Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO4WS Q4 Week5
FILIPINO4WS Q4 Week5
Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikalimang Linggo
Susing Konsepto
Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng
ideya o kuro-kuro ang mga taong nagtatalakayan. Ito din ay isang sining kung saan tayo
ay nakapagpapalawak ng ating mga kaalaman hinggil sa isang bagay.
Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang
iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay.
Ang pakikipagtalastasan ay maaaring pasulat o pasalita. Ito rin ay maaaring sa
pamamagitan ng paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay o pangangatwiran. Ang
anomang anyo ng pakikipagtalastasan ay ginagamitan ng mga salita, pangungusap o mga
talata .
Ang mga pangungusap ay maaaring pasalaysay, patanong, pakiusap, pautos at
padamdam.
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang talata sa ibaba. Sagutan ang mga tanong
pagkatapos. Isulat ang sagot sa puwang.
1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
Ana: Opo. Siyanga po. Maari nyo po bang ituro kung alin sa mga ito ang bahay niya.
Maria: Lumakad ka patungo sa kaliwa at bumilang ng tatlo. Ang ikatlong bahay na
makikita mo ay ang tirahan nina Sarah.
Ana: Naku! . Maraming salamat po. Sa wakas ay magkikita na kami ng kaibigan
kong si Sarah.
Maria: Walang anuman po. Mag - ingat po kayo sa daan.
Mga tanong
1. Ano ang paksa na iyong binasa?
_______________________________________________________________
2. Paano nabuo ang usapan?
_______________________________________________________________
3. Alamin ang mga ginamit na pangungusap sa usapan. Sabihin kung anong uri
ng pangungusap ang bawat isa. Punan ang tsart sa ibaba.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at isagawa ang gawin kaugnay nito.
Gupit Bao
Ayokong-ayokong makakasama si Nanay kapag magpapagupit ako, kasi laging siya
ang nasusunod kung anong gupit ang dapat gawin sa akin ng barbero. “Gawin mong gupit
-bao,” utos ni Nanay kay Mang Pablo na nag-iisang barbero sa aming lugar noon.
Imumuwestra pa ni Nanay ang gupit na gusto niya sa akin. Basta sa huli, kailangang
makita niya na parang may bao ng niyog na naiwan sa aking ulo. Ganoon karami lang na
buhok ang kailangang matira sa aking ulo.
At magsisimulang gupitin ng malaking gunting ni Mang Pablo ang aking buhok na
kay tagal kong hinintay humaba. Dinig ko parang humahalakhak ang malaking gunting ni
Mang Pablo. Ang gusto ko kasi gupit-binata. Gusto kong may nasusuklay ako. Gustong-
gusto kong gumamit ng gel na usong-uso pa naman noon. Gusto kong ayusin ang buhok ko
2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
na may patusok-tusok o kaya naman ay ihawi sa kanan ang buhok na nakababa sa aking
noo. Gusto kong gayahin ang buhok ni Dr. Jose Rizal.
Pero balewala ang lahat ng pangarap kong ito sa aking buhok, dahil ang totoo
pagkatapos kong gupitan, halos kalbo na ako.
Pagkauwing-pagkauwi ko sa aming bahay, agad akong haharap sa salamin. Mag-
iiyak ako. Pero kahit anong gawin ko, di na maibabalik pa ang nagupit kong buhok.
Patatahanin ko ang aking sarili. Hahaba rin naman ang aking buhok.
Pero si Nanay, tuwang -tuwa pa. “Ayan, kay linis-linis mong tingnan sa bago mong
gupit!” sasabihin niya. Bakit kaya hindi ako tinatanong ni Nanay kung ano ang gusto kong
gupit? Kung may pagkakataon, ako na mismo ang nagpupunta kay mang Pablo para
magpagupit ng gusto kong gupit. “Anong gusto mong gupit? tanong ni Mang Pablo. Gusto
ko ang pakiramdam na tinatanong at nasusunod sa gusto kong gupit. Binibilinan ko si Mang
Pablo. Huwag mong gaanong nipisan ang aking buhok. Gusto ko din magkaroon ng patilya.
Kapag ako ang nasususunod sa gupit na gusto ko, parang mas nagiging masipag akong
pumasok. Buti naman at sinusunod ako ni Mang Pablo. Nakalimutan na niya ang gusto ni
nanay na gupit ko. Masaya talaga ako sa gupit ko!
Di ko mabilang kung ilang beses akong nakapagpagupit kay mang Pablo. Basta suki
niya ako lalo na at magpapasukan. Noon parang di na matapos tapos ang sama ng loob ko
habang ginugupitan ni Mang Pablo ng gupit na ayokong-ayoko. Noon parang di na ako
gagraduate sa gupit-bao.
