Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 43

II Kros-Kultural na Pagpaplanong Pangwika

Florencia C. Victor,Ph.D.
Lingguwistikong Dibersidad: Komparatibong Pagsusuri ng Pagpaplanong
Pangwika ng India at Filipinas
SA development ng isang bansa, importanteng instrumento ang wika at
importante rin ito sa pagkilala ng identidad ng isang indibidwal, ng isang pangkat o ng
isang bansa (Candin, 1989). Maaaring makatulong o makahadlang, sa pangkabuhayan
at panlipunang pagsulong ng isang bansa ang paggamit o di paggamit ng wika
(Kennedy, 1989). Mahalaga sa isang komunidad ang pagkakaroon ng isang komon na
wika para sa isang normal, magaan, at episyenteng komunikasyon (Tauli, 1974).
Marami na sa mga iskolar at mga mag-aaral o mga sosyolingguwista ang nagbuhos ng
panahon upang pag-aralan kung paano magagampanan ng isang bansa ang pagpili ng
wikang magsisilbing behikulo ng pagkakaunawaan ng lahat ng mga mamamayan. Ang
wika ay napaplano (Rubin at Jernudd 1971) at napagtatagumpayan ang plano.

Naniniwala ang maraming awtor na ang pokus ng pagpaplanong pangwika ay


ang pagtiyak at paghanap ng mga solusyon sa mga problemang pangwika ng isang
bansa. Malimit na ang katawagang pagpaplanong pangwika ay nagsasangkot ng
lingguwistikong patakaran ng pamahalaan (Tauli, 1974). Ito'y isang pampolitikal at
pang-administrasyong proseso sa pagdedesisyon para sa nasyonal na level sa
paglutas ng mga problemang pangwika ng lipunan. (Jernudd at Das Gupta, 1975; nasa
Moeliono, 1986; at Rubin at Jernudd, 1975).

Batayan sa pag-aaral na ito ang paniniwala na politikal ang paglapat ng solusyon


sa mga problema sa wika ng mga umuunlad na bansa sa Timog at Timog-Silangang
Asya. Partikular dito ang karanasan ng India at Filipinas sa pagpaplanong pangwika.

Ang paglaya ng mga bansa sa Timog at Timog-Silangang Asya ay isang


tagumpay sa kanilang pakikipaglaban mula sa mga dayuhang mananakop. Adhikain ng
mga bansang ito, tulad ng India at Filipinas, na makapagsarili ng pamunuan at
magkaroon ng wikang komon na magpapakilala sa kanila sa pagiging miyembro ng
bansang kinagisnan. Puspusang pinagsikapan ng kanilang mga politikong lider na
mabigyan ng lunas ang mga problemang bunga ng kolonisasyon sa kani-kanilang
bansa. Ang ilan sa mga problemang ito ay ang dibersidad ng wika bunga ng
pagkakaroon ng iba't ibang etnikong grupo sa lipunan at ang pagpili ng pambansang
wika.

Lingguwistikong Kasaysayan ng India

Ang India ay itinuturing na isa sa pinakamatandang sibilisasyon sa buong mundo


na multietnik, multirelihiyon, multilingguwal at multikultural. Isa itong sabkontinente sa
Timog Asya na pampito sa pinakamalaking bansa at pangalawa sa populasyon sa
buong mundo na may 1.027 bilyon katao batay sa sensus ng 2001 (The Philippine Star
2004). Isa itong federal multiparty demokratikong republika na binubuo ng 25 estado at
pitong teritoryo. Ito'y may parlamentaryong anyo ng gobyerno na may dalawang
batasan. New Delhi ang kapital ng buong sabkontinente at sentro ng pamahalaan.
Binubuo ng apat na mas popular na pamilya ng mga wika, ang dalawang pinakamalaki
ay ang Indo-Aryan (Indo-Europeo) sa hilaga at sa sentro ng bansa at ang Dravidian na
ginagamit sa Katimugang India. May ilan din sa mga mamamayan ang nagsasalita ng
wika mula sa pamilyang Austro-Asiatic (kasama ang Munda) at Tibeto-Burman.

Multilingguwal na Bansa

Noong panahon bago ang British Raj, ang India ay isa nang multilingguwal na
bansa. Pinamunuan ito ng iba't ibang imperyo na nahahati sa iba't ibang maliliit na
kaharian kaalinsabay ang pagkalat ng iba't ibang wika dala ng mga namumuno sa
kahariang ito. Ang may pinakamahabang pananakop ay ang mga Indo-Aryan na
nagdala ng relihiyong Hinduismo at pananalitang Vedic Sanskrit. Naging mga wikang
rehiyonal ang Sanskrit, Suaraseni Prakrit, at Suaraseni Apabhrama (Baldridge 2000).
Nagkalat ang mga wika nila sa buong hilaga at sa bahaging sentral ng India hanggang
sa pagdating ng imperyong Moghul o Mughal hanggang sa pamumuno ng huling
emperor Akbar noong siglo 13. Sa panahong ito, wikang Persiyano ang ginamit na
opisyal na wika at sa pamahalaan. Habang patuloy itong naging prestihiyosong wika sa
Norte, nadevelop rin ang mga wikang Hindi at Urdu bilang mga wikang interrehiyonal
noong siglo 17-18. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng alitan ng mga kaharian
hanggang sa huling pananakop ng mga Muslim (Nayar 1969). Ang mga taong ito'y may
mga etnikong pinagmulan at may iba't ibang diyalekto at wika (Nayar 1969, at Balridge
2000). Ang Urdu na nahaluan ng wikang Persiyano ang naging pangunahing wika ng
administrasyon at ng korte sa huling pamumuno ni Akbar.

Patuloy na ginagamit sa katimugang bahagi ng India ang wikang Dravidian.


Sinasabing nauna pa itong dumating sa India kaysa Indo-Aryan. Ngunit hindi kailanman
nagkaroon ang India ng wikang komon na maiintindihan ng buong sabkontinenteat wala
ring pamahalaang sentral na mamumuno upang magkaisa sa iisang mithiin ang bansa.
Pinakahuling wikang dumating sa India ang Ingles na dala ng British East India
Company. Dahil sa midwaan ng mga umiiral na kaharian at kakulangan ng sentro ng
kapangyarihang politikal, naging madali para sa British East India Company Ta
magmay-ari ng mga teritoryo sa India hanggang sa maging makapangyarihan na sila
rito kaalinsabay ang pag-iral ng wikang Ingles sa mga lugar na nasasakupan. Nang
magkaroon ng pag-aalsa laban sa kapangyarihan ng British East India Company,
inilipat sa kaharian ng Britanya ang pamumuno sa buong sabkontinente sa panahon ni
Reyna Victoria. Ingles ang pumalit sa wikang Persiyano bilang opisyal na wika ng
pamahalaan at ng korte noong 1837 (Rangila et.al., internet 2001 at Baldridge, internet
2000).

Hindi Bilang Wikang Opisyal at Problema ng Rehiyonalismo

Nang mabigyan na ng kalayaan ang India noong 1947 ng BritishRaj, napili ang
Hindi bilang wikang opisyal ng India sa pag-asang ito'y magpapadali sa komunikasyong
panrehiyon at makatutulong sa pambansang pagkakaisa. Ngunit nakalikha lamang ito
ng panliligalig sa mga oposisyon sapagkat patuloy ang pagdedepensa ng bawat
etnolingguwistikong grupo na ang kanilang wika ay kapantay kundi man mas mahusay
pa ang literatura sa Hindi. Umusbong ang rehiyonalismong damdamin at iginiit na
gawing opisyal na wika ang kanilang wika sa rehiyon. Papalitan ng Hindi ang Ingles
matapos ang labinlimang palugit, subalit, ang Hindi at Ingles sa kasalukuyan ay
magkapareho ng istatus bilang mga wikang opisyal ng India. Kahit na ang Ingles ay
sinasalita ng 3% o 4% lamang ng populasyon sa India, itinuturing pa rin itong pinakaelit
at maimpluwensiyang minoryang wika sa buong India (Baldridge 2000).

Sa kasalukuyan, may 18 opisyal na wika na ang India batay sa konstitusyon at


96 na mga wikang di-opisyal. Makikita sa Pigura 1, ang talahanayan ng pangunahing
mga wika sa India. Sa Pigura 2, makikita sa mapa ang mga estado at mga teritoryo ng
India kasama ang mga pangunahing wika nito.

Mga Opisyal na Wika sa Buong Bansa

Batay sa paliwanag ni Grierson (nasa Rangila, et al. 2001), ang pokus ng pag-
aaral ng ilang iskolar at mga nagkainteres sa wika ng India ay ang pagtingin sa
kaibahan ng Urdu, Hindi, at Hindustani. Mula nang hindi na nabigyan ng importansiya
ang wikang Persiyano sa bansa, nagkaroon ng kompetensiya ang Urdu at Hindi sa
kahalagahan bilang kapalit ng wikang Persiyano. Iminungkahi ni Mahatma Ghandi noon
na Hindustani ang gawing opisyal na wika sa buong India subalit ito'y hindi natupad.
Ito'y isang bernakular na magkahalong Urdu at Hindi. Ang Hindi ay mula sa Sanskrit sa
Devanagari iskrip at ginagamit ng mga nakararaming tagapagsalita sa sentral at
hilagang India. Ang Urdu naman, bagama't di malayong kahawig ng Hindi dahil sa may
pagka-Sanskrit ito. Gayunman, pinakamaraming salita nito'y mula sa wikang Persiyano
at sinasalita ng mga Muslim.
Batay sa Konstitusyong 1965 ng India, ang Hindi na isinusulat sa Devanagari iskrip ang
wikang opisyal ng buong bansa at ang Ingles ay mananatiling wika para sa espesyal na
gamit (D.D. Karve, 1960).
Pigura 2. Mapa ng mga Pangunahing Wika sa India

Ang Hindi Bilang Opisyal na Wika at Di Wikang Pambansa

Batay sa pagtalakay ni D. D. Karve (1960), may mga argumento mula sa mga


pabor sa wikang Hindi bilang opisyal na wika. Ang mga ito'y ang mga sumusunod:

1. Isang paghamak sa sarili ng mga Indian ang paggamit ng Ingles bilang wikang
federal, lalo pa't ang Ingles ay wika ng mga dating mananakop. Dapat lang mapalitan
kaagad ito ayon sa Konstitusyong 1965.

2. Ang Hindi ay sinasalita ng pinakamaraming Indian.


3. Ang mga wika sa sentral at hilagang India ay mga kahawig ng wikang Hindi sapagkat
lahat ay nagmula sa Sanskrit at hindi mahirap para sa mga tagapagsalita ng mga wika
sa hilagang India na pag-aralan ang Hindi at gamitin ito sa mga layuning federal.
Bagama't mahihirapan ang mga nagsasalita ng mga wikang Dravidian, kailangan nila
ang kaunting pagsisikap na matutunan ito para sa pagkakaisa at dignidad ng mga
Indian.

4. Ang Ingles ay naiintindihan lamang ng 3% ng buong populasyon at ang paggamit ng


wikang ito ng maliit na grupo bilang wikang federal ay labag sa prinsipyong
demokratiko.

Ang isang dahilan kung bakit ayaw ng mga Indian sa katimugan ang paggamit ng
Hindi bilang wika ng pederasyon ay ang pamumuwersa sa pagpapagamit nito sa mga
hindi tagapagsalita ng Hindi. (D.D. Karve, 1960).

India at Filipinas sa Proseso ng Pagpaplanong Pangwika

Ang apat na paraan nina Jernudd et al. (1974) ang ginamit sa pagkokompara ng
pagpaplanong pangwika ng India at Filipinas -- ang pormulasyon ng patakaran,
kodipikasyon, elaborasyon, at implementasyon.

