. Katatapos lang kasi ng party ng inorganize niya,
nagsiuwian na rin ang mga bisita.
Lumapit ito sa harap niya. "It was fine until that fcking announcement of yours
freaked the hell out of me."

Natawa naman si Alice sa inasta nito. She can feel his brother's anger. "Yes,
indeed." Ningitian niya ito. "It was very surprising too. Oo, my little brother.
Nasa deal ng FranCo at ng Santillan Group na magkakaroon kayo ng arranged marriage
with Suzie."

"Ate naman e!" bigla ay napasigaw ito. "Dammit. Bakit hindi mo sinabi sa kin noon
pa ang tungkol sa deal? Tapos ako pa ang magiging kapalit? Puro pera na lang ba
talaga ang iniisip mo? Kapatid mo ko. Ako na lang natitirang kapamilya mo. You
can't just do that to me!"

"FranCo will be a great help to Santillan Group kung papayag ako sa kagustuhan
nila, Axel. So I grabbed that chance."

"I won't. Hindi ako papayag sa gusto mo ate." Madiin na sabi into sa kanya.

"Why? I thought you like Suzie. Gusto mo nga siya noon, diba?"

"Hell yes! Noon yon!" gustong-gusto na talaga ni Axel na sumabog sa harapan ng ate
niya. "Pero nawala siya ng matagal kaya nawala na rin yung gustong iyon! Hindi ko
siya mahal ate. Sh*t. May mahal akong iba. You know that I love Esme. At akala ko
ba ay susuportahan mo ko? Pero, ano ba 'tong ginawa mo ate. Ginawa mong kumplikado
ang lahat!"

"Whether you agree or not, ganoon na ang mangyayari, Axel. Matutuloy ang deal.
You'll be married with Suzie for the next two weeks." Seryosong sabi ni Alice sa
kapatid niya.

Binigyan naman ni Axel nang mapang-asar na ngiti ang ate niya. "Hell no. Maghahanap
ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal. You can't force me to goddamn marry
that woman." Pagkatapos ay tumalikod na si Axel at iniwan ang ate niya. Sinara niya
ang pinto ng kalakas-lakas.

Napangiti naman si Alice sa inasal ng kapatid niya. "Don't worry, brother.


Sinusubukan lang kita." Then she sat at her swivel chair.

---
Kalahating oras ng naghihintay si Esme sa labas ng opisina ni Alice. Hindi pa rin
kasi lumalabas si Axel sa opisina nito. Halatang marami pa itong nililinaw sa
isa't-isa.

Pero sana talaga.. hindi matuloy yung gusto ni Suzie.

"Esme? You're still here." Napaangat naman ang ulo niya nang may biglang nagsalita.
Si Suzie Chua.

"Sinong inaantay mo?" maya-maya'y tanong nito.

"Si Axel." Tipid na sagot niya. Hindi siya papayag na apak-apakin lang into ang
pagkatao niya. Never!

"Oh, why?"

Naalala naman ni Esme ang inannounce ng gaga kanina. Naiinis talaga siya rito.
Sarap kalmutin ang mukha. "Suzie.. Ganyan ka na ba talaga ka desperada? Gagamitin
mo ang kompanya niyo para lang mapikot mo si Axel?" sa wakas, sinabi na rin niya.
Gusto talaga niyang ipamukha rito ang pagiging desperada.

Natawa naman si Suzie. "Haha. A sort of. Pero okay lang yun. Alam kong gusto ako ni
Axel kasi crush niya ako noong mga bata palang kami and yes, the feeling is mutual
so, no problem." Confident na sabi ng gaga sa kanya.

"Paano mo naman nasabi na gusto ka pa rin niya hanggang ngayon?" emergesh. Ang
tagal makagets ng bruha sa gusto niyang i-point out.

"I can feel it. Haha. But wait, bakit ka nagkakaganyan, Esme? Why are you
affected?" she mockingly told her.

Sarap ipakain sa buwaya! Siyempre! Boyfriend ko yang pipikutin mo! "Pakialam mo. Ni
hindi mo nga alam na kung papayag si Axel." Sabi na lang niya. Shet. Ba't natatakot
siyang sabihin dito na magjowa na sila ni Axel?

"Papayag yun. But.. Esme.. don't tell me kaya ka nagkakaganyan dahil.. may gusto ka
na kay Axel?" tila ay nagulat pa ito nang sabihin iyon sa kanya. "I remembered you
said it before na never kang magkakagusto sa kanya?"

Pero nabigla si Esme nang may humawak sa kamay niya. Si Axel. "Oo, gusto niya ako
at gusto ko rin siya. And the hell with you Suzie, I will not marry you. Ever."
Pagkatapos ay hinila siya nito papalabas ng hotel at iniwan lang na nakatulala si
Suzie doon matapos ang sinabi nito.
Naglakad pa sila ng ilang metro papunta sa parking lot ng hotel. Tahimik lang
silang dalawa ni Axel na pumunta doon at sumakay sa kotse nito. Nasa front seat
siya habang katabi si Axel na nagmamaneho.

Ang awkward. Oo, aaminin niyang natatakot siyang kausapin ito. Parang bad mood
kasi. She wondered kung ano nangyari sa pag-uusap ng ate nito. Sana.. Sana okay
lang kalalabasan.

Wala pa ring nag-uusap o nagsasalita sa kanilang dalawa. Hanggang sa sumabay na rin


ang ulan sa katahimikan ng kanilang paligid.

Hmm.. Siguro, itutuloy ng ate niya ang deal. Siguro.. matutuloy ang kasalan nila ni
Suzie. Siguro hindi makatanggi si Axel kasi nakasalalay dito ang kompanya nila.
Kung noon.. si Axel ang humahabol sa kanya, ngayon... parang siya na naman.

"Uhmm.. Axel.." nagsalita na siya. At alam niyang magiging mabigat sa kalooban niya
ang sasabihin niya rito. "Alam kong.. pinaghirapan ninyong itayo at ipalago ang
kompanya ninyo ng ate mo.. At kung tatanggihan mo ang deal.. nakasalalay dito ang
Santillan Group... Ayokong.. maging sagabal sa inyo, Axel.. Maganda naman si Suzie,
mayaman, socialite, elegante, matalino.. at.." shet, naiiyak talaga siya.

Tuluyan na ngang nagbagsakan ang luha niya. Ang sakit pala. "at.. kaya siguro..
dapat na tayong... maghiwalay." Sobrang mabigat sa kalooban niya nang sabihin niya
iyon. Kung nasaktan siya noon kay Angelo, mas lalo siyang nasasaktan ngayon, sobra.

Nabigla naman siya nang ginulo ni Axel ang buhok niya. "OA mo. Tae ka. Sino bang
nagsabi na papayag akong magpakasal sa kanya? Binibigay mo naman ako sa kanya
kaagad e. Wala akong paki kung mas maganda siya, mayaman o matalino kaysa sayo.
Drama mo. Mahal nga kita e. Yun ang wala sa kanya."

"Nag-iisip ako ng paraan Esme para hindi matuloy ang deal na iyon.. At ang naisip
kong paraan ay ang.. pakasalan ka. Nasa legal age na tayo para magpakasal kaya
siguro kung kasal na tayo, di na matutuloy yung deal." Dagdag nito na mas lalong
ikinagulat niya.

"Tara. Let's have a civil marriage. May kakilala ako. Later na ang simbahan.
Nagmamadali tayo." Sabay kindat ng lalake sa kanya saka iniba ang direksyon ng
pagmamaneho.

Hindi niya alam kung anong isasagot niya.. pero basta, ang alam niya lang..

Mahal na mahal niya ito.


Chapter 4. Suzie.

Chapter 4. Suzie.

"T-teka lang!" natataranta si Esme sa pabigla-biglang desisyon ni Axel. Para raw


matigil ang lahat ng ito, magpapakasal sila sa huwes.

Oo, mahal niya ito pero naman e, masyado pa silang bata. Heller?! 19 pa siya at 21
pa lamang ito! Next year pa siya magtwetwenty! Saka yung relasyon nila ni Axel,
hindi pa nga nakaabot ng isang buwan tas kasal-kasal kaagad? Ni hindi pa nga ito
nakagraduate ng college. Kung ganun nga ang mangyayari, ano na lang ang ipapakain
nito sa kanilang magiging pamilya, aber? Sawang-sawa na siya sa sardinas lang!

Hininto naman nito ang kotse sa isang sulok at napatingin sa kanya. Kumunot ang noo
nito, "What?"

Binatukan niya kaagad ang gaga. "Langya! Ba't mo ko binatukan?! Nasisiraan ka na ba


talaga ng bait?!" galit na sigaw nito sa kanya habang nakahawak sa batok nito. Alam
na niya ang patutunguhan nito, mag-aaway na naman sila.

"Shunga ka ba?!" sumbat niya rito. Gustong-gusto na talaga niyang sabunutan ang
balahurang ito dahil sa padalos-dalos na desisyon nito. "Hoy Kier Axel Santillan,
masyado pa tayong bata! Tsaka hoy, nasa modern times na tayo, heller?! Hindi na uso
ang tanan-tanan na yan o kasal-kasalan! Ni hindi pa nga tayo nakagraduate ng
college tapos isang linggo pa lang ang relasyon natin!" dagdag niya. Minsan talaga,
nakukunsumisyon na siya sa baklang ito.

Tuluyan na ngang naningkit ang mga kilay nito. "Ano bang gusto mo?! Bubuntisin kita
para lubayan tayo ng Suzing iyon?!" paasik na wika nito sa kanya.

