Guide To The Examination of Conscience For Confession

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KOPYA NI Grace. Ug itudlo usab kini ni Grace ngadto sa iyang mga anak in the future.

Usa
kini sa mga tulubagon sa usa ka ginikanan ngadto sa iyang mga anak. Ang atong Simbahang
Kristiyano-Catolico nagatudlo nga ang mga ginikanan maoy unang mga katekista ngadto sa
ilang mga anak.

GABAY PARA SA MAKABULUHANG PAGSUSURING BUDHI


AT MAAYOS NA PANGUNGUMPISAL

GUIDE TO THE EXAMINATION OF CONSCIENCE FOR CONFESSION


Gabay ng Pagsusuri ng Budhi
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga tulong upang maisagawa ang isang mabuting pag- uusisa ng budhi:
• Kailan ako huling nangumpisal? When was your last confession? You need to recall.
Sasabihin ito sa pari sa kumpisal.
 Iyon ba ay “mabuting kumpisal?” Ibig sabihin ng mabuting kumpisal, noong
nagkumpisal ka , wala kang itinatagong kasalanan. Desisyon mo na magkumpisal. Hindi
ka pinilit mangumpisal.
• Nagkaroon ba ako ng matindi o mortal na kasalanan mula noong huli kong kumpisal?

WHAT KIND OF SINS ARE MORTAL?

    In order for a sin to be mortal, it must meet three conditions:

 Mortal sin is a sin of grave matter. (lubhang malaking kasalanan)


 Mortal sin is committed with full knowledge of the sinner (alam na alam ng tao na malaking
kasalanan ang gagawin.
 Mortal sin is committed with deliberate consent of the sinner (ngunit ginawa pa rin ito kahit
alam-na alam na malaking kasalanan)

---------------------------------------------------------------------------------------------------

MGA TANONG BATAY SA SAMPUNG UTOS NG DIYOS:


1. “WALA NANG IBANG DIYOS, MALIBAN SA AKIN”. (EX 20:2,3)

• Ako ba’y nagbasa ng mga aklat o nanood ng mga pelikula o palabas na labag sa aking
Kristianong (Catolico) pananampalataya?
• Ako ba’y mapamahiin? Naniniwala ba ako sa mga hula, astrolohiya, pagbasa ng palad, kulam,

1
spirit of the glass, feng shui, sa mga halamang pampaswerte, o sa posisyon ng mga gamit ng
bahay na pampaswerte, nagsusuot ng anting-anting?

(kasalanan ito dahil ang pananampalataya na para sa Diyos ay ibinigay sa mga bagay na likha
lamang ng Dios. Ang mga bagay na ito ay walang power. At ang iba ay sa halip lumapit sa
Dios ay humihingi ng proteksyon sa kalaban ng Dios, ang demonyo!))

• Tinupad ko ba ang aking tungkulin sa Diyos nang may pag- aatubili , sapilitan o may sama ng
loob?

• Nakapakinabang ba ako (nag -receive ng Holy Communion) na may kasalanang mabigat o


nag kulang sa kailangang paghahanda? Hindi ba ako nag-ayuno ng isang oras bago
makinabang?

(Ibig sabihin nito, nag-communion ka ba na may kasalanang mabigat? Or hindi ka ready na


tumanggap ngunit tumanggap ka ng communion)

Pag-aayuno o fasting: Kailangang nakakain ka na one hour before the mass/holy communion or
kakain na lang pagkatapos sa misa)

• Meron ba akong hindi ikinumpisal o itinagong kasalanang mabigat sa mga nakaraan kong
pagkukumpisal?
• Ibiningit ko ba sa panganib ang aking pananampalataya sa pagbabasa ng mga aklat at iba
pang babasahin na nagtataglay ng mga kamalian o kaya ay laban sa pananampalataya, at mga
gawaing katoliko, katulad ng kulto ng mga Protestante, pagpupulong-panalangin ng mga hindi
katoliko, ng mga Lapiang Komunista, Masoneriya, nakatatakot na pagtitipon sa relihiyon?

