Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GE FIL 2 - FILDIS

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


Disiplina - larangan/field o asignatura/subject

• Ang Filipino 2 ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim


at mapanuring pagbasa, pagsulat at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba't ibang larangan, sa
konteksto ng kontemporaryong sitwasyon. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayan sa
pagbasa at pagsulat.

Bunga ng Kurso:
1. Makapagbasa at makapagbuod ng mga impormasyon mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino
sa iba't ibang larangan at makapagbalangkas ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraning lokal
at nasyonal.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyunal at modernong
midya akma sa kontekstong Pilipino at makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino

Praktikal
Nagpapalawak
Nagpapalalim
Kasanayan
Mapanuri
Pagbasa
Pagsulat
Pananaliksik

HUMANIDADES
Ang terminong Humanidades ay tumutukoy sa mga sining na biswal katulad ng:
Musika, Sayaw, Arkitektura, Pintura, Eskultura, Teatro/Dula

Napakahalaga ng sining sa buhay ng tao.


Bakit?
Sa pamamagitan nito'y naipahayag niya ang kanyang nadarama.

Ang Humanidades ay sangay ng karunungang may kinalaman sa kaisipan, damdamin at pakikipag-


ugnayan ng tao.
MUSIKA - Isang sining ito na pinagsama-sama at iniayos ang mga tunog ng iba't ibang tono upang
makalikha ng isang katha na nagpapahayag ng iba't ibang kaisipan at damdamin.
SAYAW - Gumagamit ng katawan bilang pagpapahayag ng nasa kaisipan at damdamin. Sa
pamamagitan ng sayaw naibsan ang dinadalang alalahanin ng isang tao.
ARKITEKTURA - Bahagi ng sining na biswal na nakikita ng mga tao. Isang proseso at produkto ng
pagpaplano.
PINTURA - Masining na pagpapakita ng biswal na karakter na gumamit ng isang hanay mga diskarte at
materyales upang makuha ang ninanais.
TEATRO - Isang lugar na pinagtanghalan ng mga dula.
PALABAS (?) - Isang palabas na karagdagan sa iba't ibang panooring panteatro.

Musika, Instrumento ng Komunikasyon


ni Marilou B. Torres
Ang musika ay sining ng tunog ngunit hindi lahat ng tunog ay musika. May mga tunog na ingay,
sinasabing ang musika'y nagbibigay tulong sa patuloy na pag-inog ng daigdig, nagbibigay buhay at
ningning sa kapaligiran at maaari ring magpadilim sa mundong ginagalawan. Instrumento ng
komunikasyon ang musika sapagkat sa pmamagitan nito ay naipahatid ang iba't ibang damdamin ng
tao katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kapighatian, pagkapoot, pagkasuklam, pagkaligalig, pagkahabag
at panghihinayang. Ang awit na sinasaliwan ng ng iba't ibang instrumentong may iba't ibang tunog ay
nakaaliw pakinggan at tumatagos sa puso ang mensaheng nais ipahatid sa nakikinig.
Sa pamamagitan ng musika ay nakikita ng tao ang iba't ibang mukha ng buhay: may puspos na
kaligayahan, may malungkot, may tagumpay at may kabiguan. Malaking papel ang ginagampanan ng
isang kompositor sa larangan ng musika. Siya ang lumikha ng mga titik ng awit at naglalapat ng musika
rito. Ang isang nilalang na puno ng lumbay ay maaaring makadama ng lugod dahil sa hatid na
komunikasyon ng musika. Maaaring niya kahit panandalian man lamang ang suliranin niya sa buhay at
kasamang pumapailanlang ang kanyang diwa kasama ang musikang kanyang pinakinggan. May taglay
na gayuma ang musika kaya't ito'y epektibo kahapon, ngayon at sa darating na bukas sapagkat
nagbibigay ng kulay sa daigdig ang sining na ito.

Dula (Play) - Isang akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto. Bawat yugto nito ay may
maraming eksena. Ito rin ay tinatawag na "stage play" dahil itinatanghal sa isang entablado.
Uri: Dulang panradyo
Dulang pantelebisyon
Dulang panlansangan

Moses, Moses
Rogelio R. Sicat
Manunulat Nobelista Kuwentista / DEPP UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Moses, Moses
Rogelio R. Sicat
Tauhan:
Regina Calderon - balo, guro
Tony - panganay na anak
Aida - pangalawang anak
Ben - bunso

"Apoy sa apoy, sugat sa sugat, latay sa latay."


"Mata sa mata, ngipin sa ngipin."
- Exodus, 21:25

MGA LIKAS NA AGHAM


Natural Sciences
Agham na kasangkot sa pag-aaral ng pisikal na mundo at penomena nito.

