Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Gonzales, Kevin John Acoba Kurso: BAPOS-1 Iskor:

INTEGRASYON:
A. Bakit mahalaga na pag-aralan ang mga isyung local at nasyonal particular ang
kahirapang nararanasan sa ating bansa? Magbigay ng halimbawa at Ipaliwanag.

Lahat ng ideya na maaring makatulong sa pa-unlad ng bansa o ideya na


makakapagpagaan sa buhay ng mga Pilipino ay dapat mapakinggan, ito marahil ang isa
sa dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga isyung nakabit sa kahirapan na
nararanasan ng ating bansa.

May mga paraan ang gobyerno upang sawatain ang kahirapan sa bansa gaya ng 4Ps at
ang Sustainable Livelihood Program, isang short-term at isang long-term na solusyon.
Sa ngayon ang nakikita natin ay binibigyan ng pera ng gobyerno ang mga tao. Hindi ito
sapat. Hindi rin ito ang pangmatagalang solusyon. Ang mas magandang solusyon ay
ang livelihood programs at financial education. Ito ay ang aktibidad na kailangan ng
partisipasyon ng mga tao sa lipunan. Dapat maintindihan na kung hindi magtulong
tulong ang gobyerno at ang mga tao, walang mararating ang mga programang ito.

B. Ano-ano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon upang


mapababa ang antas ng kahirapan sa Filipinas? Magbigay ng limang halimbawa. Isa-
isahin at bigyang paliwanag.

Mahigit kalahati ng populasyon ng bansa ay dumaranas ng kahirapan, kagutuman at


kawalan ng pagkakataon para mabuhay ng disente.

Ang mga nagtatrabahong mamamayan (ang mayorya ng populasyon ng bansa) ay


binabayo araw araw ng paglobo ng mga walang trabaho, pagsupil sa karapatan na mag-
unyon, kontrakwalisasyon, mababang pasahod, kakulangan sa murang pabahay,
kakulangan sa serbisyong publiko tulad ng edukasyon at kalusugan, mahal na presyo ng
batayang serbisyo tulad ng kuryente, tubig at komunikasyon.
C. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong para masugpo ang kasalukuyang
katiwalian sa gobyerno particular na ang korapsyon? Magbigay ng tatlong adbokasiya at
ipaliwanag ang tungkulin o gampanin ng mga ito.

May mga aktibidad sa mga eskwelahan na ginaganap tulad ng buwan ng wika. Bilang
estudyante ay maari kaming magsulat ng talumpati patungkol sa katiwalian o korapsyon
na nagaganap sa ating bansa. Maari din lumapit sa

Ang una ay ang pagtigil ng dinastiyang politikal, matagal nang pinoproblema ito ng
Pilipinas ngunit hindi padin ito nasasawata, kitang kita naman sa ating lugar lalo na dito
sa lalawigan ng Isabela na matindi ang dinastiyang politikal. Ang rason kung bakit ito
dapat mawala ay isang simpleng rason, hindi maganda na iisang apelyedo o angkan
lamang ang mamumuno sa isang lalawigan o bansa dahil kung korap ang mga
matatanda gayun din ang mga susunod sa kanila, madaling maimpluwensyahan ang
mga bata lalo na kung sila ay mulat sa mga ginagawang katiwalian sa mga nauna sa
kanila higit pa rito ay ang ginagawa nilang kalamangan sa mga taong hindi nila kakampi.
Pangalawa ay ang paglimita sa mga posisyong pwedeng takbuhan ng mga dating
politiko.Marahil ay nakikita ng lahat kung ano ang nais kong sabihin, paulit ulit na
lamang ang ating nakikitang naka-upo sa iba’t ibang posisyon, nagdudulot ito na kung
ano ang kanilang agenda ay tumutuloy lamang na kung minsan ay nagdudulot sa kanila
ng pansariling-pakinabang lamang. Isa rin dito ay ang hindi pagkakaroon ng bagong
ideya para sa ikauunlad ng ating lugar.
Ikatlo ay ang pagtanggal ng Sanguiang Kabataan, ito ay nagiging pugad lamang ng mga
anak ng mga politikong nakaupo o mga dating umupo para sila ay mag-tuloy ng mga
naumpisahan nang kanilang mga magulang. Wala din namang nagagawa ang SK sa
ating mga barangay maliban sa magpa-liga ng basketbol, nagiging katuwaan pa nga ito
sa internet.

Isang madaling sabi ay dapat magkaroon ng reporma sa ating bansa, kalimutan na natin
ang mga datihan na hanggang ngayon ay wala naman talagang nagagawa.

You might also like