"Gaga! Axel naman eh! Marami pang paraan!" napahilamos siya sa mukha niya. Shet.
Nafrufrustrate na talaga siya sa sitwasyon nila, first time pa niyang
magkaboyfriend pero hindi niya iniexpect na ganito ang mangyayari. Especially
having a boyfriend whose surname is a Santillan.

"Anong paraan Esme?! Wala na kong naisip na paraan bukod sa kasal!" nagsisigawan pa
rin sila. Ewan ba kung bakit hindi sila nabibingi sa boses nila sa isa't-isa.
Sanayan na siguro.
Ayaw niyang makasal agad-agad. Lalo pa na sa huwes pa nitong gustong ikasal sila.
Aba, gaya rin ng ibang babae, pangarap din niyang makasal sa simbahan! Choosy na
kung choosy pero basta! Masyado pa talaga silang bata.

Kumalma muna siya. Hindi sila magkakaintindihan kung magsisigawan sila. Huminga
muna siya ng malalim bago nagsalita, "Hmm.. Axel naman e. Wala rin akong naiisip na
paraan.. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Hindi naman ako mayaman, wala
akong kompanya na hinahawakan.. Hindi ko alam kung pa'no kita ipaglalaban, may mga
pera sila at napapaikot nila ang lahat gamit ang pera. Tapos magpapakasal tayo?
Hindi naman ganoon ang naiisip kong solusyon e." hindi niya alam pero napaiyak na
lang siya. Frustrated na siya sa real life niya pati ba naman sa love life?

Kahit anong pilit na pagpahid niya sa mga luha niya, kusa na itong lumalabas.
"Ayokong.. isakiprisyo mo ang lahat ng pinaghirapan ninyo ng ate mo s-sa kin..
Axel.. please." naiiyak niyang tugon dito.

Napasandal na lang si Axel sa manibela ng kotse niya. He sighed. "Okay, I'm sorry.
But.. Esme, just do me one favor... never break up with me no matter what happens."

"I love you no matter what." Puno nito sa kanya.

"I.. love you too." Sana.. Magiging maayos lang ang kalalabasan ng lahat.

---

Hinatid ni Axel si Esme sa bahay ng pinsan nitong si Mariz. Gaya kasi nung
napagkasunduan nila, tutal, hindi na nagtratrabaho si Esme sa kanila, titira na
ulit ito sa pinsan nito.

Bago pa man buksan ni Esme ang pinto para lumabas, biglang hinawakan ni Axel ang
braso niya at kaagad siyang hinalikan nito sa labi. Pagkatapos ng ilang segundo ay
bumitiw na ito, "Please.. don't give up on us."

Tumango lang siya saka ningitian ito. Binuksan na nga niya ang pinto ng kotse nito
saka lumabas.

Tuluyan na nga siyang iniwan ni Axel doon.

"Bruha!!" napalingon naman siya sa likod niya at nakita si Mariz na kumakaway sa


kanya. Nilapitan siya nito.

"Bruha! Namiss kita!" kaagad siyang niyakap ng pinsan niya. Malapit na malapit kasi
silang dalawa sa isa't-isa. Puro lalake kasi ang mga kapatid nito. .

Tuluyan na nga siyang napaiyak dahil sa pagyakap nito. Kanina pa niya talagang
gustong umiyak dahil sa mga nangyayari-ang pagiging commoner niya, ang announcement
ni Suzie, ang kumplikadong relasyon nila ni Axel, ang mahirap na buhay niya.

"Mariz.. Nasasaktan ako."

---

"Oh, Ms. Chua, you're here." Napansin ni Alice ang biglang pagpasok na naman ni
Suzie sa opisina niya habang inaayos niya ang mga files na gagamitin niya mamaya sa
table niya para sa isang board meeting. Minsan talaga naiinis na siya sa babaeng
ito. Desperate at no manners. Hindi man lang kumakatok sa opisina niya bago
pumasok. No courtesy. Mabuti pa si Esmeralda Casiño, noong una niya itong nakita,
kumatok muna ito sa pinto ng office niya bago pinapasok.

While this Suzie girl, walang respeto. Paano na lang kung she's doing something
private at bigla-bigla itong pumasok? Gusto yata nitong kasuhan niya itong ng
trespassing for pete's sake. Kung hindi lang talaga sa plano niya para sa kapatid
niyang si Axel, hindi siya papayag sa deal nito.

"Ate Alice.. I want to reschedule everything. I want to marry your brother, Axel,
the day after tomorrow, as soon as possible." She directly said. Wala na itong
paliguy-ligoy pa.

She raised her left eyebrow. This girl is really getting unto her nerves.
Desperate. "I thought in our deal, next week pa yun. Why so sudden change of plan,
huh, Suzie?" gusto niya itong buhusan ng tubig sa inidoro. Noon pa man, ayaw na
niya rito para sa kapatid niya. But hell, this Suzie Chua really thought that
she'll be really, really cooperating with their deal.

Nagkibit-balikat lang ang bruha. "Well, gusto kong maging sigurado na our deal will
go smoothly. I want to marry him as soon as possible. Ayokong makuha siya ng iba.
Especially with that creep lesbo, Esmeralda Casiño. She's nothing compared to
FranCo."

As if siya talaga ang nagpalago ng FranCo. Mga katagang naglalaro sa isipan niya.
Anak lang naman ito ng may-ari ng FranCo, ni minsan, hindi niya narinig itong
tumulong sa korporasyon kaya laking gulat nga niya na isinali nito sa announcement
na ito ang future CEO ng FranCo. Well, FranCo might be better think twice. Risking
their company with the leadership of his daughter will be uncertainty.

"Look Suzie." She's trying to be patient but once this girl reacts stupidly,
definitely, susunugin niya ito ng buhay. "We already agreed that next week ang
kasal. I don't want any change of plans. I don't want any last minute changes,
understand? Now go. I have something to do here privately. Next time, knock on the
door please."

"I see. Okay." Halatang napahiya ito. Tumayo na ito at naglakad na papunta sa
pinto. Bago pa nito buksan ang pinto ay nilingon siya nito, "Hindi mo alam kung
anong kaya kong gawin, Alice." Pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas sa opisina.

Napailing-iling na lang siya habang natatawa. Ito yata ang nagkakamali. Even
without FranCo, Santillan Group is stronger than them. FranCo's no match to
Santillan Luxury Group. She's just challenging her brother.

---

Maagang pumasok si Esme sa university. 8am kasi ang first subject niya. Hindi na
siya nag-abala pang tawagan si Axel kahit tadtad ang cellphone niya sa mga texts
nito na susunduin siya nito sa kanila at ihahatid siya sa school.

Hindi naman sa ayaw niyang replyan ito. Gusto niya munang mapag-isa dahil sa mga
nangyari. Ang tagal magsink-in! Saka, oo nga pala, wala rin siyang load. Naghihirap
pa kasi siya. Ni hindi pa nga siya nakapagsimulang maghanap ng bagong part-time
job.

"Esme."

Napahinto naman siya sa mga yapak niya nang may nagsalita. Lumingon siya sa likod
niya at nanlaki ang mga mata niya sa kung sino ang dumating.

"S-Suzie?"

---

"Alam mo naman siguro yung tungkol sa arranged marriage namin ni Axel." Panimula
nito sa kanya. Nasa canteen sila ng university kung saan hindi pa masyadong matao.
Maaga pa kasi saka dumadagsa ang mga estudyante kapag tanghali na.

Minsan talaga ang sarap ibalibag ang katawan ng gagang ito. Desperada, obsessed at
insensitive. Mayabang din.

"Oo. Alam na alam ko na iyon, Suzie. Don't worry." Sarkastikong sabi niya. Paulit-
ulit na lang. Buong gabi at araw na niya kaya iniisip ang mga nangyari. Iniisip ang
mga solusyon at ang mga magiging resulta.

"Hmm.. Okay then.." halatang iniinis siya nito. Ugh! Ang sarap talaga ipalapa sa
buwaya ang bruhang ito. Mabuti na lang nasa school premises sila at ayaw niyang
magkaviolation, may scholarship pa naman siya. Kung bakit kasi nagpapapasok ang mga
guard sa mga masasamang nilalang gaya nito.

"Ayokong umaaligid ka sa kanya, Esme.. Ayokong lumapit ka sa kanya or so


whatever.." dagdag nito na halatang inaasar lang siya. Porke mayaman e. Kaasar!
"You know, Star International?" biglang tanong nito sa kanya.

Tumango siya. Ang Star International, ito ang call center na pinagtratrabahuan ng
pinsan niyang si Mariz. But so what? Anong kinalaman nito sa arranged marriage ng
balahura?

"Pinapakialaman mo kasi kami ni Axel.. so.. just this morning, you know, Star
International is connected with FranCo. I fired your cousin, Ms. Mariz Ochua. So
better mind your own business, huh, Casiño? Thanks." Pagkatapos ay tumayo itong
nakangiti at iniwan lang siyang nakatulala.

Gulat na gulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung anong i-rereact niya.. Si
Mariz.. Paano na lang ito..

Bigla ay tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya kaagad ito sa bulsa at sinagot
kung sino ang tumawag.

"Esme..."si Mariz.. At halatang umiiyak ito sa kabilang linya. ".. tinanggal ako sa
trabaho... hindi ko na alam kung anong gagawin ko.." humagulhol pa ito. "Pa'no na
sina Nanay? Esme.. yung trabaho ko.."

Gulat na gulat pa siya sa mga nangyayari.. Hindi niya alam kung anong sasabihin
niya sa pinsan niya.. Ang tanging pamilya na kumupkop sa kanya at naging kaibigan
niya.

