SEMI-DETAILED LP - PANGHIHIMASOK NG AMERIKANO Caseres, Laurice P

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY

ARALIN
SA
ARALING PANLIPUNAN
IKA-06 NA BAITANG
Paksa: Panghihimasok ng Amerikano
Negosayong Pagpapatibay ng Kasunduan sa
Paris

Inihanda ni:
LAURICE P. CASERES
(Gurong Nagsasanay)

Ipinasa kay:

JHON BILLY B. SORIANO


(Gurong Tagapagsanay)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Tuguegarao City
Unibersidad ng Lambak ng Cagayan

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3


(Panghihimasok ng Amerikano)

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipapamalas ang mapanuring pag-unawa at


kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga
kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sap ag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Pamantayang sa Pagganap: Ang mag-aaral ay naipapamalas anng pagpapahalaga sa
kontribusyon ng pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

I – Layunin: Pagkatapos ng animnapung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. nasusuri ang larawan tungkol sa Kasunduan sa Paris;
B. atatalakay ang Negossyong Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris;
C. natutukou ang mga Kasunduan sa Paris;
D. nasasabi ang damdamin ng mga mag-aaral noong isinagawa ang Kasunduan sa Paris.
II. Nilalaman
A. Paksa: Negosasyong Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris
B. Sanggunian: Internet, Modyul ng mga Mag-aaral
C. Kagamitan : Laptop, Mga larawan ng kasunduan sa Paris (Slide Presentation)
D. Integrasyon: Maunawaan ng mag-aaral ang mga nakasaad sa Kasunduaan sa Paris.

III. Pamamaraan (Socratic Method and Collaborative Learning, Multiple Intelligences)


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Panimulang gawain:
• Pagsasa-ayos ng silid-aralan
• Panalangin
• Pagtatala sa mga lumiban
• Pagbabalitaan
A. Pagganyak

Magpapakita ng larawan ang guro at


magbibigay ng ideya ang mga mag-aaral kung
ano ang kanilang masasabi ukol sa larawan

Mga tanong:
1. Ano ang masasabi niyo sa nakitang
larawan?
2. Ano kaya sa tingin Ninyo ang
layunin ng kanlang pagpupulong?

Nagsitaasan ang mga kamay ng mga mag-aaral.


B. Paglalahad

Batay sa inyong nakitang larawan ang


tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa
Negosasyong Pagpapatibay ng Kasunduan sa
Paris.

C. Pagtatalakay

Ngayon bago tayo magsimula sa ating


talakayan magkakaroon muna tayo ng
pangkatang gawain.
Mga panuto:
1. Hahatiin ang klase sa apat na grupo.
2. Pag-usapan ang mga nakaatas na
Gawain
3. Gawin ito sa loob ng sampung minuto
4. Ipresenta ito sa hindi lalagpas na tatlong
minuto.

Pangkat 1- Story chain


Pagguhit ng mga pangyayaring naganap sa negosasyon at
pagpapatibay ng kasunduan sa Paris (magmula sa
paglagda ng kasunduan, mga ilang nakapaloob na
Karapatan at mga epekto).

Pangkat 2- Poems
Pagsulat ng tula na tumutukoy sa damdaming umiral sa
mga Pilipino hingil sa negosasyon at pagpapatibay ng
kasunduan sa paris.

Pangkat 3- Slogan
Paggawa ng Slogan na tumutukoy sa negosayong
Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris.

Pangkat 4- Poster
Iguhit ang mga kaganapan sa negosasyon at
Pagpapatibay ng Kasunduaan sa Paris (ibinigay ng
espanya sa Estados Unidos ang karapang ito ay binayaran
ng mha Amerikano ng halagag US $20,000,000

Okay klas oras na para sa presentasyon

Mula pangkat 1 hanggang pangkat 4 Iprepresenta ng mga


mag-aaral ang nakaatas na aktibidad.
Mahusay na presentasyon mga mag-aaral!

Ngayon makinig kayo sa ating talakayan upang


mapalawak ang inyong mga kaalaman.

Makikinig ang mga mag-aaral sa tatalakayin ng Guro.

Ang kasunduan sa paris ay pumirma ang mga


kinatawan ng Espanya at Amerika sa
kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898.

