Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PRODUKTO

NG

MAALAT

NA

KAHAPON

SCRIPTWRITERS

Dinalyn E. Ventura

Lyka Mae B. Signey

Shen Jean Umadhay

Abraham B. Asto

Sheina Banguilan

Characters:
Pangamaen Tomas (ABRAHAM ASTO)– 45 years old, sakto lamang ang laki ng katawan,
kayumanggi, mainitin ang ulo, pag- aasin ang ikinabubuhay asawa ni Tiryang.

Pangenaen Tiryang (DINALYN VENTURA) – 43 years old, kayumanggi, katamtaman ang


haba ng buhok at may unting mga uban na, maaruga sa pamilya, pag-aasin ang ikinabubuhay,
asawa ni Tomas.

Atse Bet (Maribeth) (SHEN JEAN LLAMAS)– 25 years old, kayumanggi, masayahin,


panganay na anak niina Tomas at Tiryang.

Atse Mara (Amara) (SHEINA BANGUILAN)– 23 years old, maputi, masayahin, iniwan ng


nobyo, may anak na 1 taong gulang, pangalawang anak nina Tomas at Tiryang.

K (Keira) (LYKA SIGNEY)– 20 years old, bunsong anak, (2nd year College), matalino, bunsong
anak nina Tomas at Tiryang.

Tsong Pinong (Josephino) –  40 years old, may edad na ngunit may itsura, mahinhin
manalita, mabait na kapatid ni Tiryang.

Settings:  
Pagawaan ng asin
Tahanang barong-barong
Eskwelahan (Entrance Gate, stage)
Boarding room

Props:
Panulog- gawa ito sa kahoy ng kawayan at maliit na stick ng still bar at stainless.
Panilid - gawa din ito sa kahoy at malaking malapad na stainless. Ginagamit ito sa pag aasin.
Tisa (tawag sa pinagkukuhanan ng asin) -  gawa ito sa kahoy na malapad at tisa na ibat iba ang
hugis at nilalagyan ito ng tubig alat na nanggaling sa ilog at para ito’y maging asin pag
naarawan.
Magtatasik (ang ginagawa pagtapos magkayod at magsilid) - ang  ginagawa ng nagtatasik siya
yung nagpapatubig sa tisa tinatanggal niya yung nakasarang lumot sa butas para umagos ang
tubig sa banigan ito yung gawa sa maraming tisa ang banigan.
Tiklis - lalagyanan ng asin sa rilis ng banigan
Sako - lalagyanan ng asin pag may bumiling buyer

Costume:

PARA SA NAGKAKAYOD:
Mangas na mahaba
Pantalon na maong
Sumbrero- gawa sa kawayan
Abungot- damit na pantakipnsa mukha
Bakya- para di madumihan Ang asin

PARA SA NAG SISILID:


Mangas
Pajama
Abungot
Sumbrero

ESTUDYANTE:
Uniform ( kahit anong school / PSU uniform)
Ternong damit
sapatos- medyo luma
Lumang damit- medyo kupas na
Short - luma at may unting butas
Tsinelas- luma
Bistidang Puti
Puting Pantalon at puting blazer panloob putting longsleeve

Mag kakapatid:
Pambahay na kasuotan
Pang Asinan

Damit pang Nanay


Kumot na Puti pag taklob.

Backdrops:
Pag-asinan
Barong barong na bahay /bahay Kubo na tagpi tagpi

SYPNOSIS
Ang produkto ng maalat na kahapon ay patungkol sa isang simpleng pamilya na ang munting
ikinabubuhay ay sa asinan. Si Tomas ang ama ngunit walang ginawa kundi ang tumungga at
ang ina naman ay si Tiryang na ginagawa lahat upang maitaguyod ang kanyiang pamilya at
makapag aral ang kanyang mga anak sa abot ng kanyang makakaya. Sa kasamaang palad
pumanaw ang ilaw ng tahanan na siyang na nagdulot ng mas lalong paghihirap. Makalipas ang
isang taon ang pamilya ay may madi diskubre ng hindi nila inaasahan na makatutulong sa
kanilang pag-aaral at makapag babago ng kanilang pamumuhay.Setting: Asinan

SCENE 1
(Morning sound) Maagang nagising si Tiryang gaya ng kanyang nakagawian sa pang araw-
araw. Kaya naman gigisingin na nito ang kanyang mga anak upang maghain na ng kanilang
agahan.

Tiryang: Mga anak, Bet! Keira! Gising na! Mataas na ang araw! (sisilip sa higaan)Oh Mara,
paarawan mo na ang bata!

(panggigilan ni Tiryang ang kanyang apo bago sila tuluyang lumabas ng kanyang ina para
magpaaraw)

Tiryang: Oh ikaw Keira, bibiyahe ka pa. Tumayo ka na riyan. Bilisan mo na anong petsa na!

Keira: Ito na po, ‘nay. Maliligo na po (babangon si Keira na inaantok pa.)

Makakikitang nakahain na ang pagkain sa lamesa.

Tiryang: Pagkatapos nating kumain, Bet kunin mo na ang mga gagamitin nating tiklis at
panulong

Bet: On nay

Tiryang: Halina kayo at kakain na!

(Kakain na ang lahat at tutunog ang telepono ni Keira kakausapin niya ang tumawag.)

Keira: Ay nay, nay andyan na po yung magsusundo samin, kailangan na daw po naming
umalis.

Tiryang: Ah ganon ba anak, osya sige mag-iingat ka dun a lagi kang tatawag.

Keira: Opo nay

Tiryang: Oh yung mga bilin ko sayo anak ha?

Keira: Opo nay, oh tay, aalis na po ako ah?

Tomas: (magkikibit balikat)

(magpapaalam ang buong pamilya)


Lights Off
Lights On
Scene 2
Sa barong-barong

Pangenaen Tiryang: Ay Diyos ko, pagod at gutom ang nararanasan namin ngayon. Kailan
kaya tataas ang kita namin sa pag-aasin at makakaraos sa hirap?

Bakas sa kanyang mukha ang pagod at kalungkutan dahil sa kahirapang kanilang dinaranas.
Habng nagpapahinga si Tiryang ay darating si Pangamaen Tomas galing sa mga kumpare na
kaniyang kainuman.

Pangamaen Tomas: Tiryang! (maghahanap ng pagkain sa lamesa) Ano wala nanaman tayong
hapunan?!

Hindi iimik si Tiryang

Tomas: Letse talagang buhay ‘to, wala nanamang makain. Ano Tiryang hindi mo ba ako
naririnig?! Wala tayong makain oh, uupo ka lang dyan?!

Pangenaen Tiryang: Diyos ko Tomas, pagod ako. Sandali naman!

Pangamaen Tomas: Ang sabihin mo tamad ka lang! Nakakasawa na ang pamumuhay na


ganito!!

Pangenaen Tiryang: Talaga ba tomas? Kesa naman sa’yo na panay bisyo at alak ang
inaatupag. Ikaw pang may ganang mag-gagaganyan! Dimo alam yung mga paghihirap ko para
sa pamilyang ito! Imbis na ikaw ang kumayod para sa’tin ikaw pa tong batugan. Maawa ka
naman, may mga anak kang umaasa satin.

Pangamaen Tomas: Ah kasalana ko? Ang sabihin mo kagagawan ‘to ng mga magulang mong
matapobre! Kung sana sinuportahan nalang nila ang pagmamahalan natin noon edi hindi tayo
naghihirap ngayon!!

Pangenaen Tiryang: Sawang sawa narin ako Tomas!! Hindi ito ang buhay na ipinangako mo
sa’kin, pero para sa pamilyang ito kakayanin ko. Kaya’t tumulong ka naman.  Hindi ka naman
ganyan dati ah.

Pangamaen Tomas: Tumulong? Sa tuwing naaalala ko ang pangmamaliit sa’kin ng pamilya


mo dahil isa lamang akong hamak na mag-aasin nawawalan ako ng gana na makita ang
pamilya natin Tiryang.

Habang nagdidiskusyon ang mag-asawa ay biglang dumating si Keira.

Keira: Nay, Tay? Nagtatalo nanaman ho ba kayo?

Tiryang: Anak, K!! Anjan ka pala, anong meron at napauwi ka ng wala sa oras ?

Keira: Namiss ko po kasi kayo nay, Tay, babalik din po ako bukas ng maaga.
Tomas : Kumusta nak? Ayos ka lang ba?

Kiera: Ayos lang po Tay.

Tomas: Mabuti kung ganun.

Sesenyasan ang anak na pumasok na sa loob at muling aalis.

Pangenaen Tiryang: Hoy Tomas bumalik ka nga dito!!

Babalik sa pag kaupo si Pangenaen Tiryang na mabigat ang dibdib. Malungkot rin sapagkat
wala siyang nabiling pagkain para sa mga anak.  

Keira: Nay, pahinga muna kayo, bihis lang po ako.

Pangenaen Tiryang: sige nak (uubo ng malakas)

Bet (Panganay na anak): (labas sa loob nang bahay) Nay? Nag-away nanaman ba kayo ni
Tatang?  

Pangenaen Tiryang: Huwag niyo na kami pansinin ng Tatang niyo nak.

Bet (Panganay na anak): Nay, may available na trabaho sa bayan. Sinubukan ko mag-apply
kanina kaso hindi ako natanggap. Dapat tapos daw sa kolehiyo eh. Debale nay, tulungan ko po
muna kayo sa banigan hanggat wala pa akong trabaho.

Pangenaen Tiryang: Pasensya ka na anak ah. Gusto ko man kayo pag aralin lahat eh hindi
kaya ng kita namin sa banigan eh.

Bet: Ayos lang po yun nay!! Naiintindihan ko naman po kayo ni Tatang. Si Kiera po muna.  

Pangenaen Tiryang: Alam mo anak napakabait mo na bata. Napakalaki ng sakripisyong


ginawa mo para makapag-aral si Keira. Salamat sa Diyos at scholar si Keira at allowance
nalang ang kailangan problemahin natin.

Lalapit si Kiera kila Tiryang at Bet habang nag-uusap parin ang mag-ina. Siya ay nakabihis
pambahay na.

Bet: Alam ko naman na pag nakatapos yan si K ng pag-aaral tutulong rin siya sa pamilya natin.
Huwag po kayo mag-ala. Diba K? (nakangiting tumingin kay keira)  

Keira: Oo naman ate Bet at Nanang. Ginagalingan ko sa pag-aaral para hindi maalis ang
scholar ko. Salamat po sa mga sakripisyo niyo!!

Pangenaen Tiryang: Ito talagang mga anak ko !!

Biglang lalabas si Mara dala ang sanggol galing sa loob ng bahay at makikitang nag yayakan
sila. (Di nila napansin na andoon na pala si Mara sa malapit sa kanila)

Mara: Hay nako...iba talaga pag paborito


Keira: Ano ka ba ate, wala namang may pinapaboran dito eh.

Pangenaen Tiryang: Mara, wala akong pabu- paborito sa inyo, pantay- pantay kayo sa puso
ko.

Mara: Hmmp! Lagi nalang si Keira at si Bet naririnig ko Nay eh! na kesyo mabait, masipag,
ganto ganyan. Ako wala lang.

Keira: Alam mo ate, kasalanan mo naman eh, sinayang mo lang yung panahon mo para mag-
aral , pati pagod nila nanay sa pagtatrabaho.

Pangenaen Tiryang: Keira, anak huwag naman ganyan.

Kiera: Nay totoo naman eh ‘bat kasi maaga siyang nakipagrelasyon. Yan tuloy hindi nakatapos.

Pangenaen Tiryang: Pero anak 'wag ka naman ganyan makipag-usap sa ate mo.

Galit na galit na susumbat si Mara sa narinig niya Kay Kiera.

Mara: wow K, nagmamataas ka dahil nakatungtong ka sa kolehiyo? Anong pinapalabas mo?


Malandi ako ganun ba?

Keira: Hindi naman sa ganun ate

Ibinaba ni Mara ang sanggol sa higaan at sinimulang itulak si Keira.

Mara: Malandi ako Keira? Na kasalanan ko lahat ng ‘to? Lahat kami dito nagsasakripisyo para
sa’yo

Keira: ate nasasaktan ako!! Hindi naman yan ang pinupunto ko

Habang nagbabangayan ang dalawa, nanahimik lang si Tiryang. Noong napansin niyang
nagkakasakitan na ay umawat siya.

Pangenaen Tiryang: K, wag ka nang sumagot. Mara Tama na! (uubo- ubo na medyo
hinahaplos ang dibdib)

Mara: Hindi? Talaga ba keira? Pakinggan mo nga yang sarilI mo!

Patuloy na itinutulak ni Mara si Keira.

Bet: Ano ba Mara! K! Magsitigil nga kayo

Hindi nakapagtimpi si Keira at pumatol na ito kay Mara, nagsimula narin niyang itulak ito
pabalik.

Kiera: Ate hindi mo kasi naisip na naghihirap na nga tayo nagawa mo pang makipagrelasyon at
magpabuntis. Yan ang pinupunto ko ate!

Mara: Alam ko, maaga akong nakipag relasyon. Nilihim ko yun. Binigay ko ang lahat dahil
mahal ko siya. Nangako siya sa’kin Keira! Pero niloko niya ako!
Mapapatingin si Mara kay Tiryang na nahihirapang huminga dahil sa pag aaway ng dalawa
habang hinahaplos ang dibdib. Napatigil sa pag-aaway ang magkapatid at lalapitan si Tiryang.

Mara: Nanang... Nanang... Bakit Nanang?