Siya...

Siya ang dahilan kung bakit ito natanggal sa trabaho.

Chapter 5. Maghihiwalay Nga Ba?

Chapter 5. Maghihiwalay Nga Ba?

Kakaparada lang ni Axel sa kotse niya sa parking lot ng university. Kahit 11am pa
ang klase niya, pumunta na siya ng maaga rito. Ito kasing si Esme, tinadtaran na
niya ng text sa cp na siya ang hahatid dito dahil 8am ang klase nito, 'di man lang
nagreply. Hindi niya maiwasang mag-alala, alam kasi niyang gulung-gulo pa ito sa
mga nangyayari. Baka magsuicide ito, may pagkasadista pa naman ang gaga.

Buntong hiningang lumabas siya sa kotse. Kakasimula pa nga lang nilang dalawa na
magkasintahan, dumagsa kaagad ang mga problema. Excited masyado.

Kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya saka tinawagan ito. "Hello, nasaan ka?"
sabi niya nang sinagot nito ang tawag.

"Hmm.. N-nasa canteen ako." parang anlamig ng sagot nito sa kanya. May nangyari
kaya?

"K. Sige, papunta na ko diyan. Hintayin mo ko. I love you." sabi niya. Wala yata
ito sa mood.

"Bye." yun lang at ibinaba na nito ang linya.

Nilagay naman ulit ni Axel ang cellphone niya sa bulsa. Naguluhan siya sa inasal
nito. Bakit anlamig yata nito ngayon? Eh halos yata kada-oras, ang hyper nito.
Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip na masama. Sana naman ay walang nangyari rito.

Baka makikipaghiwalay na ito sa kanya? Hindi naman. May pangako kaya sila sa isa't-
isa, na kahit anong mangyari, walang bibitiw.

Naglalakad na si Axel papunta sa canteen. Kailangan niyang bilisan.

Pero napahinto siya sa mga yapak niya. Namumukhaan niya itong babaeng kalalabas
lang ng canteen.

"Suzie?" bago pa man siya nito malagpasan ay nahawakan niya kaagad ang braso ni
Suzie.

"Oh, Axel." ningitian pa siya nito.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa braso nito. Anong ginagawa nito ngayon
dito? Galing ito sa canteen. At si Esme.. Nasa canteen. Naging malamig ito sa kanya
kanina. Ano na namang kalokohan ang sinabi ni Suzie roon? "What are you doing
here?!" medyo tinaasan niya ang boses niya rito. Medyo badtrip pa naman siya rito
dahil sa padalos-dalos na announcement nito sa party ng ate niya. At hindi pa rin
niya nalilimutan ang mga masasamang sinabi nito minsan kay Esme.

"Ano ba, Axel.. Nasasaktan ako." reklamo nito kaya napilitan siyang bitawan ang
braso nito. Inayos nito ang sarili bago nagsalita, "Wala naman, just doing some
business here. Tsaka bakit ka ba ganyan? Dapat simula ngayon, you should be good to
me kasi ikakasal na tayo next week. O, sya, sige na, cool yourself first, masyadong
mainit ang ulo mo ngayon, bye!" hinalikan pa siya nito sa pisngi tsaka umalis.
Tangina.

Dali-dali naman siyang pumasok sa loob ng canteen. Agad naman niyang nahanap ang
kinauupuan ni Esme na tila tulala ito.

Nang dumating na siya sa kinaroroonan nito, kaagad siyang umupo sa harapan nito.

Parang hindi yata napansin ang presensya rito. Nakayuko ito at nakatulala.

"Esme." panimula niya.

Bahagya namang umangat ang ulo nito. Tinignan siya nito ng masama.

"Walanghiya ka! Nagpakita ka pa talaga sa kin! Ito sayo!" sabi nito sa kanya at
nagulat siya nang binato sa kanya ang hawak-hawak nitong bottled water.

Nailagan naman ni Axel ang binato nito. Buti na lang walang tao sa likod nila.

"Tangina! Ba't ka ba namamato?! Ano bang nangyari?! Esme naman e!" sabi naman niya
rito. Bigla-bigla na lang itong sinusumpong sa kapraningan nito. Bigla ba naman
siyang binato. Minsan talaga, nasisiraan na ito ng bait.

"Yang gagang kaibigan mo! Si Suzie! Nakakainis na talaga kayo! Nakakaasar.. lahat-
lahat na!" sumbat nito sa kanya. Napapansin niyang may namumuong luha na rito.

Huminahon muna siya. May sinabi rito si Suzie na masama. At ang pinakakaayaw niya,
ang makita itong umiiyak. Hell, si Esme ang babaeng nakilala niyang pinakamatapang.
At hindi-hindi ito basta-bastang umiiyak. "I'm sorry.. Ano bang sinabi ni Suzie
sayo, Esme?" nag-aalala siya rito.

Hindi na nga nito napigilang umiyak. "Axel.. Si Mariz.. Tinanggal sa trabaho..


pinatanggal siya ni Suzie.. Axel.. Wala namang kasalanan si Mariz sa lahat ng ito
eh.." sabi nito sa kanya habang umiiyak.

"Esme--"

"Oo nga! Kasalanan mo ang lahat ng ito!" maya-maya'y sumbat nito sa kanya at
tumigil na rin ito sa pag-iyak. "Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung bakit kasi
hindi mo na lang pakasalan ang bruhang iyon para matapos na! Nakakaasar kayo! Porke
mahirap kami! Hmph!" bigla itong tumayo at tumalikod.

Aba't parang sira talaga ang babaeng ito. "H-hoy! Saan ka pupunta?" tanong niya
rito. Imbis na pag-usapan nila ang magiging solusyon ng pagkakatanggal ng pinsan
nito dahil kay Suzie, sinisisi siya.
"Pupuntahan ko si Mariz. Makikipagkita siya sa kin. Diyan ka na!" humakbang na nga
ito.

"Sasamahan na kita." tumayo na rin siya. Minsan talaga, napakastubborn nito. Kaya
minsan lang sila nagkakasundo eh.

"Ayoko." walang lingun-lingon itong sumagot sa kanya.

"Esme naman--"

"Ay oo." lumingon ito sa kanya. "Sumama ka na. Para makatipid ako."

---

"Bruha!!" sinalubong kaagad si Esme ng pinsan niyang si Mariz sa karinderya kung


saan sila magkikita. Malapit lang ito sa Star International na pinagtratrabahuan
nito. As usual, ito lang afford nila.

Nagkayapan kaagad silang dalawa.

"Bruha.." umiiyak ito ngayon sa harapan niya. "Wala na akong trabaho.." halata sa
mukha nito ang buong magdamag na pag-iyak. Hindi niya tuloy alam kung anong
sasabihin niya rito. Sila pa naman ni Axel ang may kasalanan.. Nasali ito sa mga
problema nila.

Nasa likod lang ni Esme si Axel. Pinasama na niya kasi ito para makatipid.

"Sorry.. bruha.." ang tanging nasambit niya. Napansin naman niyang bigla itong
natigil sa pag-iyak.

"Bruha.. Sino yang kasama mo? Ba't may gwapo?" biglang sabi nito. Napalingon naman
siya sa likod niya.

Itinaas naman niya ang kanang kilay niya. Ang walangyang si Axel pala ang tinutukoy
nito.

"Huwag mo ng pan--"

"Boyfriend niya ako. I'm Kier Axel Santillan." hindi siya pinatapos ng gaga at
nagsalita agad ito. Inabot nito ang kamay nito kay Mariz.

"Axel?!" medyo nagulat naman si Mariz sa sinabi ni Axel. Kung tama ang pagkaalala
niya, ito yung baklang pinagtratrabahuan ni Esme 'non. "Ang lalakeng-lalake mo na!
Esme, ba't di ko alam na magsyota na pala kayo?"

"Hindi kami magsyota!" sumabat kaagad si Esme. Mas mabuting siguro 'pag ganun.
Naaasar na siya sa mga nangyayari dahil sa lalakeng ito.

"Sorry, Mariz. Nag-away kasi kami kaya ganyan siya." sumabat din naman si Axel.

"Aba't--"

"Oo na! May LQ kayo." nagsalita kaagad si Mariz. Bahala na ang dalawang ito, may
problema pa siya sa trabaho niya. "Bruha.. Anong gagawin ko? Ang hirap pa naman
maghanap ng trabaho.. Maraming kakompetensiya.. Tas.. biglaan pa yung
pagkakatanggal ko.. Eh wala naman akong bad record eh! Early bird nga ako sa
trabaho!"

"Wait.." parehas silang dalawa ni Esme na napatingin kay Axel."Sa Star


International ka nagtratrabaho diba?" tanong ni Axel kay Mariz.

Tumango naman ito.

"Kilala ko ang may-ari ng Star International.." napaisip-isip si Axel. Oo, kilala


niya ang may ari ng SI.

"Sino?!" magkasabay pa ang dalawang sumigaw.

"Sino ang may-ari? H-hindi ko kasi kilala talaga ang owner ng SI. Ang tanging
nakakausap ko lang ay ang managing director, yung matabang matandang nagtanggal sa
kin kanina." puno ni Mariz.

"Oo! Si.. Kurt de Vera. Ang ex-boyfriend ni ate Alice!" Oo, si Kurt, ito yung ex ng
ate niya noong college. Hindi nga niya alam kung anong rason kung bakit
nagkahiwalay ito. Isang taon din naging magkasintahan ang dalawa. Milagro nga e
nagtagal ang dalawa, naririnig pa naman niya noon na si Kurt de Vera ay playboy.

