Professional Documents
Culture Documents
Q4 Filipino SHS Akad Week 4 ZSP
Q4 Filipino SHS Akad Week 4 ZSP
OUTCOME-BASED EDUCATION
FILIPINO BAITANG
Filipino sa Piling Larang Akademik 11/12
LEARNING KUWARTER 4
MODULE LINGGO 4
KUWARTER 4
LINGGO 4
Development Team
Aprilyn R. Ramos
Zorayda S. Paguyo
Paano Mo Matututuhan?
Upang makamit at ganap na mabatid ang mga inaasahan, sikaping isakatuparan ang
mga sumusunod:
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung wasto ang
ideyang taglay nito at MALI naman kung hindi ito wasto.
Natutuhan mo rin na dahil masasabing personal ang sulating ito, hindi ibig sabihing maaari
ng isulat ang lahat ng pumasok sa isipan. Kailangan pa rin nitong sumunod sa mga alituntunin ng
pagsulat ng akademikong akda, tulad ng organisasyon at kaisahan ng mga ideya, wastong
gramatika, paggamit ng bantas at ng mga makatotohanang ebidensiya bilang suporta sa mga
personal na pahayag, at iba pa.
May tatlong mahahalagang bahagi ang replektibong sanaysay na dapat kabisahin upang
makasulat ng isang epektibong sulatin. Ito ay ang panimula, katawan, at konklusyon. Bawat
bahagi ay may mahalagang gampanin upang makabuo ng isang komprehensibo at mahusay na
sulatin.
Dapat ring mabatid na gumagamit ng mga wikang pormal ang sulating ito, yaong mga
salitang piling-pili na kaugnay sa pinapaksa at hindi gumagamit ng mga kolokyal o balbal na
salita – ito ang tinatawag na mga salita o terminong akademiko.
Ngayon ay handa ka nang higit na pag-aralan ang mga konseptong ito. Basahin at
unawain mong maigi ang mga sumusunod upang maging handa sa kalakip nitong mga gawain
o pagsasanay.
Unahin nating pag-aralang ang mga dapat ikonsidera at mga hakbang sa pagsulat ng
replektibong sanaysay na susundan ng tungkol sa mga terminong akademiko.
Panimula
Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano,
at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob
ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na
siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.
Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na
inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong
naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag
at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na
magpapatibay sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga
napagnilay-nilayan o mga natutuhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano
nakatulong ang mga karanasang ito sa iyo.
Konklusyon
Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa
pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa
buhay sa hinaharap.
Bilang pagwawakas, maaaring magbigay rin ng hamon sa mga mambabasa na sila man
ay magnilay-nilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong naibahagi o kaya naman ay mag-
iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaan ang replektibong sanaysay ay
isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaaring makapagdulot ng
epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.
Salita/Terminong Akademiko
➢ Ginagamit upang ilarawan ang anomang bagay, kilos, salita, na maaaring iugnay sa
mataaas na edukasyon o akademya.
➢ Hindi kabilang dito ang mga kolokyal at balbal na salita tulad ng mga salitang kalye,
pinaghalong Tagalog at Ingles, jejemon, gay lingo, maging pagbali-baliktad ng mga
salita tulad ng lespu, ermat, petmalu, iskapo, tsiks, na-iprint, beki, mudra, at iba pa.
1. Research o Pananaliksik
▪ Ginagamitan ang mga sulating ito ng akademikong salita para iagapay ito sa uri
ng sinusulat lalo’t ang mga tekstong ito ay pormal na maituturing kaya
nangangailangan ng mga salitang piling-pili at pormal na mga salita na kaugnay sa
larangang pinapaksa.
Suriin ang halimbawa ng sulating ito at ang mga nabilugang akademikong termino na
nagamit.
EDITORYAL
(Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am
tumataas at marami na ang gustong magpabakuna. Kahapon, nadagdagan pa ang mga gustong
magpabakuna, gamit ang Sinovac na dating inaayawan dahil sa mababang efficacy rate.
Halimbawa ay sa Philippine General Hospital (PGH), nadagdagan nang mahigit 100 ang health
magpapabakuna. Noong Lunes, nasa 180 lamang ang nagpabakuna at noong Martes ay umabot
Ayon kay UP-PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, marami sa mga frontliner ang
nagpabakuna makaraang mapag-aralan ang datos ng Sinovac. Nalaman nila na mabisa ang
bakunang ito laban sa matinding epekto ng COVID-19. Bago ang pagdating ng bakuna, mataas
ang porsiyento ng mga gustong magpabakuna pero nang malaman na Sinovac ang ituturok sa
Katwiran nga ng mga nag-backout ay dahil sa mababang efficacy rate ng bakuna mula China.
Sa ibang ospital sa Metro Manila gaya sa Tala Hospital, nadagdagan din ang mga health
workers na nagpabakuna. Ito umano ay ‘yung mga dating nag-backout pero nang malaman na
mabisa ang Sinovac, nagdesisyon na silang magpabakuna. Sa Lung Center of the Philippines
ay tumaas din ang bilang ng health workers na gustong magpabakuna. Inaasahan naman na
magiging matagumpay ang rollout ng bakuna sa mga probinsiya gaya sa Davao at Cebu.
