Fil8 Summative q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

FILIPINO 8

SUMMATIVE TEST_1
1. Dapat basahin ang Florante at Laura dahil ____________.
A. maganda sa pandinig C. madamdamin ang nilalaman
B. makasaysayan sa Pilipinas D. malaki ang ambag sa ekonomiya
2. Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang Florante at Laura dahil ito ay _____________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
3. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat _____________.
A. isinulat ng bayani C. sumikat sa panahon ng Espanyol
B. walang kamatayan ang sumulat D. maituturing na walang kamatayan
4. Mahalaga kay Apolinario Mabini ang Florante at Laura dahil ____________.
A. mabuti siyang bayani C. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
B. naisulat niya ito sa papel D. inihalimbawang kadakilaan ng Pilipino
5. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan, nagdulot ito sa
kasalukuyan ng _______________.
A. kahirapan B. kasamaan C. pagsalamin D. pagbalikwas
6. Naisulat ang Florante at Laura ni Kiko dahil kay_______________.
A. Mariluz Anne Rivera C. Maria Asuncion Rivera
B. Maria Annaliza Ramos D. Magdalena Ana Ramos
8. Naisulat ang Florante at Laura dahil sa _______________.
A. galit B. pananalig C. paghihiganti D. pagmamahal
7. Sa kaniya inialay ni Francisco Balagtas ang damdaming nakapaloob sa Florante at Laura.
A. Maria Ana Ramos C. Magdalena Ana Ramos
B. Maria Asuncion Rivera D. Magdalena Asuncion Rivera
8. Ito ang pangyayaring nagpapakita na inalala at hindi malilimutan ni Balagtas si Celia maliban sa isa.
A. Isiniwalat niya na si Celia ay may sagisag na M.A.R
B. Ginugunita niya ang masasaya nilang suyuan sa ilog Beata at Hilom.
C. Kusang inilimbag niya sa kaniyang puso at panimdim ang larawan ni Celia.
D. Binanggit niya na ang kaniyang pag-ibig ay dadalhin niya hanggang kamatayan.
9. Ang sumusunod ay mga pangunahing kaisipan sa bahaging “Sa Babasa Nito” maliban sa isa.
A. Huwag babaguhin ang kaniyang sariling berso.
B. Huwag tutulad kay Balagtas sa pagsulat ng awit.
C. Sumangguni sa talababa upang maunawaan ang kahulugan ng mga salitang may tandang letra.
D. Basahin ang simula hanggang dulo ng awit upang maunawaan ang kabuoang kuwento at makita ang
kagandahan nito.
10. Ang sumusunod ay mga ilog na pinangyarihan ng suyuan nina Balagtas at Celia maliban sa isa.
A. ilog Beata C. ilog ng Makati
B. ilog Hilom D. ilog ng Pasig
11. Ito ang damdamin ni Balagtas sa bahaging “Sa Babasa Nito”.
A. masaya B. nagpapaalam C. nangangamba D. nangungulila
12. Ito ang dahilan kung bakit Celia ang tawag ni Francisco Balagtas kay Maria Asuncion Rivera.
A. Si Maria Asuncion Rivera ay mahilig sa bulaklak na Celia.
B. Si Maria Asuncion Rivera ay tagasunod ni Sta. Cecilia.
C. Inihalintulad ni Balagtas si Maria Asuncion Rivera kay Sta. Cecilia na patron ng musika.
D. Inihalintulad ni Balagtas si Maria Asuncion Rivera sa kagandahan ni Sta. Cecilia.
13. Ang sumusunod ay mahahalagang pangyayari sa bahaging “Kay Celia”maliban sa isa.
A. Isiniwalat ni Balagtas na si Celia ay si M.A.R.
B. Inalala ni Balagtas ang masasayang suyuan nila ni Celia.
C. Binanggit ni Balagtas na si Celia ang dahilan ng kaniyang pagkakakulong.
D. Inilahad niya na ang kaniyang pag-ibig kay Celia ay babaunin niya hanggang kamatayan.
14. Ito ang damdaming namayani sa saknong sa ibaba.
“Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay, ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka’y aking kamatayan, , sa puso ko Celia’y di ka mapaparam.”
