Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MODULE 11

Talumpati

I. Introduksiyon:

Bilang isang mahusay na mananalumpati kailangang ito’y may mga katangiang taglay. Isa na rito
ay ang may magandang personalidad, buo at malakas ang tinig bilang isang salalayan ng mahusay na
pakikipag-ugnayang pasalita ng mananalumpati sa kanyang tagapakinig o tagapanood.Kailangangang
may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may kasanayan at higit sa lahat mahusay gumamit ng
kumpas. Sa araling ito, matututunan natin ang mga kumapas na may malaking tulong sa pagtatalumpati.

II. Mga Tiyak na Layunin:

Natutukoy ang mga kumpas na ginagamit sa pagtatalumpati.

III. Nilalaman:

Mga Kumpas na Ginagamit sa Pagtatalumpati

IV. Mga Gawain:

Gawain A.
Piliin sa kahon ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag.
Kumpas na ang Kumpas na Kumpas na
kamay ay parang may nagpapagunita
nakasuntok itinuturo
Kumpas na ang Kumpas na Kumpas na ang Kumpas na may
palad ay parang may palad ay nakataob parang
nakatihaya hinahati at ayos na patulak inilalarawan

________________ 1. Ginagamit ang kanyang hintuturo upang bigyang pansin ang bagay na
itinuturo.
________________ 2. Ang kumpas na ito ay nagpapakita ng pagbibigay o pagtanggap.
________________ 3. Nais ipakita ng mananalumpati na may nais siyang tanggihan.
________________ 4. Galit o kalungkutan ang nais ipahayag ng mananalumpati.
________________ 5. Parang tumatapik sa balikat ng isang taong nais kalamayin ang loob.
________________ 6. Kung patungo sa magkakaibang panig.
________________ 7. Kumpas na ginagamit sa paglalarawan ng laki, hugis o galaw ng isang bagay.

Gawain B. Tukuyin ang mga kumpas nan ais ipakita ng mga pahayag.

1. Lumabas sap ag-uulat na hindi pa handa ang ating mga Paliparan na i-accommodate ang pagpasok ng
malaking aircraft ng mga foreigner carriers na inaasahang mag-opereyt rito kasabay ng plano ng
pamahalaan na i-liberalize ang local na air services.
2. May tutulong sa ating paghihirap, nariyan lang sila.
3. Huwag, huwag kang gagamit ng aluminum para maiwasan ang chemical reaction at huwag takpan ang
stainless na kaserola para lumabas ang toxin kung mayroon man.
4. Labanan ang pornograpiya. Iyan ang sumisira sa isipan ng mga kabataan.
5. Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kaso.
6. Maraming hanap-buhay ang ang hindi nagagampanan dahil sa takot at pangamba na maipit sila sa
labanan ng mga magsasakang lumulusong sa kanilang bukirin.
7. Sila…sila…. Kami-kami… Tayu-tayo…
8. Tama na. Ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig.
9. Ayaw ko sa iyo. Hindi ikaw ang taong nais kong makasama.
10. Balimbing dito. Balimbing doon. Palit Partido rito… Palit-partido roon.

Gawain C.
Panuto: Gumawa ng isang pahayag na nagpapakita ng mga kumpas na ginagamit sa pagtatalumpati.

1. Kumpas na may parang itinuturo.


2. Kumpas na ang palad ay nakatihaya.
3. Kumpas na ang palad ay nakataob at ayos na payulak.
4. Kumpas na ang kamay ay nakasuntok
5. Kumpas na nagpapagunita.
6. Kumpas na may parang hinahati.
7. kumpas na may parang inilalarawan.

Gawain D.
Panuto: Kunan ng video habang itinatalumpati ang “Ang Wikang Filipino sa Pangangailangang
Pambansa” ni Virgilio V. Viola.

Wikang Filipino sa Pangangailangang Pambansa


Ni Virgilio V. Viola

Sa Article 14 ng ating Saligang Batas ay nakatakda ang paggagamit, pagpapayaman o


