Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSUSURI NG MAIKLING PELIKULA

Pamagat ng Akda: An Unexpected Love

May-akda: Ezhra Dela Torre

Mga tauhan:

 Paul – isang hopeless romantic; ang naglalahad ng kuwento


 Nicole – matapang na babae at di umuurong
 Xander – matiyaga na hinanap ang kaniyang gusto
 Kram – hindi niya gusto si Cyrus noong una at naging matigas siya dito
 Cyrus – isang lalaki na hindi tumitigil sa pagmamahal kahit na nasasaktan
 Sam – suplada ngunit malambot kay Nash; Paborito niya ang mga kanta ni Jireh Lim
 Nash – parehas sila ni Sam na suplado at paborito rin ang mga kanta ni Jireh Lim
 Kirstin – mas matanda kay Brix; habulin ng mga lalaki
 Brix – naniniwala sa kasabihan na “age doesn’t matter”; mahilig sa mga pustahan
 Pash – ang babaeng nagbigay ng sagot kay Paul sa dulo

Buod o Lagom ng Katha:

Ang kuwento ng “An Unexpected Love” nagsimula kay Paul at ang kanyang pagkukuwento
tungkol sa kaniyang sinasabi na dream girls at dream love. Mayroong apat na dream love si
Paul at ito ay ang mga kwento ng pag-iibigan ni Nicole at Xander, Kram at Cyrus, Sam at Nash,
pagkatapos ay si Kirstin at Brix. Isa-isa niyang kinuwento sa kaniyang kasamang kaibigan ang
mga love story na ito.

Ang storya nina Nicole at Xander ay nagsimula sa tensyon dahil sa una nilang pagkikita na hindi
naging maganda ang kinahantungan dahil tinulak ni Nicole si Xander. Kinalaunan ay nahanap
ulit nila ang isa’t isa at nagsimula na gumawa ng masayang mga memorya. Panagalawang
kuwento ay ang kina Kram at Cyrus. Ang pag-iibigan nila ay nagsimula sa isang one sided love
kung saan nagbibigay nang nagbibigay si Cyrus kay Kram kahit na nasasaktan na siya. Ngunit
dahil ipinakita ni Cyrus kung gaano siya kaseryoso kay Kram at naibalik ni Kram ang
pagmamahal na ibinigay niya. Sumunod naman ay ang relasyon ni Sam at Nash. Si Sam at
Nash ay may parehong pag-uugali dahil sila ay parehas na suplada at suplado. Ngunit nang
makasama nila ang isa’t isa, naging malambot sila parehas. Ngunit naging komplikado ito dahil
sa hindi nila pag-amin ng tunay na nararamdaman. Naglakas loob si Nash na sabihin ang
kanyang damdamin kay Sam at hindi nakakagulat na ganoon din ang pagtingin ni Sam sa
kaniya. At ang panghuli sa dream love na kuwento ni Paul ay ang kay Kirstin at Brix. Ang pag-
iibigan nila ay nagpapakita na love knows no boundaries at kapag pag-ibig ang pinag-uuspan,
age doesn’t matteI. Nagsimula ang kanilang kuwento noong nagpustahan si Brix at ang
kaniyang kaibigan na dapat mapasagot niya si Kirstin at kapag hindi niya ito nagawa, kukunin
niya ang cellphone nito. Maganda ang kanilang naging simula at nagustuhan agad nila ang isa’t
isa. Dumating ang probelma noong nalaman ni Kirstin na pinagpustahan pala siya ni Brix at ang
kaibigan nito. Ngunit dahil mahal ni Brix si Kirstin, agad itong humingi ng tawad na siya naming
tinanggap ni Kirstin.
Matapos maikuwento ni Paul ang apat na istroyang ito, agad naman na may nag-text sa kaniya
upang kitain siya sa isang milktea shop. Ang pangalan ng babae ay si Pash. Pagkadating ni
Pash ay may inabot siyang papel kay Paul na nagsasabing sinasagot na niya si Paul. Nahanap
na ni Paul ang kaniyang sariling dream love at natapos ang kuwento na ang limang mga
magkasintahan ay masaya at mahal ang isa’t isa.