A. kalungkutan C. paghihinagpis
B. kasayahan D. pangungulila
4. Ito ang kaisipang nakapaloob sa saknong sa ibaba.
“Lumipas ang araw na lubhang matamis , at walang natira kundi ang pag-ibig---
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib, hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.”
A. Wala nang natira sa kanilang pag-iibigan.
B. Dinala niya ang kaniyang pag-ibig sa libingan.
C. Dadalhin niya ang pag-ibig hanggang sa kamatayan.
D. Lumipas ang kaniyang pag-ibig kasabay ng paglipas ng taon.

FILIPINO 8
PERFORMANCE TASK_1

Panuto: Sumulat sa hiwalay na papel ng isang sanaysay na magbibigayhinuha sa kahalagahan ng


pag-aaral ng Florante at Laura kaugnay sa kaligirang pangkasaysayan nito ayon sa:
A. kalagayan ng lipunan noong maisulat ito,
B. layunin ng pagsulat, at
C. epekto ng akda pagkatapos maisulat ito.
FILIPINO 8
SUMMATIVE TEST_2
1. Sa pagsulat ng monologo, kaninong damdamin ang ipinakikita nito?
A. sa babasa B. sa tauhan C. sa may-akda D. sa manonood
2. Anong uri ng pahayag ang “dalawang bungang nalagas”?
A. simbolo C. eupemistikong pahayag
B. talasalitaan D. matalinghagang ekspresyon
3. Ano ang kahulugan ng tayutay na “katulad ng isang bulak, malambot”?
A. mabait na tao C. pagtutulad sa bulak
B. kawangis ng bula D. mapagkumbabang nilalang2
4. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag na “Parang ilaw na bagong sindi ang
kaniyang mga mata nang marinig ang balita tungkol sa pag-angat niya sa posisyon?”
A. kagalingan B. maaasahan C. maalalahanin D. pag-asa
5. Anong damdamin ang mayroon sa bahaging ito ng monologo?
“Paano na ‘ko? Paano ako mabubuhay sa magulo at masalimuot na mundong ‘to?”
A. malungkot B. masaya C. nangungulila D. takot
6. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng monologo?
A. emosyon B. iskrip C. tauhan D. salita
7. Ano ang hinaing ng morong gerero nang mapadpad siya sa loob ng kagubatan?
A. Inagaw ang kaniyang kasintahan.
B. Malabong maging sila ng kaniyang kasintahan.
C. Naayos ang buhay niya dahil sa kaniyang natamo.
D. Paaalisin ang mga taong nagbigay sa kaniya ng pasakit.
8. Anong damdamin ang lutang na lutang sa pahayag sa ibaba?
“Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan, ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay,
bago’y ang bandila ng lalong kasam’an, sa Reynong Albanya’y iniwawagayway.
A. galit B. paghihiganti C. pagmamahal D. takot
9. Anong loob kaya nitong kagapos, ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog, isang kamatayang kakila-kilabot!
Paano inilarawan ang tagpuan sa saknong?
A. Nangangalit na mga hayop sa loob ng kagubatan.
B. Isang binatang nakagapos sa puno at wala ng buhay.
C. Nililigiran ng mababangis na hayop ang buong kagubatan.
D. Mayroong dalawang kakila-kilabot na hayop na nakapaligid sa binatang nakagapos.
10. Hanggang dito ama’y aking naririnig, nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis;
ang panambitan mo’t dalangin sa Langit, na ako’y maligtas sa kukong malupit.
Ayon sa tagpuan sa saknong, sino ang nananambitan at dumadalangin?
A. ama B.anak C. binata D. dalaga
11. Paalam, Albanyang pinamamayanan ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan,
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay sa iyo’y malaki ang panghihinayang!
Ang sumusunod na salita ay pagsasalarawan sa Albanya, alin ang salitang hindi nabanggit?