2. “IGALANG MO ANG NGALAN NG DIYOS.” (EX 20:7)

• Binanggit ko ba ang ngalan ng Diyos nang walang paggalang? Nagbiro gamit ang pangalan ng
Dios
• Ako ba’y nagmura? Parte na ba nga buhay ang pagmumura?
• Tinupad ko ba ang mga pangako ko sa Diyos?
• Ako ba’y nagsalita nang walang-paggalang tungkol kina Hesus, Maria, at iba pang mga santo?
• Ako ba ay nag-ninong sa binyag at mga seremonya ng mga hindi katoliko?

3. “IPANGILIN MO ANG ARAW NG PANGINOON.” (EX 20:8)

2
• Ako ba’y maagap at palagiang dumadalo sa MISA TUWING LINGGO?
• Ako ba’y sadyang interesado na higit na maintindihan ang aking pananampalataya at
makatulong sa aking kapwa (kasama ang aking mga kaibigan, kaupisina, kamag-aral, at kamag-
anak) nang ito ay kanila ring maunawaan?
• Lumilipad ba ang aking isip habang nagmimisa? Higit ko bang binibigyan pansin ang
nagsisipagsimba kaysa ang pakikinig ng taimtim sa Misa?
• Dumating ba ako ng huli sa Misa nang walang sapat na dahilan, at dahil doon ay hindi ko
natupad ang aking tungkuling magsimba?
• Nakatulong ba ako sa Simbahan sa kaniyang pangangailangan sa abot ng aking makakaya?
• Ako ba ay nag-aayuno (fasting) at nangingilin sa karne sa mga araw na ipinag-uutos ng
Simbahan? (Mga Biyernes sa loob ng kuaresma at Good Friday)
• Ako ba ay nakagawa o nakapag-utos ng paggawa ng mabigat (mga gawaing ng katawan ang
lalong abala higit sa isip) kung araw ng Linggo o araw ng pangilin?
(turo ng Simbahan natin na ang Linggo ay worship day at rest day. Pero kung may pasok ng
Linggo meron namang misa sa Sabado ng hapon, para sa Linggo na yon o anticipated mass)

4. : "IGALANG ANG IYONG AMA AT INA" (EX 20:12)

• •(Para sa mga anak)


• Nagkulang ba ako sa pagsunod o paggalang sa aking mga magulang?
• Ako ba’y tumulong sa kanila hanggang sa abot ng aking makakaya?
• Nagdulot ba ako ng sama ng loob sa kanila? Paano?
• Iginalang ko ba ang mga tuntunin ng aking paaralan?
• Tumutulong ba ako sa mga gawaing-bahay?
• Nakikipag-away ba ako sa aking mga kapatid?

(kung magulang ka na)


• Napabayaan ko ba ang pagtuturo ng mga dasal sa aking mga anak, pasimbahin sila at ang
pagbibigay ng edukasyong kristiyano?
• Nagpakita ba ako sa kanila ng masamang halimbawa sa salita at sa gawa?
• Nagpakita ba ako ng magandang halimbawa sa pagtupad ko sa aking mga tungkulin sa Diyos
at sa bayan?
• Nagkulang ba ako sa pangangalaga sa aking mga anak. Inalam ko ba at tiniyak kung mabubuti
ang kanilang mga kasama, ang mga aklat na kanilang binabasa, at ang mga pinanonood nila sa
sine at TV, internets?
• Pinagsikapan ko ba na ang aking mga anak ay makapagkumpisal at makatanggap ng Unang
Pakikinabang sa gulang na pitong taon, humigit-kumulang?

