Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pangalan: Gonzales, Kevin John Acoba Kurso: BAPOS-1 Iskor:

INTEGRASYON
Batay sa sanaysay, ano-ano ang konsepto ng “Bayani” sa sumusunod na panahon:

a. Katutubo

Ang konsepto ng pagiging isang bayani sa panahon ng katutubo ay ang pagkakaroon ng


kakaibang lakas at kapangyarihan tulad nila Hudhud ng Ifugao, Daragen ng Maranaw, Ibalon ng
Bicol,Lam-Ang ng Ilocos at marami pang iba.

b. Panahon ng mga Mandirigma

Sa panahon naman ng mga Mandirigma ang isang bayani ay gaya din ng konsepto ng mga
katutubo ngunit naidagdag ang pagkakaroon ng anting anting. Sa pagtataglay ng anting anting
ay kaakibat nito ang pagkakaroon ng responsibilidad sa pag-gawa ng mabuti sa kapwa.

c. Panahon ng Kastila

Noong panahon ng Kastila sa kanilang pananatili dito sa Pilipinas ay nagkaroon ng panibagong


konsepto ang mga Pilipino upang masabi ang isang tao ay isang bayani. Pagpapakasakit,
pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa bayan dapat taglyain o handing gawin ng
isang bayani ang mga iyan upang sya ay maituring na Bayani marahil na din siguro dahil sa
hindi magandang pag-trato ng mga dayuhan sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila.

d. Panahon ng Amerikano

Sa panahon ng mga Amerikano dito sa bansa nabago muli ang konsepto ng isang pagiging
bayani dito sa Pilipinas. Imbes pagtuunan ang pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa
bansa ang pagpapahalaga sa edukasyon, pag-gawa at paglilingkod sa kapwa ang naging
bagong pamantayan upang maging isang bayani. Ang pag-iisip para sa kinabukasan ng mga
Pilipino.

e. Kasalukuyan (Ngayon)

Ang pagbibigay ng karalangan sa bansa sa pamamagitan ng Sports o mga gantimpalang


nakukuha sa ibang bansa, ang pag-gawa ng mabuti, maging isang guro o ofw. Sa madaling
sabi ay ang pagiging Bayani ngayong panahong kasalukuyan ay kaakibat ng pagpupursige at
pag-tataglay ng busilak na kalooban.
1. Para sa akin, ang isang bayani ay ang aking anak at aking mga magulang dahil dumating ako sa
puntong handa na akong sumuko dahil sa hirap ng buhay at mga pagsubok na parang walang
katapusan sila ang nagsilbing inspirasyon ko upang magpatuloy, binigyan nila ako muli ng pag-
asa.

1. Malikhaing Paglalapat. Pumili ng paksa sa ibaba. Ipahayag ang iyong konsepto sa


pamamagitan ng pagsulat ng tula, sanaysay o kaya ay pagguhit.
 Ang Aking Konsepto Hinggil sa Pagiging Isang Bayani
 Ang aking konsepto hinggil nsa isang Makapangyarihang Pinuno
 Ang aking konsepto hinggil sa isang ulirang mag-aaral sa kolehiyo.

Sinuma’y Isang Bayani

Bata ka man o matanda


Kung ikaw ay laging handa
Tulong ialay sa kapwa
Ang langit ay matutuwa.

Kahit maliit na bagay


Ang iyong maibibigay
Salamat, sabi ng aso
Sa kanyang among seryoso.

Mahirap man o mayaman


O kahit sino ka pa man
Ito’y walang pinipili
Maging tapat sa sarili.

Sinuma’y isang bayani


Di naghihintay ng ani
Tulad ng inang inalay
Ang pagmamahal niyang taglay.
Pagtitimbang: Sa pagpapakita ng kabayanihan, ano-ano ang mga pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga naninilbihan dito sa loob at labas ng bansa? Gawing patnubay ang mga hugis sa
pagsagot

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba


(Naninilbihan dito (Naninilbihan sa
 Pinagsisilibihan
sa loob ng bansa) labasang
ngmga
bansa)
 Nagsisilbi sa
dayuhan
pamilyang
 Minsan ay
 Nagsisilbi sa mga mayayaman.
nakakaranas ng
Kapwa pinoy.  Lahat ng
pagmamaltrato
 Madaling ihayag kanilang
dahil hindi nila
ang kanila sa- ginagawa ay
maihawag ng
loobin sa para sa
tama ang
kanilang mga pagtulong sa
kanilang
Amo dahil ito ay kanilang sarili
saloobin
kanilang mga o sa kanila
patungkol sa
kababayan. pamilya.
kanilang
 May araw upang  Sinasakripisyo
kalagayan o
umuwi sa ang sarili
trabaho sa
kanilang bahay upang
dahilang ibang
upang makaroon ng
lahi ang
makapiling ang pera para sa
kanilang
kanilang mga pamilya kahit
pinagsisilbihan.
mahal sa buhay sila ay
 May araw man
mawalan na
ng pahinga ay
ng oras para
hindi sila
sa kanilang
makauwi upang
mahal sa
makapiling ang
buhay
kanilang mahal
sa buhay dahil
malayo ang
kanilang
trabaho sa
Pilipinas.
1. Paglikha ng Obra Maestra. Humabi ng tula hinggil sa mga OFW