A. bangis B. hinagpis C. kaliluhan D. kasamaan
12. Alin sa sumusunod na parirala sa ibaba ang tumutukoy sa isang napakaimportanteng bagay na
naganap o maaaring maganap pa lamang sa buhay ng isang tao na hindi dapat makalimutan sapagkat ito
ay maaaring magamit kapag kailangan ang lohikal na kasagutan?
A. tagumpay na nakamit C. suliraning nasolusyunan
B. malungkot na karanasan D. mahahalagang pangyayari
13. Sa sintang inagaw ang itinatangis, dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig sa amang namatay na mapagtangkilik.
Anong mahalagang pangyayari sa saknong ang dahilan ng matinding pagluha ng binata?
A. pagtataksil sa kaniya ng mga taong minamahal niya
B.pagkaagaw ng kaniyang sinta at pagkamatay ng kaniyang ama
C.binugbog at pinahirapan siya ng kaniyang karibal kasama ang mga kaanib nito
D.pagkawala ng kaniyang minamahal na kaharian at pagkamatay ng kaniyang ina
14. Sa abang-aba ko! Diyata, O Laura, mamamatay ako’y hindi mo na sinta
ito ang mapait sa lahat ng dusa; sa akin ay sino’ng mag-aalaala?
Ayon sa pangyayari sa saknong, sino ang hinahangad ng binata na mag-aalala sa kaniya?
A. Adolfo B.kaniyang ina C. kaniyang ama D. Laura
15. Anyong pantay-mata ang lagay ng araw niyong pagkatungo sa kalulunuran,
siyang pagkatalos sa kinalalagyan, nitong nagagapos na kahambal-hambal.
Ayon sa mahalagang pangyayari sa saknong, anong oras naganap ito?
A. dapit-hapon B.madaling-araw C. bukang-liwayway D. tanghaling tapat

FILIPINO 8
PERFORMANCE TASK_2
FILIPINO 8
SUMMATIVE TEST_3
Panuto: Piliin ang wastong salitang nanghihikayat upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang Morong Gerero ay __________ na matapang.
A. siyanga B. talaga C. totoo D. tunay
2. Kailangan __________ nating magkaisa sa kabila ng pagkakaiba ng ating pananaw.
A. siyanga B. talaga C. totoo D. tunay
3. “Hindi masama ang pagtulong sa kapuwa kahit magkaiba ang inyong lahi o pinagmulan,” ani Aladin.
“__________,” tugon ni Florante.
A. Siyanga B. Siyempre C. Talaga D. Tunay
4. __________ ngang ang mga magulang ay uliran sa bait at pangunahin sa tapang; walang kapantay
magmahal sa anak, magturo at mag-akay.
A. Naniniwala ako B. Siyempre C. Tumpak D. Tunay
5. __________ ngang “Para sa halamang lumaki sa tubig, daho’y malalanta munting ‘di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init, gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig.”
A. Oo B. Siyempre C. Totoo D. Tumpak
6. __________ sa pahayag na, “Marami mang pagsubok at suliraning dinanas, lahat ng mga ito’y
mapagtatagumpayan kung may pananalig sa Diyos.”
A. Naniniwala ako B. Talaga naman C. Tama nga D. Tunay na
7. Ano ang isang pag-uudyok na magsagawa ng kilos sa pag-uugali, na nabuo ng isang sistema ng mga
pangangailangan ng tao sa iba't ibang antas?
A. damdamin B. kilos C. motibo D. pantasya
8. Bakit mahalagang malaman kung ano ang nararamdaman ng isang tauhan sa akda?
A. makilala ito nang lubusan
B. hindi magkasakit sa puso
C. maging kapalagayang loob ito
D. malaman ang mga dapat gawing aksiyon o solusyon na Mangyayari
9. Sinlungkot ng bagyo, simbigat ng bato ang nararamdaman ng anak na gaya ko
Anong damdamin ang ipinakikita ng linyang mula sa “Gintong Sakripisyo”?
A. pagkagalit B. pagkagalak C. pagkagulat D. pagkatuwa
10. “Dito na nahubdan ang kababayan kong hiram na bait na binalatkayo,
kahinhinang asal na pakitang-tao nakilalang hindi bukal kay Adolfo.”