Pagsusuri:

1. Panahong Kinabilangan – Nabibilang sa Modernong Panahon ang pelikula sapagkat


ang mga ganitong pangyayari ng pag-iibigan ay nagaganap pa rin sa ating lipunan
hanggang sa kasalukuyan.

2. Sariling Puna – Hindi pare parehas ang pagsisimula ng bawat pag-ibig at pinakita ito
ng pelikulang ito. Ipinakita nila ang iba’t ibang trope ng mga relasyon. Katulad ng
Enemies to Lovers na sina Nicole at Xander, Unrequited o One-Sided Love na sina Kram
at Cyrus, Oblivious to one’s feelings para kina Sam at Nash, at pagkatapos naman ay Big
Age Gap at It was all a bet tropes naman para kay Kirstin at Brix. Dahil dito, naging
maganda ang daloy ng kanilang mga storya. Maganda din na ginamit ito ng may akda dahil sa
kaniyang pag gamit ng trope ay nagkakaroon ng ideya ang manonood sa kung ano ang
susunod na mangyayari at lalo silang nagiging interesado sa kuwento. Akin din na
nagustuhan na naglagay ang may akda ng iba’ ibang trope sa kuwento upang ito ay mas
maging kapanapanabik ang maikling pelikula. Bilang isang tao na mahilig magbasa ng
mga fictional na libro ay nabasa ko na ang mga trope na ito kung kaya naman sa una ay
medyo hindi ko agad nagustuhan ang pelikula ngunit pagkatapos ko ito mapanood ay
aking napagtanto nai-deliver nila sa ibang paraan ang bawat kuwento na kakaiba sa ibang
mga pelikula o storya.

3. Gintong Kaisipan – Ating mapupulot sa kuwentong ito ang iba’t ibang aral ng iba’t
ibang klase ng pag-ibig. Kay Nicole at Xander ay makikita natin na mabuti na magbigay
ng second chance o pangalawang pagkakataon sa isang tao lalo na kung hindi
maganda ang naging una niyong pagkikita. Nalaman naman natin na may mga
pagmamahal na hindi nasusuklian agad ngunit hindi dapat tayo agad sumuko at ito ay ang
itinuro ng kwento Kram at Cyrus. Natutuhan naman natin na upang hindi magkalabuan ay
dapat agad nating sabihin ang ating nararamdaman sa kuwento nina Sam at Nash. At
sumunod naman ay kina Kirstin at Brix kung saan pinarating nito sa ating mga manonood
na pagdating sap ag-ibig, may mga boundaries tayo na kayang lagpasan. Pinaka gusto ko
ang huling aral na ibinigay naman sa atin ni Paul kung saan binanggit niya na tayo ay
magtiwala sa plano ng Panginoon pagdating sa ating mga relasyon sa buhay at
sigurado na ibibigay niya sa atin ang dream love na ating minimithi katulad na lang ni
Paul.

4. Mga Mungkahi – Sa aking palagay ay dapat mas bigyang kabuluhan ang mga
diyalogo na ginamit ng mga karakter. Hindi ganon kalinaw na naiparating ng mga
diyalogo na nagamit ang mga aral. Pasalamat na lamang sa nag lalahad ng kuwento na
si Paul dahil sya ang nagpapaliwanag sa mga manonood ng aral o tema sa bawat
kuwento niya. Mas magiging maganda din ang maikling pelikulang ito kung binawasan
nila ang mga montage ng bawat pares at sa halip ay pinalitan ng mga eksena na lalong
magbibigay ng mas malalim na storya sa bawat karakter at mas mailarawan sana sila
nang maayos. Naiintindihan ko na nilagay ang mga ito para ipakita ang chemistry ng
bawat pares ngunit dahil dito, naging mababaw ang pagkaka unawa ng mga manonood
sa mga karakter. Nagamit sana ito upang bigyan sila ng mas malalim na background
story upang mas maka-relate sa kanila ang mga manonood.

You might also like