Sec Fil 108 - Midterm - Ringor, John I

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY

Bayombong, Nueva Vizcaya

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MIDTERM EXAM IN SEC FIL 108


(Pampaaralang Pamahayagan)

Pangalan: RINGOR, JOHN I.


Kurso at Seksyon: BSED FILIPINO 2B
Petsa: Mayo 11, 2022

Panuto:
a. Sagutin nang maayos at tama ang mga tanong.
b. Ipaliwanag ito nang maikli pero may laman at linaw.
c. Basahing maigi ang batayan sa pagwawasto at panuto bago sumagot.
d. Takdang oras ng pagpasa ay tatlong (3) oras pagkatapos mai-upload sa
FB group.

1. Ilahad ang limang (5) tungkulin ng pamahayagan at ipaliwanang ang


bawat isa. Magbigay ng halimbawa na nagpapatunay ng mga
tungkuling ito.

Ang pamahayagan ay mayroong limang tungkulin kung saan ito ay


ang Maglathala ng balita, magbigay ng puna sa balita, tumulong
sa mambabasa, manlibang sa mambabasa at maglathala ng
anunsiyo. 1) Maglathala ng balita. Ito ang pinakamahalagang
tungkulin na ginagampanan ng pahayagan. Halimbawa nito ay
ang mga artikulo na naglalaman ng mga balita tungkol sa isang
napapanahong isyu. Ang mga artikulo ay madalas inilalathala sa
sosyal midya at mga pahayagan. 2) Magbigay puna sa balita. Sa
pamamagitan nito ay natutuklasan ng mga mambabasa ang
laman ng balita at kung ano ang mga napupuna ng mga tao
tungkol sa isang paksa o isyu. Hal., Editoryal kung saan ito ay
naglalaman ng mga pagpupuna at mga pagtatalo hinggil sa isang
balita o mainit na usapin. 3) Tumulong sa mambabasa. Kung saan
kabilang dito ang mga pitak, pangkalusugan, pansikolohiya, pag-
aalaga at iba pa. Hal., Pitak pantahanan, bahagi ito ng isang
pahayagan kung saan ito ay naglalaman ng ilang mga resipe sa
pagluluto o iba pang mga gabay sa pangangalaga sa ating
kalusugan. 4) Manlibang sa mambabasa. Ito ay upang bigyang aliw
ang mga mambabasa. Kadalasan, mas malaki ang interes o
panahong itinutuon ng mga mambabasa sa mga babasahing
nakalilibang kaysa sa mga balita. Hal., panlibangan kung saan dito
makikita o mababasa ang ilang mga komiko na gustong-gustong
basahin ng mga tao. At 5) Maglathala ng anunsiyo. Isa rin ito sa mga
tungkulin ng isang pamahayagan na nagbibigay impormasyon
tungkol sa mga napapanahong isyu na nagaganap sa kapaligiran.
Hal., mga balitang pandaigdig. Sa pamamagitan nito
nagagampanan ng pamahayagan ang tungkuling nitong
makapagpahayag ng mga anusniyo hinggil sa mga nangyayari o
mga mangyayari pa lamang upang makapaghanda ang mga tao.

2. Gamit ang Venn diagram, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


pagwawasto ng kopya at pag-uulo ng balita.
PAGWAWASTO PAGKAKATULAD PAG-UULO

Ito ay isang Ito ang


paraan kung nagsisilbing
saan ang isang Ang pinaka-ulo ng
manuskrito o pagwawasto isang balita. Kung
isang kopya ay at pag-uulo saan ito ay
winawasto o ng balita ay
nakalimbag sa
inaayos ng gawain ng
isang mas malaking
mabuti bago ito tipo kaysa sa
espesyalista
ipadala sa upang teksto o nilalaman
limbagan mapaganda nito.
at
magkaroon
ng espasyo
sa
pahayagan
ang isang
3. Batay sa inyong karanasan balita.
sa pagsusulat
ng balita, ilahad ang
kahulugan at kahalagahan ng bawat bahagi ng balita.

Batay sa aking karanasan sa pagsusulat ng balita, mayroon itong


tatlong mahahalagang bahagi. Ang ulo, pamatnubay at katawan.
Ang ulo ang siyang pamagat ng balita, nagsisilbi itong panawag
atensyon ng mga mambabasa. Mahalaga ang maganda at kaaya-
ayang ulo ng balita. Upang magkaroon ng atennsyon o interes ang
mga mambabasa na ituloy ang pagbabasa sa isang balita. Bukod sa
ulo ay ang pamatnubay. Ito ang pinakamahallagang bahagi ng balita
kung saan matatagpuan ito sa unahan na sumasagot sa mga tanong
na ano, sino, saan, kalian, bakit at paano. Itinuturing itong
pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat, sa pamamagitan nito,
agad na nagkakaroon ng ideya o kaisipan ang mga mambabasa
hinggil sa daloy ng balita na kanilang binabasa. At ang panghuling
bahagi ay ang katawan. Ito ay naglalaman ng mga datos na
naglalahad ng patnubay mula sa pinakamahalagang datos
hanggang sa pinakamaliit na detalye ng mga pangyayari ukol sa
balita. Napakahalaga ng bahaging ito dahil dito mo mababasa ang
buong nilalaman ng isang balita.

4. Batay sa inyong sariling pananaw, ano ang mga magagandang dulot


at di magandag dulot ng RA 7079?

Ang magandang naidudulot ng RA 7079 ay nagsisilbi itong daan upang


higit na magkaroon ng sapat na impormasyon hinggil sa mga
makatotohanang nangyayari sa kapaligiran ng isang tao. Nagsisilbi rin
itong tulay para sa mga kabataang malayang makapagpahayag ng
mga katotohanan at tumindig sa kawastuhan na humuhulma ng mga
mamamayang maaasahan at produktibong mamamayan sa
pamamagitan ng campus journalism. Sa aking pananaw, walang hindi
magandang naidudulot ang RA 7079, bagkus napakalaking tulong nito
para sa mga kabataang mamamahayag upang makapaghayag ng
wasto at makatotohanang mga impormasyon.

5. Ano ang kahalagahan ng SEC FIL 108 (Introduksyon sa Pamahayagan)


sa isang guro ng wika? Magbigay ng mga katibayan.

Bilang nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino at hinuhubog


maging guro ng wika, napakahalaga ng asignaturang Introduksyon sa
Pamahayagan sa isang guro. Sa paraang nahuhubog nito ang
kakayahan ng isang guro na mas mapaganda at mapaunlad ang
anumang ililimbag nito sa paaralan. Nang sa gayon, magsisilbi itong
instrumento upang maituro niya ng mas maayos ang tungkol sa
pamahayagan sa mga mag-aaral nito. Lalong-lalo na sa mga mag-
aaral na hinuhubog maging isang mamamahayag sa paaralan man o
sa labas ng paaralan.

You might also like