5. “HUWAG KANG PAPATAY.” (EX 20:13)

3
• May nasaktan ba ako dahil sa aking ginawa o sinabi?
• Tumanggi ba akong tumulong sa aking kapwa gayong may pagkakataon at paraan para ako’y
makatulong?
• Nagkalat ba ako ng masasamang balita tungkol sa iba?
• Nagpakita ba ako ng masamang halimbawa?
• Nagsikap ba akong makabawi sa mali kong nagawa?
• Nagtanim ba ako ng sama ng loob?
• Kaagad at buong katapatan ba akong humingi ng paumanhin para sa aking mga
pagkakamali?
• Ako ba’y naging instrumento upang mahikayat ang iba na magkasala sa pamamagitan ng
aking sinabi at ginawa?
• Iginalang ko ba ang opinyon at paniniwala ng iba?
• Ako ba’y pumatay?
• Naging sanhi ba ako ng kapahamakang pisikal, moral at pinansiyal ng aking kapwa?
• Ako ba’y sumapi sa isang samahan na gumagamit ng dahas?
• Naging bahagi ba ako sa paglapastangan sa kalikasan sa pamamagitan ng makasariling
paggamit ng ating likas-yaman?
• Pinangalagaan ko ba ang aking pisikal at pangkaisipang kalusugan?
• Ako ba’y gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot, nanigarilyo at uminom nang labis, at
gumawa ng iba pang bagay na nakakasira hindi lamang sa aking kalusugan, kundi maging sa
kalusugan ng iba?
• Ako ba ay naki-ayon o tuwirang tumulong sa pagkakapon (pagtatali sa babae tubal Ligation,
at iba pa)? Alam ko ba na permanenteng maaapektuhan nito ang aking buhay may-asawa at
ako ay mananagot sa Diyos sa magiging kahihinatnan nito?
• Sumang-ayon ba ako, nagpayo, nagmungkahi o tuwirang tumulong sa pagpapalaglag
(aborsiyon) ng bata na nasa sinapupunan pa? Nalalaman ko ba na pinaparusahan ng Simbahan
ng pagtitiwalag ang nag-uudyok at nagsasagawa ng aborsiyon? Nauunawaan ko ba na ito ay
isang mabigat na kasalanan?

6 & 9. "HUWAG KANG MANGHALAY." (EX 20:14) "HUWAG MONG PAGNASAHAN ANG
ASAWA NG IYONG KAPWA" (EX 20:17)

(Para sa lahat)
• Pornography-Tumingin ba ako sa malalaswang larawan, palabas, pelikula... o nagbasa ng
mga aklat o iba pang lathalaing pumupukaw ng mahalay na damdamin na makapagtutulak sa
akin na magkasala laban sa kalinisan/chastity/purity?
• Pinaglaruan ko ba sa aking isipan ang mahahalay na bagay at nagpabaya sa malalaswang
naisin (impure thoughts)
• Gumawa ba ako ng kahalayan sa sarili o kasama ng iba?
• Ako ba’y naging maingat at wasto sa pakikisalamuha sa iba (babae o lalaki), may asawa man

4
o wala
• Sumali ba ako sa mga usapin o biruan na posibleng nag- udyok sa akin at sa mga kasama ko
na magkasala laban sa kalinisan (chastity)?
• Ako ba’y nakipagrelasyon, nakipagtalik, o nagsagawa ng mga pagkilos na nararapat lamang
sa mga taong kasal na sa Simbahan?
• Pag-ibig ba ang dahilan ng aking panliligaw? Pinaninindigan ko ba ang palagi at masayang
pagtitiis na huwag malagay
• ang aking iniibig sa panganib ng pagkakasala? Pinabababa ko ba ang kadakilaan ng tunay na
pag-ibig sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng masagwang kahulugan? Ipinagkakamali ko ba
ito sa pagiging makasarili at paghahanap ng kasiyahan ng katawan?
• Nawiwili ba ako sa mga gawa na nag-uudyok sa akin sa masamang damdamin katulad ng
“pang-aakbay”, “paghipo- hipo”, o mahalay na halik at matagal na yakapan?

• (Para sa mga may-asawa)


• Naging tapat ba ako sa aking asawa sa isip at gawa?
• Gumamit ba ako ng pildoras o iba pang paraan na artipisyal upang makaiwas sa
pagbubuntis?
• Hinikayat ko ba ang iba na gumawa rin nito?
• Ginamit ko ba ang Sakramento ng Kasal upang maipadama ko sa aking asawa ang tunay at
hindi makasariling pagmamahal, o para lamang mapagbigyan ang aking makamundong
pagnanasa?

