Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1
Aralin 1
Ikatlong Markahan
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan
Pamantayan sa Pagganap:
Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan
ng aktibong pakikilahok na may dedikasyon at integridad
Pamantayan sa Pagkatuto
I. LAYUNIN:
Nabibigyang-halaga ang mga batayang kalayaan na may kaukulang pananagutan at
limitasyon
4.1. kalayaan sa pamamahayag
4.2. pagbibigay ng sariling opinyon, ideya o pananaw
Code: EsP6PPP- IIIa-c–34
II. PAKSA: Aralin 17: Ako Tungo sa Kamalayang Pansibiko
a. Sanggunian:
MISOSA 6. Makatuwiran at Pantay na Pagbibigay ng Pasiya; Pagkukusang
Sumali sa mga Gawaing Pansibiko
a. b. Kagamitan: powerpoint presention, videoclips (Jam nina Kevin Roy at
Cooky Chua), artikulong “Problemang Pinas: Wapakels” mula sa
thepinoysite.com, Social Awareness Campaign” ni CJ Angeles na kinuha sa
youtube.com, metacards, manila paper/cartolina, permanent marker at masking
tape
c. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bansa
* Kamalayang Pansibiko (Civic Consciousness)
III. PAMAMARAAN
Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagdarasal
3. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
4. Pagpapaayos ng silid at mga upuan
5. Pagpapakita ng mga larawan ng pagka kanya-kanya o kawalang pakialam
sa kapwa at kumonidad. Hayaang magbigay ng opinyon o ideya ang bawat
isa.
Mga larawang kuha gamit ang www.google.com. (Mas mainam na puntahan at i-cite ang orihinal na website.
B. Panlinang na Gawain
1. Alamin Natin
Magpakita ng mga bagong larawan. Sa pagkakataong ito, ang mga larawan ay
nagpapamalas ng Civic Consciousness o Kamalayang Pansibiko.
Mga larawang kuha gamit ang www.google.com. (Mas mainam na puntahan at i-cite ang orihinal na website.
Magkaroon ng talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga ito:
a. Ano ano naman ang makikita at ginagawa ng mga tao na nasa bagong mga
larawang ipinakita?
b. Sa pagkakataong ito, ano ano naman ang inyong naramdaman habang
pinagmamasdan ang mga larawan?
c. Bumanggit ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa ipinakikita ng mga
larawan. Ano ang wala sa unang set na nasa ikalawang set? (Magbigay ng
iba pang prompts hanggang mai-direkta ang mga bata na kailangan ng
Kamalayang Pansibiko)
d. Ibigay ang depinisyon ng Kamalayang Pansibiko at mga halimbawa kung
papano ito maipapakita. Gamitin ang mga kapaliwanagang nasa MISOSA
6. I-highlight din na napakahalagang paraan para maisakatuparan ito ay
ang pagkakaroon ng kagustuhang makatulong at kalayaan sa
pamamahayag.
e. Ipabasa ang artikulong: Problemang Pinas: Wapakels!
Closure: Iparinig ang awit na Jam nina Kevin Roy at Cooky Chua. Sa huli, bigyang diin ang
sabi sa lyrics na: Kilos kabataan, oras natin ‘to. MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK.
Ipabigkas ito sa mga mag-aaral.
Ikalawang araw
2. Isagawa Natin
a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Anong pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyo at sa bansa bilang miyembro ng
lipunang iyong ginagalawan?
c. Pangkatin sa lima mga mag-aaral at ibigay ang sumusunod na gawain:
d. Talakayin ang mekaniks at ibigay ang iba pang mga direksyon tulad ng:
1. Magkaroon ng sama-samang pag-iisip (brainstorming) tungkol sa nabunot
na konsepto/gawain na dapat malaman ng isang mag-aaral na bahagi ng
isang bansa.
2. Nakabase sa nakaatang na gawain, ipakita/talakayin ang mga reyalidad ng
buhay at kung ano ang ideyal o nararapat na isaisip at ikilos ng tao.
e. Ipabatid ang rubriks para sa gawain.