Pormulasyon ng Patakaran

Ang India at Filipinas ay parehong sinakop ng mga kolonyalista: Britanya sa India


at Amerika sa Filipinas (pagkaraang sakupin ng mga Kastila). Batay sa lingguwistikong
sitwasyon, parehong wikang Ingles ang ginamit ng mga bansang ito sa pamahalaan at
sa korte. Dahil sa sitwasyong politikal, parehong nabuo o napagkaisa ng dalawang
bansang pinagkokompara ang kanilang mga teritoryo. Sa pagpili ng wikang komon,
napili ng India ang Hindi sa Devanagari iskrip na wikang opisyal ngunit nananatili ang
mga panrehiyong wika para sa gamit ng rehiyon. Hindi naging wikang pambansa ang
wikang Hindi dahil tinututulan ito sa bahaging katimugan. Sa Filipinas, naging wikang
opisyal at wikang pambansa ang Filipino. Parehong ginamit ang Ingles sa sistema ng
edukasyon sa panahon ng mananakop. Subalit nang mabigyan na ng kalayaan ang
bansang ito, parehong pinairal ang opisyal o ang pambansa at rehiyonal na wika para
sa malawakang gamit at sa edukasyon. Sa Filipinas, Filipino at Ingles ang ginagamit sa
mga eskuwelahan.

Kodipikasyon at Elaborasyon

Ang kodipikasyon at elaborasyon sa India at Filipinas ay parehong nasa ilalim ng


pangangalaga at kontrol ng gobyerno. Parehong may motibasyong politikal. Sa India,
may iba't ibang paraan sa pagpapalaganap at pagdevelop sa Sanskrit at iba pang mga
wikang klasikal. Sa Filipinas, pinagsusumikapan ng iba't ibang organisasyon ang
malawakang paggamit ng Filipino para sa komunikasyong pangmadla sa pamamagitan
ng preparasyon o paghahanda ng mga libro, publikasyon ng mga diksiyonaryo, gabay
sa ortograpiya at gramatika. Sa India, hinihikayat ng gobyerno ang pagpapaunlad ng
lahat ng mga wikang Indian kasama ang mga wikang klasikal, moderno at mga
katutubong wika. May tulong pinansiyal para sa mga boluntaryong organisasyon at mga
indibidwal na makapagpapalabas ng mga publikasyon gaya ng encyclopedia, mga
diksiyonaryo, mga kalat ng kaalaman, mga orihinal na mga sulatin, mga kritikal na
edisyon ng mga lumang manuskrito at iba pa para sa development ng mga modernong
wikang Indian. May mga grant o tulong pinasiyal lalo na para sa pangangasiwa ng
kumperensiyang pampanitikan, mga seminar at short-term na mga pag-aaral. Sa
Filipinas, mayroon na ring iskolarsyip na ibinibigay ang gobyerno at mga pribadong
sektor para sa mga kumukuha ng digri ng pangmaster at pangdoktorado sa Filipino.

Implementasyon

Sa ibang bansa tulad ng Malaysia, madaling natanggap at naipatupad ang


Bahasa Malaysia sa tangkang paunlarin ito nang mabilisan ng taumbayan. Sa India,
magpahanggang ngayon ang wikang Hindi ay di pa rin natatanggap ng mga nagsasalita
ng wikang Dravidian. Maliban sa rehiyonal na wika, mas pinananaig pa ang paggamit
ng Ingles kaysa sa Hindi sa lugar na ito sa katimugan. Sa edukasyon, upang maging
epektibo ang implementasyon ng tatlong lengguwaheng formula, may suporta sa mga
pasilidad para sa pagtuturo ng wikang Hindi sa mga estado o teritoryong hindi
gumagamit ng wikang ito. Nagbibigay ng tulong pinansiyal para sa apoyntment ng mga
titser ng wikang Hindi sa mga eskuwelahan at nagtayo ng mga Hindi teacher training
college sa mga estado at teritoryo sa ilalim ng centralized sponsored scheme.
Binibigyan rin ng tulong ang mga organisasyong boluntaryong nagtuturo ng Hindi sa
mga klase, yaong mga nangangasiwa ng mga riserts ukol sa metodolohiya ng pagtuturo
at pagbibigay ng mga librong Hindi sa iba't ibang organisasyon. Isinusulong ng
gobyerno ng India ang development ng pinagbuting pamamaraan ng pagtuturo ng Hindi
sa mga estudyanteng hindi ispiker nito sa pamamagitan ng Kendriya Hindi Sansthan,
Agra at mga rehiyonal na sentro sa Delhi, Mysore, Hyderbad, Guwahati, at Shillong.

Ang Ingles na dayuhang minoryang wika ay patuloy pa ring ginagamit sa mataas


na hukuman (Hayes, Ornstein at Gage 1988, sa Ocampo 1992) at sa mga kolehiyo at
unibersidad sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Sa Filipinas, malawakan na ang
paggamit ng Filipino sa buong bansa, bata man o matanda. Malaki ang naitulong ng
iba't ibang organisasyon sa Filipino sa patuloy na pagpapaunlad dito sa pamamagitan
ng mga seminar-workshop, kumperensiya, teacher training, at iba pa. Pinagsikapan din
ng mga pribadong sektor at mga indibidwal ang pagsulat at pagbuo ng mga libro,
diksiyonaryo, sangguniang babasahin sa Filipino, pagsasalin ng mga babasahin mula
sa ibang wika tungo sa Filipino, at iba pa para sa patuloy na pagpapalaganap ng
Filipino.

Ngunit hindi pa rin natin maipagkakaila na kahit sa pamahalaan: executive,


legislative at judiciary, Ingles pa rin ang nananaig.

Batay sa pag-aaral ng mga iskolar sa wika at mga awtor tungkol sa


lingguwistikong sitwasyon sa iba't ibang bansa, mas marami ang pumipiling gamitin ang
sariling wika bilang instrumento ng pagkakaunawaan at pagkakakilanlan. Batay sa
napag-alaman tungkol sa lingguwistikong sitwasyon sa India, may mga bahagi rin sa
Filipinas na katumbas ng sa katimugang bahagi ng India. Sa mga lugar na ito'y
pinananaig ang paggamit ng kani-kanilang katutubong wika tulad ng sa Cordillera,
Sentral Visayas lalo ang Cebu,at Kamindanawan.

Maaaring ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino ngayon ay may


kahinaan o kabagalan. Sa darating na mga henerasyon, maaari nang magkaroon ng
mabilis at malawakang implementasyon sa paggamit ng Filipino dahil sa tulong ng
mass media tulad ng radyo, telebisyon, pelikula, at iba pa sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at intelektuwalisasyon ng Filipino sa mga eskuwelahan.
Nangangahulugang ang kasalukuyang administrasyon ay dapat nang tumulong sa
paggamit ng Filipino sa mga opisyal na pagpupulong maging sa senado, konggreso,
korte, at maging sa pagharap sa mga dayuhang bisita.

BIBLIYOGRAPIYA

Baldridge,Jason.2000.Reconciling Linguistic Diveristy:The History and the Future of


Language Policy in India.Internet.

Appel,Rene at Muyseken,Peter.1987.Language Contact and


Bilingualism.London:Edward Arnold.

Baker,Colin. Key Issues in Bilingualism and Bilingual


Education.1992.Clevedon:Multilingual Matters Ltd.

Baldauf,Jr. Richard B. et.al. 1990. Language Planning and Education in Australia and
the South Pacific.

Constantino,Pamela C. 1991.Pagpaplanong Pangwika Tungo sa


Modernisasyon:Karanasan ng

Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas-

Sistema.

Constantino,Ernesto et al.Mga Editor.1974.Filipino o Pilipino.Manila:Rex Bookstore

Constantino,Pamela C. at M.Atienza. 1996. Mga Pilipinong Diskurso sa Wika at


Lipunan. QC:UP Press.

Das Gupta,Jyotirinda.1970.Language Conflict and National Development.Berkeley,Los


Angeles,and London.University of California Press.

Fishman, Joshua A. 1974. Language and Ethnicity in Minority Sociolinguistic


Perspective.The Hague, Paris:Mulitingual Matters Ltd.Mouton.

.1974.Advances in Language Planning.The Hague,Paris:Mouton.


2 Lydia B. Liwanag, Ph.D.

Pagpaplanong Pangwika sa Edukasyon: Karanasan ng Filipinas, Singapore, at


Hong Kong

ANG papel na ito ay batay sa pag-aaral ng mananaliksik para sa kaniyang Ph.D.


Filipino (Pagpaplanong Pangwika) sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Bahagi ang
artikulong ito ng nabuong disertasyon.

Interes sa Pagpaplanong Pangwika

Sa pananakop ng mga dayuhang bansa sa Asya noong siglo 15-19, hindi


lamang ekonomiko, politikal, at militar na imperyalismo ang nanaig kundi napagtuunan
din ng pansin ang mga proseso ng pagbabagong pangwika dala ng pagtutunggalian ng
kolonyal at katutubong wika at kultura. Sa ibang bansa, napalitan ang mga katutubong
wika ng wika ng mga sumakop na bansa. Sa ibang lugar,may mga wikang ginamit at
lumaganap bagama't hindi ito mga katutubo at kinagisnang wika ng mga tao. Sa
pagpasok ng mga dayuhang may kapangyarihan sa mga bansa sa Silangang Asya,
sumibol ang mga bagong wika ng kapangyarihan. Sa mga bansang sinakop ay
nagkaroon ng impluwensiya ang mga wikang Ingles, Kastila, Dutch, Intsik, na
nagpahina sa pag-unlad ng mga katutubong wika na may mahabang kasaysayan na sa
pagpapatakbo ng gobyerno, kalakalan, at paglinang ng sariling kultura.

Sa mga bansang naging kolonya, namayani ang sistema ng edukasyon ng


sumakop na bansa. Naging layunin ng edukasyon ang pagsasanay sa mga katutubo
upang makuha ang kanilang suporta at kooperasyon sa pagtanggap ng bagong sistema
ng pangangalakal at pagpapatakbo ng gobyerno.Ginamit ang kolonyal na wika upang
mapalaganap ang sistema ng edukasyon. Kadalasan, ang sistemang ito ay nagbunga
ng mga elit mula sa mga katutubo. Ang pagkakaroon ng literasi sa kolonyal na wika ay
naging palatandaan ng pagkakaroon ng prestihiyo at pagtaas ng kanilang (katutubo)
kalagayang ekonomiko.

Pagkatapos ng lkalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga bansang dumaan sa


kamay ng mga mananakop ay nagsimulang magsagawa ng mga hakbang tungo sa
pagsasarili. Kaugnay nito, naging sentro ng pagtatalo ang isyu sa wika kaugnay ng mga
pangangailangan ng bansa na nauukol sa nasyonal, etnik at rehiyonal na identidad,
gayundin, sa ekonomikong pag-unlad at sosyo-politikal na pagbabago. Mga bagong elit
ang namuno at sa mga bansa na naghangad na mapalawak ang relasyong ekonomiko
sa iba pang bansa, naging daan ito upang mabago ang mga patakarang pangwika. Ang
mga relasyong ekonomiko at ang pangangailangan na magkaroon ng kaalaman sa
siyensiya at teknolohiya ng ibang bansa ang siyang naging daan sa mga pagbabago sa
patakaran sa wika sa bansang ito. Sa mga nakalipas na taon, sa pamumuno ng kani-
kanilang gobyerno, ang mga bansa sa rehiyon (Timog Silangang Asya) ay naglunsad
ng pormal na mga hakbang sa pagpaplanong pangwika upang magkaroon ng
pagbabago sa wika. Sa ganitong komplikadong sitwasyon, ang aspektong teknikal sa
pagpaplanong pangwika ay napasangkot sa mga isyu at problemang politikal at sosyal.

