Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

NAME: KATHRINE JANE O.

NO-AY SUBJECT: Philippine Popular Culture

COURSE: BS- INFORMATION TECHNOLOGY SECTION BR– (M-W-F 6:00-7:00 pm)

PAGSASANAY

Gawain # 1
Panuto: Sa mga Kulturang Pinoy, alin sa mga ito ang labis mong
pinahahalagahan at isinasagawa pa rin sa inyong tahanan. Gawan ito ng
maikling sanaysay na may 2-3 talata. Pansinin ang sumusunod na
krayterya sa ibaba upang magabayan sa gagawing pagmamarka.

ANSWER: Sa kulturang pinoy na palagi ko ring ginagawa ay ang


pagmamano sa matatanda at pag gamit nang po at opo pag
kinakausap ang mas matanda sakin. Ang pagmamano at pag gamit
ng po at opo sa matatanda ay nagpapakita ng respeto sa kanila. Ito
rin ay bilang sa kultura ngf mga Pilipino na kahit ngayon henerasyon
ay gigamit pa rin ito. Ang pagmamano ay isinasagawang pagbati sa
natatanda at sabay sabi nang “Mano po “ . Ang Po at Opo naman ay
isinasagawa pang ikaw ay kinakausap o tinatawag.
Gawain # 2
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing bidyo na may 3-5 minuto na
naglalaman o nagpapakita ng iba’t ibang Kulturang Pinoy na isinasagawa
noon hanggang ngayon. Pansinin ang sumusunod na krayterya sa ibaba
upang magabayan sa gagawing pagmamarka.
PAGTATAYA
I. PAGKILALA
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Isulat
ang sagot sa inilaang patlang bago ang bilang. (5pts.)

Kulturang popular 1. Ito ay isang paraan ng tao para maramdaman ang


pagtanggap sa kanila ng nakararami.
Kultura 2. Ito ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo
ng tao o komunidad.
Arnis 3. Ito ang pambansang laro sa Pilipinas.

Pakikisama 4. Ito ay kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng


maganda at mabuting pakikitungo.
Luksong Tinik 5. Ito ay isang napakasikat na laro sa mga kabataang
Pilipino na kung saan kailangang lumundag sa tinik at
tumawid sa kabila upang hindi masaktan.

II. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. (Limang puntos bawat bilang
na may kabuuang 20 puntos).
1. Bakit mahalagang mabatid at pag-aralan ng ilang estudyanteng kagaya
mo ang mga Kulturang Pinoy at Kulturang Popular? Ipaliwanag.
Mahalaga sa aking bilang mag aral na mabatid o mapag aralan ko
ang kulturang pinoy at kulturang popular dahil ito ay nagpapakita ng
kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan, at kasabihang nagagamit mula
pa noon hanggang ngayon na ating ginagamit sa kasalukuyan. Dahil dito
marami tayong natutunan bilang tao na pwede pala nating gawin at pag
aksyahan ng oras na tayo ay napapasaya kagaya lang nang sa sining natuto
tayong mag drawing, paggawa ng mga kagamitan gamit lang ng ating mga
indigenous material na makikita lang o makukuha sa ating mga likas na
yaman. Hindi lang sa paglalaro ng arnis ay natutoto rin tayo kung paano
gawin ang self defense dahil ang arnis ay isang laro na nabibilang sa martial
arts. Isang laro rin na sikat sa ating bansa ay ang paglaro ng luksong tinik ito
ay ating pambansang laro na isang napakasikat na laro sa mga kabataang
Pilipino kung saan kailangang lumundag sa tinik at tumawid sa kabila nang
hindi masaktan. Kabilang din sa mga ibang laro ng lahing Pilipino ang yo-yo,
piko, patintero, bahay kubo, pusoy, at sungka. At marami pang iba.

2. Makikita pa ba sa kasalukuyang panahon ang mga Kulturang Pinoy na


natalakay? Patunayan.
Oo, makikita parin ito sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng
kulturang pinoy kagaya lang ng “paggalang sa mga matatanda” dahil lubos
na magalang ang mga Pilipino, mapa-matanda man o bata, kahit sino pa
ang kausap, magalang ang pananalita ng mga lokal. Ilan sa mga tanda ng
paggalang sa matatanda ay ang pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo”,
pagtulong sa kapwa, at marami pang iba. Importante ito sa mga Pinoy kaya
ang paggalang sa kapwa ay isa sa mga pinapahalagahang kaugalian ng
mga Pilipino.
3. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa Kulturang Pinoy?
Patunayan.
Sa makabagong panahon ay nananatili pa rin ang pagpapahalaga at
pag mamahal ng mga Pilipino sa ating kultura. Para sa akin ipapakita ko to
sa aking kapwa sa pag hubog ko sa kanila sa ating kulturang sining,
ipakilala ko sa kanila ang ating kulturang sining kung paano ang pagguhit,
pagbuburda, paghahabi at pag-uukit. Dahil isa rin ito sa ating pagkukunan
nang pangkabuhayan.

4. Ano sa palagay mo ang sinasalamin ng kultura?


Sa aking palagay ang sinsalamin ng kultura ay ang kung ano ang
kakayahan ng bawat tao dahil ito rin ang paraan ng pamumuhay ng mga
tao. Bawat bansa o lugar ay may kanya kanyang kultura na pinaniwalaan
na nasisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. At para sa aking pananaw
ang kultura ay nagsisilbing ideya sa ating mga tao kung paano
mamumuhay ng payapa , may prinsipyo , may mabuting asal, mapagmahal
sa kapwa at sa likas na yaman o sa ating kalikasan.Kaya huwag nating
balewalain ang ating kultura sa halip ay alagaan natin ito at itaguyod

You might also like