Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang Epiko?

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-


ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.
Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na pangyayari.

Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa


karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang
mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa
bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.

SEE ALSO: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng Alamat


Katangian ng Epiko
Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao


 Mga inuulit na salita o parirala
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na
buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga
mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa
kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o
pag-aasawa.
Halimbawa ng Epiko
Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng epiko ng Pilipinas.
Epiko ng Luzon

 Biag ni Lam-ang (Ilocos)


 Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
Epiko ng Visayas

 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon (Panay)
 Labaw Donggon (Bisayas)
 Maragtas (Bisayas)
Epiko ng Mindanao

 Bantugan
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan
 Ulod

You might also like