Bilang bahagi ng mga pagpaplanong ginagawa ng mga bansa na nauukol sa


pangkabuhayan at panlipunang pag-unlad, napag-ukulan na ngayon ng pansin ng mga
namumuno sa gobyerno ang pagpaplanong pangwika at ang kahalagahan nito sa
pagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakasundo ng mga tao sa bansa. Ayon nga kay
Alisjanbana (1961 1ff), ang pagpaplanong pangwika ay isang sinadyang paggabay sa
development o pag-unlad ng wika sa konteksto ng pagbabagong panlipunan,
pangkultura, at panteknolohiya.

Interes sa Pagpaplanong Pangwika sa Edukasyon

Sa kasalukuyan, ang interes sa pagpaplanong pangwika ay nakasentro sa


edukasyon kaugnay ng mga pagpaplanong ekonomiko ng bansa. Sa lawak ng disiplina
ng pagpaplanong pangwika, maihihiwalay ang pagpaplanong pangwika sa edukasyon
sa konteksto ng papel ng ahensiya na nagpapatupad nito (Kaplan 1990:9). Sa isang
ideal na kapaligiran, ang gobyerno ang siyang nagbibigay ng awtoridad para sa isang
pagpaplanong pangwika sa bansa na siyang pagbubuhatan ng patakaran sa wika. Sa
pagtatakda ng patakaran sa wika kasama rito ang wika o mga wika na gagamitin para
sa mga tiyak na layunin (halimbawa, para sa pagkakaisa ng mga pakikipag-ugnayan sa
ibang bansa sa larangang ekonomiko). Ang pagpaplanong pangwika sa edukasyon ang
siya namang magsasagawa ng pagbubuo ng mga kurikulum na siyang lilinang sa
pagkatuto at paggamit ng mga wika ng sektor ng populasyon na pinaglaanan nito. Hindi
tungkulin ng mga nasa sektor ng edukasyon na desisyuman de jure kung anong mga
wika ang dapat ituro sa isang konteksto; sa halip ang tungkulin ng mga nasa sektor ng
edukasyon ay desisyunan ang mga sumusunod: magtuturo ng wika o mga wika, level
ng edukasyon, pangkat ng populasyon, metodolohiya ng pagtuturo, kagamitan, at ang
gastos na kaugnay ng implementasyon ng patakaran sa wika at iba pa. Tungkulin din
ng sektor ng edukasyon na humiling sa gobyerno ng mga inaakalang suporta para sa
mga gawain nito sa implementasyon ng patakaran sa wika. Sa parte naman ng
gobyermo, tungkulin nito na bigyan ng suportang pinansiyal o subaybayan ang sektor
ng edukasyon sa lawak ng pagpapatupad ng patakaran, suliraning kinakaharap nito,
pagbabago o pagrerebisa sa patakaran kung kinakailangan. Sa kasaysayan ng
pagpaplanong pangwika, ang suliranin ay nag-uugat sa hindi malinaw na pagkakaiba sa
tungkulin ng gobyerno at sektor ng edukasyon. Sa pagsasagawa ng madaliang
panahong programa sa patakaran sa wika sa edukasyon nagiging layunin ng gobyerno
ang mabilis na ekonomikong pag-unlad ng bansa at pagtatamo ng mga kaalaman sa
larangan ng siyensiya at teknolohiya. Isa ang Filipinas sa mga bansang ang ginamit na
wika sa edukasyon ay ang wika ng kolonisador (Ingles) sa dahilang inaakala ng
gobyerno na wala nang sapat na panahon at kagamitan sa pagdevelop ng katutubong
wika para sa pangangailangan nitong ekonomiko (Gonzales 1994, 101). Sa iba namang
bansa tulad ng Malaysia at Indonesia, ginamit ng mga ito ang katutubong wika ng mga
mamamayan bilang wika ng edukasyon. Matatag ang naging suporta ng gobyerno ng
dalawang bansa sa pagpapaunlad ng katutubong wika para sa pagkakaisa ng mga
mamamayan at pagpapatatag ng kultura ng mga bansa (Isman 1980, 188).

Makikita rin sa kasalukuyan ang interes sa pagsasagawa ng mga pananaliksik


na nauukol sa mga pagpaplanong pangwika na nangyayari sa iba't ibang bansa (cross-
national studies) (Fishman, 1975, 212). Ang ilan sa mga nagsagawa na ng pag-aaral sa
mga pagpaplanong pangwika sa mga bansa (Alisjahbana 1960, De Francis 1950,
Haugen 1966, Heyd 1954, Kurman 1968) ay itinuturing na mahalagang kontribusyon sa
larangan ng pagpaplanong pangwika. Ngunit ayon kay Fishman (1975, 211) ang mga
ito ay ginawa nang magkakahiwalay at may iba't ibang teoretikal na interes. Kailangan
ang tawid-bansang(cross-national) pag-aaral na maghahambing sa mga karanasan ng
mga bansa na nauukol sa pagpaplanong pangwika. Ang mga karanasang ito ang
kakikitaan ng mga hindi inaasahang pagkakaiba at siyang magbibigay ng
mahahalagang pananaw na makatutulong sa disiplina ng pagpaplanong pangwika sa
kalahatan (Fishman 1974, 85).

Ang ganitong mga obserbasyon ay mahalagang masuri kaugnay ng mga


development sa ilang bansa sa Timog Silangang Asya na naging kolonya o teritoryo ng
mga dayuhang bansa. Mahalagang makita ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba
upang malaman kung saan maaaring makakuha ng puntong pagkakasunduan at
hanggang saan maaaring humango ng mga ideang tutulong upang mapagbuti at
maisaayos ang mga gawaing nauukol sa pambansang pagpaplanong pangwika.

Ang mga development sa Filipinas at Singapore at sa teritoryo ng Hong Kong ay


ginawan ng pag-aaral at paghahambing kaugnay ng mga gawain sa pagpaplanong
pangwika sa edukasyon. Pare-pareho silang naging biktima ng kolonisasyon- ang
Singapore at Hong Kong ng mga British, at ang Filipinas ng Kastila at Amerikano.
Gayundin, pare-pareho nilang ginamit na wika sa edukasyon ang wika ng mga
kolonisador (British English) sa Singapore at Hong Kong at American English sa
Filipinas, na hanggang sa ngayon ay may mahalagang papel na ginagampanan bilang
wika ng gobyerno at edukasyon. Nakita rin ang pagkakatulad ng Filipinas, Singapore at
Hong Kong sa pagnanais ng mga ito na gamitin bilang wika ng edukasyon ang
katutubong wika ng mga mamamayan (Filipino sa Filipinas, Mandarin sa Singapore, at
Catonese sa Hong Kong) sa layuning mapatatag ang sariling kultura.

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Filipinas, Singapore, at Hong Kong

Ang patakaran sa wika sa edukasyon sa mga bansang Filipinas at Singapore at


sa teritoryo ng Hong Kong ay nagsimula pa noong mapasailalim ang mga ito sa mga
dayuhang mananakop. Sa Hong Kong ang patakaran sa wika na edukasyong
bilingguwal ay ipinatupad sa sekundarya. Ginawa ang ganito para patatagin muna ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa katutubong wika (Cantonese) at magkaroon ng literasi
sa wikang ito bago lumipat sa pangalawang wika (Ingles) sa kanilang pag-aaral sa
sekundarya. Naging suliranin sa mga nag-iimplementa ng patakaran ang ganitong
kalagayan sa dahilang nabigla ang mga mag-aaral sa paglipat mula sa kanilang
katutubong wika patungo sa wika na pag-aaralan pa lamang nila na may ibang
estruktura kompara sa kanilang unang wika. Nakita sa mga obserbasyon sa klase at sa
mga pagsusulit na ang mga mag-aaral ay takot magsalita sa Ingles at ang mga aralin
ay isinasaulo nila kahit hindi nila ito naiintindihan. Maging ang mga kasanayan mila sa
Cantonese ay hindi napapaunlad dahil ang konsentrasyon ng pag-aaral ay sa Ingles.
Tinawag ito ni Lord (1987, 20) na cultural eumuch na nagpapahiwatig na hindi
marunong magpahayag ang mga mag-aaral sa Intsik osa Ingles. Sa ngayon, muling
sinusuri ng mga miyembro ng Education Commission (1994) ang patakaran sa wika sa
edukasyon at ang epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante sa Hong Kong. Sa
paningin ng mga edukador sa Hong Kong (YU Fong Ying 1994) kailangang pag-aralan
ang pinagmumulan ng suliranin na nauukol sa pagkatuto ng Ingles bilang pangalawang
wika kasama ang pagkatuto ng Putonghua na kailangan ng Hong Kong sa ilalim ng
pamumuno ng Tsina sa darating na 1997. Ang dilemang ito na tinawag na triglossic ni
T'sou (1994, 202) ang siya ngayong kinakaharap ng mga namumuno sa edukasyon sa
kabila naman ng pagwawalang bahala ng mga namumuno sa gobyerno sa isyu tungkol
sa wika ng edukasyon.

Kakaiba naman ang nangyari sa Singapore. Naging patakaran sa wika ang


pagbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon sa mga katutubong wika na maging
midyum ng pagtuturo sa mga paaralan kasama ng Ingles. Nagkaroon -g gradwal na
pagbabago tungo sa paggamit ng Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa
lahat ng paaralan. Nangyari ito na hindi itinakda o zinlano at nasa likuran ng “Hindi
nakikitang plano" (invisible language planning) (Pakir 1994: 165) na ito ang mga
magulang, mga estudyante at mga propesyonal, kasama na ang mga guro. Naging
matagumpay sa mga paaralan ang pagtuturo -g Ingles, at sa kasalukuyan, hindi na
pinag-uusapan ang istatus ng Ingles cundi ang estandard ng Ingles na dapat na
linangin sa mga paaralan (Lam "994, 192). Sa kabila nito, may nabubuong konsern sa
parte ng gobyerno at -ga magulang sa pagkakaroon ng deteryorasyon sa kultura at
pagpapahalagang intsik dala ng pagbibigay-halaga sa pag-aaral ng Ingles.
Sa Filipinas,bagama't malinaw ang itinakdang patakaran sa wika na -auukol sa
paggamit ng dalawang wika, Ingles at Filipino sa pagtuturo ng mga ak na asignatura,
masasabing ang pagpapatupad nito ay may kalabuan. Simula pa noong 1974
hanggang sa kasalukuyan ay walang ginagawang pagbabago sa mga naunang plano
gayong may mga nakikitang problema sa mga paaralan. Katulad ng sa pagpapahayag
at pag-unawa sa dalawang wika, Filipino at Ingles. Ngunit higit na ikinabahala ng mga
namumuno sa edukasyon ang pagbaba ng kalidad ng lngles ng mga mag-aaral na
minsan ay isinisisi sa mismong patakaran sa wika. Hindi nakikita ng mga nag-
iimplementa ng patakaran na may matatawag ding invisible language planning na
nangyayari sa bansa tulad sa Singapore at ito ang masa at mga mag-aaral na nasa
mga rural na lugar na unti-unting nakikita ang gamit at kahalagahan ng Filipino sa pang-
araw-araw ng buhay.

