Professional Documents
Culture Documents
Week 5-6
Week 5-6
Week 5-6
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan- Modyul 4
Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan
sa Rebolusyong Amerikano at Pranses
Inihanda ni:
Gng. Marilyn M. Mijares
Master Teacher II
Paunang Salita
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa
kaniyang bansa , komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon`tungo sa makabagong panahon.
ALAMIN
Kilalanin ang tinutukoy ng bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Ang panahon kung saan nakasentro ang ideya ng paggamit ng reason o
katwiran sa pagsagot sa mga suliraning panlipunan, pampolitika at
pang ekonomiya.
A. Rebolusyong Pangkaisipan
B. Rebolusyong Industriyal
C. Gitnang Panahon
D. Rebolusyong Siyentipiko
2. Akda ni Baron de Montesquieu na tumatatalakay sa iba’t-ibang
pamahalaang namayani sa Europa.
A. The Prince
B. The Republic
C. The Social Contract
D. The Spirit of the Laws
3. Tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan.
A. Digmaan C. Pakikibaka
B. Rebolusyon D. Tunggalian
4. Isa sa maimpluwensiyang philosophes na kilala sa tawag na Voltaire.
A. Francois Marie Arouet C. Thomas Hobbes
B. Jean Jacques Rosseau D. John Locke
5. Isang kaisipang pang-ekonomiya na kumikilala sa malayang daloy ng
ekonomiya na hindi nararapat pakialaman ng pamahalaan.
A. Sosyalismo C. Laizzes Faire
B. Kapitalismo D. Merkantilismo
6. Lugar kung saan ginaganap ang talakayan ng mga pilosopo,
manunulat, at mga artists.
A. Teatro B. Salon C. Colosseum D. Basilica
7. Patakarang ng Britanya sa Amerika na nagtatakda ng paglalagay ng
selyo sa lahat ng produkto na dadalhin sa Britanya.
A. Townshend Act C. Stamp Act
B. Intolerable Acts D. Boston Tea Act
8. Kasunduan ng pagkilala ng Britanya sa kasarinlan ng labintatlong
kolonya sa Amerika.
A. Treaty of Paris C. Treaty of Portsmouth
B. Treaty Of Versailles D. Treaty of Lexington
9. Ang pangunahing may akda ng Declaration of Independence ng Amerika
mula sa Britanya noong Hulyo 4, 1776.
A. George Washington C. Thomas Jefferson
B. Abraham Lincoln D. Charles Townshend
10.Ang paniniwala ng mga Europeo na ang kapangyarihan ng mga monarka
ay nagmula sa mga diyos.
A. Mandate of Heaven C. Sovereign of Heavens
B. Divine Right Theory D. Absolute Theory
11.Alin sa mga sumusunod na pangkat ang nabibilang sa First Estate ng
France?
A. Maharlikang Pranses C. Obispo at Pari
B. Doktor at Manananggol D. Magsasaka at Manggagawa
12.Panahon ng malawakang pagpatay sa lahat ng hinihinalang kalaban ng
rebolusyon sa Pransya noong 1793-1794.
A. Dark ages C. French Massacre
B. Fall of Bastille D. Reign of Terror
13.Ang pangako ng pagkakaisa ng mga kasapi ng National Assembly sa
Pransya na binuo ng Third Estate noong Hulyo 24, 1789.
A. Declaration of the Rights of Man C. Parliamentary Oath
B. Tennis Court Oath D. Revolutionary Oath
14.Pinalaganap niya ang ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng
pagsulat at pagtipon ng 28 volume na encyclopedia.
A. Denis Diderot E. Voltaire
B. John Locke F. Thomas Hobbes
15.Paraan ng pagpatay sa mga kaaway ng rebolusyon sa Pransya mula s
autos ni Maximilien Robespierre.
A. Stoning B. Pagsunog C. Guillotine D. Pagbitay
Aralin I: Rebolusyong Pangkaisipan
Balikan
Gawain 1. AYUSIN MO AKO!
Ayusin ang mga nirambol na titik upang mabuo ang tinutukoy ng bawat
pangungusap ukol sa nakaraang aralin:
1. TONTOC NIG- inimbento ni Eli Whitney,nakatulong para maging madali
ang paghihiwalay ng buto at iba pang materyal sa bulak.
2. TANBRIYA- bansang nagpasimula ng Rebolusyong Industriyal
3. CENLIOTRICHE- teoryang binuo ni Nicolaus Copernicus, naglalahad na
ang mundo ay bilog at umiikot sa sarili nitong aksis habang lumiligid sa
araw.
4. SETELPYOKO- naimbento ni Galileo Galilei noong 1609.
5. LETHANVIA- akda ni Thomas Hobbes, naglalahad ng isang lipunan na
walang pinuno at posibleng maging direksyon nito tungo sa magulong
lipunan.
6. ELETNOPO- naimbento ni Alexander Grahambell
7. RAGPOLETE- pinakilala ni Samuel Morse, nakatulong sa pagpapadala ng
mensahe sa mga kakilala sa ibang lugar.
8. TIANSCIE- nangangahulugang kaalaman.
9. PILLESE- pormulang binuo ni Johannes Kepler tungkol sa posibleng pag-
ikot sa isang parabilog ng mga planeta at sa araw na hindi gumagalaw sa
gitna ng kalawakan.
10. NINGNIPS YENNJ- nagpapabilis sa paglagay ng sinulid sa bukilya.
Tuklasin
Gawain 2. Ka-ramdaman!
1. Magbigay apat na salitang maglalarawan sa inyong damdamin
kung may rebolusyong magaganap sa ating bansa.
REBOLUSYON!
Suriin
REBOLUSYONG PANGKAISIPAN
Ang Rebolusyon ay tumutukoy sa mabilisang pagbabago sa isang
institusyon o lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang
kaguluhan lalo na sa mga taong nasanay sa isang tahimik at konserbatibong
pamumuhay.
Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa
nito sa iba’t-ibang aspekto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na
gamitin ang pamamaraang ito upnag mapaunlad ang buhay ng tao sa
larangang pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon.
Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan ( Enlightenment). Nakasentro ang
ideyang ito sa paggamit ng reason o katwiran sa pagsagot sa suliraning
panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang
kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.
KAISIPANG POLITIKAL
Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-18 na
siglo ( 1700s). Isa sa kainikilalang pilosopo sa panahong ito ay si Baron de
Montesquieu dahil sa kanyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France ng panahong iyon. Isinulat niya ang aklat na “ The Spirit
of Laws” ( 1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa
Europe.
Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na tumutukoy
sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay ( ehekutibo,
lehislatura, at hudikatura). Ayon sa kanya, ang paglikha ng ganitong uri ng
pamahalaan ay nagbibigay proteksyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso
ng kapangyarihan ng pamahalaan.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/c/c0/Nicolas_de_Largilli%C3%A8re%2C_Fran%C3%A7ois-
Marie_Arouet_dit_Voltaire_adjusted.png
( Denis Dedirot)
https://ffrf.org/media/k2/items/cache/9eb5fe68e2752a991d20ff91a1cdb543_XL.jpg
Makatuwiran bang maging pantay ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan? Ipaliwa
Kaisipang Pang-ekonomiya
Nagkaroon rin ng pagbabago sa kaisipang pang-ekonomiya sa panahong
ito. Tinuligsa nila ang sistemang merkantilismo at kinilala nila ang laissez faire.
Binibigyang diin ng kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi
nararapat na pakialaman ang pamahalaan. Taliwas ito sa merkantilismo kung
saan ang batayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak.
Tinanggap nila ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o
nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na physiocrats ang mga naniwala at
nagpalaganap nito ng ganitong kaisipan.
Si Francois Quesnay ay isa mga naniwala sa
malayang ekonomiya. Gayundin si Adam Smith
na naniniwalang kailangan ang produksiyon
kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang Ingles
na nagpanukala na ang pamilihan ay maaring
dumaloy ng maayos nang hindi pinakikialaman
ng pamahalaan.
Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan
ay ang pagbibigay ng proteksyon sa mamamayan
https://www.babelio.com/users/AVT_Francois-
Quesnay_1920.jpeg
panatilihing maayos ang lipunan at pamahalaan at ang mga pangangailangang
pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga
tulay at kalsada.
Higit na madaling magkaroon ng interaksiyong pang-ekonomiko sa bawat
indibiduwal na siya naming magpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng
mamamayan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng merkantilismo at laissez faire?
2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats?
3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa Europe?
Rebolusyong Pranses
Pagsusuring Panteksto
Iba’t ibang uri ng himagsikan ang naganap sa bahagi ng Atlantiko sa huling
bahagi ng ika-18 na siglo. Ang mga ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang
pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Nagkaroon ng mga
pagtatanong tungkol sa sa absolutong monarkiya ( absolute monarchy) at sa
dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga
tao. Nagbigay daan ang mga kaisipang ito sa pagpapatalsik sa tradisyonal na
rehimen sa America at France.
Ang digmaan ay nagsimula noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog
Amerika at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng Kalayaan
at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong
rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789.
Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng himagsikan sa France sa
kabuuan ng Europe at sa iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang
tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang
Kalayaan, pagkapantay-pantay, at ang kapatiran.
Dahilan
Walang Pagbubuwis Kung Walag Representasyon
Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa
London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad ng labis na buwis na ipinataw
sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang “walang pagbubuwis
kung walang representasyon”. Noong 1773 ang isang pangkat ng mga kolonista
ay nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong Amerikano at nakapasok sa isang
pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Itinapon nila ang tone-toneladang tsaa sa
pantalan ng boston Harbor sa Massachusetts. Sila ay nagprotesta sa ipinataw
na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Tinawag nila itong Boston Tea
Party. Nagpasa ang pamahalaan ng kaparusahan sa mga kolonista sa mga
sangkot sa insidente. Isa na dito ang STAMP ACT na ipinasa ng Parlamento
noong 1765. Nagtatadhana ito ng dagdag na buwis at paglalagay ng selyo sa
anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.
Ang Unang Kongresong Kontinental
Binuo ng mga 13 kolonya maliban sa Georgia ang Unang Kongresong
Kontinental bilang tugon at suporta sa kinalabasan ng insidente sa
Massachusetts. Ito ay bilang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas
at polisiyang ipinapatupad ng mga Ingles sa kanila.
Noong ika-5 ng Setyembre,1774, 56 na kinatawan ng mga kolonya ang
dumalo dito. Binigyang diin nila sa pangunguna ni Patrick Henry na dapat
walang makitang pagkakaiba ang bawat kolonya, bagkus sila ay dapat magkaisa
at sama-samang itaguyod ang kapakanan ng kabuuang kolonya. Nagkaisa sila
na itigil na nila pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito ay nagpasimula
pagkatapos ng Setyembre, 1775.
Labanan sa Yorktown
Tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina sa pamumuno ni
Heneral Charles Cornwallis. Ngunit sa sa pamamagitan ng magkasamang
pwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa labanan sa
King’s mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa labanan sa Cowpens ng
mga unang bahagi ng 1781.
Pansamantalang humimpil ang mga British sa Yorktown habang nag-iipon
ng lakas. Subalit nagpadala ang Pransya ng karagdagang suporta ng 6,000 na
sundalong Pranses sa Amerika kaya’t nagpasiya na si Washington na tuluyan ng
talunin ang mga British. Kaya noong Oktubre 19, 1781 ay minabuti nang
sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano
ang kanilang Kalayaan.
Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal nang tinanggap ng
Great Britain ang Kalayaan ng dating kolonya, ang AMERIKA.
Ano ang
Deklarasyon ng Karapatang sinisimbolo
Pantao ng pagbagsak ng
at Mamamayan
Bastille?
Taong 1789 nang nakapaglabas ng isang bagong saligang- batas ang
Constituent Assembly, ang bagong tawag sa Asembleyang Nasyonal. Ang
pambungad na pananalita ng saligang- batas ay tungkol sa Deklarasyon ng
Karapatang Pantao at Mamamayan na isinulat noong Agosto 27,1789.
Binigyang diin nito na ang lipunang Pranses ay kinakailangang nababatay sa
mga ideya ng Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran.
Lubusang napapayag si Haring Louis XVI na pamahalaan ang France sa
pamamagitan ng bagong saligang-batas noong Setyembre 1791. Ang
kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga Maharlika ay nabawasan din
at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos.
Mga Prinsipyong nakapaloob sa Declaration of the Rights of Man
1. Men are born and remain free and equal in rights…
2. Law is the expression of the general will of the people..
3. The aim of the government is the preservation of the rights of man..
4. Every human is presumed innocent until provent guilty.
Ang Pagsiklab ng Rebolusyon
Naapektuhan ng pagsiklab ng Rebolusyong Pranses ang maraming mga hari
at reyna sa Europe. Natakot silang ang ganitong uri ng rebolusyon ay
lumaganap sa kanilang mga kaharian. Noong 1792, nagpadala ang Austria at
Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin ang rebolusyong Pranses
subalit sila ay tinalo ng mga rebolusyonaryo.
Lalong naging malakas at malaki ang rebolusyon dahil sa pamumuno ni
Georges Danton.
Pinagsuspetsahan ng mga rebolusyonaryo ang mga nobles ng France na
bumubuo ng mga alyansa sa iba pang mga bansa Europe upang muling ibalik
ang kapangyarihan ng hari, dahil dito hinuli nila ang mga hari at ang mga
sumusuporta sa kanya at pinatay sila sa pamamagitan ng guillotine.
Ang pangyayaring ito ay tinawag nilang September Massacres. Noong
Enero 1793 ay napugutan ng ulo si haring Louis XVI at sumunod sa taong ding
iyon si reyna Marie Antoinette. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari, ideneklara
ang France bilang isang Republika.
https://www.gwern.net/docs/rotten.com/library/death/execution/guillotine/guillotine_model.jpg
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Nangangailanga
Mahusay Katamtaman n ng
Pamantayan Puntos
5 puntos 3 puntos Pagsasanay
2 puntos
Nilalaman Napakabisang Mas mabisang Mabisang
naipakita ang naipakita ang naipakita ang
mensahe mensahe mensahe
Pagka Napakaganda at Mas maganda at Maganda at malinaw
malikhain napakalinaw ng malinaw ang ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
mga titik mga titik mga titik
Kaugnayan Napakalaki ng Mas malaking Malaking
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa
Kalinisan Napakalinis ng Mas malinis ang Malinis ang
pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo
Kabuuang Puntos 10
Tayahin
Tayahin:
1. C
2. A
3. B
4. C
5. D
6. B
7. A
8. D
9. C
10. A
11. B
12. D
13. D
14. A
15. B
Gawain 2: Karam-daman
Mga maaaring isagot:
1. Natakot, nabahala, naguluhan,
Pamahalaang Republika
1. May saligang- batas na nagtatakda sa kapangyarihan ng pinuno
2. May Karapatan ang mga mamamayan sa pamamahayag
3. May hangganan ang kapangyarihan ng pinuno