Ang tanging alam niya lang, simula 'nong magkahiwalay ang mga ito, hindi na
nagkaboyfriend ang ate niya. Habang ang ex nito, kaliwa't-kanan pa rin ang mga
nagiging babae. Mukhang bitter pa rin ang ate niya.

"Kakausapin ko si ate tungkol dito. Tutulungan ko kayo."


---

"Come in." sabi ni Alice nang may kumatok sa opisina niya. Nakaupo siya ngayon sa
swivel chair ng office niya habang may pinipirmang mga papeles.

"I suppose.. you're busy?"

Napaangat naman ang ulo ni Alice sa isang pamilyar na boses na narinig niya. That
voice... Mahigit pitong taon na niya itong hindi naririnig. She knew that voice
when she was in college.

"What the hell!" napatayo siya. Ang walanghiyang si Kurt de Vera!

Wala pa ring ipinagbago sa itsura nito, maliban lang na parang naging mature ito.
The man who fooled her for almost one year! Ang kapal ng mukha nitong balikan siya.
But yes, this man is still good-looking.

"O-oy. Babe, huminahon ka muna." natatawa pa ito. Talaga lang ha! "It's been years,
huh? Ang ganda mo pa rin. And I'm glad, nagsikap ka talagang itaguyod ang Santillan
Group." Pinagpasadahan pa nito ng tingin ang buong office niya. "Maybe now, you
have a boyfriend already or even a husband. Nagsisi tuloy ako.. Sinayang lang
kita. "

".. Saka.. nagsisisi rin ako.. kung bakit hindi ko sinabi sayo noon ang totoo.. "
naging malungkot ang tono ng boses nito.

Napataas naman ang kilay niya. Now what? Lolokohin na naman siya nito?

"Well, anyway! Nandito ako dahil sa kapatid mo, nagpatulong siya sa kin sa problema
niya." napalingon naman si Kurt sa likod at tsaka nagpakita si Axel.

So si Axel talaga ang may pakana nito?

"Maiwan ko muna kayo. Alice, kung sakaling single ka pa, call me." pagkatapos ay
lumabas na ito sa opisina niya. Napasapo na lang siya sa noo niya. Walang modo
talaga kahit kailan ang lalakeng iyon.

"Ate."

"What?" hindi niya tuloy maiwasang matarayan ang kapatid niya. Kung bakit kasi
dinala pa nito ang walanghiyang Kurt na iyon.

"Please.. Tigilan mo na ito. Dahil rito, tinanggal sa trabaho ang pinsan ni Esme,
si Mariz. Ipinatanggal siya ni Suzie. Buti na lang eh kilala ko si Kurt de Vera
kaya nagpatulong ako."

Napaupo naman ulit si Alice. Masyado pang maaga para matapos ang lahat. Ni hindi pa
nga niya nasimulan ang plano niya para masubok ito. Well, hindi naman niya talaga
itutuloy ang deal nila sa FranCo. Sa araw na kung kailan itinakda ang kasal nito
kay Suzie, doon na niya mismo i-ko-call-off ang deal kahit walang ginawa ang
kapatid niya para matigil nito mismo. Pero alam naman niyang may gagawin ito kaya
mas magiging exciting ang lahat.

"Wala akong magagawa doon, Axel. Hindi ko pwedeng pigilan ang mga ginagawa ni
Suzie. At kung ayaw mong magkaproblema sina Esme, sundin mo ang gusto ko."
seryosong sabi niya rito.

"Marry Suzie. Then wala na tayong magiging problema."

Hindi ito kaagad nakapagsalita nang sabihin niya iyon.

Naging tahimik ang buong kapaligiran. She was still waiting for his brother's
answer.

"Axel--"

Hindi siya natapos sa sasabihin niya nang napabuntong-hininga ito.

Napangiti siya.

Chapter 6. Solusyon.

Chapter 6. Solusyon.

"Axel? Anong nangyari?" sinalubong ni Esme si Axel nang lumabas na ito sa hotel
kung saan ito nakipagkita sa ate Alice nito.
Kinakabahan si Esme sa itsura ng lalake. Mukhang may nangyari hindi maganda sa pag-
uusap. Huwag naman sana.

Bigla naman ay ngumiti si Axel sa kanya, "Tara na." sabi lang nito saka hinila siya
at tinungo ang kotse kung saan ito nakaparada.

Naguguluhan si Esme sa inasal ng binata. Pinabayaan na lang niya ito hanggang sa


dumating na rin sila sa kinaroroonan ng kotse at sumakay na rin silang dalawa rito.

"Axel.. Ano bang talagang nangyari?" tanong niya rito habang pinapaandar pa lang
nito at kotse. Nasa front seat siya, katabi ni Axel na magdradrive.

Napatigil naman ito nang magsalita siya. "Let's not talk about it." malamig na sabi
nito sa kanya at tsaka pinaandar na kotse. Natahimik naman siya. Parang nakakatakot
ang pagiging malamig nito sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at naging tahimik lang ang biyahe nila. Minsan,
sinusulyapan ni Esme si Axel na seryosong nagmamaneho. Ang face expression nito na
palaging makulit ay nag-iba. Parang galit ito.

Napapaisip tuloy siya. Ano kayang napag-usapan ng ate Alice nito? May sinabi kaya
rito si Ms. Alice kaya parang galit ito? Sana naman wala.. Sana okay lang ang
lahat.

Nalulungkot siya, kung saan pa silang dalawa na magsisimula, marami naman ang
humahadlang.

Napansin naman ni Esme na nag-iba ng direksyon si Axel. Hindi ito ang daan papunta
sa bahay niya kina Mariz.

"Uhh.. Axel.. H-hindi ito yung daan papunta sa min." kinakabahan siya at medyo
pinapawisan na. Shems! Pinapawisan na siya kahit ang lakas ng aircon.

Hindi naman umimik si Axel sa sinabi niya. Nakafocus pa rin ang tingin nito sa
daan.

Mas kinabahan lalo si Esme, hindi rito ito ang daan papunta mismo sa bahay ng
lalake. Saan ba talaga sila pupunta?!

"H-hoy! Axel! Saan ba talaga tayo pupunta?!" hindi na niya mapigilan mapasigaw
rito. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman niya ngayon kasi hindi man lang
nagsasalita ang gaga!
Hindi naman siguro siya i-massacre nito o kaya'y chachopin. Masyado pa siyang bata
para mamatay!

Niyugyog na niya ang balikat nito. "Axel! Hoy! Axel naman e! Saan na ba tayo?!"
hindi na siya mapakali. Parang walang pakialam sa kanya ang lalake kahit ano pang
sabihin niya.

Maya-maya'y huminto ang kotse sa tapat ng isang hotel. Pagkatapos ay nilingon siya
nito. "Sumunod ka sa kin." malamig na sabi pa rin nito.

"P-pero--"

"Sumunod ka sa kin." matigas na sabi nito saka naunang lumabas sa kotse.

Kahit kinakabahan at natatakot, lumabas din si Esme sa kotse nito at sinundan ito.
Pumasok silang dalawa sa loob ng hotel at nagcheck-in ng room. Gulung-gulo pa rin
si Esme sa inaasal ni Axel sa kanya. Malamig na malamig ang aura nito.

Pumasok na nga silang dalawa sa room kung saan nagcheck-in ang lalake.

Sana naman hindi ako patayin nito o kaya i-salvage. Mga katagang naglalaro sa
isipan niya. Natatakot na tuloy siyang ng iniisip niya iyon. Pero hindi naman
siguro, hindi iyon magagawa ng lalake sa kanya. At kung i-massacre nga siya nito,
mumultuhin niya ito habang buhay.

Tahimik pa rin silang dalawa sa loob ng room. Walang nag-iimikan.

Naasar naman si Esme sa inaasal sa kanya ng lalake. "Hoy, Kier Axel--" bago pa man
siya mapakapagsalita ay marahas na inangkin nito ang mga labi niya.

Bigla siya nitong binuhat at saka dinala sa kama pagkatapos ay hinalikan siya ulit
sa labi. Umabot ang mga halik nito sa leeg niya. "A-Axel! A-ano ba!!" kahit anong
gawin niyang pagpupumiglas ay wala siyang nagawa. Masyado malakas ang lalake.

"A-Axel!!" pero hindi natinag ang lalake sa pinaggagagawa nito sa kanya. Mas lalo
siyang nagulat ng marahas na pinunit nito ang tshirt niya at marahas ding tinanggal
ang bra niya. Kaagad nitong sinunggaban ang kaliwang dibdib niya pero bigla niya
itong sinipa saka tinulak ng malakas para mahulog sa kama. Napaiyak na lang siya.
Hindi niya inaasahan na gagawin yun sa kanya ni Axel.

Niyakap ni Esme ang sarili kahit wala na siyang saplot sa ibabaw. Mas napaiyak siya
lalo. Muntik na siyang gahasain ni Axel!

Napatayo naman si Axel mula sa pagkakahulog niya sa sahig dahil sa pagsipa ni Esme.
Nang tumayo siya, nakita niya itong nakaupo sa kama at umiiyak na habang niyayakap
ang sarili na wala ng saplot sa pang-itaas.

"Sht!" Tangina. Napamura siya sa isip. Ano bang ginawa niya rito? Hindi niya
napigilan ang sarili niya.

"Esme.. Sht.. I'm so sorry.. Esme--" lalapitan na sana niya ito nang bigla itong
nagsalita. "H'wag kang lalapit sa kin!" galit na sigaw nito sa kanya kaya naman
napahinto siya sa mga yapak niya.

Tangina. Tangina talaga. Bakit niya ba yun nagawa?