Ano ang naging damdamin ni Florante sa saknong na ito?
A. pag-aalinlangan B. pag-asam C. pagkagulat D. pagtanggap
11. “May sambuwan halos na di nakakain, luha sa mata ko’y di mapigil-pigil;
ngunit napayapa sa laging pag-aliw ng bunying maestrong may kupkop sa akin.”
A. humalakhak B. kumanta C. sumayaw D. umiyak
12. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin, aywan kung bakit at naririmarim,
si Adolfo nama’y gayon din sa akin, nararamdaman ko kahit lubhang lihim.”
A. magalit B. magmahal C. magtaka D. magulat
13. “Sa loob ng anim na taong lumakad itong tatlong dunong ay aking niyakap,
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak.”
A. ikinagalit B. ikinatuwa C. ipinagwalang bahala D. tinanggap
14. “Gumawa nang tama sa kapuwa ;Diyos ang gagantimpala; Buhay mo’y mapupuno ng biyaya”
Anong motibo ang ipinapakita sa islogan na nasa itaas?
A. magdasal tuwina C. gumawa nang tahimik
B. gumawa nang mabuti D. magpamigay ng pera
15. “Huwag kalimutang bumigkas Ng isang pasasalamat Sa taong sa iyo’y nagligtas”
Anong damdamin ang ipinapahayag sa islogan na nasa itaas?
A. magdiwang B. magmahal C. magpanggap D. magpasalamat
FILIPINO 8
PERFORMANCE TASK_3
FILIPINO 8
SUMMATIVE TEST_4
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot at
isulat sa hiwalay na papel.
1. Ang ____________ ng radyo ang nangangasiwa sa mga balitang
isasahimpapawid sa radyo at namamahala sa kabuoan ng pagbabalita.
A. announcer B. news director C. komentarista D. field reporter
2. Ang ____________ ay isang uri ng pamamahayag sa paraang pasalita at pasulat na nag-uulat ng mga
kaganapan sa ating bansa.
A. interbyu B. komentaryo C. radio broadcast D. pagsasahimpapawid
3. Ang OBB ay nangangahulugang pagbubukas ng ____________ sa pagsisimula ng pagsasahimpapawid.
A. billboard B. dead air C. closing of the billboard D. opening of the billboard
4. Magsasagawa rin ng ___________ ang mga tagapagbalita sa mga taong may kinalaman sa isyung
tinatalakay upang mapatunayan ang totoong nangyari.
A. interbyu B. komentaryO C. radio broadcast D. pagsasahimpapawid
5. Hindi na nagbibigay ng ____________ ang ilang tagapagbalita dahil sa kakapusan sa oras.
A. interbyu B. komentaryo C. radio broadcast D. pagsasahimpapawid
6. Kailangang malinaw ang ___________ ng mga balita upang maintindihan ng mga tagapakinig ang mga
balita at mahikayat silang makinig sa programa.
A. interbyu B. komentaryo C. radio broadcast D. pagsasahimpapawid
7. Sa pagbubukas ng programa sa radyo, kinakailangan ng pangalan ng istasyon. Alin sa mga sumusunod
na linya mula sa Florante at Laura ang maaaring pagbatayan nito?
A. Sintang Florante C. Kupido ng Pag-ibig
B. Magandang dilag D. Pebo ningning ng liwanag mo
8. Sa pagbuo ng balitang showbiz, anong hakbang sa paggawa ng kawiliwiling balitang panradyo ang
mainit na isyung mabubuo sa saknong 329?
“Lumago ang binhing mula sa Atenas ipinunlang nasang ako’y ipahamak;
kay Adolfo’y walang bagay na masaklap, para ng buhay kong hindi nauutas.”
