Professional Documents
Culture Documents
Ang Panitikan NG Pilipinas (Midterm)
Ang Panitikan NG Pilipinas (Midterm)
2021-2022, 2nd
MIDTERM
ANG PANITIKAN NG
PILIPINAS
GE 11ED
GAWAIN (ACTIVITY)
Tukuyin kung sino ang kilalang Propagandista sa Panahon ng mga Kastila. Isulat
ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Predikador ng Masa
2. Utak ng Himagsika
3. May sagisag na “taga-ilog”
4. Utak ng katipunan
5. Pinakabatang heneral
6. May sagisag na “Laong Laan” at “Dimasalang”
7. Dakilang Plebeyo
8. Mandirigmang umaawit sa gitna ng laban
9. Naglapat ng musika ng “Lupang Hinirang”
ABSTRAKSIYON (ABSTRACTION)
-Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. -
Nagtataglay lamang ito ng 87 pahina subalit nagkakahalaga naman ng $5,000.
4. Ang Pasyon
-Ito ay aklat na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw.
-Version de Pilapil
-Version de Belen
-Version de la Merced
-Version de Guia
1. Tibag
-Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalala ang paghahanap ni Santa Elena sa kinamatayang
krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.
2. Lagaylay
-Ang layunin nito at paggalang, papuri, at pag-aalay ng pagmamahal sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa bundok
na tinibag.
3. Sinakulo
-Pagtatanghal ito na isinasagawa sa buhay at pagpapasakit ng ating Poong si Hesukristo.
4. Panunuluyan
-Isang pagtatanghal na isinasagawa bago mag alas-dose ng gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa
paghahanap ng matutuluyan ng Birheng Maria at ni Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo.
5. Panubong
-Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay panubong
ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan.
6. Karilyo
-Ito ay itinuturing na isang laro ng mg tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton,
na pinanonood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinapagalaw naman ng taong di nakikita na siyang
nagsasalita rin para sa mga karting gumagalaw.
7. Moro-moro
-Tulad ng sinakulo, ito din ay tinatanghal sa isang ipinasadyang entablado. Ito ay itinatanghal sa mga araw ng pista
ng bayan o ng nayon upang magdulot ng aliw sa tao at laging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong
Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may hari’t reyna at mga madirigmang kawal.
8. Karagatan
-Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa
niya ang kasintahang mahirap.
9. Duplo
-Ito ay paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatuwiran na patula. Ang mga pangangatuwiran ay
hango sa Bibliya, sa mga salawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro ito sa paglalamay sa gunita ng isang
namatay.
10. Kurido
-ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan at pananampalataya
ng mga tauhan.
OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education
Aspire…Achieve…Advance!
Ang Panitikan ng Pilipinas (MIDTERM) 4 of 16
11. Saynete
-Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay,
pangingibig, at pakikipagkapwa.
12. Sarsuela
-isang melodrama o dulang musical na tatatluhang yugto. Ang paksa at natutungkol sa pag-ibig,
paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pang masisidhing damdamin.
PAGLALAPAT (APPLICATION)
Ihayag ang pagkakaiba-iba sa estilo ng pagsulat ng mga dulang panlimbagan na (Panunuluyan, Sarsuela at Sinakulo).
*Panimula, Katawan, Konklusyon (300 salita-pataas) ISULAT ANG SAGOT SA ISANG MALINIS NA PAPEL
Hanay A
MODYUL 4
MGA LAYUNIN
GAWAIN (ACTIVITY)
Tukuyin kung kaninong sagisag ang mga ito. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Laong-laan
2. Plaridel
3. Diego Laura
4. Taga-ilog
5. Jomapa
6. Tikbalang
7. Ramiro Franco
8. Dimasalang
9. Naning
ABSTRAKSIYON (ABSTRACTION)
Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng
reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
- Nag-aral siya sa Ateneo de Manila, Pamantasan ng Santo Tomas, Unibersidad Sentral ng Madrid, Pamantasan ng
Berlin, Leipzig at Heidelberg.
- Namatay noong Disyembre 30, 1896.
- Ginamit nya na sagisag ay Laong-laan at Dimasalang.
1. “Noli Me Tangere” – Ito ang una at walang kamatayang nobelang nagpasigla nang Malaki sa Kilusang Propaganda
at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya.
Sa aklat na ito ay walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang nnghahari sn pamamahala ng mga Kastila
sa Pilipinas. Mahigpit nn ipinagbnwnl ng mgn Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit maraming salin ang lihim na
nakapasok sa kapuluan bagama't ito'y nangangahulugang kamatayan sa nag-iingat. Ang "Noli" ay nagbigay sa panitikang
Pilipino ng mga di-malilimot na tauhang larawang-buhay na mananatili sa isip ng mga bumabasa, gaya nina Maria Clara,
Juan Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasio, Donya Victorina, Kapitana Maria, Basilio, at Crispin.