7 & 10. HUWAG KANG MAGNAKAW. HUWAG MONG PAGNASAHAN ANG ARI-ARIAN NG
IYONG KAPWA.”(EX 20:15, 17)

• Iginalang ko ba ang pag-aari ng iba?


• Ako ba’y nakasira ng pag-aari ng bayan?
• Ako ba’y nagnakaw? Isinauli ko ba ang aking ninakaw, o binayaran ang halaga nito?
• Nandaya ba ako sa paaralan o sa hanapbuhay?
• Naging tapat ba ako sa aking trabaho at ginampanan ko ba nang buong husay ito?
• Makatarungan ba ako sa pagbabayad sa aking mga empleyado, sa pagbabayad ng aking
buwis at iba pang dapat bayaran?
• Nainggit ba ako sa kayamanan ng iba at sa kanilang tagumpay?
• Nag-aksaya ba ako ng oras at mga pagkakataon?
• Naging sakim ba ako? Nagtataglay ba ako ng makalupang pananaw sa buhay?

8. “HUWAG KANG MAGSINUNGALING LABAN SA IYONG KAPWA” (EX 20:16)

• Ako ba’y nagsinungaling para ipagtanggol ang aking kayabangan o para magdulot ng
kapahamakan sa iba?
5
• Ako ba’y nagsinungaling sa loob ng hukuman?
• Nagkalat ba ako ng tsismis na makasisirang puri sa aking kapwa?
• Mayroon ba akong pinaratangan, bagamat ito’y walang katotohanan?
• Hinusgahan ko ba ang iba nang walang pasubali?
• Ako ba’y isang taong may kinikilingan?
• Kaya ko bang timbangin nang wasto ang katotohanan at pagiging mapagbigay?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PRAYER BEFORE CONFESSION


O most merciful God! Prostrate at your feet, I implore your forgiveness. I sincerely desire to
leave all my evil ways and to confess my sins with all sincerity to you and to your priest. I am a
sinner, have mercy on me, O Lord. Give me a lively faith and a firm hope in the Passion of my
Redeemer. Give me, for your mercy´s sake a sorrow for having offended so good a God. Mary,
my mother, refuge of sinners, pray for me that I may make a good confession. Amen.

Itong PANALANGIN NG PAGSISISI O ACT OF CONTRITION (English) ay dinadasal natin palagi.


Lalo na kapag naghahanda na tayo sa pangungumpisal. Minsan pinadadasal ito ng pari sa
kanyang harapan bago ibigay niya ang absolution o pagpapatawad. )

PANALANGIN NG PAGSISISI (Tagalog)


Diyos ko, pinagsisisihan kong lubos ang pagkakasala ko sa iyo, sapagkat natatakot ako sa
pagkawala ng langit at sa mga hirap sa impiyerno, subalit higit sa lahat, sapagkat nagkasala ako
sa iyo, Diyos ko, na ubod ng kabutihan at karapat-dapat sa buo kong pag-ibig. Nagtitika akong
lubos, sa tulong ng Iyong biyaya, na iwasan ang mga kasalanan at ang mga pagkakataon ng
pagkakasala at tuparin ang g autos mo. Amen.

ACT OF CONTRITION (English)

My God, I am sorry for my sins with all my heart. In choosing to do wrong and failing to do
good, I have sinned against you whom I should love above all things. 
I firmly intend, with your help, to do penance, to sin no more, and to avoid whatever leads me
to sin.
Our Savior Jesus Christ suffered and died for us. In his name, my God, have mercy.

Ang mabunga at mabuting pagkukumpisal ay nasasalig sa mabuting paghahanda. Narito ang


mga hakbang na dapat mong gampanan upang ang iyong pagtanggap ng sakramento ng
Pakikipagsundo sa Diyos ay maging karapat-dapat at mabisa:
6
A STEP-BY-STEP GUIDE TO CONFESSION
BEFORE GOING TO CONFESSION

BEFORE CONFESSION DAY)


1. Pray. Ask God to give you the grace to make a good confession.

2. Examine your conscience. Reflect on your life, trying to recall all the times you sinned
against God since your last confession. Use an Examination of Conscience to help you.

