Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Likas na Agham, Teknolohiya at Matematika

1. Astronomiya – ito ay ang pag-aaral ng mga bagay na selestiyal. Mga kometa, planeta,
galaxy, bituin, at penomenang pangkalawakan.
2. Earth & Science o Heolohiya – ito ay Sistema ng planetang daigdig sa kalawakan katulad
ng klima, karagatan, planeta, bato, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo,
estruktura at mga phenomena nito.
3. Information Technology (IT) – Pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay
at paglilipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso.
4. Matematika – Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng mga
numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na ipinahahayag sa pamamagitan
ng mga simbolo.
5. Arkitektura – proseso at produkto ng pagplaplano, pagdidisensyo, at pagtatayo ng mga
gusali at iba pang pisikal na estruktura.

Agham Panlipunan
1. Ekonomiks – Tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang
katapusang paggamit ng mga yaman ng mundo.
2. Arkeolohiya – Hangad ang pag-aaral sa pamumuhay at kultura sa mga sinaunang tao.
3. Heograpiya – pokus nito ang pag-aaral sa pisikal ng katangian ng mundo; klima at
vegetation na maaaring makaapekto sa tao.
4. Kartograpiya – ito ay nakatuok sap ag-aaral sa paggawa ng mga mapa
5. Linggwistika – pag-aaral sa pag-unlad ng mga wika ng mga pangkat ng tao.

Humanidades
1. Pagpipinta - Ang pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento,
kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang pang-ibabaw
2. Pagdidisenyo - Ang pagdidisenyo ay kadalasang nangangailangan kung isasaalang-alang
ang aesthetic, functional, ekonomiko, at sociopolitical dimension ng parehong disenyo ng
bagay at disenyo ng proseso. 
3. Isports - Ang isport ay ang pagsasanay ng regulated at mapagkumpitensyang pisikal
na ehersisyo . Ang palakasan ay maaaring maging libangan, propesyonal, o bilang isang
paraan upang mapabuti ang kalusugan.
4. Sayaw - Ang ibig-sabihin ng salitang sayaw, ay tumutukoy sa isang kilos, na may mga
sinusunod o sistematikong galaw, na karaniwang isinasagawa sa saliw ng isang tugtugin
o musika.
5. Akdang Pampanitikan - Ang panitikan ay nag mula sa “pang-titik-an”. Ang kahulugan
nito ay ang literatura o mga akdang nasusulat. Ito rin ay naglalaman ng mga akdang
tumatalakay sa pang araw-araw na buhay. Bahagi rin nito ang mga kathang-isip, pag-ibig,
kasaysayan at iba pa.

Ang likas na agham, teknolohiya at matematika ay kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad,


paglalarawan, at pangangatwiran. Dahil ang mga tekstong nilalaman nito ay paktwal o
makatotohanan at produkto ng eksperimento. Ito ay pagsusuri at pagsasaliksik sa kasanayan na
hindi maaaring ipagsawalang bahala lamang.

Paktwal na impormasyon din ang laman na teksto sa Agham Panlipunan. Gamitin sa larangang
ito ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan ang pagpapaliwanag at pangangatwiran.

Sa Humanidades naman ay maaaring magkaroon ng pormal at impormal na wika. Gawa ito ng


pagiging malikhain, simbolikal at metaporikal ng ilang teksto, tulad ng panitikan. Maaaring
paktwal o hindi ang mga impormasyong laman ng teksto.

You might also like