Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

48th Foundation Anniversary at 8th Kadaugan Festival sa Barangay Ned, Lake Sebu, Ginanap!

Matagumpay na ginanap ang 48th Foundation Anniversary at 8th Kadaugan Festival sa


Barangay Ned, Lake Sebu South Cotabato. Ito ay isang linggong selebrasyon sa nasabing
barangay kung saan ay may iba’t ibang mga aktibidades at patimpalak na mas lalong
nagpakulay sa pagdiriwang. Ito ay pinaigting ng temang “Katawhan Nga Nagahiliusa Para Sa
Masadya Kag Mainuswagon Nga Barangay Sa Panahon Sang Pandemya”. Opisyal itong
binuksan noong ika-14 ng Marso at ito ay nagtapos naman noong ika-18 ng Marso ng taong ito.
Pinangunahan ni Honorable Nida S. Paranaque, Kapitana ng barangay, ang isinagawang
anibersaryo at festival sa lugar.

Dinaluhan at sinuportahan ito ni Honorable Reynaldo Tamayo Jr, gobernador ng probinsya,


Honorable Floro S. Gandam, mayor ng Lake Sebu, Honorable Remie M. Unngol, bise-mayor, at
iba pang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan. Nagpakita rin ng malaking suporta ang
San Miguel Corporation sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagdiriwang.

Kasabay ng napakahalagang selebrasyon ay ang mga patimpalak at iba’t ibang aktibidades na


inihanda sa ilalim ng pamamahala ni Kapitan Paranaque. Ang ilan sa mga patimpalak ay
Basketball at Volleyball Tournament, Motor Trail Tournament, Mutya ng Barangay Ned,
Amateur Singing Contest, at iba pa. Samantala, iba’t ibang aktibidades naman ang ginanap
katulad ng Zumba Dance Party, Kasalan ng Barangay, at iba pang mga libreng serbisyo na
inihanda ng gobyerno para sa mamamayan ng barangay.

Sa pagdiriwang ay personal ring narinig ng San Miguel Corporation ang mga hiling ng mga
residente sa Barangay Ned sa pangunguna ng kanilang kapitana ukol sa mga pangakong
pangkaunlaran ng korporasyon tungo sa buong komunidad na kanilang nasasakupan.
Ipinarating naman ng korporasyon ang katiyakan na ang mga ipinangakong programang
pangkabuhayan at mga proyektong pang-imprastraktura ay maisasagawa nang sa gayon ay
matulungan ang barangay sa pagkamit ng kaunlaran at maiangat ang mga buhay ng bawat
mamamayan sa lugar. Layunin ng korporasyon na ang bawat isa ay matulugan tungo sa
pagkamit ng mga pangarap para sa komunidad bilang isang pamilya at wala ni isa ang mapag-
iiwan.

You might also like