Makapangrarihan ang panitik ni Rizal sa paglalarawang-tauhan.
1. “El Filibusterismo” – Ang nobelang ito’y karugtong ng Noli. Kung ang Noli ay tumalakay sa mga sakit ng lipunan,
ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na naging
makapangarihan, ang simbahan. Kaya't madalas uriin ang Noli na nobelang panglipunan at pampulitika naman ang
Pili.
Sa Fili ay naging Simoun si Ibarra. Ang dating malamig, mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si Ibarra
ay naglagablab na kagubatan ngngitngit, poot, at paghihiganti sa bulok at tiwaling pamahalaan.
2. "Mi Ultimo Adios" — (Ang Huli Kong Paalam) — Ito ay kanyang sinulat noong Siya ay nakakulong sa "Fort
Santiago." Ipinalalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.
Ang tulang ito'y di nilagan ng pamagat ng umakda. Ang pamagat na ito'y inilapat lamang ng ibang tao nang si Rizal
ay namatay na.
3. "Sobre La Indolencia de Los Filipinos" (Hinggil sa Kata-maran ng mga Pilipino). Ito'y isang sanaysay na
tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.
4. "Filipinas Dentro De Cien Anos" (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon). Ito ny isang sanaysay na
nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang
impluwensya ng Estado Unidos ay maramdaman. Hula ni Rizal: Kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba
kundi and Estados Unidos.
5. Juventud Filipino" (Sa Kabataang Pilipino) —Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong
nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.
6. "El Consejo De Los Dioses" (Ang Kapulungan ng mga Bathala) — Ito ay isang dulang patalinghagang
nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
7. "Junto Pasig' (Sa Tabi ng Pasig) — Isinulat niya ito nang siya ay may 14 na taong gulang lamang.
8. "Me Piden Versos" (Hinilingan Nila Ako ng mga Tula) - 1882 at AA Las Flores de (Sa mga Bulaklak ng 102)
Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga di-pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
9. “Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio de Morga (M ga Tala saAkdang mga
Pangyayari sa Pilipinas ni Dr. Antonio de Morga) 1889.
10. “P. Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila” (P. Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila: Mga Gunita
ng Isang EStudyante sa Maynila) 1882.
Si Marcelo H. del Pilar ay kilalang-kilala sa kaniyang mga sagisag sa panulat na Plaridel, Pupdoh, piping Dilat, at
Dolores Manapat. Siyay isinilang sa Cupang, San Bulacan ika-30 ng Agosto, 1850.
- Ang kanyang mga magulang ay sina Julian H. del Pilar at Ginang Biasa Gatmaitan.
- Sya ang nagtatag ng pahayagang (Diariong Tagalog” noong 1882.
1. "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa"— salin sa tulang Kastilang "Amor Patrion ni Rizal na napalathala noong Agosto 20,
1882 sa "Diariong Tagalog."
2. "Kaiigat Kayo" — ito'y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa "Noli" ni Rizal;
inilathala sa Barcelona noong 1888. Gumamit Siya ng sagisag na "Dolores Manapat" sa akda niyang ito.
3. "Dasalan at Tocsohan" — akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa raga prayle na inilantad sa Barcelona,
1888. Dahil dito'y tinawag siyang "Pilibustero." Kahanga-hanga ang himig na panunuya at ang kahusayan ng
pananagalog.
4. "Ang Cadaquilaan ng Dios" -ito'y isang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa prayle na inilathala sa Barcelona.
Ito'y isnng snnnygny ng pngt,ulir.nn Inbnn rngn prnyle ngunit nngtatnglay ng mgn pilosopiyn t,unglcol gn
unpnngynrihan at linuhan ng Poong Lumikhn, pngpnpnhnlngn, at pag-ibig kalikasan.
5. "Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas”— isang tulang nag-sasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit ang Espanya
ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas. Ang tulang ito'y katugunan sa tula
Hi Herminigildo Flores na "Hibik sa Pilipinas, sa Inang Espanya."
6. "Dupluhan...DaIit...Mga Bugtong" — ito'y katipunan ng maiigsing tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.
7. "La Soberana en Filipinas” –sanaysay na tungkol mga katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga
Pilipino.
8. "Por Telepono"
Isinilang noong Disyembre 18, 1856, at binawian ng buhay noong Enero 20, 1896, ang isa sa pinakadakilang bayani
at henyo ng Pilipinas, si Graciano Lopez Jaena. Siya ay ipinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo, na ang katalinuhang taglay
ny hinangaan ng mga Kastila at Europeo. Isa giyang kilalang mnnunulat at mana- nalumpati sa "Gintong Panahon ng
Panitiknn at Pananalumpaii" sa Pilipinas. Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay
binnbasa ng mga makabagong Pilipino na tinipon at inilimbag sa imprentn ni Remigio Garcia, dating may-ari ng tindahan
ng aklat, "Manila Filatica."