Sinovac.
pinuno ng ospital at iba pang government officials. Sila ang naging halimbawa kaya nawala ang
pagdududa ng health workers. Halimbawa ay ang ginawa ng hepe ng PGH na si Dr. Gerardo
Legaspi na unang nagpabakuna sa harap nang maraming health workers. Naging halimbawa rin
ang iba pang pinuno ng ospital gaya sa V. Luna Medical Center at Lung Center of the
Philippines.
Kapag nanguna ang mga pinuno, mawawala na ang takot at pangamba ng mamamayan.
Sanggunian: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/03/04/2081802/editoryal-tiwala-sa-
bakuna-tumataas-na
________________________
Mga Hakbang/Dapat
Isaalang-alang sa Pagsulat ________________________
ng Replektibong Sanaysay ________________________
________________________
Salitang Akademiko at ________________________
Gamit nito
________________________
“BARRIO DOCTORS”
ni Lehar Cambe
Noong napanood ko ang maikling palabas na ipinakita ng aming guro, naipakita nito
ang sinseridad at debosyon ng mga doktor sa kanilang propesyon. Naglaan sila ng panahon
para mag “medical mission” sa mga taong may karamdaman; naipakita nila ang kanilang
pagmamahal sa mga maysakit sa pamamagitan ng paggamot ng libre. Sa totoo lang, ako ay
namangha sa kanilang ginawa, dahil sa panahon ngayon bihira nalang ang mga doktor na
gumagawa ng ganon. Marami silang ginagawang sakripisyo at pagtitiis, ngunit ginagampanan
pa rin nila ang kanilang responsibilidad bilang isang propesyonal sa lipunan at sa Pilipinas.
Sila ang tunay na nagbibigay ng serbisyo sa mamamayan. Para sa akin, isa silang inspirasyon
sa nakararami dahil sa kanilang kakaibang kakayahan pagdating sa kanilang trabaho. Dahil sa
napanood kong ito, nabuksan ang aking isipan na may mga bagay na dapat akong gampanan
para sa kapwa at hindi lamang sa pansariling kaunlaran, at dapat rin itong maging serbisyo para
sa lahat at isaalang-alang ang ikauunlad ng iba.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung wasto ang
ideyang taglay nito at MALI naman kung hindi ito wasto.
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Kasiya-siya
Kategorya ng Pagpapahusay Puntos
(4) (3) (2)
(1)
Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nangangailangang
napakahusay, mahusay na katamtamang paunlarin ang
Panimula interaktibo at panimula. paraan ng kasanayan sa
kawili-wiling pagsulat ng pagsulat ng
panimula. panimula. panimula.
Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang
katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa
mga suportang dalawang ideya na isang ideya na magkakaibang
ideya na tumutugon sa tumutugon sa ideya na
Nilalaman o tumutugon sa kabuoan ng bahagi ng tumutugon
Katawan kabuoan ng sanaysay batay sanaysay batay sa kabuoan ng
sanaysay batay sa isyung sa isyung sanaysay batay sa
sa isyung tinatalakay. tinatalakay. isyung
tinatalakay. tinatalakay.
Naibuod nang Naibuod ang Katamtamang Hindi naibuod
buong husay ang sanaysay ayon sa naibuod ang nang tama ang
Kongklusyon sanaysay ayon sa tiyak na sanaysay ayon sa sanaysay.
pangkabuoang kaisipan/mensahe. kaisipan/mensahe.
kaisipan/mensahe.
Napakahusay at Mahusay at Maraming mali sa Kailangang
angkop ang napamamahalaan gramatika at irebisa o ayusin
Paggamit ng
paggamit ng wika, (manageable) ang baybay gayundin dahil halos lahat
mga terminong
walang mali sa mali sa gramatika, sa gamit ng ng pangungusap
akademiko o
gramatika, baybay baybay at gamit ng bantas. ay may mali sa
wika at
at gamit ng bantas bantas at may gramatika, baybay
Mekaniks
at may mayamang mayamang at gamit ng
bokabularyo. bokabularyo. bantas.
MALI 5. MALI 5.
TAMA 4. TAMA 4.
MALI 3. MALI 3.
MALI 2. MALI 2.
TAMA 1. TAMA 1.
*Ang sagot ng mga mag-aaral sa iba pang mga gawain o pagsasanay ay maaaring magkakaiba-iba.
SANGGUNIAN
AKLAT
Bernales, Rolando A. et. al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya
Publishing Co.
SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
https://brainly.ph/question/2666895
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/03/04/2081802/editoryal-
tiwala-sa-bakuna-tumataas-na
https://janpersonb.wordpress.com/2018/10/14/replektibong-sanaysay/
https://pdfcoffee.com/replektibong-sanaysay-7-pdf-free.html