"B-bakit mo yun ginawa sa kin, Axel, ha?! B-bakit.." mas lalo pa itong naiyak sa
harapan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Masyado siyang nadala sa
emosyong nararamdaman niya ngayon.. Hindi naman talaga niya sinasadya.. Hindi niya
alam! Gulung-gulo siya ngayon sa buhay niya.. Sa pagmamanipula ng ate Alice niya sa
buhay niya... ang kasal nila ni Suzie.. lahat..

Nilapitan niya si Esme at lumuhod sa harapan nito tsaka hinawakan ang magkabilang
pisngi nito. Ayaw na ayaw niyang makita itong umiiyak.. lalo't pa na siya ang
dahilan. Now, he hates himself for doing that reckless behavior. "I'm so sorry,
Esme.. Sorry.. Hindi ko naman talaga sinasadya iyon.. Naguguluhan ako.. Hindi ko na
alam kung anong gagawin ko Esme.. I'm so sorry.. Patawarin mo ko.." sunod-sunod na
sabi niya rito habang pinupusan ng dalawang kamay niya ang mga luhang kusang
tumutulo sa mga mata nito.

"A-Axel.. b-bakit ka ba nagkakaganyan.." patuloy pa rin ito sa paghikbi. Alam


niyang nasaktan niya ito dahil sa ginawa niya.

"Esme.. I'm very sorry, forgive me.. Hindi ko na talaga alam.." pagkatapos ay
tumayo ulit siya saka tumalikod rito.

"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko Esme.. Ayokong mapahamak ka..
Ayokong magkagulo ang pamilya mo dahil sa kin.. I don't want to your life be a mess
because of this bullsht deal. Ayokong mahirapan ka Esme.. Pinaghirapan mo, ninyo,
ang lahat ng ito pagkatapos mawawala lang ng parang isang bula dahil sa kin." muli
ay nilingon niya ito. Naiiyak tuloy siyang makita itong umiiyak din. He bit his
lip. "Ayokong mangyari sayo yung nangyari kay Mariz, Esme. Marami pang magagawa
sila ate doon na mas malala pa. Hell, ayokong masaktan ka dahil sa kin.. Esme..
Mahal na mahal kita kaso.. ayokong masaktan ka."

Hindi ito nagsalita matapos niyang sabihin iyon. Nagpatuloy pa rin ito sa pag-iyak.

Nilapitan niya ito ulit at tinabihan sa pagkakaupo sa kama. "Ayokong masaktan ka


dahil sa kin.. Esme.. If I have to sacrifice everything para hindi ka masaktan,
para hindi ka mahirapan, gagawin ko."
"Axel.." napatingin naman siya rito. Hinawakan niya kaagad ang magkabilang pisng
nito.

"I'm doing this.. I have to.. agree with the deal.. Esme.. because I love you."
sabi niya rito.

Umiling sa kanya si Esme. "Axel.. please.. don't.." Alam niyang sa tono ng boses
nito, nasasaktan ito.

Niyakap na lang niya ito.

"I'm so sorry for everything.. Mahal na mahal kita." Bumitaw na siya pagkakayakap
nito at hinalikan ito sa noo.

Tumango naman si Esme kahit mas lalo pa siyang naiyak. "Mahal din kita." Then mere
silence covered everything.

Dahan-dahang inilapit ni Axel ang mukha niya kay Esme hanggang sa naangkin niya
ulit ang mga labi nito. Ngayon.. nararamdaman niyang nagpaubaya na ito sa kanya..
Wala na itong hesitations.

Maingat na inihiga niya sa kama ang babae saka hinalikan ulit.

Nagpaubaya na si Esme kay Axel. Parang nawala ang takot niya nang sabihin ni Axel
ang mga iyon kanina sa kanya. Pero nasasaktan pa rin siya.. Ayaw niyang mawala si
Axel sa kanya. Kung pwede lang sana na panaginip lang ang lahat ng problema nila..
hindi sana ganito..

Pababa na ng pababa ang mga halik ni Axel sa kanya, alam na niyang kung saan na
sila papunta pero.. bahala na. Mahal niya ito at ito na ang huling beses na
magsasama sila... Sana hindi. Sana matagal pa..

They both undressed themselves. They were now flesh to flesh. He kissed everything
on her.. Then he entered hers..They made love.

Their bodies danced in unity. Their moans were heard.. It was fast until they
reached the climax. They both collapsed in each others arms.

Humihingal pa si Axel dahil sa nangyari. He then cupped her face and kissed her
forehead. "I love you."

Napangiti naman si Esme, she was teary-eyed. "I love you too."
---

Nagising na si Axel mula sa pagkakatulog niya. Napaupo siya at napasapo sa noo


niya. Umaga na pala. Napatingin naman siya sa gilid niya at napangiti. Katabi niya
si Esme na mahimbing pa ring natutulog ngayon. They were both naked. Akala niya
panaginip lang ang lahat ng iyon.

Hinaplos niya ang buhok nito.

Ayaw niyang mahirapan ito kaya gagawin na niya ang gusto ng ate niya.

***Flashback.

"Axel--"

Hindi na niya pinatapos ang ate Alice niya at kaagad nagsalita, "Hmm.. O, sige,
papayag na ako sa gusto niyong mangyari." seryosong sabi niya rito na siya namang
ikinagulat ng ate niya.

"Pero.. papayag lang ako basta makakakuha ako ng assurance na hindi ninyo
pakikialaman ang buhay ni Esme. Ayokong may mangyari sa kanya o sa pamilya niya
dahil sa kin." puno niya.

Napansin naman niyang napangiti ang ate niya. "Good. Mabuti ng pumayag ka na sa
deal, Axel. It's good that narealize mo na ring pumayag sa kasunduan nating ito.
Besides, ikaw lang naman ang makikinabang kasi saan ko ba ibibigay itong lahat ng
ito, Axel? Sayo lang naman. You'll be managing the Santillan Group in the future.
Ang lahat naman ng ito ay para sayo. So I'm glad that you're now cooperating." sabi
nito sa kanya.

Naiinis siya. Naiinis siya rito. Naaasar siya sa ate niya, sa kompanya nila.. kay
Suzie.. hindi sana siya mapipilitan kung hindi dahil dito. "As if I have a choice.
Just promise me na walang mangyayari kay Esme, ate." mariin na sabi niya.

"Okay, sure. I promise. So it's settled then."

"Axel.. bukas, pumunta ka rito. Magkakaroon tayo ng board meeting with the FranCo
dahil pumayag ka na sa kasunduan. Apparently not really a board meeting kasi ang
pupunta lang, three persons from FranCo, maybe the CEO of FranCo kasali si Suzie,
ako at ikaw." dagdag nito.
***End of Flashback

Pumayag na siya sa kasunduan ng ate niya. Kahit ayaw niya, kailangan, kasi ayaw
niyang maging magulo ang buhay ni Esme.

He was about to kiss her forehead when he suddenly remembered someone.

Kaagad siyang tumayo para hanapin ang cellphone niya. Nang mahanap na niya ito sa
pants niyang nagkalat lang sa sahig, dinial niya agad ang number ni Veronica. Ang
kaibigan niya noon sa kapatiran.

"Alexis! Emergesh! Napatawag ka? Balita ko raw ang gwapo mo na!" sabi nito sa
kabilang linya in a very gay tone.

"Veronica.. kailangan ko ng tulong mo." seryosong sabi niya rito at di na pinansin


ang mga sinabi nito.

"Like what Alexis? Kung tungkol sa panliligaw ng isang babae, wala akong--"

Pinutol niya ang sinasabi nito. "Diba may tita kang nagrerelease ng mga marriage
contracts sa city hall?"

"Yah.. Why naman?"

Tinignan muna niya si Esme na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya bago
nagsalita, "Please, get me one. Ilagay mo ang mga pangalan namin.. Kier Axel
Santillan at saka Esmeralda Casiño."

---

"Are you sure Ms. Santillan na darating ang kapatid mo?" tanong ni Mrs. Georgina
Chua, ang CEO ng FranCo and also, the mother of Suzie. Nasa conference hall na kasi
sila ng hotel kung saan magaganap ang isang meeting ng FranCo at Santillan Luxury
Group. Pumayag na kasi si Axel sa deal nila and at she was glad at the same time,
pissed. Medyo nainis siya sa desisyon ng kapatid niya, ang dali naman yatang
pumayag nito. Mas naeexcite siya o mas masaya siyang sana sinabi na lang nito sa
kanya kahapon na ipaglalaban niya si Esme.
Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin dumadating si Axel.

"Yeah, naiinip na ako rito ha." mataray na sabat ni Suzie sa kanila. Naaasar na
siya sa babaeng ito. Reklamo ng reklamo. Lima silang nandoon sa loob. Four from the
FranCo and one from Santillan Group which is her.

"Don't worry, sisipot siya baka natagalan lang." sabi na lang niya rito.

Pero kalahating oras na naman ang lumipas ay hindi pa rin dumating si Axel.

"Okay! Ayoko na! Nakakainis na--" bago pa man magwalkout si Suzie at napatigil
silang lahat sa pagbukas ng pinto sa conference hall.

Tumambad sa paningin nila si Axel..

.. kasa-kasama si Esmeralda!

"I will call off the deal. Hindi na ako papayag sa gusto niyong mangyari." kaagad
na sabi ni Axel sa kanila bago pa man sila makareact sa pabiglang pagsipot nito.

"And why is that? Kakapayag mo lang!" si Suzie na mismo ang nagsalita. She was mad.