Wala na si Mang Pablo at wala na rin ang Nanay ko! Ngayon ko naisip, na sana’y
naging masunurin talaga ako sa Nanay ko. Sana’y wala akong sama ng loob na nararam-
daman sa tuwing pagugupitan niya ako kay Mang Pablo. Sana’y naisip ko noon na
gupit-bao talaga ang gupit na bagay sa mga bata.
Nami-miss ko si Nanay. Di naman habang panahon na mukhang bao ang gupit ko
at hindi rin pala habang panahon na aking makakasama ang mahal kong nanay.
Pautos Patanong
Padamdam
3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
Susing Konsepto
Paano maibibigay ang mga bagong tuklas na kaalaman mula sa tekstong binasa?
Mayroong mga kasanayang nililinang upang mataya ang kaalamang natutunan
mula sa mga tekstong binasa. Ilan dito ay ang sumusunod:
-Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa
-Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
-Pagbibigay ng hinuha o mga palagay
-Pagtukoy ng sanhi at bunga
-Pagbibigay ng wakas sa kuwento
Ang mga gawaing tulad nito na tumataya sa komprehensiyon ng bumabasa ang
nag-uugnay sa impormasyon mula sa teksto at sa impormasyong nasa isipan ng
mambabasa.
https://www.slideshare.net/albertgallimba/teorya-at-pananaw-sa-pagtuturo-ng-pagbasa-final
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang tekstong nasa loob ng kahon. Sagutin ang mga
kasunod na katanungan pagkatapos.
4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
Gawain 2
Panuto: Basahin ang ilang mga paala-ala na nasa kahon sa ibaba. Punuan ng
tamang impormasyon ang tsart sa ibaba.
Pagpapabakuna
Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga bakuna sa COVID-19 ay epektibo at maiiwasan
mo ang pagkakaroon ng COVID-19. Ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine ay
makatutulong din sa iyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang sakit kahit na
magkaroon ka man ng COVID-19. Ang pagbabakuna ng COVID-19 ay isang mahalagang
paraan upang makatulong tayo na makabalik sa normal.
5
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga katanungan ayon sa binasa sa itaas
2. Ano ang sinasabi tungkol sa mga pag-aaral ukol sa mga bakuna laban sa
COVID 19?
A. Ito ay mabisang gamot sa lagnat at trangkaso.
B. Ito ay makatutulong upang mapuksa ang anumang virus.
B. Ito ay makatutulong din upang maiwasan ang pagkakaroon ng ibang pang
sakit.
D. Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay epektibo at makatutulong makaiwas
sa pagkakaroon ng COVID-19
1.
2.
3.
4.
5.
Karagdagang Gawain
Sagutin sa iyong kuwaderno.
1.Paano mo maibibigay ang mga bagong kaalaman mula sa tekstong iyong binasa?
__________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dapat mong tandaan sa pagbigay ng mga bagong kaalaman
mula
sa tekstong binasa?
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
7
8
Aralin 1-Gawain 1
Pangungusap Uri ng Pangungusap
Maari po bang magtanong? Patanong
Ano po ba ang nais ninyong malaman?
May kilala po ba kayong Sarah Rodriguez?
Ang ikatlong makikita mo ay ang tirahan nina Sarah. Pasalaysay
Mayroon po kasi akong kaibigan na dito sa lugar ninyo nakatira.
Maari nyo po bang ituro kung alin sa mga ito ang bahay niya. Pakiusap
Lumakad ka patungo sa kaliwa at bumilang ng tatlo. Pautos
Naku! . Maraming salamat po. Padamdam
*Maaaring may iba pang kasagutan ang mga mag-aaral
Aralin 1-Gawain 2 – Maaaring tanggapin ang iba’t-bang kasagutan ng mga mag-aaaral
Aralin 2 – Gawain 1
1. D 2. B 3. B 4. D 5. Depende sa sagot ng bata
Gawain 2
1. A 2. B 3.D 4-5 Pagpapabakuna, Maghugas ng Kamaay, Magsuot ng
face mask/Umiwas sa maraming tao, Maagdonate
ng dugo o plasma
*Maaring tanggapin ang iba pang kasagutan ng mga mag-aaralsa Mga gabay na tanong
Susi sa Pagwawasto
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
Sanggunian
Aklat
Agarrado, Patricia Jo C.
Francia Maricar L.
Guerrero, Perfecto III R.
Gojo Cruz, Genaro R. Alab Filipino 6, pahina 162-163, Vibal Group Inc.; 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines
Websites
https://brainly.ph/question/2081693
https://web.facebook.com/Mga-Trivia-Mga-Patotoo-Mga-Dagdag-Kaalaman-237838803838134
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/tumulong-upang-mapahinto-ang-pagkalat-ng-
coronavirus-protektahan-ang-iyong-pamilya
Inihanda ni
ROSELIE P. PEREGRIN
Sinuri ni/nina:
Mariam B. Rivamonte