A. Ang pagpugot sa ulo ni Laura.
B. Ang patibong ni Adolfo kay Florante.
C. Ang unang pagtatagpo nina Florante at Laura.
D. Ang tagumpay na tinamo nina Florante at Menandro
Para sa bilang 3-6
Isko: Haring Linceo, hinatulan ng bitay dahil umano sa layunin nitong pabagsakin ang ekonomiya ng
Albanya sa pamamagitan ng paglalagay ng estangke sa mga kakani’t trigo na siyang pangunahing
ikinabubuhay ng mga Albanyo.
Selly: Naku partner, galit na galit nga ang mamamayan ng Albanya sa Hari kung kaya’t sila ay nag-
rally sa harap ng palasyo real para igiit na ito ay mamatay na.
Isko: Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng mamamayan ng Albanya.
Selly: Isa ngang malaking balita ito ngayong taon, na talaga namang ikinagulat ng lahat dahil kilala sa
mabuting gawi at tapat sa kaniyang nasasakupan ang Hari.
Isko: Kaya nga, may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy na naniniwala sa kaniya ngunit, mas
malakas pa rin ang hiling ng marami na siya’y pababain na sa trono.
Selly: Totoo, partner, Panginoon na ang bahala, masunod nawa ang Kaniyang kalooban para sa abang
kapalaran ng Hari.
9. Anong salita ang nagpapakita ng pagsang-ayon sa nakasalungguhit na
pahayag?
A. bahala B. nawa C. para D. totoo
10. Anong pananaw ng pagsang-ayon ang ipinahayag ng tagapagbalitang si Isko nang malaman nito ang
naganap na rally sa palasyo?
A. Totoo, partner, Panginoon na ang bahala.
B. Naku, partner, galit na galit nga ang mamamayan ng Albanya sa Hari.
C. Kaya nga may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy na naniniwala sa kaniya.
D. Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng mamamayan ng Albanya.
11. Paano inilahad ng mga tagapagbalita ang kanilang mga paniniwala at pagpapahalaga sa isyung
tinalakay?
A. pagtukoy ng mahahalagang detalye
B. paglalahad ng mga opinyon at pananaw
C. paggamit ng mga makatawag-pansing salita
D. paggamit ng mga salitang may pagsang-ayon at pagsalungat
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagsalungat?
A. Layunin nitong pabagsakin ang ekonomiya ng Albanya.
B. Kaya’t sila ay nag-rally sa harap ng palasyo real para igiit na ito ay mamatay na.
C. Ngunit mas malakas pa rin ang hiling ng marami na siya’y pababain na sa trono.
D. Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng mamamayan ng Albanya.
Para sa bilang 7-10
390. “Kapagdating dito ako’y dinadahas at ibig ilugso ang puri kong ingat;
mana’y isang tunod na kung saan buhat, pumako sa dibdib ni Adolfong sukab…”
391. Sagot ni Flerida: “Nang dito’y sumapit ay may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko’y binibigyang-sakit, nahambal ang aking mahabaging dibdib.
392. “Nang paghanapin ko’y ikaw ang nataos, pinipilit niyong taong balakiyot;
hindi ko nabata’t bininit sa busog ang isang palasong sa lilo’y tumapos…”
8. Kung ikaw si Flerida, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagliligtas kay Laura?
A. Opo, kasi naaawa ako kay Laura.
B. Opo, kasi hindi ko matitiis na makita ang ganoong pang-aabuso sa isang babae.
C. Hindi po, kasi baka pareho kaming mapahamak.
D. Hindi po, dahil mapanghihinaan din ako ng loob at hindi na ako makalalaban.
9. Ano ang maaaring ilapat na isyung panlipunan sa paksa ng saknong bilang 390 sa isang radio
broadcast?
A. korapsiyon B. cyber bullying C. death penalty D. pang-aabuso sa kababaihan
10. Anong angkop na balita para sa isang radio broadcast ang maaaring mailapat sa isyung panlipunan sa
saknong bilang 390?
A. Adolfo, hinatulan ng death penalty
B. Adolfo, kinasuhan ng cyber bullying
C. Adolfo, kinasuhan ng graft and corruption ng DOJ
D. Adolfo, kinasuhan ng Violence Against Women and Children (VAWC) ni Laura
FILIPINO 8
PERFORMANCE TASK_4

You might also like