Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

magandang _______. ako po si stefanie alexis g. catantan ng 11- emerald.

narito po ako upang


ipahayag ang aking mga naging hakbang sa pagbuo ng aking sulating pananaliksik.

una ay aking pinag isipang mabuti kung anong paksa ang naaangkop sa aming lugar. aking
tinanong ang aking sarili kung masiyado bang malawak o limitado ang saklaw nito? ang mga
magagandang lugar sa aming pamayanan na hindi pa gaanong naipapakilala sa mga turista
subalit ay may potensiyal maging tourist spot ang aking napili na sa tingin ko ay kawili-wili, sa
kadahilanang pili lamang ang mga magagandang lugar sa aming bayan. para sa akin,
makabuluhan ang paksang ito dahil makatutulong ito upang maitaguyod ang turismo sa aming
bayan, ang Tunga. napag isipan kong pumili ng isang lugar kung saan ay may potensiyal itong
maging tourist, at yun ang beengo farm. isang lugar lamang ang aking pinili dahil magiging
malawak ang saklaw ng aking pananaliksik kung dadagdagan ko pa ito, eksakto lamang ang
magiging saklaw ng aking pananaliksik dahil marami din ang impormasyong aking makakalap sa
aking napiling lugar at magagawa ko ring tapusin ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin.
naisip ko na rin ang pangunahing mapagkukunan ko ay ang mismong may ari nito dahil siya ang
may alam patungkol sa kaniyang negosyo.

pangalawa, ang pagbuo ng pahayag na thesis. ano nga ba ang layunin ng pananaliksik na ito?
layunin ng pananaliksik na ito na maipakilala sa mga tao kung anong uri ng turismo mayroon
ang bayan ng Tunga at sa pamamagitan nito ay matutulungan din nitong maitaguyod ang
turismo dito. ang aking mga mambabasa ay maaring ang aking guro at iba pang tao na
interesadong maghanap ng isang lugar na mapapasyalan. nais kong ipakita sa kanila ang ganda
na tinatago sa beengo farm at nang ma engganyo silang pumunta at bisitahin ang nasabing
lugar. ang aking kinakailangan dito ay ang makapanayam ang mismong may-ari ng nasabing
farm at agad naman akong napaunlakan ni ginoong gary na siyang may-ari nito.

ang paghahanda ng tentatibong balangkas, dito ko inayos ang pagkakasunod sunod ng ideya
para sa aking pananaliksik. inuna ko muna ang pagpapakilala sa may ari at kung paano
nasimulan ang negosyong iyon bago ipakilala kung ano ang mayroon sa lugar na iyon.

paghahanda ng iniwastong balangkas o final outline, dito ko na napagdesisyunan ang tamang


pagkakasunod sunod ng impormasyong aking nakalap. akin ding iniwasto ang ibang mga salita
upang ito'y maging payak ngunit ito ay makakapukaw pa rin ng pansin ng mambabasa. mayroon
din akong ibang impormasyong dinagdag sa aking pananaliksik.

pagsulat ng borador o rough draft, dahil alam ko na kung paano ko pagsusunod- sunurin ang
aking mga impormasyon, napagpasyahan kong gumawa na ng rough draft. ang aking
introduksiyon ay naglalaman ng ideya kung saan patungkol ang aking pananaliksik. ang katawan
naman ay naglalaman ng lahat ng impormasyong aking nakalap at ideyang nais ko ipahiwatig sa
mga mambabasa. ang aking kongklusyon ay naglalaman ng buod ng aking pananaliksik.
isinaayos ko na rin ang baybay, bantas at ang kaayusang panggramatika nito.

panghuli, nang masiguro kong wala nang dapat ayusin sa aking pananaliksik ay
napagdesisyunan ko nang i-type ito at siguraduhing ginamit ang pormat na ibinigay sa amin ng
aming guro.

yun lamang po ang aking mga naging hakbang sa pagbuo ng aking panimulang sulating
pananaliksik. maraming salamat.

You might also like