Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gonzales, Kevin John Acoba.

GEC010 BAPOS-1

Midterm

I. Paglikha batay sa Larawan (50)

Maraming mga bata ang nais ay laruan, magagandang damit at gadgets, madalas din
ay gusto lamang maglaro pagkatapos ng mahabang araw galling iskwela at ang iba
naman ay gusto lamang magpahinga. Ngunit si Alas ay kaka-iba ang gusto, ang
mabigyan ng magandang buhay ang kanyang limang taong gulang na kapatid at
mapagamot ang kanyang Ama sa sakit na tuberculosis.

Kung gaano kaagang nagigising si Alas upang umpisahan ang kanyang araw sa
pagtatrabaho ay mas maaga syang namulat sa riyalidad.Sa edad na sampo ay iniwan
sila ng kanyang Ina dahil sa hirap ng buhay sa pagbabakasaling gumanda ang kanya,
sumama ito sa iba at dito na din nag-umpisang masira ang kalusugan ng kanyang
Ama. Pagkatapos gumising ay kakain ng tinapay at iinum ng mainit na kape upang
makapag umpisa sya at magkaroon ng lakas sa kanyang tatahaking malansa at
mainit na lakbayin sa araw araw.

Sa perang kinikita ni Alas sa pagsama sa mga pumapalaot na mga bangkero ay ni


minsan hindi ito naging sapat, minsan ay nagtatanong sya sa sarili kung bakit ito sa
kanila nangyayari, kung bakit sa murang edad ay kaylangan nyang magbanat ng buto
upang magkaroon ng pambili ng gatas para sa kanyang kapatid at makabili ng gamot
para sa kanyang Ama. Sa liit ng kanyang katawan, hindi alam ni Alas na araw araw
nyang isinusugal ang kanyang buhay, sa bigat ng kanyang trabaho hindi alintana ni
Alas ang mga ito dahil sa kanyang kagustuhan na tumulong sa kanyang pamilya.

Isang araw ay tinanong sya ng isa sa mga bangkero kung ano kaniyang pangarap,
ang sagot ni Alas ay gusto maging isang piloto, sa madalas nyang pag sama sa
pamamangka sinabi nya ay nagsasawa na sya kanyang nakikita, gusto din nyang
maranasan kung ano ang pakiramdam kapag nasa itaas ka at nasa kaulapan.
Marahil ang pangarap na ito ay suntok sa buwan at isang matinding milagro lamang
ang magsasalba sa kanyang kalagayan.
II. Paggawa ng Photo Collage (15)

III. Pagpapaliwanag/Sanaysay. (15)

Marami sa ating mga kababayan na hanggang ngayon ay dumaranas ng kahirapan sa kabila


ng pag-unlad ng ating bansa, ilan dito ay ang mga batang manggagawa at hanggang ngayon
ay hindi pa ito nasusulusyunan at tila baga ay nakalimutan na.

Simula noon pa man ay mayroon ng isyu patungkol sa mga batang manggagawa, dahil sa
kahirapan, kapabayaan ng magulang o pagkakaroon ng hindi magandang kapalaran. Dahil
dito ay napipilitang mag banat ng buto ang mga bata para lamang makalikum ng maliit na
salapi upang mayroon silang magamit o maitulong sa kanilang pamilya. Gayunpaman ay hindi
dapat maging solusyon ang pagbabanat ng buto para sa mga kabataang may mga pangarap
at marurupok na katawan.

Dahil sa kakulangan ng trabaho at di sapat na suporta para sa edukasyon ng mga kabataan


laganap padin ang isyu patungkol sa mga batang manggagawa.

You might also like