Makikita sa mga sumusunod na talahanayan ang pagbubuod sa mga


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga naging karanasan ng Filipinas,Singapore,at Hong
Kong sa pagpaplanong pangwika sa edukasyon.
Kongklusyon

Naging layunin ng pag-aaral na ito na paghambingin ang mga karanasan ng


tatlong bansa sa larangan ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon. Sa pagsasagawa
ng tawid-bansang pag-aaral na ito, nakita ang mga kalakasan at kahinaan sa proseso
ng pagpaplanong pangwika sa mga bansang pinag-aralan. Dahil dito, iminumungkahi
ang mga sumusunod:

1. Sa lawak ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon sa Filipinas, kailangan


ang matapat na pagsusuri sa Bilingguwal na Patakaran sa edukasyon na ipinatupad sa
buong bansa. Sa layunin nito na maging mahusay ang mga mag-aaral sa dalawang
wika, Ingles at Filipino na magagamit nila sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa
ibang tao, ang kalagayang pangkapaligiran sa Filipinas ay hindi sumusuporta sa
layuning ito. Magkaiba rin ng karanasan ang mga bata sa pagkatuto ng dalawang wika.
Ang Ingles ay pangalawang wika para sa karamihan ng mga mag-aaral at ang
estruktura nito ay naiiba sa kanilang mga katutubong wika.Wala ring kapaligiran o
komunidad na sumusuporta sa gamit ng Ingles lalo na sa mga rural na lugar sa bansa.
Samantalang ang Filipino ay wikang batay sa mga katutubong wika ng mga mag-aaral
at ang estruktura nito ay halos kapareho ng mga wikang sinasalita nila sa kani-kanilang
pangkat-wika. Sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal sa kalahatan, ang
nagkakaroon lamang ng bentahe rito ay ang mga mag-aaral na nasa urban o lungsod
na unibersidad at ang mga mag-aaral sa mahuhusay na paaralan at unibersidad. Sa
ganitong kalagayan, lalong lumalawak ang pagitan ng mga mag-aaral na mahihirap at
mga mag-aaral na may pagkakataon na matuto mula sa magagaling na guro at
paaralan. Hindi nakatutulong ang patakaran sa wika sa nakararaming mag-aaral na
nais magtamo ng kaalaman na ginagamit ang kanilang katutubong wika.

2. Magkaroon din ng mga pag-aaral tungkol sa sikolohiya ng pagkatuto ng una at


pangalawang wika kaugnay ng patakaran sa wika. Sa ganitong paraan higit na
mauunawaan ng mga nagpapatupad ng patakaran ang kahalagahan ng pagtingin sa
atityud at kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng isang wika. Ito ay isa sa mga
rekomendasyon ng mga miyembro ng Education Commission sa Departamento ng
Edukasyon kaugnay ng patakaran sa wika na ipinatutupad sa Hong Kong.

3. Suriin ang ginagawang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan at ang layunin sa


pagtuturo nito. Kung hinahangad ng sistema ng edukasyon na maging instrumental ang
pagkatuto ng Ingles tungo sa malawak na gamit nito sa siyensiya at teknolohiya at
bilang pandaigdigang lingua franca, naiibang lapit o approach ang kailangan sa
pagtuturo. Hindi epektibo ang pag-aaral lamang ng estruktura ng wika sa halip ituon
ang pagtuturo sa gamit ng wika sa mga sitwasyon na kailangan ang interaksiyon ng
mga mag-aaral.

4. Magkaroon ng ibang alternatibong programa sa Edukasyong Bilingguwal ayon


sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Kung
kinakailangang gamitin muna ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa elementarya
upang magkaroon ng sapat na kasanayan at kaalaman dito ang mga mag-aaral, dapat
itong ipatupad. Ang pagtuturo ng Ingles bilang sabjek sa mga paaraalan ay isa ring
alternatibo kung ang layunin ay magkaroon din ng kasanayan ang mga mag-aaral sa
wikang ito kailanganin man ito.

5. Higit sa lahat, kailangan ang matapat at masigasig na suporta ng gobyerno at


ng mga namumuno sa edukasyon sa pagpapatupad ng patakaran, sa wika sa
edukasyon. Magkaroon ng pakikipagtulungan ang Departamento ng Edukasyon sa iba
pang ahensiya ng gobyerno, media, at mga organisasyon sa bansa upang lubos na
maipatupad ang patakaran sa wika at magkaroon ng ebalwasyon nito para sa patuloy
na pagbabago at pagpapabuti ng patakaran.
3 Rho Young Chul

Isang Komparatibong Pagpaplanong Pangwika sa Kaso ng Korea at


Filipinas

PAGTUTUUNAN ng pansin sa papel na ito ang pagpaplanong pangwika ng


dalawang bansa, ang Filipinas at Korea na nakapokus sa ortograpiya ng wika. Layunin
nito na ipakita ang kahalagahan ng ortograpiya ng wika sa akademikong gawain ng
dalawang bansa.

Sinasabi na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan para sa


pagkakaunawaan ng bawat nilalang. Nabuo ang wika sa pamamagitan ng limang
mahalagang elemento: ponolohiya, morpolohiya, semantiks, sintaks, at ortograpiya.

Ang ortograpiya ng wika ay isa sa mahahalagang elemento ng wika. Binubuo ito


ng mga simbolong mayroong kaniya-kaniyang tunog.

Sitwasyong Pangwika ng Korea at Filipinas

Sa bahaging ito ipakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng sitwasyong


pangwika ng dalawang bansa: Ang Korea at Filipinas. Maraming pinagdaanang
suliranin ang dalawang bansang ito pagdating sa usaping pangwika. Iba't iba rin ang
kanilang mga patakaran sa pagpapatupad ng paggamit ng wika sa buong pamayanan,
lalong-lalo na sa paaralan at gobyerno.

Mula Tsino Tungo sa Koreano

Ang Korea ay nakadepende sa bansang Tsina ng mahigit sa isang libong taon.


Ang nagtatrabaho sa pamahalaan ay gumagamit ng mga termino sa wika ng Tsina,dahil
ito ang opisyal na wika ng Korea. Noong mga pahanong iyon, ang Korea ay wala pang
magamit na sariling letra kung kaya't nakadepende ito sa wika at karakter na Tsino. Sa
paaralan, ang ginagamit na wikang panturo ay wikang Koreano (katutubong wika),
subalit ang mga teksbuk na ginagamit dito ay nakasulat sa wika ng Tsino, dahil ang
mga ito ay nanggagaling sa bansang Tsina. Sa labas ng paaralan, ang ginagamit na
wika ay wikang katutubo ng Korea. Subalit ang halos 60% ng wika na ginagamit ng
Koreano ay galing sa Tsina (nouns, verb,etc.).
Sa kabila ng paggamit ng mga libro na nakasulat sa wika ng Tsino sa paaralan,
ang pamahalaan ay gumawa ng paraan para mapanatili ang wikang katutubo. Hindi ito
hinayaang mawala sa kanilang bansa. Ito ay pinamahalaan ni Haring Sejong at
tinulungan niya ang mga mamamayan na makipagkomunikasyon sa katutubong wika.
Isa ito sa mga kontribusyon ni Haring Sejong,ang pagpapanatili at pagtulong sa
kaniyang mga nasasakupan.

Maganda at kapaki-pakinabang ang mga ginawa ni Haring Sejong noong 1446


para sa kaniyang mamamayan at bansa. Subalit hindi ito kayang tanggapin ng mga
mamamayan, lalong-lalo na ng mga mag-aaral at mga elit. Dahil sa ganitong
pangyayari, hindi nabigyan ng malaking pagkakataon na umunlad ang wikang Hangul
(katutubong wika ng Korea), pero hindi ito namatay,dahil ginagamit pa ito ng mga taong
hindi marunong magsalita at magsulat ng wikang Tsino. Sa kabilang dako, may mga elit
na gustong gamitin ang wikang katutubo.

Sa mahabang panahon kahit naging dominante ang wika ng Tsina, patuloy pa rin
ang pag-unlad ng wikang katutubo, ang Hangul. Hindi ito pinabayaan na mawala sa
bansang Korea. Sa panahong iyon, nagkaroon na ng mga akda tulad ng nobela,
maikling kuwento, tula, kuwentong pambata, at mga lirikong awitin. Hanggang ngayon,
ang Hangul ay hindi naging opisyal na wika sa Korea.

Wikang Hapon sa Korea

Hindi dito natapos ang pakikipagtunggali ng wika sa Korea. Dumating ang


panahon ng okupasyon ng bansang Hapon noong 1910. Malaking balakid para sa mga
Koreano ang pagsakop ng mga Hapon, dahil naapektuhan ang kanilang katutubong
wika. Ipinatupad ng mga Hapon ang paggamit ng kanilang sariling wika,ang wikang
Nihonggo.

Itinuro ang Nihonggo sa mga Koreano sa lahat ng mga institusyong akademiko;


gayundin, ipinagamit ito sa labas ng paaralan. Mahigpit na ipinagbawal ang paggamit
ng wikang katutubo sa loob at labas ng paaralan, at maging sa buong Korea. Nihonggo
ang naging opisyal na wika noon, pero mahigpit itong tinutulan ng mga Koreano.
Gustuhin man ng mga Koreano na gamitin ang wikang katutubo, hindi nila magawa
dahil kapag nahuli sila ng mga Hapon, pinaparusahan sila sa pamamagitan ng pagpalo
sa katawan. Sa ganitong pangyayari, naging mabagal ang pag-unlad ng wikang
Koreano.

Noong maganap ang World War II (1945), umalis ang mga Hapon sa Korea.
Nakalaya ang mga Koreano sa kamay ng mapang-aping Hapon. Pagkaraan ng
pagsakop ng Hapon, dumating ang mga Amerikano. Sa panahong ito, ang naging
opisyal na wika ng Korea ay Ingles. Ngunit sa paaralan ang gamit na wika ay Koreano
(panturo at asignatura), maaari namang gamitin ang wikang Tsino sa loob ng paaralan.
Noong Disyembre 8, 1945, ang komite sa edukasyon ay nag-utos na gamitin at
ipatupad ang wikang Koreano sa loob ng paaralan. Mahigpit na ipinagbawal ang
paggamit ng karakter na Tsino.

Pagbabalik ng Wikang Koreano

Pagkaraan ng okupasyon ng Hapon, nagkaroon ng pagmamahal ang mga


Koreano sa kanilang katutubong wika. Naisip at nakita nila ang kahalagahan ng
paggamit ng sariling wika. Mula noon, hindi na nila hinayaang mabalewala ang kanilang
wika. Sa kasalukuyang panahon, wala na halos hadlang o problema sa paggamit ng
sariling wika. Patuloy na itong umuunlad, dahil lahat ng tao rito ay gumagamit na ng
katutubong wika.

Ang wika ng Korea ay ginagamit na sa buong kapuluan sa pamamagitan ng


patakaran sa wika na pinamahalaan ng gobyerno. Patuloy din ang malawakang
paggamit nito sa pamamagitan ng paaralan, mass media, ekonomiya, at information
technology.Isa lamang ang wikang ginagamit ng mga Koreano. Lahat ng aspekto ng
wika ay estandardisado na tulad halimbawa ng sumusunod: ang paggamit ng hangul
karakter, gramatika, pagbigkas, ispeling, at paraan ng pagsulat. Mahigpit itong
ipinatutupad ng pamahalaan at ng paaralan. Sa paaralan kapag ang isang mag-aaral ay
hindi sumunod sa patakaran sa wika, maaapektuhan ang kaniyang grado sa asignatura.
Sa Korea, lahat ng mga tao ay dapat na nakapag-aral mula elementarya
hanggang hayskul dahil kapag hindi sila nag-aral, ikukulong sila ng pamahalaan.
Napakahalaga sa isang Koreano ang makapag-aral, dahil sa kanila, ang pag-aaral ay
isang kautusan na nakasaad sa konstitusyon. Libre ang pag-aaral sa Korea. Anim na
taon sa elementarya, tatlong taon sa middle school, at tatlong taon sa hayskul. Kaya't
walang dahilan para hindi nila matutunan nang mahusay ang wikang Koreano.

Sa pamamagitan nito, kapag ang wika ay ginagamit nang may pagpapatupad ng


gobyerno sa pakikipagtulungan ng paaralan at masa,walang dahilan para hindi umunlad
ang isang wika. Sa kasalukuyan, maituturing natin na ang wika ng Korea ay isa nang
maunlad at progresibong wika dahil malaya nilang nagagamit ang kanilang wikang
katutubo.

Pagdating sa usaping globalisasyon, ang wikang Ingles ay itinuturo sa paaralan


mula ikatlong grado hanggang kolehiyo. Nagsimula ang kautusang ito noong 1997.
Layunin nitong makapagkompetensiya sa ibang bansa na ang wikang ginagamit ay
Ingles. Ito ay mandated na asignatura sa paaralan. Kapag ang mga mag-aaral ay
naging mahusay sa paggamit ng wikang Ingles, sila ay ipinadadala sa ibang bansa para
mag-aral, tulad sa bansang Amerika, Inglatera, Filipinas,at Pransiya. Ang pagpapasok
ng wikang lngles bilang asignatura at wikang panturo sa Korea ay hindi
nangangahulugang may isang batas sa bilingguwalismo.Kung ang mag-aaral ay
mahusay sa wikang Ingles, nararapat lamang din na higit siyang mahusay sa
pagsasalita at pagsusulat sa wikang Koreano.

Naging abala ang gobyerno sa pagpapalaganap ng wika ng Korea sa


pamamagitan ng mga paaralan, mass media, ekomomiya, at iba pa para tuluyan nang
mawala at mapalitan ang karakter ng Tsino ng karakter ng Korea, at mapalitan din ang
mga termino ng Hapon ng terminong Koreano.

Para magawa ang lahat ng ito, nagsama-samang isulong ng pamahalaan at mga


tao ang wikang Korea. Naglaan din ng malakas na suporta ang pamahalaan upang
matugunan ang suliranin sa wika. Nagkaroon din ng malawakang pagkumbinsi sa
pamamagitan ng brodkast at motibasyon sa mga tao sa pamamagitan ng patakaran sa
edukasyon.
Sa ganitong paraan mahalaga ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at mga
taong bayan para ganap na maitaas ang antas at mailagay sa pedestal ang wikang
Hangul. At ito na ang nagaganap sa kasalukuyan sa Korea.

Gumawa ang pamahalaan ng isang patakaran na ang dapat lamang na gamiting


mga termino ay mula sa wikang Koreano, sa halip na wikang Hapon. Hangga't may
magagamit na termino sa Korea, gamitin ito at ang mga termino sa Hapon ay bigyan ng
katumbas sa wikang Korea. Sa ganitong paraan ang gobyerno ay gumawa ng isang
aklat ng terminolohiya para ipamahagi sa taong bayan.

Mula Sarili,Kastila, Ingles Pabalik sa Sarili

Ang Filipinas ay isang bansang multilingguwal at multilektal pagdating sa


usaping pangwika. Multilingguwal dahil binubuo ito ng maraming wika, pahalang, sa
Luzon, Visayas, at Mindanao. Iba't iba ang mga wika na ginagamit sa mga lugar na ito.
Resulta ito ng pagkakaroon ng marami ring salita na ginagamit dito, at di simpleng
palabigkasan at paraan ng pagbuo ng mga salita.

Karaniwang hinahati sa limang panahon ang kasaysayan ng Filipinas: Panahon


ng Katutubo,Panahon ng Kastila, Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapon,
Panahon ng Republika, at Panahong Kasalukuyan.

Mayroon nang ginagamit na wika ang mga Filipino, bago pa man dumating ang
mga Kastila. Ang Filipinas ay binubuo ng maraming pulo o isla. At sa bawat isla nito,
iba-iba ang mga wikang kanilang ginagamit kung kaya't nagkaroon ito ng malaking
epekto sa pakikipagtalastasan.

Layunin ng mga Kastila na palaganapin ang Kristiyanismo. Naakit nang husto


ang Filipino sa pamamagitan ng mga ritwal na ipinamulat ng mga Kastila, na hanggang
sa kasalukuyan ay patuloy pa ring ipinapatupad at ginagawa.Inaral din ng mga Kastila
ang wika ng mga Filipino para lalo silang makapagdomina dito.
Pinamunuan ng mga misyonerong Kastila ang edukasyon sa Filipinas sa
pamamagitan ng simbahan. Pinag-aralan din ng Kastila ang mga wikang katutubo sa
Filipinas sa pamamagitan ng gramatika at mga diksiyonaryo noon.

Sa panahon naman ng Amerikano, nabigyan ng malaking papel ang wikang


Ingles sa loob ng paaralan at maging sa gobyerno. Naging wikang panturo din ito. Pero
hindi naman hinayaang mawala ang mga wikang bernakular para gamitin sa
pagpapaliwanag ng mga detalye na hindi maunawaan sa wikang Ingles.

Hindi nagtagal ang mga Hapon sa Filipinas, ngunit sa panahon ng kanilang


pananakop ginawa nilang Tagalog ang opisyal na wika kapalit ng Ingles dahil sa
kanilang patakarang “Asya para sa mga Asyano.” Marami na rin ang mga organisasyon
o grupo noon na sinimulang itatag sa panahon ng Amerikano na labis ang pagtangkilik
at pagmamahal sa wikang Tagalog. Nang dumating ang panahon ng kalayaan,
nagkaroon na ng mga suliranin hinggil sa wika, mga usapin sa wika, patakaran sa wika,
at iba pa.

Sa kasalukuyan, nagsulputan nang lalo ang mga usapin hinggil sa wika.


Nagkaroon na ng mga grupo-grupo ang mga Filipino: mga grupo ng maka-Ingles at
maka-Filipino. Nagkaroon ng mga batas hinggil sa wikang Filipino, subalit hindi halos
maipatupad ang mga ito. Ang batas sa bilingguwalismo, ang rebisyon ng alpabetong
Filipino, ang mga gabay sa ispeling, at iba pa ay naging ugat ng walang katapusang
diskusyon.

Patakaran sa Wika ng Dalawang Bansa

Ang sumusunod ay ilan sa mga patakaran ng dalawang bansa kaugnay ng ortograpiya.

Ang Patakaran sa Wika ng Korea

 Tuntunin sa ispeling - may sinusunod na tuntunin ang wikang Koreano sa


pagbaybay ng mga salita. Ito ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng konsonant
vowel at konsonant-vowel-konsonant. (halimbawa:ha-na,han-kuk)
 Estandardisasyon ng wika - sa Korea may mga dayalek/varayti ng wika, pero
isa lamang ang dapat na masunod na ipinag-uutos ng gobyerno. (halimbawa:
mosqueto-mogu/mogi)
 Paraan ng pagsulat ng wikang dayuhan - ang mga wika ng dayuhan ay
isinusulat ayon sa paraan ng pagsulat sa wikang Koreano.(halimbawa: England

sa .영국(young-kuk); Philippines sa 필리핀(Pilipin)

 Romanisasyon-ito ay nakatuon sa mga tao na hindi marunong umunawa ng

wikang Koreano. (halimbawa:부산 : busan, pusan)

 Pagdadalisay ng wika - pagpapanatili ng mga wikang katutubo. Kapag walang


katumbas na salita ang dayuhang wika, ito ay hahanapan ng wika na maaaring

ipanumbas sa wikang katutubo ng Korea. (halimbawa: guidebook (가이드북), ay

magiging information book(안내서)

 Karakter (alpabeto) - ang mga salita sa Korea ay nabubuo sa pamamagitan ng


pagsasama ng mga Korean at Tsinong karakter. May mga panahon na ang

pagbuo ng salita ay magkahalong Korean-Tsino at purong Korean. (halimbawa

(“統辭諭의 諸問題"ay magiging“통사론의 제문제")

 Paggawa ng diksiyonaryo - sa kaso ng Korea ang paggawa ng diksiyonaryo ay


pinamamahalaan ng mga iskolar sa wika. Ang mga pangunahing entri sa
diksiyonaryo ay kailangang masuri muna ng gobyerno,bago ipamahagi sa
paaralan para magamit itong sanggunian ng mga mag-aaral at guro.
 Spacing - ito ay tumutukoy sa paraan ng pagsulat ng mga termino.
(halimbawa:loud voice;loudvoice)

Ang Ortograpiya sa Filipinas

Sa kaso ng Filipinas, ang pagbuo ng patakaran sa wika ay maituturing na isang


mahalagang gawain upang magkaroon ng pag-unlad ang bansa. Magkakaroon lamang
ito ng katuparan kung ang gobyerno ay mayroong political will at police power para sa
pagpapatupad ng patakaran sa wika. Malaki ang pagkakaiba ng patakaran sa wika ng
Filipinas at Korea. Ayon sa Konstitusyong 1987,Art XIV Sek. 6-9

“ang pambansang wika ng Filipinas ay Filipino, samantalang nalilinang,ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Filipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Marami na ang pinagdaanang pakikibaka ng wikang Filipino. Malaki ang


pagbabago nito mula sa Tagalog, Pilipino, Filipino. Batay dito, ang mga ginamit na letra
ay iba-iba. Ang mga pagbabagong ito ay mayroong mga sinusunod na patakaran sa
ortograpiya tulad ng pagbabago sa ispeling at pagbigkas ng mga letra, at pagbuo ng
mga salita at pangungusap. Kasama sa pagbuo ng mga patakaran ang Komisyon sa
Wikang Filipino at iba pang mga samahan o organisasyon mula sa Unibersidad ng
Pilipinas, SANGFIL, Sentro ng Wikang Filipino at marami pang iba. Patunay dito ang
pagsasaaklat ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
na inihanda ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Narito ang ilang mahahalagang datos mula sa iba't ibang patnubay:

 1976 Patakaran-paggamit ng 20 letrang abakada na sumusunod sa simulaing


kung ano ang bigkas, ay siyang sulat o baybay; paggamit ng bagong letra sa
pagbaybay ng mga katutubong salita mula sa ibang wika sa Filipinas, pangalang
pantangi, simbolong pang-agham, banyagang salita na bago pa lamang
ginagamit sa Filipino.
 1987 Patakaran - paggamit ng dagdag na walong dayuhang letra: c, f, j, q, v, x,
ñ, z sa pagbaybay ng mga hiram na salita na di-konsistent at malayo ang
ispeling sa bigkas, pang-agham, at teknikal na salita.
 Ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na
inihanda ng Komisyon sa Wikang Filipino ay naglalaman ng mga sumusunod:
 Primer sa 2001 - mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra
(Bahagi ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino). Kinapapalooban ito ng apat na bahagi: 1) kaligiran ng pagbalangkas ng
2001 mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra; 2)
pagpapakilala sa 2001 mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na
Letra;3) 2001 mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ng
Alfabetong Filipino; at 4) hinaharap ng wikang Filipino sa 2001 mga Tiyak na
Tuntunin sa Paggamit ng Walong Dagdag na Letra.
 Ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na
mayroong ginawang tuntunin para sa ikauunlad at ikauunawa ng mga mag-aaral
at guro. Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra: a, b, c, d, e,f, g,h, i, j, k,
1, m, n, ng, ñ, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z. Ang paraan ng pagbigkas sa mga
letrang ito ay ayon sa tawag sa Ingles, maliban sa ñ. Kasama rito ang mga
tuntuning panlahat sa ispeling o pagbaybay. Ang pasalitang pagbaybay ay
paletra, ibig sabihin, ang salita ay bibigkasin ng isa-isa sa maayos na
pagkakasunud-sunod ng mga letra na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat,
akronim, inisyal, at simbolong pang-agham.

Mahalaga ang ginawa nilang pagbabago ng alpabeto sa wikang Filipino upang


makasabay ito sa mga pagbabagong nagaganap sa mundo, lalong-lalo na sa usapin na
may kinalaman sa wika. Dahil nakasalalay sa wika ang anumang gawain ng isang
bansa. Malaki ang maitutulong nito sa mga paaralan, gobyerno, ekonomiya, mass
media, at marami pang iba.