(Para sa guro)
Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag-aaral at
guro sa pag-gagrado ng gawain.
Maaari rin naming ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may konsultasyon sa
mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.
f. I-video ang pagtatanghal/pagpapaliwanag. (Hingin ang pagpayag ng mga
bata).
g. Magkaroon ng maikling paglalahat sa nakaraang gawain. (Mas mainam na sa
mga mag-aaral manggaling)
(Ipasulat ito sa papel na korteng puso. Hayaan din ang mga batang lagyan ito ng iba pang
desinyo)
Closure: Bawat isa ay may magagawa o maitutulong. Ang kailangan ay: MAKIALAM,
MAKI-JAM, MAKILAHOK. (Sa pagkakataong ito, ipabanggit sa mga bata ang tatlong
kataga sa paawit na paraan.)
C. Pangwakas na Gawain
MUNGKAHING PROYEKTO
Pangalan ng Proyekto:
Tagapagsulong:
Kailan at Saan Gaganapin:
Rationale: (Gabayan ang mga bata sa pagbuo nito. Sabihin na magsimula sa ano ang
kasalukuyang suliranin (tungkol sa napili ng grupo) at paano makatutulong ang proyektong
nais isagawa. Ilahad din ang inaasahang magiging impact o mabuting epekto nito.
Layunin: (Tulungan ang mga mag-aaral na gumawa nito sa pamamagitan ng mga halimbawa)
Ipaunawang ito ay espisipik na mga gagawin at naisin na agad-agad maisasakatuparan sa
pagsasagawa ng proyekto.
Mga Gawain: (Ano ano ang mga nakatakdang gawain mula sa pagpaplano hanggang sa
pagsasakatuparan ng mga ito.
Paghahati ng mga gawain: (Ipasulat ang mga trabaho at kung sino ang gaganap dito.
Closure sa ikapat na araw: Sasabihin ng guro: Kung hindi ikaw, sino? Kung hindi
ngayon, kalian?
Sasagot ang mga mag-aaral: MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK.
IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
a. Balikan ang mga konseptong tinalakay sa mga nakaraang araw.
b. Pasagutan ang sumusunod na katanungan:
1. TAMA o MALI. Nagpapatuloy ang iba’t ibang suliranin sa bansa dahil sa
kawalang kamalayan o pakialam sa mga pangyayari sa komunidad at
bansa?
2. Identipikasyon. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, anong
mabuting pagpapahalaga ang dapat malinang sa tulad mong Pilipino?
3. Multiple Choice. Magagampanan ang pagtugon sa mga suliranin sa
pamamagitan ng:
A. Pagbibigay ng ideya o opinion
B. Pagtupad sa malaya at responsableng pamamahayag
C. Pakikipagtulungan sa bansa
D. Lahat ng nabanggit
4.-5. Pag-iisa-isa. Magbigay ng dalawang aspektong pang-sibiko na dapat
kang magkaroon ng kamalayan.
Matapos makapag tsek ng papel, ituon ang atensyon ng mga mag-aaral sa panonood sa
pakikinig ng awit.
Closure sa ikalimang araw: Sasabihin ng guro: Hayan nakatapos na naman tayo ng isang
aralin kaya binabati ko kayo sa inyong aktibong pakikilahok.
Patuloy nating tatandaan na sa EsP, natutunan ay ilagay sa isip, damhin ng puso at ikilos ng
katawan.
Sa anomang suliranin, ipakita ang pagmamahal sa bansa kaya dapat tayo ay… MAKIALAM,
MAKI-JAM, MAKILAHOK (tugon ng mga mag-aaral)
(Muling patutugtugin ang awit na Jam)
V. Takdang-aralin
Maglista ng iba pang mga suliranin sa komunidad/bansa na hindi pa natalakay sa
klase at kapanayamin ang mga magulang o kapitbahay sa maaaring solusyon o magagawa
dito.
Isulat sa kwaderno ang sagot at maghanda sa pagbabahagi sa klase
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY