Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGPAPAKABIT NG MGA KARAGDAGANG STREETLIGHTS

PARA SA BARANGAY SAN ISIDRO


Mula kay Armelyn Escondo
249 Purok 4, Kalye Onse
Barangay San Isidro,
San Jose, Quezon Province
Ika- 21 ng Enero 2022
Haba ng panahong gugulin: 2 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay San Isidro ang isa sa kilala na barangay sa San Jose, Quezon Province dahil
unti-unti itong umuunlad at maganda ang pagpapatakbo ng mga namumuno dito. Kilala ito
dahil malapit ito sa baybayin kaya maraming pumupuntang tao doon.
Isa sa mga suliranin na hinaharap ng barangay San Isidro sa kasalukuyan ay ang pagdami ng
aksidente ng mga motorsiklo at mga taong nagbibisikleta lalo na tuwing sumasapit ang gabi.
Maraming mga tao ang nag-aalala sa kung ano man ang mangyari pag nagpatuloy pa ito.
Natatakot din sila kapag ang sariling pamilya na nila ang kabilang sa magiging biktima at
natatakot din sila na baka sagasaan sila ng mga nagmomotorsiklo o nagbibisikleta. Ang
pangunahing sanhi ng pag-aksidente ng mga tao dahil na rin sa kakulangan ng ilaw o streetlights sa
kalsada.
Sa kadahilanang ito, nangangailangan ang barangay ng streetlights upang maiwasan na ang
aksidente sa kalsada ng barangay. Kung magpapakabit pa sila para madagdagan ang mga
streetlights, tiyak na mawawala ang kaba ng mga tao at malayo sa peligro. Bukod dito, maiiwasan
na rin ang mga aksidente na nagdudulot ng takot sa mga mamamayan. Kailangan maisagawa na
ang proyektong ito sa madaling panahon para mapabuti at para na rin sa kaligtasan ng lahat ng
tao.

II. Layunin
Makapagpapakabit ng mga karagdagang streetlights na makakatulong upang
maiwasan ang aksidente, matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan at maging ng
kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pag-aproba at paglabas ng badyet (5 araw)
2. Pagsasagawa ng mangongontrata sa pagpatayo ng streetlights (1 linggo)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor sa pagpatayo ng
streetlights (1 araw)
4. Pagpapatayo ng streetlights sa ilalim ng pamamahala ng Barangay Malaiba (2 buwan)
5. Pormal na pagbukas at paggamit ng streetlights (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Materyales sa paggawa ng anim na Php 15,000.00 x 6 = Php 90,000.00


street light

II. Suweldo ng mga trabahador Php 2,000.00

III. Pababasbas Php 5,000.00

IV. Handa at Pagpapasinaya Php 10,000.00

V. Kabuoang Halaga Php 107,000.00

V. Paano Mapapakinabangan ng Barangay San Isidro ang Panukalang Ito?


Ang pagpapakabit ng mga karagdagang streetlights ay makakatulong at
mapakinabangan ng mga tao sa Barangay San Isidro. Ang mga aksidente o suliranin na
nangyayari sa barangay ay mabibigyan ng kasagutan o solusyon. Hindi na matatakot ang
mga tao at mawawala na ang kaba nila dahil may streetlights na para sa kanilang kaligtasan.
Higit sa lahat, ang mga nagmomotorsiklo at nagbibisikleta ay maiiwasan na ang pag
aksidente o makasagasa sa ibang tao.
Mababawasan din ang kaba at pag-aalala ng mga tao at opisyales ng barangay sa tuwing
may nangyayaring aksidente. Dagdag pa rito, mapapanatag ang loob nila dahil ligtas silang
tumawid sa kabilang parte ng kalsada.
Siguraduhin na ligtas ang buhay ng mga tao na naninirahan at ang mga taong dumadayo.
Magpakabit ng mga karagdagang streetlights para magsilbing kaligtasan at mapanatag ang
loob ng mga tao sa Barangay San Isidro.

You might also like