Si Graciano Lopez Jaena ay umalis sa Pilipinas noong 1887 sa tulong ng kanyang mayamang tiyuhing si Don
Claudio Lopez Upang makatakas sa pagpaparusa sa kanya og kanyang mga kaaway, at humantong sa Valencia, ang
pinaknsentro ng kilusang Republican o ng mga Kastila tulad nina Pi y Margall, Morayta, Moret, Castelar,
1. “Ang Fray Botod”- isa sa mga akdang isinulat niya sa Jaro, Iloilo, noong 1876, anim na taon pagkatapos ng
himagsikan sa Kabite, na tinutuligsa ang mga prayle na masiba, ambisyoso, at imoral ang pagkatao. Ang "satire" o
mapagpatawang Bisaya ay malaki ang tiyan" o mapagpatawang kuwentong tuligsa sa kasamaang laganap noon sa
simbahan.
2. Ang iba pang isinulat ay ang “La Hija del Praile, at ang “Everything is Hambug” o (ang lahat ay kahambugan).
Dito ay ipinaliliwanag ni Lopez Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.
3. “Sa Mga Pilipino”-1891-Isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya,
maunlad, at may karapatan.
4. “Talumpating Pagunita kay Kolumbos” – Noong ika-391 Anibersaryo sa pagkakatuklas ng Amaerika na binigkas
niya sa teatro ng Madrid.
5. “En Honor del Presidente Morayta dela Asociacion Hispano Pilipino” – 1884 – pinuri ni Lopez Jaena si Hen.
Morayta sa pagpapantay-pantay niya sa tao.
6. “En Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo” – 1884 – Matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit
na naglalarawan ng mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
7. “Amor A España o Alas Jovenas de Malolos” – (Pag-ibig ng Espanya sa mga kababaihan ng Malolos. Pagaaral
sa Kastila ng mga babae na ang guro ay gobernador ng lalawigan ang magbibigay.)
8. “El Bandolerismo En Pilipinas” – Ipinagtanggol ni Graciano Lopez Jaena na walang tulisan sa Pilipinas at dapat
magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailangang (Pilipinas) baguhin upang hindi mahirapan ang
Pilipinas.
9. “Honor En Pilipinas” – Karangalan sa Pilipinas- ang pagwawagi sa exposisyon nina Luna, Resurreccion, at Pardo
de Tavera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
12. “Mga Kahirapan ng Pilipinas” – Tinutukoy rito ni Lopez Jaena ang maling pamamalakad ng edukasyon sa
Pilipinas 1887.
ANTONIO LUNA
Si Antonio Luna ay isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya. Sumanib sa Kilusang
Propaganda at nag-ambag ng kaniyang mga sinulat sa La Solidaridad.
-namatay noong Hunyo 3, 1899
-Taga-ilog ang kanyang ginamit na sagisag
Ang ilan sa knniyang nign innkda ay ang rnga gurnusunod:
MARIANO PONCE
Ang ilan sa kaniyang mga akda na naiambag niya sa Panitikang Filipino ay ang mga sumusunod:
1. Mga Alamat ng Bulahan — naglalaman ng mga alamat at kuwentong bayan ng kaniyang bayang sinilangan.
2. Pagpugot kay Longino — isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan.
3. Sobre Filipinas
4. Ang Mga Pilipino Sa Indo-Tsina
PEDRO PATERNO
Si Pedro Paterno ay isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda. Sumapi rin Siya
sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociacion Hispäno-Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mga Propagandista. Siya ang
unang manunulat na Pilipinong nakalaya ga gensura sa panitikan noong mga huling araw ng pananakop ng mga Kastila.
Ikinubli ni Jose Ma. Panganiban ang kaniyang tunay na pangaIan sa ilalim ng sagisag na Jomapa. Kilala rin Siya sa
pagkakaroon ng "Memoria Fotografica." Siya ay halos kabilang sa mga kilusang makabayan.
Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at
Apolinario Mabini.
ANDRES BONIFACIO
-“Ama ng Demokrasya”
-“Ama ng Katipunan”
- Nagtatag ng samahang (Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.”
1. Katungkulang Gagawin ng Mga Anak ng Bayan – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng
KARTILYANG ito.
2. Huling Paalam – salin sa Tagalog ng – “Mi Ultimo Adios” ni Rizal.
3. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – isang tulang nagging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar.
4. El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) – ito ay ipinalalagay na kaniyang pinaka “obra maestro” na
ang pinakahangarin niya rito ay ang magpalaganap ng nasyonalismong Pilipino.