pagpapayabong ng ating sariling wika.
Ang Atas Tagapagpaganap Bilang 335 ng dating Pangulong Aquino ay nag-uutos na ang mga
transaksiyon, korespondensiya’t pakikipagtalastasan sa ating mga tanggapan ay dapat masulat sa
Wikang Filipino.
Ang Saligang Batas at Atas Tagapagpaganap Bilang 335 ay kapwa sang-ayon at kaugnay sa
pinakadiwa ng pagtatagpong ito.
Minamahal kong mga magulang at mga kapatid…Kagalang-galang na bumubuo ng inampalan,
mga kapita-pitagang panauhing pandangal – gayon din sa mga taga-pangasiwa ng patimpalak na ito…
Hinahangaan lahat ng makaririnig ng abang tinig na ito, sa diwa Wikang Pambansa isang magandang
hapon po sa inyong lahat.
Mahabang panahon din ng pakikipagsapalaran ang iniukol ng Ama ng Wikang Manuel L. Quezon.
Pakikipagsapalarang ipunin ang lahat ng sinasalita ng libong sulok at rehiyon at rehiyon sa bansa.
Magiting na pinag-isa ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ano pa’t sa t’yaga at layong pagbuklurin ang
bansa sa pamamagitan ng wika – siya ay nagtagumpay. Itinaguyod niya ang Tagalog bilang salitang
batayan. Lumaganap ang wikang Tagalog at sa bugso at tulak na rin ng matapat at marangal na layon ng
may malasakit sa tinanong laya’t pagkakaisa sa wika… isinaayos ang inaakalang balakid o magiging sanhi
ng hidwaan sa wika – Magalang at masistemang isina-isang tabi ang Tagalog kasama ng lahat ng “lingua
franca” mula Luzon, Visayas at Mindanao at… isinilang ang Wikang Pambansa – Filipino!
Ang Unibersidad ng Pilipinas, muling inilunsad ng Pangulong Ramos ang kanyang Philippines
2000 – ay naglahad na ng kanilang mga karanasan sa ibang bansa at pananaliksik tungkol sa kabutihang
idudulot ng paggamit ng sariling wika sa marami kung hindi man sa lahat ng larangan, maging sa
asignaturang agham, matematika pati musika. Sila ay makapagpapatotoo na ang maraming araling
itinuturo sa wikang banyaga ay higit na nauunawaan o madaling matutuhan kung ang mga ito ay
itinuturo sa Wikang Filipino. Ano pa’t nagkatotoo ang dati’y sabi-sabing itinatago ng wikang banyaga ang
tunay na kaalaman sa atin.
Minamahal kong mga magulang at mga kapatid… ang atin pong pananaw sa paggamit ng sariling
wika ay upang higit na mabiyayaan ang higit ding nakararaming mga Pilipino. Sa inyo na po ang wikang
banyag lalo at malaki ang posibilidad na ikaw ay mangingibang bansa… Ngunit sa amin pong mananatili
rito sa Pilipinas, huwag po naman ninyong hadlangan ang wikang katugon ng aming puso’t isipan – ito ay
pagharian at supilin ng wikang dayuhan at magkaroon ng isipang kolonyal. Nagiging bukambibig tuloy na
ang marunong sa wikang dayuhan ay patotoo ng katalinuhan. Huwag naman po sana. At magsalita ka sa
sarili mong wika! Iyon ngang iba, nahihiyang magkamali sa wika ng iba samantalang natataya pa kapag
nagkamali sa sariling wika.
Ngayon, ngayon ay isang hamon ang paksa ng ating palitang-kuro. Akalain ninyo, ang ating wika
– pantulong sa mga bagay na may kaugnayan sa ating bansa. Pangangailangang Pambansa!
Minamahal kong mga magulang at kapatid… Nasabi ko na po. Ang ating wika ay tatak ng ating
pagka-Pilipino, pagkakakilanlan saan mang dako ng mundo. (Ito ay naglalahad sa patuloy na itinatagong
kaalamang nasusulat sa o sinasalita sa wikang banyaga.) Ito ang mga pagbubuklod sa bawat sulok o
rehiyon ng ating bansa.) Tulay ng ugnayan at pagkakaunawaan. Ano mang suliraning dinaranas ng bansa
– Isalin po natin sa sariling wika at buong bansa ay magpapahayag sa saloobing pagtulong at pakikiisa.
Halimbawa na po iyang Value Added Tax o Vat, Expanded Value Added Tax – EVAT – Eh ba’t naman po
sa wikang banyaga pa ito ipinaliliwanag?... Napanood po ba ninyo ang matagal na ring tinatalakay sa Mel
& Jay? O, di po nang isawika natin… pati ring iyong mangingisdang medyo nalinis eh naglakas-loob
mangusap!
Isa lamang o ang karagdagang mensahe ko… Igalang, tuparin at sundin ang ating Saligang Batas
at Atas Tagapagpaganap 335. Paki-kalabit na rin po silang mga nanunungkulang dapat magpasimuno ay
sila pang nagsisilbing balakid. Mahalaga po ang wika… sariling wika… gamitin po natin… lalo sa mga
nangangailangang Pambansa… Salamat po.

V. Repleksiyon:

Magbigay ng repleksiyon tungkol sa araling ito.

VI. Villafuerte V. Patrocinio, Talumpati, Debate at Argumentasyon, Mutya Publishing House #6


Baltazar St. Pacheco Village, Balubaran, Valenzuela City, 2002

You might also like