Pangenaen Tiryang: Hi-hindi ...a..ko... maka...hi..nga..

Bet: Kiera, kumuha ka ng tubig! Kasalanan niyo tong dalawa eh

Kiera: Nay, inom ka po muna

Sound: (Tunog ng umiiyak na sanggol)

Agad nilapitan ni mara ang kanyang anak. Si Keira naman ay inayos ang buhok niyang
nagkagulo-gulo dahil sa pananabunot ng ate niya.

Mara( Pangalawang anak): “Shhhh! Sshhh! Sshhhh!! Tunda ka lad kakaakis! Maingaingal kan
ugaw!”  

Tiryang: Ano ba naman kayo Mara. Kiera. Ang tatanda niyo na para mag-away. At ikaw Mara
wag mong ngang sigawan yang anak mo.

Mara: Ako nanaman nay? Bat si Keira hindi niyo pagsabihan, lagi nalang ako napapansin niyo
eh

Tiryang: Mga anak wag mong isipin yan. Pantay-pantay kayo sa paningin ko. Kaya’t wag kayo
magsakitan.

Keira: Opo nay. Sorry po. Sorry na ate Mara.

Mara: (Tatango)

Bet: Dapat ang magkakapatid nagmamahalan, hindi yung nagsasakitan kayo jan.

Tiryang: Halinga kayo dito mga anak ko

Pangenaen Tiryang: Hay nako, gabi na, wala nanaman yung Tatang niyo

Saktong darating si Tatang na lasing na lasing.

Pangamaen Tomas: Hoy! Kayo dyan, inom pa tayo HAHAHAHAHAHHA

Pangenaen Tiryang : Malala ka na talaga Tomas. Mga anak, alalayan niyo ang tatay niyo ng
makapagpahinga na

Inihatid ni Bet ang kanyang Tatang sa papag.

Pangenaen Tiryang: Mga anak, hindi pa kasi binigay yung kita namin sa banigan eh, kaya
itulog muna natin. Pasensya na kayo mga anak.
Bet: Ay Nay, may natira pa po pala dito na nilagang saging natin. Apat nalang po pala ito.
Sakto tulog na si tatay tag- iisa nalang po tayo dito.

Pangenaen Tiryang: O sige anak. Basta aagahan ko nalang sa asinan bukas. Para di na
nilagang saging pantawid gutom natin.

Bet: Okay lang nay naiintidihan po namin. Bukas po sasama rin po ako sa pag- aasin para
makatulong po ako.  

Mara: Nay, pasensiya ka na. Kung hindi lang ako pinagsamantalahan ng karelasyon ko na yon
wala sana akong responsibilidad na bata ngayon at kahit papaano ay makatulong naman ako
sa mga gastusin natin.

Pangenaen Tiryang: Huwag mong sisihin ang sarili mo nak, lalong lalo na ang batang yan.
Wala kamuwang-muwang sa mundo. Basta’t alagaan mo yang anak mo. Hanngat kaya ko
kayong buhayin lahat ay gagawin ko.

Mamamatay ang ilaw sa entablado.  


Bubukas muli (umaga nanaman)  

Babangon sa pag kakahiga si Pangenaen Tiryang. Medyo madilim pa ngunit naghanda na ng


mga gagamitin sa banigan si Tiryang upang makaalis ng maaga at matapos ang pagsasako ng
Asin sa takdang oras. Habang nag-aayos ng gamit, nakita niya ang papel na nakasuksok sa
kisame.

Pangenaen Tiryang: Oo pala, bayaran nanaman ng tubig at kuryente sa susunod na araw.


Saan nanaman kaya ako hahagilap ng pambayad dito Panginoon ko?

Ginising ni Tiryang ang kaniyang anak na si Bet para makapaghanda nang umalis.

Pangenaen Tiryang: Bet, bumangon ka na riyan at ng tayo ay maka punta Ng maaga.

Agad namang bumangon si Bet at inayos ang kaniyang sarili, kinuha na mga damit pang
Asinan.

Pangenaen Tiryang: May kapeng bigas pala dyan.

Bet: Ayos na ‘to Nay. Masarap nga po ito eh.

Pangenaen Tiryang: Sige nak.

Pupuntahan sa higaan ni Mara

Pangenaen Tiryang: Anak, Mara, Mara... kami'y pupunta na sa banigan.

Mara: Nay, ang aga niyo naman. Wala pang laman ang mga sikmura ninyo.

Pangenaen Tiryang: Ayos lang nak, nagkapeng bigas na kami ng ate mo para mainitan ang
aming sikmura.

Mara: Sige ho nay, ingat po kayo.