Hinigpitan ni Axel ang pagkakahawak niya sa kamay ni Esme. "Because I'm married...
I'm married to Esmeralda Casiño."

Naging tahimik ang buong paligid dahil sa sinabi nito.

Chapter 7. It's Over.

Chapter 7. It's Over.

"Because I'm married... I'm married to Esmeralda Casiño."

Silang lahat ay natahimik at nagulat sa rebelasyon na sinabi ni Axel. Kahit mismo


si Suzie ay hindi nakapagsalita.

Naramdaman naman ni Axel na medyo kinakabahan si Esme. He hold her hand tightly as
he finally spoke again, "I'm married--We're married. So, it will be null and void
kung itutuloy ninyo ang kasal namin ni Suzie."

It was then Suzie came back to her senses. "What the hell! At paano naman kayo
kinasal?! You're lying! You two are lying!" sumigaw ito. Mukhang galit na galit
talaga si Suzie sa nangyayari.

Bigla namang ipinakita ni Axel ang dala-dala niyang envelope. Laman nito ang
marriage contract na ipinagawa niya kay Veronica. Ang laki ng utang na loob niya
rito dahil tumulong ito sa mga plano niya.

"I have this. I have proof. I married Esme through civil marriage." sabi pa niya
rito saka ipinakita sa lahat ang laman ng envelope niya.

Pinagmasdan lang ng lahat ang marriage contract na hawak-hawak ngayon ni Axel.


Hindi talaga sila makapaniwala sa mga nangyayari.

Totoo ngang kinasal si Kier Axel Santillan kay Esmeralda Casiño.

Marahas na hinablot ni Suzie ang contract. Pinunit niya kaagad ito. Umuusok na
talaga siya sa galit. "NO! You're just lying! Hindi pwede! Hindi pwedeng hindi
matuloy ang kasal natin!" nagsimula na itong magwala. "Hindi pwedeng hindi tayo
makasal Axel!" pagkatapos ay binigyan nito si Esme ng isang masamang tingin. "You
bitch! Malandi--"

Sasampalin na sana ni Suzie si Esme pero nabigla siya nang hinawakan ni Alice ang
kamay niya. "I've heard enough Suzie." sabi niya rito at ningitian lang sila Esme.

"What the hell!! Let go of me! Ate Alice, are you out of your mind? May deal tayo!
At matutuloy iyon!" sabi naman ni Suzie kay Alice na nakahawak pa rin sa kamay
niya. Kahit anong pagpupumiglas niya rito, mas hinigpitan lang ng ate ni Axel ang
pagkakahawak sa kamay nito.

"Hmm.. I'm already done with your bratty attitude, Suzie. Narinig ko na ang gusto
kong marinig. I'll call the deal off. Whether you like it or not, hindi ko na
itutuloy ang deal ng Santillan Group sa FranCo." kalmadong sabi ni Alice kay Suzie.

Axel felt relieved at what he heard from his older sister. Parang gumaan ang loob
niya. Nilingon naman niya si Esme na nasa tabi lang niya habang magkahawak ang
kamay nila. Ngumiti ito sa kanya.

"NO! Hindi pwede! At bakit mo i-kocall-off? Alam mong malaki ang maitutulong ng
FranCo sa Santillan! You'll be owing alot from us!" nagwawala na naman si Suzie.

"Ms. Georgina Chua, please tell her." tinignan ni Alice si Georgina, ang mommy ni
Suzie pati na rin ang CEO ng FranCo. Alam nito ang buong plano niya, para sa deal
nila sa mga kompanyang hawak nila.

Napatingin naman si Suzie sa mommy niya.

"Suzie, honey, I'm sorry to tell you this but I agree with what Ms. Alice Santillan
said. We'll call off the deal. Santillan Luxury Group doesn't need FranCo. Kahit
wala tayo, malakas pa rin ang kinatatayuan ng Santillan Group sa mga investments
and business. Actually dear.. It was us who needs them. Kailangan ng FranCo ang
tulong ng Santillan Group." sabi ni Georgina rito.

"Well, tutulungan pa rin namin ang FranCo, Suzie pero that marriage agreement will
be off. Hindi na matutuloy iyon." puno naman ni Alice.

Pati rin naman sila Axel ay medyo nagulat din sa mga narinig nila. Ang buong akala
niya, sila ang may kailangan sa FranCo kaya pinipilit siya ng ate niyang pakasalan
si Suzie. Kailangan talaga nilang mag-usap na magkapatid ng mansinsinan tungkol sa
mga nangyayari ngayon. May hindi siya naiintindihan.

"No! You promised! Hindi pwede!" nagsimula na namang maghisteria si Suzie.


Napailing naman si Alice sa inaasal nito ngayon. Napakaselfish talaga. Sarili na
lang palagi ang iniisip. Ngayon, alam na niyang kung bakit ayaw ni Axel rito at
buti na lang ipinaglaban ng kapatid niya ang pagmamahal nito kay Esme dahil kung
natuloy pa ang kasal, hell, ayaw niyang magkaroon ng hipag na walang ginawa kundi
magreklamo ng reklamo at wala pang manners.

"You bitch! Malandi ka! Slut! Sabi mo hindi mo kami pakikialaman ni Axel noon ha?
Look now! Ikaw pala itong malandi! Walanghiya ka!" susugurin na sana ni Suzie si
Esme at bago pa man niya masabunutan ito ay laking gulat niyang bigla siyang
sinampal ni Esme. Napahawak tuloy siya sa kaliwang pisngi niyang sinampal ni Esme.

Namumula na siya sa galit. Ang kapal ng babaeng sampalin siya! "Bitch--"

"Tama na Suzie! Sawang-sawa na kami sa mga ginagawa mo! Bakit ka ba ganyan? Bakit
napakamakasarili mo? Tumigil ka na. Hindi na ako pumapayag na insultuhin mo ko at
paglaruan ang mga buhay namin!" sumbat naman sa kanya ni Esme kaya naman natahimik
siya.

Nagalit naman si Suzie sa mga sinasabi nito. "Ang kapal naman ng mukha mo--"

"Suzie, anak." nahinto naman si Suzie nang hawakan ni Ms. Georgina Chua ang balikat
niya. "Stop it. It's done. Let's go." dagdag pa nito sa kanya.
"I won't forgive you for this!" pagkatapos ay nagwalkout ito sa conference hall.
Sumunod naman agad ang mommy nito pati na rin ang iba pang kasamahan nito sa
FranCo.

Napabuntong-hininga si Alice. "That girl really got into my nerves." sabi nito at
napasapo sa noo.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Esme. Parang unting-unti ng nawawala ang mga tinik
sa dibdib niya.

Nilingon naman silang dalawa ni Alice at binigyan sila ng ngiting mapang-asar. "So,
huh? Kailan kayo kinasal? Ba't hindi man ninyo ako ininvite?" ramdam niya sa boses
ng ate ni Axel na okay lang rito ang relasyon nilang dalawa kaya naguguluhan siya,
noong mga araw, talagang ipinagpilitan nitong ikasal si Axel kay Suzie.

"Ate.. Ano yung sinabi ni Tita Georgina tungkol sa deal ninyo? Hindi ko
maintindihan ang mga pinagsasabi ninyo." iniba naman ni Axel ang tanong nito.

Nagkibit-balikat lang si Alice. "Actually, hindi naman talaga ako papayag na


matuloy ang kasal ninyo ni Suzie, kapatid. Ayokong maging hipag siya no. Hahaha,
it's sound ridiculous. I hate that girl. Walang manners." sagot niya rito.

Mas naguluhan pa lalo sila Axel sa sinabi ni Alice. "What do you mean ate?"

Alice devilishly smiled. "Sinusubukan lang kita, Axel. Sinusubukan ko lang kung
paano mo ipaglalaban ang pagmamahal mo kay Esme. And the result, I was really
amazed! Ang ganda ng ginawa mo, brother. Kinikilig ako. Sorry kung masyadong
madrama ang plano ko. And I was getting bored so ginawa ko iyon. Don't worry, kahit
hindi mo talaga ginawa ang eksenang iyon, hindi pa rin magtutuloy ang kasal ninyo
ni Suzie kaso nga lang, nakakalungkot kasi hindi mo ipinaglaban si Esme but look
now! Haha. My plan worked out." sabi nito sa kanila at kumindat pa.

Medyo nagulat naman sina Axel sa sinabi nito. Of all those days? "You're impossible
ate." napailing siya.

"Of course! Ikaw naman. Look, ang ganda ng ipinakita mo Axel. You just had proved
that you really love Ms. Casiño. I admire your courage brother. Siguro, ang swerte
ng babaeng mamahalin mo." dagdag ni Alice saka tinignan si Esme. Napayuko naman si
Esme sa mga sinabi nito. Ang buong akala niya ayaw ng ate ni Axel sa kanya.. pero
hindi pala. Akala rin niya na masama ang ugali nito kasi ginigipit silang dalawa ni
Axel dahil sa pera, dahil sa kompanya pero hindi pala. Hindi niya inaasahan na
mahal na mahal talaga nito ang kapatid nitong si Axel.

"I'm really glad that ikaw ang magiging sister-in-law ko, Esme. I knew it. The
first time I met you, ikaw talaga ang makakapagpabago ng buhay ni Axel. Thank you
for coming into us." hinawakan ni Alice ang dalawang kamay ni Esme.
Ngumiti naman si Esme rito. "Masaya rin ako, Ms. Santillan. Napakaswerte ko kasi
nakilala ko kayong lahat."

