Reyalisasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang mga mag-aaral ay bubuo ng vlog na ilalagay sa FB Closed Group ng klase.

Ang
vlog ay iikot sa kanilang mga reyalisasyon sa panahong ito na may krisis na kinakaharap
ang mundo. Ang nasabing vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3 minuto. Inaasahang ang
vlog na ito ay gagawin lamang sa kani-kanilang tahanan bilang pagtugon sa mandato ng
General Community Quarantine.

Napakaraming nangyari at patuloy na nangyayari ngayon sa buong mundo , sinubok tayo mula enero ,
mula sa pag putok ng bulkang taal at patuloy na sinusubok hanggang ngayon ng virus na covid 19 . Ang
mga pagsubok na ito ay dalawa lamang sa mga mahihirap na sitwasyong pinagdaanan at patuloy na
pinagdadaanan nating mga pilipino at alam natin na hindi lamang pilipinas kundi halos ang buong
mundo ang sinusubok ng krisis ngayong 2020.

Marami akong naging reayalisasayon , nitong mga nagdaang buwan , lalo na nung hindi pa nagsisimula
ang online class, marami akong naging oras hindi lamang para magpahinga kundi mag isip isip at
analisahin ang nangyayaring krisis sa mundo

Ang una kong ibabahagi sa inyo ay ang reyalisasyon ko sa sarili ko sa nangyayaring krisis ngayon sa
buong mundo

Una, ang isa sa mga naging reyalisasyon ko ay kung gaano kahalaga ang pagtatabi ng pera , pag iipon o
pagtitipid , ngayong na may kinkaharap tayong krisis , mapagtatanto natin na , napakahalaga nga pala
na nagtitipid ang isang tao lalo na t hindi natin alam at masasabi kung anu ano ang mangyayri
kinabukasan o sa hinaharap , katulad na lang ngayon , sino nga bang mag aakala na mararanasan na
ilang buwan tayong nasa bahay lamang , maraming tao rin ang nawalan ng trabaho o hindi pa
makapagtrabaho sa ngayon dahil sa nangyayaring ito , dito sa sitwasyong ito nayin magagamit ang mga
inipon natin noong normal pa ang lahat at malaya pa tayong nakakalabas ng walang takot , ang mga
naitabi nating pera mula sa ating mga baon sa paaralan ay malaki na ang maitutulong sa mga gastusin
sa bahay ngayon , sa mga ganitong sitwasyon talaga natin maiisip kung gaano kahalaga na magtipid at
bumili lang ng mga bagay na kailangan natin , hindi yung gusto lang natin o luho

pangalawa, Napagtanto ko na napakahalaga na magkaroon ng oras sa sarili , sa pamilya at higit sa lahat


sa diyos , napakahalaga na may oras para ipahinga ang utak o isip natin , at ang ating katawan , ako kasi
bilang isang tao , ako talaga yung halos hindi matapos yung pag aalala sa mga bagay bagay , yung kahit di
pa naman nangyayari at napakatagal pa bago maaring mangyar ayi iniisip ko na , akoyung tinatawag
nilang overthinker minsan negative thinker pa , , sobra akong mag isip at malimit ko talagang
pinepressure yung sarili ko , kapag hindi naman utak ko yung pagod , yung mata ko naman , sobrang
gumamit ng cellphone hahaha, nitong mga nagdaang buwan, narealize ko na dapat talaga may time ka
para sa sarili , may time ka para magpahinga kahit minsan . At isa pa oras para sa pamilya , alam naman
natin tong lahat , pero nung mga nakaraang buwan bago magsimula ang pasukan , dun palang yung oras
na masasabi kong sadyang mas nakakausap at nakakabonding natin yung pamiya natinn , kahit yung
mga kamag anak natin . At higit sa lahat dapat oras tayo para kay God , sa tingin ko naman halos lahat
ng tao ngayon sa mundo ay mas naging malapit sa kanya , mas maraming tao ngayon ang kumakausap
sa kanya at nagdadasal.
Pangatlo , Mas nagkaroon ako ng pagpapahalaga sa buhay ko at buhay ng mga taong nasa paligid ko ,
reyalisasyon na sadyang maikli nga lang ang buhay, hindi natin alam kung anong mangyayari at wala
tayo palaging kasiguradohan sa mangyayari kinabukasan , nagkaroon ako ng reyalisasyon kung gaano
kaimportante ang bawat segundo ng ating buhay at kung gaano dapat tayo nagpapasalamat kay god sa
araw araw na gumigising tayo sa umaga at kahit na may ganitong sitwasyon sa mundo ay nandito tayo at
nasa maayos na sitwasyon.

Ang isa rin sa mga naging reyalisasyon ko ng nangyari ang lahat ng ito , ay kung
gaano kahalaga ang kalayaan , mas nabigyan ko ng importansya ang kalayaan na ating
natatamasa bago pa mangyari ang lahat ng ito, dati kasi , ang persepsyon ko ay mas
gusto ko pa na nasa loob na lang ng bahay , di ko rin maitatanggi na isa sa mga gusto
kong maranasan ang homeschooling o ang pag-aaral ng hindi umaalis sa bahay, dati
iniisip ko na kung maaari lang sana na hindi na lumabas dito ay gagawin ko , pero
nagbago ang lahat ng pananaw ko , matapos maransan na tumigil sa bahay ng halos
mag iisang taon , hindi naman sa mas ggusto kong lumabas , gusto ko pa rin na sa
bahay lang ako pero yung may kalayaan pa rin na pumunta sa mga kailangang
puntahan katulad ng pamilihanat paaralan ng hindi natatakot sa posibleng mangyari at ang
pananaw ko sa pagaaral sa bahay na nasabi ko kanina ay nagbago din , mas masaya
pala ang pag-aaral kapag nakakasama mo ang mga kapwa kaklase at kaibigan,
nakakagala at kahit papaano ay nababawasan ang stress, hindi lang din ito ang dahilan
kung bakit nagbago rin ang pananaw ko, mapapansin din nman natin na naging malaki
ang epekto ng hindi paglabas ng mga tao sa kanilang bahay di lamang sa kanilang
pamumuhay kundi pati na rin sa ekonomiya ng bansa , marami ang natagtag sa
trabaho o hindi makapagtrabaho sa ngayon dahil sa krisis na ating kinakaharap at sa
takot sa kinakaharap nating pandemya na nagiging dahilan din kung bakit nahihirapan
at nagkakaproblema sa pinansyal na aspeto ang maraming pamilya sa ngayon.

Mgayon naman ay ibabahagi ko ang mga reyalisasyon ko sa bansa ,gobyerno o mga mamamayan
ngayong humaharap ang mundo sa krisis

Isa pa sa mga naging reyalisasyon ko, ngayong humaharapa ang mundo sa krisis ay ang kahalagahan ng
pagkakaisa ng nga tao sa ibang bansa , sa tingin ko sa nangyayaring krisis ngayon , ito ang pinakpagsubok
, kung paano magkakaisa ang lahat , ang mga mamamayan at gobyerno para malagpasan o
masolusyonan ito, di naman lingid sa ating kaalaman ang mga balita at sitwasyon na nagpapakita na ito
ang hindi magawa ng mga tao sa ibat ibang parte ng mundo ngayon , maraming balita ang nagpakita sa
hindi pagkakaisa o kooperasyon ng mga mamamayan halimbawa na dito sa pilipinas at amerika para
masolusyonan ang krisis o problemang kinakaharap.

Nagkaroon din ako ng reyalisasyon , na napakahalaga nga pala na magandao maayos ang gobyerno ng
isang bansa para

You might also like