3. Be truly sorry for your sins.

4. Make the resolution to avoid committing these sins in the future.

CONFESSION DAY /DURING CONFESSION: (Habang papunta o naghihintay sa pari


na magpapakumpisal, panatilihin ang katahimikan. Maintain a prayerful atmosphere.)

1. Upon entering the confessional take your place. You may choose to either confess
anonymously by going behind the screen or by going face-to-face if this option is available.
Depending on the confessional, you may either kneel or sit.

2. Greet the priest. A simple “Good Morning” or “Good Evening” will do.

3. Then make the sign of the Cross and say the following: “Bless me father, for I
have sinned. It has been (state how many days, weeks, months, or years) since
my last confession. These are my sins.”

(Mas maganda mangungumpisal gamit ang sariling salita kung saan ka mas “at
home” ....” Basbasan mo ako Father sapagkat ako’y nagkasala. Ang huli ko pong
pagkumpisal ay noong_____________ or (ilang taon na ang nakalipas).....Ito po ang
mga nagawa kong mga kasalanan...............)

4. At this time, confess your sins briefly and clearly. It might be helpful to start with the one
that is most difficult to say since it will make it easier to mention the rest. Remember that for a
confession to be valid all mortal sins must be confessed. If you do not know whether a sin is
mortal or not, ask the priest for guidance. If you do not know what to say, feel uneasy or
ashamed, simply ask the priest to assist you. Be assured that he will help you to make a good
7
confession. Simply answer the questions he might ask you without hiding anything out of
shame or fear. Place your trust in God who is your merciful Father and wants to forgive you.

5. When you finish confessing your sins, say: “…and I am truly sorry for all my sins.”
6. The priest will then give you some words of advice and/or encouragement to help you
become a better person and a more faithful disciple of Jesus Christ.

7. Following this, he will assign you a penance which you are to do when you leave the
confessional. It might be something like saying a few prayers, doing an act of charity, or
making some sacrifice. Whatever it is, make sure that you understand it clearly and that you
remember to do it later.

8. After giving you the penance, the priest will ask you to say the Act of Contrition. You may
say whichever one you know. If you do not know an Act of Contrition, ask the priest to assist
you. (Minsan hindi ito pinapadasal sa harap niya.

9. When you are finished praying the Act of Contrition, the priest will say the
Prayer of Absolution. Listen attentively to that prayer, bless yourself as he makes
the Sign of the Cross and at the end of the prayer, answer, “Amen.”

10. After giving you absolution, the priest will say, “Give thanks to the Lord for He
is good.” at which you respond, “His mercy endures forever.” The priest then concludes by
saying, “Your sins are forgiven. Go in peace.” And you respond, “Thanks be to God.”/ Salamat
sa Dios”

AFTER CONFESSION:

1. Say a prayer of thanksgiving. Give thanks to God for the gift of his infinite mercy and for the
sacrament you have just received. (Panatilihin ang katahimikan at namnamin ang pag-ibig at
pagpapatawad ng Diyos sa Sakramento ng Kumpisal).

2. Do your penance. It is advisable that you do your penance as soon as possible so that you
will not forget to do.

(Penance: yong pinapagawa sa iyo ng pari o assignment. Tutuparin ito. Kung dasal, dasalin na
bago umuwi.)

Kung hindi saulo ang basic prayers, (Our Father, Hail Mary, Glory be..) magdala ng copya nito
in case ipapadasal ng pari pagkatapos magkumpisal.

8
PANATILIHIN ANG KATAHIMIKAN. Kung kailangan magsalita : modulated lang ang volume ng
boses.)

Note: Ilista ang “sins” nang hindi makakalimutan during confession. Sayang kung makakalimutan, hindi yon
maisali sa forgiveness na igagawad ng pari. Walang itatago na kasalanan.

You might also like