Panuntunan: Binubuo ng apat hanggang limang saknong


Malayang Taludturan o may sukat at tugma
Lagyan ng sariling pamagat

Ang Mga Bagong Bayani

Nilisan ang bansa kapalit ng dolyar


Singaporeang paslit ang inalagaan
Ang sariling anak, nalamnan ang tiyan

Gutom sa kalinga ng magulang naman.


Gurong naghahangad ng riyal na kita
Nag-domestic helper sa Saudi Arabia
Four years nagtiyagang pakadalubhasa
Sa ibang lahi pa nagpapaalila.

Dating chief engineer sa sariling nasyon


Sa abroad nag-apply: karpentero-mason
Noo'y naka-jacket sa lamig ng aircon
Sa init ng araw ay sunog na ngayon.

Sawa na sa laging galunggong ang ulam


Nagsikap marating ang bansa ng sakang
Sariling katawan ang ikinalakal
Umuwing mayaman, malamig na bangkay.

Nagtiis maglayo yaong bagong kasal


Upang pag-ipunan ang kinabukasan
Masakit na birong pag-uwi ng bahay
Nangulilang kabyak, may iba nang mahal.

Sila ang overseas contract workers natin


Masipag, marangal, at mapangarapin
Kahit may panganib, ayaw magpapigil
Legal o ilegal, bansa'y lilisanin.

Gobyernong kaylangan ang Foreign currency


Passport, POEA at etceterang fee
Saludong-saludo, labis ang pagpuri
Sa OFWs -ang Bagong Bayani.
INTERAKSYON

I. Pasulat: Hanapin at bilugan ang 20 salita na tutukoy sa kultural na kahulugan ng mga


Filipino, mga pagpapahalaga at mga isyu ng kasangkot dito. Ang mga hinahanap na salita
ay maaaring nakasulat sa alinman sa mga direksyong makikita sa ibaba. Isulat ang mga
salita sa patlang.

1.political agenda 11.pagsunod


2.pakikipagkapwa 12.pagtanggap
3.mamanhikan 13.
4.delicadeza 14.
5.bayanihan 15.
6.kababaang loob 16.
7.katapatan 17.
8.utang na loob 18.
9.pagmamano 19.
10.pamamanhikan 20.
II. Pagpapaliwanag. Pumili ng limang kultura mula sa puzzle at ipaliwanag kung Ano, Paano,
Saan at Kailan isinasagawa ang nasabing kultura.

1.pakikipagkapwa
Ang pakikipagkapwa ay isang mahalagang bagay na kailangang gawin ng bawat tao.
Ang kahulugan ng pakikipagkapwa ay ang pagkakaroon ng maganda at maayos na pakikipag-
ugnayan sa ibang mga kapwa tao. Ang isang taong may pakikipagkapwa ay marunong
makilahok sa isang samahan, marunong makiisa, hindi makasarili, at ang kabutihan ng
nakararami ang iniisip.
2.mamanhikan
Ang pamamanhikan ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal.
Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili
niyang magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang
maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan.
3.bayanihan
Ang BAYANIHAN ay isang salitang Pilipino na nagmula sa salitang bayan na
nangangahulugang bayan, bansa, o komunidad sa pangkalahatan. Ang "Bayanihan" ay literal
na nangangahulugang, "pagiging isang bayan," at sa gayon ay ginagamit upang sumangguni sa
isang diwa ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng komunidad.

4.utang na loob
Ang utang na loob ay tinuturing na pinakamahirap bayaran na utang. Ito ay hindi kayang
tumbasan ng pera. Ang kahulugan nito ay isang tugon sa taong gumawa ng kabutihan sa atin.
Ito ay maaaring sa paraan ng pagtulong sa oras ng ating pangangailangan lalo na kung buhay
natin o mahal natin sa buhay ang naging kapalit ng tulong na ito. Hindi naman sa humihingi ng
kabayaran ang gumawa sa atin ng tulong ngunit bilang respeto at pagbibigay halaga ay parang
mayroon tayong pasanin na tulungan din pabalik ang taong tumulong sa atin kung kailanganin.
5.pagtanggap
Ang salitang pagtanggap sa ingles ay acceptance, at reception sa tagalog ay nangangahulugan
ito ng pag sang ayon mo sa isang bagay o sitwasyon, ang pagbibigay mo ng iyong pahintulot na
mangyari ang isang bagay.

You might also like