5. El Desarollo Y Caida de la Republika Filipina (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino)
6. Sa Bayang Pilipino
7. Pahayag
Sagisag ng kabataang mapanghimagsik. Si Jacinto ay kinilalang utak ng Katipunan, sapagkat tumayo giyang
kanang-kamay ni Bonifacio, na hindi niya hiniwalayan liban na lamang sa hulingyugto ng paghihimagsik, nang mapasugo
Siya sa Laguna at si Bonifacio nama'y sa Cavite. Anak-mahirap din, si Jacinto ay nagkaroon ng matiising magulang na
nagsikap na mapapasok sa kolehiyo ang anak. Sa ganito, si Jacinto ay nakapag-aral at naging bihasa ga Kastila, na una
niyang natutuhan sa lansangang pinaglumagian niya nang bata pa. Lalong bihasa sa Kastila, nagpakahusay ni Jacinto sa
Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan, hanggang sa makasulat ng mga maaalab na katha
bilang pagsunod sa tanging layuning makaakit ng mga kaanib sa samahang mapanghimagsik. Matapat na makabayan, si
Jacinto ay sumulat ng mga paksang makabansa at mapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga sinulat niya sa Tagalog,
na nilagdaang Dimas Ilaw, ibinibilang ang tinanggap naKartilya ngKatipunan na pinagtibay gamitin sa halip ng kartilya na
inihanda ni Bonifacio, saka ang Pahayag, Sa mga Kababayan, Ang Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa
Hukuman ng Silangan, at Samahan ng Bayan sa Pangangalakal. Isa sa lalong malaking nagawa niya para sa kapakanan ng
OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education
Aspire…Achieve…Advance!
Ang Panitikan ng Pilipinas (MIDTERM) 12 of 16
Katipunan, at samakatuwid sa rebolusyon, ay ang pagkakatatag at pagkakapamahala niya ng Kalayaan, ang tagapamansag
ng Katipunan na miminsang lumitaw noong Enero 18, 1896, na sa pagkalaganap ay nakaakit ng Iibu-libong kaanib ng
samahan.
Si Emilio Jacinto ang naging matalinong katulong ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan. Siya ang
tinaguriang "Utak ng Ratipunan." Pinamatnugutan din niya ang "Kalayaan" — ang Pahayagan ng Katipunan. Iniurongni
Bonifacio angkaniyang sinulat na Kartilya bilang paggalang sn tungkulin ni Jacinto bilang kalihim ng Katipunan. Ang
kaniyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib sa samahan.
Si Palma ay ipinanganak sa Tundo noong ikn-6 ng Hunyo, 1876. Kapatid siya ni Rafael Pnlmn na naging pangulo
ng Unibersidad ng Pilipinas. Nakatagpo ni Jose Palma, noong nag-aaral siya sa Ateneo de Manila, si Gregorio del Pilar na
naging pinakabatang heneral ng mga hukbong manghihimagsik. Kahit, bata pa sa Ateneo, si Jose Palma ay kumatha ng mga
lirikong tula at pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong siya'y 17 taong
gulang pa lamang. Sumama sa himagsikan laban sa mga Amerikano. Ngunit kahit taglay niya ang damdamin at sigla ng
panghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa higpit at hirap ng buhay-sundalo, kaya't ginugol niya ang
kaniyang panahon sa panlilibang sa mga kawal ng manghihimagsik sa pamamagitan ng kanyang mga kundiman. Ang
kanyang mga tula ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang "Melancolicas" (mga pan-imdim) na inilathala ng kanyang
kapatid na panahon na ng Amerikano. Ngunit ang pinakadakilang ambag niya sa panitikang Filipino ay ang mga titik ng
"Pambansang Awit ng Pilipinas" sa Kastila, na nilapatan ng musika ni Julian Felipe. Sinulat niya ang mga titik na ito habang
ang pulutong ng kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang mga letra ni Palma ay bihira
nang awitin ngayon sapagkat ang salin sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong gamitin.
Sa layuning maipaabot, sa daigdig ang kahilingan at, rnithiin para sa bayan ng mga manghihimagsik nating mga
kababayan, marami ring mga pahayagan ang naitatag at nalirnbag nang panahon ng himagsikan.
1. Heraldo de la Revolucion – naglalathalaa ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga
akda sa Tagalog na pawing gumigising sa damdaming makabayan.
2. La Independencia – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.
3. La Republica Filipina – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
4. La Libertad – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.
PAGLALAPAT (APPLICATION)
SANGGUNIAN
Semorlan, Teresita P., rubin, Ligaya T., Casanova Arthur P., Panitikan sa Nagbabagong Panahon., p. 11-71.