Weeks 5-6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Modyul 3

PONEMIKA : Pag–aaral ng Makahulugan at Di–


makahulugang Tunog

Introduksyon
Mula sa iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng mga unang
wika sa buong daigdig pati na rin sa Pilipinas, naging bahagi na rin ng
naunang pagtatalakay ang mga paraan sa pagbuo ng mga salita. Isa na
nga rito ang talakay na nabuo ang alinmang wika dahil sa pagsasama–
sama ng mga tunog. Karamihan sa mga tunog na ito ay makahulugan o
makabuluhan na karaniwang napapansin sa isang wika bagama’t may
ilang tunog na hindi makabuluhan kaya hindi rin gaanong napagtutuunan
ng pansin sa ilan ding wika. Napapansin natin ang pagkakaiba–iba ng
tunog ng mga ponema sapagkat nakapagdudulot ito ng mga pagbabago
sa kahulugan ng salita.

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kaligiran ng ponemika at ang mga


konsepto na may kaugnayan tungkol dito. Bahagi rin ng gagawing
talakay ang pagbibigay–tuon sa mga halimbawa na siyang
magpapaunawa sa pokus ng nabanggit na aralin.

Layunin
 Natatalakay ang pangunahing tuon ng ponemika
 Nauuri ang iba’t ibang tunog batay sa pagkakagamit sa salita
 Napagtutuunan ng pansin ang pamamaraan na ginagamit sa pag–
uuri ng mga tunog
 Nakapagbabahagi ng sariling halimbawa batay sa naging daloy ng
talakayan sa klase
 Nahihinuha ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tunog batay
sa gamit sa salita, talata at pangungusap
Nilalaman
Ponemika : Makahulugan at Di–Makahulugang mga Tunog

Ponemika ang tawag sa maagham na pag–aaral at pag–uuri–uri sa


iba’t ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita. Mula
naman sa salitang ito, malinaw na ponema ang batayan o saligan ng
gagawing pagtatalakay tungkol dito upang mauri ang mga tunog.

Gamitin natin bilang halimbawa ang mga ponemang /p/ at /b/. Gaya
ng alam natin, magkatulad ang punto ng artikulasyon ng bawat ponema.
Kapwa panlabi ang mga ito. Magkatulad din ang mga ito sa paraan ng
artikulasyon sapagkat pareho silang istap o pasara. Ngunit, magkaiba
ang nagiging pagbigkas sa bawat isa; walang tinig o voiceless ang
pagbigkas sa /p/ samantalang mayroon namang tinig o voiced ang /b/.
Dahil nga sa pagkakaibang ito, nababago ang kahulugan ng isang salita
sa sandaling ipalit ang isa sa isa. Tulad na lamang ng salita na PALA o
shovel na may pagbabago sa kahulugan sandaling palitan ng /b/ ang /p/.
Magiging BALA o bullet ito na malayo sa nauna.

Sa halimbawa naman na pala : alab, kaagad mapapansin na ang


/p/ at /b/ ay wala sa magkatulad na kaligiran sapagkat nasa inisyal ang
/p/ at nasa pinal naman ang /b/. Samakatwid, ang pagkakaiba sa
kahulugan ng pala at alab ay hindi dahil sa /p/ at /b/.

Pansinin ang ginamit na bantas upang ikulong ang bawat ponema;


dalawang guhit na pahilis. Sa transkripsyon, ito ang ginagamit na pangu-
long sa mga ponema na kung tawagin ay virgules.

Tingnan naman natin ang halimbawang ito – zigzag : sigsag. Nasa


magkatulad na kaligiran ang mga ponemang [z] at [s] subalit hindi naman
nagbago ang kahulugan ng salita kahit nagkaroon ng palitan. Mapupuna
rin na braces o brakets ang ginamit sa pagkakataong ito. Sa usapin pa
rin ng transkripsyon, ito ang ginagamit na bantas bilang pangulong sa
tunog na wala pang katiyakan ang pagiging ponemiko.

Gaya nang naunang paghahalimbawa, mauuri nating makabuluhan


o makahulugan ang mga ponemang /p/ at /b/ dahil nagkaroon ng paniba-
gong kahulugan ang salitan nang palitan ng ibang ponema sa
magkatulad na kaligiran. Sa kabilang banda, mauuri naman bilang di–
makabuluhan ang mga ponemang [z] at [s]. Ponemiko ang tawag kapag
ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay makahulugan at ponetiko naman
kapag ang pagkakaiba ay hindi makahulugan.

May uri ng mga tunog na mahahati sa dalawang antas ang lahat ng


wika – ponetikong antas at ponemikong antas. Kapag sinusuri ng isang
dalubwika ang isang wika, unang–una niyang ginagawa ang pagtatala o
pag–iimbentaryo ng lahat ng mga tunog na kanyang naririnig sa mga
taong nagsasalita o gumagamit ng ibang wika. Pagkatapos, susuriin niya
ang mga ito upang malaman kung alin–alin sa mga ito ang ponemiko at
ang ponetiko.

Matutunghayan sa talahanayan ang ilan pang halimbawa ng salita


na nagtataglay ng ponemiko at ponetikong tunog.

PONEMIKO PONETIKO

INISYAL

/g/ulay --- /k/ulay [s]abon --- [h]abon


/g/atas --- /p/atas n[u]on --- n[o]on
/p/altik --- /s/altik

MIDYAL

ma/r/ikit --- ma/d/ikit kas[a]yahan --- kas[i]yahan


ma[r]umi --- ma[d]umi

PINAL

saba/w/ --- saba/y/ lalak[i] ---lalak[e]


ba/t/as --- ba/n/as
ta/l/ong --- ta/h/ong

Malaking bahagi ng pagtatalakay ng ponemika ang alopono o ang


pangkat ng mga tunog na itinuturing na halos magkatulad sa isang wika.
Sinasabi rin na halos magkatulad sa bigkas ang dalawa o higit pang
tunog kapag ang mga ito ay parehung–pareho sap unto at paraan ng
artikulasyon subalit mayroon lamang bahagyang–bahagyang
pagkakaiba.

KATANGIAN NG ALOPONO

Hindi nagkokontrast o di-nagsasalungatan sa


magkatulad na kaligiran

Magkatulad sa bigkas -- sa punto at paraan ng


artikulasyon

Nasa distribusyong komplimentaryo

Palibhasa’y mula sa impluwensya ng mga dayuhan ang maraming


talakay tungkol sa linggwistikang Tagalog, hindi maihihiwalay na marami
sa mga halimbawa nito ay mas angkop sa wikang banyaga partikular sa
Ingles. Tulad na lamang ng ponemang /t/ sa salitang teacher, kapag
inulit- ulit ang pagbigkas dito, tiyak na magkakaroon din ito ng iba’t ibang
tunog sa pagbigkas. Sa mga pagkakataon na tulad nito, mapatutunayan
lamang na nagkaroon nga ng kaibhan sa taglay nitong tunog sa tulong ng
isang sensitibong instrument tulad ng spectrogram.

Pagtataya/Ebalwasyon
Takdang Aralin
A. Magtala ng tig-5 halimbawa ng mga salita na nagtataglay
ng ponemiko at ponetikong tunog.
B. Magsaliksik tungkol sa palapantigan at mga konsepto na
may kaugnayan dito.
Sanggunian
Santiago, Alfonso O. (2002). Panimulang Linggwistika. REX Printing
Company. Quezon City.

Prepared: Checked: Approved:

Mrs. MARY ANN R. ANDAL Dr. AIDA A. CASAS Dr. RANDY M. BAJA
Instructor Department Head Dean

You might also like