Alice was contented sa sinabi ni Esme at binalingan si Axel. "So brother, when did
the marriage happen? You should have invited me! Para naman mawitness kita na
ikakasal na!" sabi ni Alice sa kapatid niya at hinampas ang balikat nito. Masaya
naman talaga siya. Masayang-masaya dahil sa wakas, okay na. Bumalik na sa dati ang
kapatid niyang si Axel.

Napatingin naman sina Axel at Esme sa isa't-isa.

"Uhmm.. Ate, we're not really married. The marriage contract was fake."

---

"Bakit ang tagal mo?! Gabing-gabi na o! May project pa akong gagawin sa min! Ugh!"
galit na sabi ni Esme kay Axel nang dumating na ito sa restaurant kung saan siya
nagpapart-time job bilang waitress para sunduin siya. Kanina pang 8pm tapos ang
shift niya at alasdyis na itong dumating. Hindi pa kaya niya natapos ang project
niya tapos deadline pa bukas. Kung alam niya lang malelate ito, sana nagcommute na
lang siya.

Mahigit tatlong linggo na rin ang lumipas nang mangyari ang lahat ng iyon. Ngayon,
masasabi nilang wala ng problema sa relasyon nilang dalawa.

Well, wala pa rin naman talagang nagbago sa kanilang dalawa. Madalang pa rin silang
nagkakasundo, minsan nag-aaway at nagsisigawan na tila hindi pa magpapatalo ang
isa. Siguro, sanayan na lang.

Pumasok kaagad si Esme sa kotse nito at umupo katabi nito sa driver's seat.

"Bakit ang tagal mo?! Kanina pa ako naghihintay diyan! Axel naman e." nagsalita
agad siya nang makapasok na siya sa kotse ng lalake. Dismayado talaga siya.

Nilingon naman siya nito. "Babe." nang marinig niya ang endearment nito sa kanya,
medyo nawawala tuloy ang galit niya. Parang nawala ang pagod niya dahil sa trabaho.
'Babe' kasi ang endearment nila. Bakla at tomboy sana iyon kaso ayaw ni Axel kaya
hindi na lang. Wala e, gusto niya kasing maiba. Kaso itong boyfriend niya, walang
sense of humor. Tss.

"Sorry. Natagalan ako kasi nakipagkita sa kin ang mommy ni Suzie si Tita Georgin--"
"Nakipagkita ka kay Suzie?!" hindi niya maiwasang itaas ang boses niya.

"Shit. Huminahon ka nga!" ayan. Nagsisigawan na naman silang dalawa.

"Nakakainis ka talaga! Noong isang araw, kasama mo si Rhea para sa isang thesis
tapos makikita ko na lang na nagyayakapan kayo? Tapos ngayon si Suzie na naman?!"
sumbat pa ni Esme rito. Hindi pa rin niya malimutan kung paano ginulo ni Suzie ang
buhay nilang dalawa noon.

"Fck! Makinig ka nga! Yung sa min kay Rhea, aksidente iyon. Ilang ulit ko na ba
inexplain sayo?! Muntik siyang matapilok dahil sa isang bato sa daan nang iaabot na
niya sana sa kin ang folder kaya napayakap siya sa kin!" napahilamos si Axel sa
mukha niya. Minsan talaga, ang immature ng babaeng ito.

"So, ganun? Kapag ako, kinausap ko lang si Kenneth dahil hihiramin ko lang yung
notes niya na gagamitin namin para sa exam dahil absent ako dahil sa part-time,
nilalandi ko kaagad siya? Eh di tapos! Kaasar!" bubuksan na sana ni Esme ang pinto
ng kotse nang hinawakan ni Axel ang braso niya at kaagad siyang hinalikan.

Medyo nagulat naman si Esme pero kalaunan ay tumugon din naman siya sa mga halik
nito. Matapos ang ilang segundo, bumitaw na sila sa isa't-isa.

"Look, I'm sorry. Makinig ka. Hindi ako nakipagkita kay Suzie. Sa mommy niya, kay
Tita Georgina." paliwanag nito sa kanya pero hindi siya nagsalita, nakikinig lang
siya rito.

Napabuntong hininga naman si Axel. "Humingi siya ng tawad.. sa tin. Sa mga nagawa
raw ni Suzie. Pagkatapos daw kasi ng lahat ng iyon, nagkulong si Suzie sa kwarto.
Pinilit niyang ipinaintindi ang lahat kay Suzie. Noong una, hindi talaga nakikinig
si Suzie sa kahit anong paliwanag niya. Masama pa rin kasi raw ang loob niya sa
tin.. Pero just this day, she confronted her mother. Gusto raw ni Suzie na
magsimula ulit at makalimot. Babalik daw ulit siya sa New Zealand." mahinahong sabi
nito kay Esme.

Napatingin naman si Esme rito. Masyado siyang nagreact. Naguilty tuloy siya sa
inasal niya kanina. Nag-isip-bata siya. "Sorry." napayuko na lang siya.

Bigla namang hinawakan ni Axel ang kamay niya."Ikaw naman kasi. Grabe ka kung
makareact. Tumingin ka nga sa kin." iniangat naman ni Esme ang ulo niya at tumingin
kay Axel.

"Ilang ulit ko ba sinabi sayo na mahal kita? Na ikaw lang? Diba dapat mahiya ka sa
kin kasi everytime na sinusundo kita rito, palagi mong ipinagmamayabang ang mga
gwapo mong customers? Masakit yun, you know.. na marami ka pang crush bukod sa
kin!" sumbat nito sa kanya kaya natawa naman siya. Crush lang naman e. Hindi naman
niya kasalanan kung puro gwapo ang mga customer nila.
Hinampas niya ito sa balikat. "Baliw! Anong everytime?! Once a week lang yun!
Hahaha!"

"Ano ba?! Bakit ba ang sadista mo?!" reklamo nito habang hinihamas ang braso nito.

Naasar naman siya. "Hmph! OA mo!" tumingin ulit siya sa ibang direksyon pero niya
magawa iyon, nahawakan na naman ulit ni Axel ang braso niya at hinalikan siya.
Well, hinalikan siya nito ng mas matagal pa.

And she willingly responded to his kisses.

Chapter 8. Ang Baliw na Ending. (End of Part 2)

Chapter 8. Ang Baliw na Ending.

3 years later...

"Oy, sigurado ka bang okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Mariz sa pinsan niyang
si Esme nang makita ito sa kusina na hinihilot ang noo. Noong isang linggo pa itong
ganun, parang may dinaramdam. Biglang sumasakit ang ulo tapos parang nahihilo o di
kaya'y nasusuka.

"Ewan ko nga bruha, sumasakit na naman yung ulo ko. Ang sarap i-umpog sa pader."
sagot naman niya rito. Naiinis na siya sa ulo niya, noong isang linggo pa ito
sumasakit tapos biglang mawawala at babalik na naman. Tapos nahihilo pa siya.
Nagiging abnormal na yata ang katawan niya.

Minsan naiisip din niya na baka dahil ito sa lugar na pinagtratrabahuan niya.
Kakagraduate lang kasi niya sa kurso niyang BS in Chemical Engineering last year at
dahil grumaduate siya bilang cum laude, madali lang siya nakahanap ng trabaho.
Ngayon, nagtratrabaho siya bilang chemist ng isang malaking oil company. Okay naman
ang sweldo at stable pa kaya wala na siyang ibang mahihiling pa.

"Bumili ako ng gamot kagabi. Ito o." saboy abot ni Mariz sa pinsan niya sa
paracetamol na binili niya kagabi. Aalis pa kasi ito para sa trabaho nito. At gaya
rin niya ay marami na ring nangyaring maganda sa buhay nito.

"Salamat. Sige na. Umalis ka na, baka malate ka pa." sabi ni Esme sa pinsan niya
matapos tanggapin ang gamot. May trabaho pa rin kasi ito sa Sabado kaya siya lang
naiiwan sa bahay. Ang mga magulang kasi nito, nasa probinsya, binabantay ang lolang
may sakit.

"Oo na. Mag-ingat ka ha? Pag may problema, tawagan mo ko."


"Sir yes sir. Haha! Alis na, bilis." kahit ang sobrang sakit talaga ng ulo niya,
hindi niya maiwasang matawa. Hmm, masaya lang siya sa buhay nila ngayon,
nakapagtapos na siya, may trabaho na siya at dahil doon, okay na lahat. Nabayaran
na rin kaya niya ang utang ng mga magulang niya kaya ngayon, hindi na siya
masyadong minumulto ng mga ito.

Napabuntong hininga na lang si Esme nang makaalis na si Mariz. Napahawak na man


siya sa necklace na ibinigay sa kanya ni Axel noong 3rd Anniversary nila. Noong
dalawang buwan pa iyon. Hindi nga niya aakalain na magtatagal sila, eh kasi naman,
ganun pa rin silang dalawa, walang nagbago.

Palihim siyang natawa. Ganun na siguro nila kamahal ang isa't-isa dahil natagalan
nilang dalawa ang krapaningan at kabaliwan ng mga buhay nila. Sanayan na lang
siguro.

Kinuha niya sa bulsa ang bagay na binili niya sa pharmacy kaninang madaling araw.
Oo, minsan ang wild na ng imagination niya kaya naisipan niyang bilhin iyon. Hindi
rin niya maiwasang kabahan. Sa totoo lang, kinakabahan na talaga siya ng todo
ngayon. Bumabalik sa kanya ang mga nangyari sa kanila ni Axel noong sinelebrate
nila ang 3rd Anniversary nila.

Napalunok siya nang makita ang resulta.

POSITIVE.

Kailangan talaga nilang mag-usap ni Axel.