Konklusyon

Nasa ibaba ang pagtutulad ng Korea at Filipinas na nakapukos lamang sa ortograpiya.


Ang mga Filipino ay mahusay sa wikang Ingles, ngunit napapabayaan nila ang
wikang katutubo. Bago sila maging mahusay sa wikang Ingles, dapat na matutuhan nila
at mapaunlad ang wikang Filipino.

Sa kasalukuyan, ang paggamit ng wika ng Korea ay nakalaan sa mahahalagang


dokumento ng pamahalaaan at sa lahat ng larangan ng edukasyon. Isa sa mga
tungkulin ng gobyerno ay ang pagtatanggal ng karakter ng Tsina na ginamit ng Korea
sa loob ng mahigit na isang libong taon, gayundin ang pag-aalis ng termino ng Hapon,
na ginamit ng Korea sa loob ng 36 na taon. Sa nabanggit na panahon, ang Korea ay
walang edukasyon sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Koreano.Makikita natin dito
na kapag ang pamahalaan ay ginampanan ang kanilang tungkulin hinggil sa wika,
magkakaroon ito ng isang ganap na pag-unlad at pagkakaisa sa bansa.

Sa isang bansa tulad ng Korea, hindi pa rin nawawalan ng suliranin. Upang


malutas ang mga suliranin na ito, dapat lamang na gumawa tayo ng mga paraan para
magkaroon ng katuparan ang ating mithiin. Gayundin sa kaso ng Filipinas, marami rin
ang nagsasama-sama na mga organisasyon hinggil sa wika tulad ng
KWF,SANGFIL,PSW, at Sentro ng Wikang Filipino sa UP para matugunan ang mga
suliranin. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ang wika ay maiangat
at maitaguyod sa buong sambayanan.

Ang Korea ay isang bansang masuwerte dahil isa lamang ang kanilang wikang
ginagamit. Hindi rin nahirapan sa pagpili ng gagamiting opisyal na wika ang Korea dahil
kakaunti lamang ang kanilang diyalekto. Di tulad ng Filipinas na marami ang wika,
kaya't nahirapan ang namumuno para pumili ng isang wika lamang na dapat gamitin at
kilalaning opisyal at pambansang wika.

Makikita rin na isa pang problema sa Korea ay ang colonial mentality.Ito rin ang
problema sa Filipinas. Karamihan sa kanila ay walang pagmamahal sa kanilang
katutubong wika. Mayroon naman silang magagamit na mga termino kaya lang ayaw
nilang gamitin, dahil ang ginagamit nila ay ang wika ng dayuhan, gaya ng wikang
Ingles. Dahil kapag ginamit nila ang mga wikang dayuhan, nagkakaroon sila ng
pagmamalaki sa sarili.

Sa ngayon,ang Korea ay walang gaanong suliranin sa bilingguwalismo di gaya


sa Filipinas. Naging matagumpay ang patakaran ng pamahalaan ng Korea. Dahil
mayroon silang political will at police power. Isa ito sa maipagmamalaki ng Korea. Ang
paggamit ng kanilang sariling wika. Ito naman, sa palagay ng marami ang kulang sa
Filipinas.

BIBLIYOGRAPIYA
Antonio,Lilia F.Rubin,Ligaya Tiamson ed.2003.Sikolohiya ng Wikang Filipino. C &t E
Publishing, Inc.

Choi,Yong Ki.2003.History of South &tNorth Korea's Language Policy.Seoul:Pak-Yi-


Jung Press.

Constantino,Pamela C. et al., mga ed. 1985. Wika, Linggwistika at Bilingguwalismo sa


Pilipinas. Rex Book Store.

Constantino,Pamela C.et al., mga ed. 1990. “Ang Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas.”
Nasa Binhi:Mga Babasahin sa Komunikasyon I. Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas,U.P.

Department of Culture and Tourism.Korean Language Policy Source Book.mp.215-218

Komisyon ng Wikang Filipino.2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng


Wikang Filipino.

Komisyon sa Wikang Filipino.2001 Patakarang Pangwika ng Pamahalaan.Maynila.

Paz,Consuelo J.1995. Ang Wikang Filipino: Atin Ito. Sentro ng Wikang Filipino.

Quetua, Fe Laura R., et al., mga ed. 1999. Sangguniang Gramatika ng Wikang
Filipino.Sentro ng Wikang Filipino.

Song,Ki Jong.1993.Language Policy.Korean Language Association, p.10.TaeHakSa.

Surian ng Wikang Pambansa. 1985. Simposyum sa Repormang Ortograpiko.Maynila.


4 Kunio Takano

Pangwikang Isyu sa Panahon ng Modernisasyon sa


Japan:Pagpaplanong Pangwika at Pagsasalin (1968-1941)

MARAMI ang nag-akala na walang problemang pangwika ang Japan. Totoong hindi
marami ang etnolingguwistikong grupo nito. Bagama't may sariling kultura ang Ainu na
nakatira sa hilagang parte ng Japan at ang Okinawan sa bahaging timog nito, masasabi
na halos iisa ang lahi at wika sa Japan. Ngunit, ito ay bunga ng maayos na patakaran
na ipinatupad ng pamahalaan ng Japan noong nakaraang panahon. Sa katunayan,
nagkaroon din ang nasabing bansa ng mainit na usapan hinggil sa wika noong bandang
huli ng dantaon 19 kung kailan muling nagbukas ito sa pakikipagkalakalan sa ibang
bansa.

Tuon sa Pagpaplanong Pangwika at Pagsasalin

Sa papel na ito, nais bigyang-diin ang dalawang aspekto ng mga pangwikang


isyu noong panahong yaon: pagpaplanong pangwika at pagsasalin. Magkakawing ang
dalawang usapin. Noong panahon ng modernisasyon sa Japan,kinailangang angkinin
ang abanteng idea at teknolohiya mula sa mga Kanluraning bansa. Dahil dito,
maraming akda ang isinalin sa wikang Hapon at pumasok tuloy o panibagong nilikha
ang mga termino rito. Sa kabilang dako naman, masalimuot na estilo ng pagsusulat,
pagkakalayo ng wikang pasalita at pasulat, kakalat-kalat na mga diyalekto, at wala pang
estandard na wikang pasalita ang naging suliranin. Nais ipakita ng mananaliksik ang
nabanggit na isyu ayon sa daloy ng kasaysayan.

Pagkaantala ng Sibilisasyon ng Japan at

Pagpapalitan ng Wikang Opisyal sa lsa sa mga Bansang Kanluranin

Ang Japan ay nagsagawa ng isolation policy mula noong 1635 hanggang noong
1854. Bagama't ipinagpatuloy ang pakikipagnegosyo sa Tsina at Netherlands, ito ay
naganap sa isang reclaimed island na malayo sa sentro ng pampolitikang aktibidad.
Kasabay nito, ipinagbawal ang paglalakbay ng mamamayang Hapones sa ibang bansa
at pagbalik mula sa ibang bansa. Sa panahon ng mahigit 200 taon na pagsasara ng
estado, pinag-ibayo ang orihinalidad ng kulturang Hapon ngunit nang muling binuksan
ang bansa, nakaharap ang Japan sa napakaseryosong sitwasyon: walang sapat na
puwersang militar upang makalaban sa dakilang puwersa ng Europa at Estados Unidos
at kailangang ipagtanggol ang sariling bansa mula sa banta ng kolonisasyon. Noong
panahong yaon ay kay laki ng diperensiya sa larangan ng idea at teknolohiya sa
pagitan ng mga bansang nakaranas ng industrial revolution at di-nakaranas nito. Upang
makalusot sa nasabing sitwasyon, ang bansang Japan ay nagsagawa ng isang
patakaran, “Pagyamanin ang bansa at palakasin ang militar” upang makaligtas sa
panahon ng imperyalismo. Isa sa mga gawain upang isakatuparan ang patakaran ay
ang pagpaplanong pangwika.

Dahil sa pag-aalala sa pagkaatraso ng Japan sa pag-uunlad ng sibilisasyon,


ilang intelektuwal ang nagmungkahi ng mga solusyon. May nagsabing angkinin na lang
ang wikang Ingles bilang wikang opisyal sapagkat malawak na itong ginagamit sa
pandaigdigang kalakalan. Siya si Mori Arinori (1847-1889). Lumabas din ang opinyon
na palitan ang pambansang wika ng isa sa mga wikang Oksidental sapagkat mas
maunlad ang sibilisasyon doon at mas makakabuti na makisama sa kanila para sa
masaganang kinabukasan ng Japan. Ipinaglaban ito ni Baba Tatsui. Tumawag siya ng
pansin sa susunod na punto: ang pilit na pag-aangkin ng banyagang wika sa Japan ay
magbubunga ng paghahati sa mga uring panlipunan sa pamamagitan ng language
barrier. lbig sabihin nito'y mabubuo ang panlipunang sagwil sa pagitan ng limitadong
intelektuwal na bihasa sa banyagang wika at karamihang masa na di-nakakaintindi nito.
Lalong masama, hindi na sila makapagbabahagi sa magkaparehong interes. Hindi na
sila makakakilos bilang iisang sambayanan at mawawala rin ang benepisyo na
nagmumula sa pagkakaisa ng sambayanan. Kung sakaling gaganapin ang politika ng
estado sa paggamit ng banyagang wika, di na makakasali ang uri sa ibaba sa
mahahalagang isyu na umaapekto sa buong sambayanan. Ang wika ay nararapat na
hindi maging instrumento ng dominasyon ng mga elitista sa lipunan. Dahil dito, ang
direksiyon ng argumento ay tumungo sa paglutas ng suliraning pangwika sa loob ng
wika sa Japan.
Masalimuot na Estilo ng Pagsusulat sa Wikang Hapon at Problema nito

Ang sistema ng wika noon sa Japan ay katangi-tangi sa pagkakalayo ng wikang


pasalita at wikang pasulat nito. Sa pagsusulat, apat na pangunahing estilo ang
ginagamit: kanbun; sorobun; wabun; at wakankonkobun. Ang mga lathalain ng
pamahalaan at iba pang seryosong aklat ang isinulat sa kanbun, ang bersiyong Hapon
ng klasikong Tsino. Isa pang Tsino-Hapong estilo para sa opisyal at pribadong
pagsusulatan ay sorobun. Ipinadudugtong ang soro sa huli ng pandiwa upang gawing
magalang ang pangungusap. Ito ay kombinasyon ng kanji(mga letrang Tsino) at kana
(mga pantig na letrang Hapong hango sa mga letrang Tsino). Ang wabun ay purong
estilong Hapon kung saan ginagamit lamang ang kana ngunit nakabatay ang gramatika
at leksikon nito sa 10 na wika ng Japan. Dahil sa lingguwistikong pagkasulong,
makaluma na ang mga salita rito. Iniiwas dito ang Tsino-Japan at pasalitang
bokabularyo. Madalas na ginagamit ang estilong ito sa pampanitikang prosa at
tinangkilik ng mga iskolar sa pambansang aralin dahil sa katangian ng estilo na ito na
hindi gumagamit ng mga letrang Tsino. Ang wakankonkobun ay kombinasyon ng wabun
at kanbun. Marahil ang estilong ito ang pinakamalapit sa kasalukuyang Nihongo ngunit
malayo pa rin ito sa wikang pasalita.

Ang ganitong komplikadong pagsusulat ay hindi naintindihan ng ordinaryong


mamamayan. Upang matutuhan ang mga estilo sa pagsusulat, kailangan ang pormal at
matagal na pag-aaral. Higit sa lahat, walang katumbas ang mga salita sa wikang Hapon
para sa mga termino ng panibagong idea at teknolohiya na galing sa mga bansang
kanluranin. Kahawig ang kalagayan ng Nihongo noon sa kasalukuyang wikang Filipino.