Sadyang mapamihag ang kalikasan! Nabibighani nito ang nilalang sa sandaling imulat ang mga mata at
masasalamin ang kagandahan ng kapaligiran. Sinusundan ito ng dakilang araw sa kanyang dahan-
dahang pagsasabog ng ginintuang liwanag. Ang malamig na hanging nadarama at nakagaganyak sa
kanya upang isagawa ang pang-araw niyang gawain.
Ang paglubog ng araw ay nagpapahiwatig ng panibagong bukas na punung-puno ng pag-asa. Ang
kahanga-hanga at sari-saring kulay ng bahaghari, ang dumadantay na lamig at pabagu-bagong
kalagayan ng panahon ay dala ng hanging bumabalot sa mundo.
Ang panahon ay bahagi ng buhay ng isang tao. Kapag maganda ang pagdating, pinapagagaan nito ang
nagpupuyos na damdamin.
Minsan nama'y nagdudulot ng pagkawasak sa mga ari-arian ng mga tao. Ang pabagu-bagong panahon
ay natitiyak sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga ulap, pagdama ng halumigmig ng hangin,
paibaibang paghihip nito, pagbabago ng temperatura at iba pang kalagayang panghimpapawid. Sa
ngayon, mabilis na naipaaabot ng midya sa kinaukulan ang pagdating ng isang malakas na bagyo at iba
pang kalamidad sa bansa. Naiuulat ito sa tulong ng mga makabagong kasangkapang ginagamit sa
pagtaya ng panahon. Samakatuwid ang panahon ay epekto ng pagsasama-sama ng mga
magkakaibang elementong panghimpapawid sa loob ng isang oras, araw, linggo, buwan at taon. May
anim na magkakaugnay na salik na tumitiyak sa kalagayan ng panahon: temperatura, pwersa,
halumigmig ng hangin, ihip ng hangin, mga ulap at presipitasyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng
mabuting pananaw at kaalaman sa paiba-ibang salik ng panahon at klima, dahil dito nakasalalay ang
tagumpay sa ating mga gawain. Ang klima ay kabuuan ng magkakaibang tularan ng panahon na
ibinigay sa pook sa loob ng mahabang pagitan ng oras. Kung gayon, ito ay katangi-tanging salik sa
pagitan ng panahon at klima. Ito ang bahagi ng kalikasang nararapat pag-ukulan ng pansin bilang
paglingap sa Inang Mundo.

The 7 Enviromental Principles


Chester B. Cabalza
1. Nature knows best
2. 2. All forms of life are important
3. Everything is connected to everything else
4. Everything changes
5. Everything must go somewhere
6. Ours is a finite Earth
7. Nature is beautiful and we are stewards of God's creation

KAHIT SAAN
Jose Corazon de Jesus
KILALA SA BANSAG NA HUSENG BATUTE
UNANG HARI NG BALAGTASAN
Nobyembre 22,1896

KAHIT SAAN
ni Jose Corazon de Jesus
Kung sa mga daang nilalakaran mo
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo
Irog, iyo'y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim


nilalapitan ka at titingin-tingin

kung sa iyong silid masok na magiliw


at ika'y awitan sa gabing malalim,
Ako iyon giliw !

Kung tumingala ka sa gabing payapa


at sa langit nama'y may ulilang tala,
na sinasabugan ikaw sa bintana ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya'y ako mutya !
Kung ikaw'y magising sa dapit-umaga
isang paruparo ang iyong nakita
na nasa mesetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na
Iya'y ako Sinta.

BAYAN NG MGA BULAG


Hilarion Henares Jr.
Isinalin sa Filipino ni Rachel San Miguel
Binuod ni Zenaida Mamuyac

Hilarion Henares Jr.


 Nagtapos sa ADMU
 Inhenyero
 Ekonomista
 Edukador
 Negosyante
 Manunulat

“Sa Bayan ng mga bulag, ang may mata ay hari.”

Ronnie
 isang piloto
 mabait at makatao
 Matulungin
 maka-Diyos

Nena
 mapagmahal
 maalalahanin
 marespeto

Sta. Barbara
Panitikan
 Talaan ng buhay dahil naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. (Arogante,
1983)
 Siyang lakas na nagpakilos sa anumang uri ng lipunan (Salazar, 1995)
 Pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling
panlipunan. (Lalic, 2004)

MAKATAONG KAISIPAN SA MAKATAONG LIPUNAN


ni Maria Ana Cecilia Dio
Saan mang dako ng daigdig ay hindi mawawala ang malakas at mahina, matalino at
mangmang, mayaman at maralita at ang nangaapi at naaapi. Ito ang takbo ng buhay sa lipunang ating
ginagalawan.
Paanong magkakaroon ng isang makataong lipunan kung ang malalakas, matalino at mga
makapangyarihan ay nagsasamantala sa mahihina, mga mangmang at maliliit? Ang mayayaman ay
lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap. Kung minsan ay masakit tanggaping hindi
pantay ang lugar na kinalalagyan ng mga tao. Subalit kung hindi dahil sa mahihina at mahihirap ay
walang magkakamal ng kayamanan dahil walang magtatrabaho para sa kanila. Sana'y maisapuso ng
mayayaman ang makataong damdamin ay bigyan din sana nila ng mga biyaya ang mga taong naging
katuwang nila upang magtamasa sila sa masaganang pamumuhay. Ang mga makapangyarihan ay
maging makatao rin sana sa pakikitungo sa mga mamamayan. Sana'y gamitin nila sa wastong paraan
ang paghawak nila ng katungkulan. Nararapat na maging pantay-pantay sa harap ng batas ang lahat,
walang kinikilingan, mayayaman at mahihirap. Maraming ibinubungang problema dahil sa mga pang-
aapi. Kapag ang isang tao'y hindi na makatiis sa pagdurusang dulot ng kapwa tao ay nakalilimot na rin
siya sa mga kagandahang-asal na kanyang natutuhan sa tahanan at paaralan. Hindi na niya
makayanan ang dinaranas na kasawian na humahantong sa malagim na pangyayaring maaaring
maghatid sa kanya sa madilim na kalagayan.
May kasabihan, madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao. Kung magpapakatao
lamang ang bawat miyembro ng lipunan ay walang magiging suliranin ang bayan. Walang magaganap
na mga karahasan, magiging mapayapa ang pamumuhay ng mga mamamayan sapagkat ang mga
taong may makataong kaisipan ay tiyak na magkakaroon ng makataong lipunan.

Agham Panlipunan - isang disiplinang akademiko na pinag-aralan ang mga aspekto ng mga tao sa
mundo.
Mga Sangay: Kasaysayan, Antropolohiya, Ekonomiks, Heograpiya

You might also like