---

"And the new Project Director of Power Builders, Inc. Civil Engineer Kier Axel
Santillan." nagpalakpakan ang lahat sa conference room matapos ang announcement ng
CEO ng Power Builders na isa sa mga prominent at stable construction business ng
bansa. Napromote kasi si Axel bilang bagong Project Director. Sa edad pa lang na
25, hindi makapaniwala ang iba na project director na siya. Maganda kasi ang
performance niya rito kaya mabilis lang ang promotion.

Minsan din naman siyang inalok ng ate niya na maghandle ng isa sa mga business nito
pero tumanggi siya. Gusto niyang tumayo mismo sa sariling mga paa niya.

"Congratulations, Mr. Santillan." sabi sa kanya ni Mr. Wilfredo Lucena, ang CEO ng
PB at nakipagkamayan sa kanya.

"Thank you, sir." nakangiting tugon niya rito.

"Attend the Promotional Party at our villa, this night, Mr. Santillan. Invite your
girlfriend too. Balita ko, chemical engineer siya. Perfect match, puro engineers."
alok naman sa kanya ng matanda. Sa araw din kasing iyon, maraming napromote sa
kanila.

"I'll try sir. My girlfriend is not really fond of this kind of events. Hindi kasi
iyon party-girl." sagot naman niya rito. Hindi naman kasi ganoon kahilig si Esme sa
mga party. Dalawang beses lang itong umattend ng mga ganun, yung Engineer's ball
nila noon at nung party ng ate niya. Sa tatlong taon nilang magkasintahan, alam na
niya ang hilig at ang mga ayaw nito.

Masayang nag-usap-usap silang lahat na nandoon sa conference room,


nagkocongratulate at kung ano pa.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Axel sa bulsa niya. Kinuha niya kaagad ito at
binasa ang message.

Fr: Esme babe

Papunta ako ngayon sa bahay niyo. May dapat tayong pag-usapan.

Pag-usapan? Naguluhan naman si Axel sa message nito. May problema kaya?

---

Mahinahong naghihintay lang si Esme sa labas ng bahay nila ni Axel. Ganun pa rin
ito at walang pinagbago. Saka madalas naman siyang bumibisita rito at minsan, dito
na rin natutulog, well kapag umuulan lang naman.

"Hija, kape, gusto mo?" alok sa kanya ni Manang Gina. Ito pa rin ang katulong nina
Axel hanggang ngayon. Sa katunayan, mas naging close sila ni Manang Gina.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Napayakap siya sa sarili dahil sa ginaw. Kahit
nakajacket na siya, ramdam pa rin niya ang lamig ng panahon.

Umiling siya sa alok ng matanda. "Salamat po, manang. Wag na. Okay lang ako rito."
nakangiting sabi niya.

"O, sya. Sabihin mo lang sa kin kung may kailangan ka. Nandiyan lang ako sa kusina,
nagluluto. Sige." bumalik na sa loob ang matanda at iniwan siya.

Hindi alam ni Esme kung anong sasabihin niya kay Axel. Pati rin naman siya nabigla
sa resulta. Hindi niya inaasahan iyon. Kahit siya nga ay napaiyak nang malaman
iyon. Pero ano pa bang magagawa niya? Nangyari na, tapos na. Hindi naman siya ganun
kawalang-puso para i-abandona ang munting anghel na nasa sinapupunan niya.

Narinig naman niya ang pagdating ng kotse ni Axel. Hoo. Kabadong-kabado na naman
siya. Ano kayang magiging reaksyon ni Axel sa oras na ipaalam niya rito ang balita?
Hihiwalayan kaya siya nito? Sana naman maging okay lang ang lahat.

Matapos pinarada ni Axel ang kotse, kaagad siyang nilapitan nito at hinalikan sa
pisngi. "Sorry, babe. Natagalan ako. Ngayon kasi ang promotion ko, look, I'm the
new Project Director." masayang tugon nito sa kanya.

Mas lalo tuloy kinakabahan si Esme. "Ah.. Congrats." tipid na tugon niya rito.

Napansin naman niyang nag-iba ang ekspresyon ng lalake. "Bakit parang anlamig mo?
May problema ba?" Nasa tono ng boses nito ang pag-aalala.

Tumango naman si Esme.

"Ano? Sabihin mo sa kin. I'll listen."

Huminga muna siya ng malalim bago sabihin rito ang balita. Pinipigilan niyang
maiyak. "Axel... Buntis ako."

"W-what?"

Tuluyan na nga siyang naiyak. "Axel naman e. Buntis ako! Two months." Frustrated na
siya. Hindi kasi niya inaasahan na magiging ganito ang resulta.

Napansin naman niyang nagulat ito sa sinabi niya. Hindi ito nakapagsalita.

Mas lalo pa siyang naiyak. "Axel, ano? Magsalita ka naman diyan. Sa 'ting dalawa
'to. Hindi naman pwedeng sa iba kasi tayo lang naman ang magkasama.. Axel, ano
na??"

"Esme... I.. Shit." nabigla si Esme nang pumasok kaagad ito sa loob ng bahay at
hindi siya pinansin. Iniwan lang siyang nakatayo doon.

Mas lalo pa siyang naiyak. Binalewala lang siya ni Axel. Akala niya... pananagutan
siya nito pero hindi pala... Ang tanga niya...

Naghintay siya sa labas ng bahay nito.. Baka sakaling maisip nitong balikan siya..

Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Gulung-gulo siya ngayon. Masyadong mabilis ang
mga nangyayari. Hindi niya inaasahan ang lahat ng ito... Ang magiging buhay niya
dahil rito.. Hindi na niya alam.

Lumipas ang kalahating oras... hindi pa rin bumalik si Axel.. Napapaisip na tuloy
siya.. Mukhang hindi siya pananagutan nito.

Kahit sobrang labag sa kalooban niya, naglakad na siya papaalis ng bahay nito.
Hindi na niya mapigilang umiyak. Nasasaktan siya... akala ba niya, mahal siya nito?
Bakit ganun-ganun na lang itong sumuko sa kanya?

Basang-basa na siya dahil sa ulan. Hindi niya alam kung gagawin niya.

"Esme!"

Ayaw na niyang lumingon pa. Masyado siyang nasaktan. Wala na siyang aasahan pa
kundi ang sarili niya..

"Esme!"

Nagulat siya nang may yumakap sa likod niya. Lumingon siya sa kung sino man iyon.

"Axel..." nandito ngayon ang lalake, sa harap niya. Binalikan siya...

Kaagad siyang hinalikan ni Axel sa labi kahit pareho na silang basang dalawa dahil
sa ulan. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na ito.

"Ang bilis mo namang makalakad. Di mo man lang ako hinintay." hinawakan nito ang
magkabilang pisngi niya. "I love you. I always love you. You know that."

Tumango naman si Esme. "Pero Axel... paano--"

Hinalikan siya nito sa noo. "Sshh. I know, that's why..."

Mas lalong nagulat si Esme nang lumuhod ito sa harapan niya at may hawak-hawak na
singsing. "Damn. Sa birthday mo sana ako magpropropose para man lang makapaghanda
ako. But thank God, I already bought a ring for it. Kaya medyo natagalan ako kasi
hinanap ko pa tong singsing.." kahit basang-basa na sa ulan, tuloy-tuloy pa rin ito
sa pagsalita.

"Esmeralda Casiño, will you be Mrs. Santillan for the rest of your life? Pasensya
na kung ganito ang proposal.. Wala ka rin namang ibang choice kundi pakasalan itong
gwapong nilalang na 'to. Ano?"

Gustong tumalon sa saya ni Esme. Hindi niya inaasahan ang lahat ng ito... Parang
sasabog siya sa saya.

"Sira ka talaga! Tumayo ka nga." hindi niya maiwasang matawa. Ang taas din ng bilib
sa sarili nito.

Tinulungan niya itong tumayo pagkatapos ay kaagad niyakap ang lalake.

"So, ibig sabihin nito, it's a yes?"

Hinampas niya ito sa dibdib. "Siyempre, ayokong lumaki ang anak kong walang ama
no!" natatawang sabi niya rito.

"Anak natin. Saka magpapakasal tayo dahil mahal natin ang isa't-isa. Hindi lang
dahil kay baby. Ayokong isipin mo na naguilty lang ako pero damn, kung alam mo
lang, magpropropose na talaga ako sayo next month, sa birthday mo. Babe naman kasi,
sana sa birthday mo na lang ako binalitaan para makapaghanda ako."

"Baliw ka talaga e no? At gusto mo pa talagang ipagpaliban 'to. Kung ikaw kaya ang
palaging sumasakit ang ulo at nasusuka! Hmph!" inirapan niya ito.

"Haha!" hinalikan niya ulit ito sa noo. "Ikaw naman. I love you. Again, will you
marry me? Umoo ka na para makasama ko na rin ang magiging mag-ina ko."

"Oo na. Hahaha. I love you too." Then they happily shared a kiss under the rain.

"Do you remember, yung booth hopping ng school natin noon? Yung lalakeng humalik
sayo?"

"Yeah.... what? Ikaw... Ikaw yun?"

"Of course.. Hindi lang iyon, noong naglasing ka nung dumating si ate, you kissed
me unknowingly. Akala mo pa, ako si Angelo."

Natawa naman si Esme. Si Axel pala talaga ang first kiss niya.

"Ikaw pala talaga ang first kiss ko."

"Of course. And until now too." he kissed her again.

---

The End.

End of Part 2.

--

All Rights Reserved.

Copyright (c) January 12, 2014 by Eurekaa.

--

Thank you and God bless!


For Alice Santillan's story, it's titled Chasing Alice.

You might also like