Ayon sa kasunduang ito:


-Ang Kasunduan sa Paris ay pormal na
winakasan ang digmaan ng dalawang bansa
- kinilala ng espanya ang kalayaan ng Cuba
- ibinigay ng Espanya sa Estados Unidos ang
karapatang sakupin ang Guam, Puerto Rico at
Pilipinas
- Bilang kapalit ng karapatang ito ay binayaran
ng mga Amerikano ng halagang US
$20,000,000 ang mga espanyol
- ito ay lubhang ikingalit ng mga pilipino ang
sabwatang ito dahil sa paniniwalang walang
karapatan ang mga espanyol na alisin ang
pamamahala ng Pilipinas sa mga Amerikano.
Kaya ito ang nagpatibay sa mga Pilipino na
igiit ang kalayaan ng bansa laban sa
Amerikano.

D.Paglalahat

Okay klas naunawaan niyo ba ang ating


talakayan?

Opo Guro.
Kung gayon klas narito ang mga katanungan
mula sa ating tinalakay, ngayon punan lamang
ang bawat patlang.
Ang kasunduaan sa Paris ay:
1. Pormal na winakasan ang______ ng dalawang
bansa.
(Ano ang winakasan sa kasunduan ito?)
2. Kinilala ng espanya ang _____ Ng Cuba.
(Ano ang kinilala ng Espanyol?)
3. Ibinigay ng espanya sa estados Unidos ang
karapatang sakupin ang Guam, Puerto Rico, at sa
____ (Bukod sa Guam, at Puerto Rico anong
bansa pa na sakop ng espanya ang binigay sa
estados Unidos?)
4. Bilang kapalit ng karapatang ito ay binayaran ng
mga _____ ng halagang US ______Ang mga
_______. (Sino ang dalawang bansa ang
nagbayad bilang kapalit sa mga karapatang
ibinigay? Anong bansa ang tumanggap ng
bayad ? magkano ang kanilang binayaran?
E. Paglalapat

Bilang isang mag- aaral kung ikaw ay nasa


panahon ng panghihimasok ng Amerikano ano
ang iyong damdamin noong isinagawa ng
kasunduaan sa Paris? Ikaw ba ay nalulungkot,
nagagalit o nanghihinayang at bakit?

IV.Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. e.

1. Ano ang naging dahilan ng pag-aalsa ng


mga Pilipino laban sa mga Amerikano?
a. Nalaman ng mga Pilipino na
ipinagbili tayo ng mga Espanyol
laban sa mga amerikano
b. Walang karaptan ang mga Espanyol
na ibenta tayo sa mga amerikano
c. Dahil natupad ng mga Amerikano
ang mga nakapaloob na Karapatan
sa kasunduan sa paris
d. Parehong tama ang a at b.
2. Ang mga Pilipino ay nanlaban sa mga
Amerikano dahil sinasabi nil ana
walang Karapatan ang mga Espanyol na
ibenta ang pilipinas dahil ito ay di nila
pag-aari.
a. Ang una at pangalawang
pangungusap ay tama. Buong puso
sila nagsakop sa mga amerikano at
tinanggap ang kanilang pagkatalo.
b. Ang una at pangalawang
pangungusap ay mali.
c. Ang unang pangungusap ay tama
ang pangalawa ay mali
d. Ang unang pangungusap ay mali
ang pangalawa ay tama
3. Anong damdamin ang umiral sa mga
Pilipino noong sinagawa ang
Kasunduan sa Paris?
a. Nagagalit
b. Naututwa
c. Nalulungkot
d. Nanghihinyang
4. Ano ang naging epekto ng pagkabenta
ng pilipinas sa mga amerikano?
a. Nagngingitngit ang kalooban ng
Pilipino kaya sila ay nanlaban sa
mga amerikano
b. Nagalak ang kalooban ng mga
Pilipino kaya sila ay nagsakop sa
mga Amerikano
c. Nagsawalang bahala ang mga
Pilipino kaya sumasabay sila sa mga
pangyayari
d. Wala sa nabanggit
5. Ano ang isinagawa ng mga Pilipino na
naging dahilan ng hidwaan ng Pilipino-
Amerikano
a. Sila ay nanahimik sa isang tabi
b. Naging alerto sila sa lahat ng
pagkakataon na siyang ikinainis ng
mga Amerikano
c. Nag-usap sila kung paano sila
makakatakas laban sa mga
Amerikano.
d. Sila ay buong tapang na
nakipaglaban sa mga Amerikano.
V.Kasunduan

Gumawa ng Reflection Paper batay sa lahat ng


ating tinalakay, ilagay ito sa malinis na papel.

You might also like