Ang pagpapataas ng level ng edukasyon para sa masa ay mahalaga para


humabol sa mga bansang kanluranin at maiwasang masakop ng mga ito. Ang
masalimuot na sistema ng pagsusulat ay sabagal lamang sa ikasusulong ng
pagpapalaganap ng edukasyon sa buong sambayanan. Ang edukasyon ay
napakahalaga upang itanim ang pambansang kamalayan sa taumbayan at palakasin
ang kanilang pagkakaisa tungo sa pagpapabilisan ng modernisasyon. Pababa at pataas
na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan kasabay ng pahalang na
komunikasyon sa sambayanan ay kailangang pagbutihin para pagkaisahin ang
sambayanan.

Mga Kilusang Pangwika

Umasa ang mga intelektuwal na ang mas simpleng sistema ng pagsusulat at


mas magkalapit na pagtutugma sa pagitan ng pasalita at pasulat na wika ang
magbibigay sa ordinaryong mamamayan ng pagkakataong magbasa. Mula dito ay
sumulpot ang mga kilusan. Ilan dito ang mga sumusunod:

Kana Club at Romanization Club

Ang pinakaradikal na mungkahi ay alisin ang lahat ng mga letrang Tsino at


estilong pagsusulat sa mga ito. Noong 1866, ang iskolar at menor na opisyal sa
pamahalaan na si Maejima Hisoka (1835-1919) ay nagsumite ng petisyon sa bakufu
(pamahalaang militar ng shogun) na may pamagat na Kanji gohaisi no gio Paghiling sa
Pagpapaalis ng mga letrang Tsino. Ang kaniyang argumento ay paggamit ng kana sa
lahat ng sulatin. Sa kaniyang paniniwala, ang wika at ang mga letra bilang senyas ng
speech sound ay hindi nagkakaloob ng tunay na kaalaman kundi instrumento lamang
upang iparating ang kaalaman. Hangga't maaari, ang mga titik ay dapat umayon sa
pagbigkas at madaling intindihin ng sinumang tao. Dapat ding pare-pareho ang
pagbigkas nila dito. Ang buod ng kaniyang pagtatalo ay hindi nasa wika ang tunay na
karunungan kundi nasa nilalaman nito. Para sa kaniya, nagiging balakid ang kanji sa
pagkakamit ng modernong kaalaman at komunikasyon.' Naituring niyang
pakikipaglaban ito ng phonogram at pictograph sapagkat phonogram ang kana
samantalang ang kanji ay pictograph.2 Bilang halimbawa, tinukoy niya ang proseso
kung paano nakalusot ang mga wikang Europeo mula sa pangingibabaw ng wikang
Latin at naging mga wika ng modernong estado nasyonal habang sumisipsip sa
mayamang pamana ng Latin. Itinuro ni Maejima na dapat ding sumunod ang wikang
Hapon at kumalag sa pagkatali sa wikang Tsino at mga titik nito. Ang kaniyang
inasahang tunguhin ay ang paglikha ng sambayanang Hapones na maging basehan ng
modernong estado nasyonal sa pamamagitan ng pagpapadali ng pangungusap at
pagsasakatuparan ng general education sa tulong nito.
Sa bahagi ng kilusan na ito, itinatag ni Maejima ang Mainichi Hiragana Shimbun,
ang diyaryong nakasulat sa kana lamang. Pansamantala lang ito ngunit nakatulong ito
upang ikalat ang idea ng pagsusulat lamang sa kana.Nabuo ang ilang grupong
sumuporta at tumalakay ng estratehiya para mapalalim ang usapan. Noong 1883,
pinag-isa ang mga grupo at naging Kana no kaio Kana Club. Sa kabilang banda, si
Nishi Amane (1829-1897) ay naggiit ng pagtatapos sa paggamit ng mga letrang Tsino
at kana. Sa halip, iginiit niyang gamitin sa pagsusulat ang kanluraning alpabeto. Sa
kaniyang paniniwala, ang pinakamalaking sagwil sa pangkulturang pag-unlad ng Japan
ay paggamit ng kanji sa pagsusulat. Sa kaniyang argumento, mas superyor ang mga
letrang Romano kaysa kana sapagkat sa una ay naisusulat ang bawat tunog ng
pagbibigkas samantala sa huli ay ipinalalarawan ang pantig na kombinasyon ng katinig
at patinig. Naniniwala siya na ang pag-angkin ng kaalaman at karunungang Europeo ay
mapapadali kapag ginamit ang sistemang pasulat sa alpabeto. Magiging madali ang
pag-aaral ng banyagang wika (mga wikang Europeo) at maaaring ilipat ang orihinal na
mga terminong teknikal sa wikang Hapon sa pagsasalin ng mga banyagang libro.
Nakikita rito ang pagnanais ng pakikibagay sa mga kalinangang Kanluranin. Dahil dito,
nabuo ang Romaji no kai o Romanization Club. Ang unang kopya ng kanilang bulletin,
Romaji Zasshi ay inilimbag noong 1885.

Gayunman, hindi realistiko ang nabanggit na dalawang mungkahi kaya hindi


natuloy. Sapagkat ang wikang Tsino at mga letra nito ay mahalagang instrumento sa
leksikal na pagpapayaman ng bokabularyo sa wikang Hapon. Noong panahong ito,
maraming salitang Dutch, Ingles, at iba pang wikang Europeo ang pumasok sa wikang
Hapon at ginawa ang salin sa mga ito sa pamamagitan ng mga letrang Tsino o kanji.
Sapagkat ang bawat letra ng kanji ay may kahulugan, nakakatulong ang kanji sa
paglikha ng salin. Pangkaraniwan, ang mga panibagong nilikhang salita noong
panahong ito ay nasa kanji. Ayon kay Kato, mahahati sa tatlong paraan ang paglikha ng
salitang salin. Una ay pagdudugtong ng dati pang umiiral na mga kanji nang hindi
binabago ang kahulugan. Pangalawa ay baguhin ang kahulugan ng dati pang umiiral na
mga kanji at gamitin katulad ng salitang jiyu o kalayaan. Pangatloay talagang
panibagong likhain mula sa walang anuman katulad ng fudosan o real estate. Noong
panahong ito, paggamit ng kanji ay nagpapatunay ng mataas na kaalaman ng tao at
makapangyarihan. Upang panatilihin ang dignidad ng mga salin, pilit na ginamit ang
kanji para sa mga bagong salita.

May problema pa ang dalawang mungkahi sa estilo ng pagsusulat. Kay Maejima


ay nakatali pa ang pagsusulat sa estilo ng wabun. Kay Nishi ay natitira ang tradisyon ng
wakankonkobun. Panay hindi naiintindihan ng ordinaryong mamamayan ang mga ito.
Iginiit ni Maejima ang pagpapatuloy ng makabayang tradisyong Hapon at ni Nishi
naman ang paglapit at pakikisakay sa sibilisasyong

Kanluranin. Kahit na magkaiba ang tunguhin, ipinaglaban ng dalawang kilusan


ang mga letrang Tsino bilang kaaway at nagtangkang kumalag mula sa kalinangan ng
Tsina.

Kilusang Genbun Itchi

Laban sa suliranin ng dalawang kilusan, nabanggit ni Suematsu Kencho sa


kaniyang akda na kahit anong titik ang gagamitin, kailangan ang estandardisasyon ng
estilo sa pagsusulat. Dito inumpisahan ang gengo itchi undo o Kilusang Pagpapatugma
ng pasalita at pasulat na wika. Ang nag-umpisa ng nasabing kilusan ay dalawang guro
sa Unibersidad ng Tokyo, sina Mozume Takami at Basil Hall Chamberlain.Kasapi ng
Kana Club si Mozume. Batay sa mga talumpati ng nasabing organisasyon, sumulat siya
ng isang papel, “Genbun itchi” noong 1886. Hinikayat niyang magsulat ayon sa
pagbigkas.Sumabay dito si Chamberlain, isang lingguwist na taga-Britanya. Dumating
siya sa Japan noong 1873 at nagtuturo sa Unibersidad ng Tokyo noon. Idiniin ni
Chamberlain ang panlipunang aspekto ng genbun-itchi. Binanggit niyang sa mga
bansang sibilisado, malimit na ayon sa pagbigkas ang kanilang pagsulat. Subalit tulad
ng medieval Europe, sa Tsina, Korea,Japan, at Vietnam na sinasakop ng mga letra at
estilo ng wikang Tsino, minamaliit ang wikang pasalita. Ang kultura ay nasa kamay ng
limitadong iskolar at hindi umaabot ang edukasyon sa mga taumbayan. Hindi
nagagamit ang wikang natural o wikang pasalita kaya nahahadlangan ang malayang
isipan sa pagsusulat. Hindi tuloy nabubuo ang matatalinong katha. Upang alisin ang
nabanggit na sagwil, kailangang isagawa ang genbun-itchi tulad ng mga modernong
bansang Europa. Kung gayon, sa ikabubuti ng edukasyon sa Japan at para
madagdagan ang kaalaman ng taumbayan, pinakamabuting panlunas ang pagtatanggal
ng masasalimuot na estilo ng pagsusulat.

May katwiran naman ang pahayag ng dalawang propesor ngunit nandoon pa rin
ang isang tanong: kung ang genbun-itchi ay pagkatugma ng pagsusulat sa pagsasalita,
ibig sabihin, isusulat lamang ang mga diyalektong pasalita na nagkakaiba sa isa't isa
depende sa lugar at hindi tuloy naiintindihan ang mga ito maliban ng mga tagaroon?

Ang tumugon ng maayos sa naturang pagpuna ay si Bimyo Yamada. Sumulat


siya ng isang papel,“Genbun-itchi-ron gairyaku” o General Theory ng genbun-itchi.5
Nilinaw ni Yamada na may dalawang daloy sa mga iskolar na nagigiit ng genbun-itchi.
Sa una ay ilapit ang wikang pasalita sa wikang pasulat at isa pa ay vice versa.
Nanindigan si Yamada sa huling argumento. Iminungkahi niyang ilapit ang wikang
pasulat sa wikang pasalita ng Tokyo. Itinuro niyang mas nauunawaan ang wikang
Tokyo kaysa sa iba pang mga diyalekto at iginiit niyang gawing istandard na huwaran
ang wikang pasalita ng Tokyo sa pagsusulat. Ipinaliwanag ni Yamada kung paano
naging makapangyarihan ang wikang Tokyo mula sa makasaysayang pananaw. Noong
panahon ng Edo (1600-1867), inilipat ang sentral ng gobyerno sa Tokyo mula sa Kyoto.
Bunga nito, nabuo ang wikang Tokyo sa pagtitipon-tipon ng mga tao galing sa iba't
ibang lalawigan ng Japan. Ang wika ng Tokyo ay naiiba sa wikang katutubong
ginagamit sa downtown sa Tokyo. Ito ay katulad ng pagkakaiba ng Tagalog at Filipino.

Isinulong at pinalakas ang kilusanng genbun-itchi ng mga manunulat tulad nina


Futaba Teishimei, Yamada Bimyo at Ozaki Koyo. Sila ay nagtangkang gumamit ng
wikang pasalita ng Tokyo sa kanilang pagkakatha at unti-unting lumaganap ang estilong
ito. Sumulat si Futaba Teishimei ng Ukigumo (Lumulutang na Ulap) mula 1887
hanggang 1889. Itinuring ito na umpisa ng modernong realistikong nobela ng Japan.

Sa nabanggit na reporma sa wikang Hapon, idinagdag pa ang nasyonalismo at


imperyalismo. Unti-unting bumubuo rito ang idea ng pambansang wika ng Japan.
Tradisyon ng Pagsasalin sa Japan

Para sa bansang Japan, ang modernisasyon ay nangangahulugan ng pag-


angkat ng bagong kaalaman at teknolohiya mula sa Kanluran. Bilang unang hakbang
ng modernisasyon, inanyayahan ang mga dayuhang guro, ipinadala ang mga delegado
at mga mag-aaral sa mga bansang Kanluranin at isinagawa ang maramihang
pagsasalin mula sa mga wikang Kanluranin. Sa bahaging ito, bibigyang-pansin ang
pagsasalin at kontribusyon nito sa modernisasyon sa Japan.

Mula pa noong unang panahon, isinagawa na ang pagsasalin sa Japan. Dahil


magkatabi ang Japan at Tsina kung saan bumukal ang dakilang sibilisasyon, nag-
angkat ang Japan mula sa Tsina ng pilosopiya, historiyograpiya, at teknolohiya ng
sinaunang Tsina direktang galing sa Tsina o sa pamamagitan ng Korea Peninsula.
Kung ang Korea at Vietnam ay nag-angkat ng kulturang Tsino sa pamamagitan ng
wikang Tsino, sa halip, ang Japan naman ay nagsalin muna bago pinag-aralan ang
kulturang Tsino. Sa pamamagitan din ng mga pagsasalin sa Tsina, pinag-aralan sa
Japan ang pilosopiya ng sinaunahing India katulad ng Buddhismo. Mayroon ding
mongheng Hapones na nag-aral sa orihinal na wika tulad ng Sanskrit, subalit ang
karamihan ay nag-aral sa Literatura Buddhista na isinalin sa wikang Hapon mula sa
wikang Tsino (dobleng pagsasalin).

Pumasok din sa Japan ang likas na agham, teknolohiya, at idea ng sinaunang


India at Gresya. Ang mga ito ay umabot sa Gitnang Silangan at isinalin sa wikang
Arabo sa mundo ng Muslim. Sa bandang huli ng Medieval Age,muling isinalin sa wikang
Latin at pagkatapos sa mga wikang Europeo at naging basehan ng likas na agham sa
modernong Europa. Natutuhan ng mga Hapones ang naturang larangan sa
pamamagitan ng salin sa wikang Olandes, Ingles, Pranses, at iba pa. Napag-aralan din
sa Japan ang mga ideang Kristiyano na bumuo sa sinaunang Judea at kumalat sa
Roman Empire, Medieval Europe, at Modern Europe. Sa pamamagitan ng salin sa mga
wikang Europeo mula sa sinaunang Hebrew, Greek, Latin,muling isinalin ang mga
akdang ito sa wikang Hapon bago pag-aralan.

Katangi-tangi na nakikilala ng Japan ang mga dakilang kultura sa iba't ibang


sulok ng daigdig sa pamamagitan ng pagsasalin imbes na pag-aralan sa orihinal na
wikang banyaga. Samakatwid, noong humarap sa malaking pangangailangan ng
pagsasalin sa panahon ng modernisasyon, masasabing matatag na ang preparasyon
para dito.

Noong 1886, ibinalik ang politikal na kapangyarihan sa emperador mula sa


shogun. Muling binuksan ang opisyal na ugnayan sa iba't ibang bansa at labas-masok
ang sari-saring impluwensiya sa Japan. Tinatawag itong panlipunang penomenon na
Meiji Restoration. Pagkatapos ng nasabing restoration, maraming akdang
pangkasaysayan ang naisalin. Nauna ang Universal Historyni Peter Parley. Sumunod
dito ang History ofCivilization in England ni Henry T.Buckle, at History of European
Civilization ni François Guizot.? Noong 1886, isinalin ang akda ni Chales Louis de
Secondat Montesquieu, Considérations sur les causes de la grandeur des Romains et
de leur décadence. Tinalakay nito ang dahilan kung bakit nanghina ang kadakilaan ng
mga Romano. Sinubukang pag-aralan pati ang pinanggalingan ng sibilisasyong
Europeo.

Dahil sa panawagan ng lipunan, isinalin ang may kinalaman sa taktikang militar.


Ang industrial technology katulad ng steam engine ay ipinalaganap sa pamamagitan ng
librong salin. Naging popular ang pagsasalin sa larangan ng kemistri. Dahil sa pag-
usbong ng textile industry, binigyang-pansin ang dyestuffs. Dahil sa pangangailangan
sa bakbakan, isinalin ang ukol sa gunpower at sa chemical fertilizer dahil sa
pagpaparami ng agrikultural na produksiyon. Sa larangan ng medisina, ipinaalam noon
pa man ang kaalaman sa panggagamot sa pamamagitan ng Holland. Tinututukan din
ng interes ang sistema ng batas dahil sa maayos na pakikipag-ugnayan sa mga
bansang Kanluranin. Maraming iskolar na Hapones ang nananaliksik sa Internasyonal
na Batas.

Tungkol sa sistemang panlipunan, isinalin ang akda ni Alexis de Tocqueville ukol


sa demokrasya ng Amerika. Isinalin din ang sikat na akda ni Montesquieu, De l'esprit
des lois noong 1875. Sa mga akdang salin, ipinakilala rin ang komunismo at sosyalismo
sa Japan. Naisalin din naman ang l'Esthétique ni Eugéne Véron, ang ukol sa estetika na
itinuturing ugat ng teoryang pansining.Ang Ministri ng Edukasyon ang nagpasalin kay
Nakae Chomin ng naturang libro noong 1883-1884. Nakapagtataka na may isinalin din
kahit na walang relasyon sa militarismo at abanteng teknolohiya.

Mga Salitang Likhang Nabuo sa Pagsasalin

Kasabay sa pagsasalin, maraming salitang likha ang nabuo at pumasok sa


wikang Hapon. Ang salitang jiyu o kalayaan ay kinuha galing sa vrijheid sa wikang
Olandes. Ang salitang kenri (karaparan) at gimu (tungkulin) ay inangkin galin sa wikang
Tsino. Si Mitsukuri Rinsho ay nagsalin ng sari-saring libro ukol sa batas at nagdraft ng
Batas Sibil, Batas Korporasyon, Batas Bankruptcy at Batas Komersiyal ng Japan. Sa
kaniyang aktuwal na pagsasalin, nilikha niya ang dosan (movable property) fudosan
(real estate). Si Fukuzawa Yukichi naman ay lumikha ng enzetsu (talumpati), toron
(debate) at hanken (copy right). Si Nishi amane,nakapag-aral sa Holland, ay
nagpakilala ng pilosopiyang Kanluranin at lumikha ng salitang tetsugaku (pilosopiya).

Kultura ng Pagsasalin Mula sa Tsina

Sa isang banda, masasabi na ang kulturang Hapon ay kultura ng pagsasalin


mula sa Tsina. Ang kultura ng pagsasalin ay hindi nagbabanta sa pangkulturang
indenpendensiya ng isang estado. Ito ay transpormasyon ng kulturang banyaga sa
pakikipaghalo sa tradisyon ng sariling bansa. Sa kaso ng Japan, ang masalimuot na
suliranin ng pagsasalin tulad ng pagtutunggalian, paghahaluan, o pakikipagnegosasyon
sa iba't ibang paraan ay naganap sa larangan ng politika, ekonomiya, at moralidad. Ang
naturang kasalimuotan ay malinaw na lumilitaw sa mga isyu ng pagsasalin: ano ang
isinalin, paano isinalin, at paano natatanggap sa lipunan ang isinaling idea at konsepto.

Kongklusyon

Maliwanag na malaki ang papel ng pagpaplanong pangwika at pagsasalin para


sa modernisasyon ng Japan. Dahil pinasimple ang estilo ng pagsusulat, naalis ang
sagwil at lalong abot-kaya ang edukasyon para sa taumbayan. Naibigay ang pantay-
pantay na edukasyon sa kanila at itinanim ang kamalayan bilang sambayanan ng Japan
at malinaw na ipinakita sa kanila ang pambansang kapakanan at tunguhin ng estado.
Ang mga intelektuwal mismo ang bumaba mula sa pribilehiyong posisyon at
nagmungkahi ng mga solusyon laban sa mga pangwikang isyu. Naisagawa ang
estandardisasyon ng wikang Hapon at naging madali ang komunikasyon sa pagitan ng
mga mamamayan, paglampas sa.mga uri sa lipunan at pangheograpiyang distansiya.
Pinalakas ang pagkakaisa ng buong sambayanan at umangat ang kalagayan nila.
Kasabay nito, marami ang nagawang pagsasalin patungo sa wikang Hapon at idinulot
ang abanteng idea at teknolohiya sa Japan. Pumasok sa wikang Hapon ang mga
salitang teknikal at abstrak at yumaman ang bokabularyo dito.

MGA TALA

1. Sa wikang Hapon, kanji ang tawag sa mga letrang Tsino.


2. Ang wikang Hapon ay binubuo ng 46 na titik ng hiragana at 46 na titik ng
katakana at mga 1,800 na kanji.Ang hiragana at ang katakana ay phonogram at
isinusulat ang mga ito ayon sa pantig ng nasabing wika.Kung itinawag ang kana,
ito ay nagtuturo ng parehong hiragana at katakana. Ang kanji ay pictograph at
ang bawat letra ay may kahulugan.
3. Maruyama Masao at Kato Shuichi, Honyaku to nihon no kindaika (Pagsasalin at
Modernisasyon ng Hapon) (Tokyo: Iwanami Shoten),1998,p.109.
4. Lee Yeounsuk, Kokugo to iu shiso (Ang ldea ng Pambansang
Wika)(Tokyo:Iwanami-shoten),1996,pp.53-58.
5. Naging sikat na siya noon bilang manunulat sa kanyang katha, Musashino na
isinulat sa wikang pasalita ng Tokyo kaya ang kaniyang payahag ukol sa
genbun-itchi ay nakakakumbinsi sa mga iba pang tao.
6. Nasaklaw pa sa pangwikang isyu ang pagtuturo ng Nihongo bilang pambansang
wika sa Korea at Taiwan.Ukol sa pagpaplanong pangwika ng Japan sa Pilipinas
noong panahon ng Giyera, sangguniin:Yolanda Alfaro,'Wika,Militarismo at
Ultranasyunalismo: Ang Pagpaplanong Pangwika ng Japan sa Pilipinas sa
Panahon ng Digmaan (1942-1945)' (unpublished master's thesis, Unibersidad ng
Pilipinas,Diliman,1995)
7. Ang orihinal ay nasa wikang Pranses, Historia de la civilization en Europe
depuis de l'Empire jusqu'à la Révolution française. Pero ang salin sa wikang
Hapon ay hindi galing sa orihinal kundi sa salin sa Ingles ni C. S.Henry.

BIBLIYOGRAPIYA

Alfaro,Yolanda.“Wika,Militarismo at Ultranasyunalismo: Ang Pagpaplanong Pangwika


ng Japan

sa Pilipinas sa Panahon ng Digmaan (1942-1945)". 1995. Tesis Masteral. Unibersidad


ng

Pilipinas,Diliman.

Coulmas,Florian.2002.“Language Policy in Modern Japanese Education,” pp.203-


224.Nasa

James W.Tollefson,patnungot,Language Policies in Education New Jersey:Lawrence

Erlbaum Associates.

Lee Yeounsuk. 1996. Kokugo to iu shiso (Ang Idea ng Pambansang


Wika).Tokyo:Iwanami-shoten.

Maruyama Masao at Kato Shuichi. 1998. Honyaku to nihon no kindaika (Pagsasalin at


Modernisasyon ng Hapon) Tokyo:Iwanami Shoten.

Yamaoka,Yoichi. 2001. Hon-yaku towa nanika - Shokugyo to shiteno hon-yaku(Ano ang


Pagsasalin?-Pagsasalin bilang Hanap-buhay). Tokyo: Nichigai Associate.

You might also like