Pangenaen Tiryang: Mara, alis na kami .

Si Bet at kanyang Nanang ay nagpunta na sa Banigan. Nagtrabaho sila agad noong nakarating
sila. Walang tigil silang nagtrabaho di alintana ang gutom at pagod.

Pangenaen Tiryang: Apo, bantayan yu may anak ko. Agyo sikato pupulyanan. Iter yu so
amin ya pangangailan to, ta piyan makapan tapos sikato ed pan-aaral to. Ta piyan ag to kami
naaleg ya maerap belay. Ta piyan natulungan to met so kakaagi to.

Bet: Agkayo mapaga nay.

Pangenaen Tiryang: Sige nak. Bet, paki-abot mo nga ang panulog dyan. (nanghihina sa pagod
na nagsasalita)

Bet: Nay ito po oh. Nay, ayos ka lang po ba? Parang namumutla ka po.

Pangenaen Tiryang: Ayos lang nak, huwag mo akong alalahanin. Dala lang siguro ng pagod
‘to nak.

Agad na kumuha ng tubig si Bet at iniabot ito sa kaniyang ina.

Bet: Nay, upo ka po muna. Ako po muna magtatrabaho. Noong nakaraan ganito nanaman po
kayo, nanghihina, nanlalata, at panay ang pagdugo ng ilong niyo.

Pangenaen Tiryang: Sige na anak, ituloy mo na ang ginagawa mo nang maaga tayong
makauwi.

Hindi na kumibo pa si Tiryang at patuloy na ininda ang sama ng kaniyang pakiramdam.


Ipinagpatuloy naman ni Bet ang kanyang ginagawa. Nahiga na lamang si Tiryang sa lapag para
makapag-pahinga.

MAKALIPAS ANG ILANG ORAS

Natapos magtrabaho si Bet at kaniyang pinuntahan agad ang nanay na nagpapahinga. Dalawa
nalang sila ng kaniyang Ina na naiwan sa banigan.

Bet: Nay, gising na. Uwi na po tayo.

Nagising si Tiryang at dahan-dahang iniaangat ang katawan ngunit hindi niya magawa dahil sa
labis na panghihina.

Pangenaen Tiryang: (MUSIC : instrumental) Be-eee..tt (uubo na may kasamang ubo)

Bet: Nay...

Bet: Nay, nay. Anong nangyari nay?? Nay bakit po?? (habang kinakabahan at natataranta,
hindi alam ang gagawin)
Sa kadahilanang silang dalawa nalang ang naiwan sa banigan, walang tao ang pwedeng
tumulong sa kanila, kaya’t iniwan muna ni Bet ang nanay niya para humingi ng tulong.

Bet: Nayy, hintayin niyo po ako dito tatawag lang ako ng tulong (at mabilisang niyakap ang ina
at agarang tumakbo ng saklolo)

Naiwan mag-isa si Tiryang sa banigan habang hinang-hina at umuungol sa sakit. Iniinda niya
ang sakit ng chan niya dahil siya ay may ulcer at mahina na Ang puso ngunit hindi niya ito
ipinaalam sa kaniyang pamilya upang hindi sila mag-alala. Makalipas ang ilang minuto ay wala
parin si Bet nang biglang umubo si Tiryang at sa pag-ubo niyang iyon ay may kasama ng
namuong dugo. Lumipas pa ang ilang minuto ay napahiga na si Tiryang sa lapag na hinang-
hina at kapos sa hininga.

BET’S POV:

Agad akong tumakbo papalayo sa banigan para humingi ng saklolo, ang una kong naisip ay
ang tatay ko kaya’t kumaripas ako sa aming bahay, pagdating ko sa bahay isang lalaking lasing
na lasing at may hawak na bote ang nadatnan ko.

(Sa barong barong)

Bet: Tay, tayy !! Si nanay, tulungan niyo po si nanay.

(habang niyuyugyog ang katawan ng tatay niyang lunod sa kalasingan)

Tomas: (lasing) Oh bet, andyan ka pala

Bet: Tay tara na po sa banigan, kailangan ng tulong ni nanay, mag-isa niya lang po duon.
(habang nang-gagalaiti sa inis at kaba)

Tomas: Si tiryang? Hayaan mo na yon, wala namang silbi yun eh

Napabitaw sa pagkakahawak si Bet sa kaniyang Ama dahil sa mga narinig nito, binitawan niya
ng pabagsak ang kanyang ama nang biglang dumating si Mara.

Mara: Ate Bet anong nangyayari dito?

Bet: Mara si Inay !!

Pagkasabi ni Bet non ay agad silang tumakbo papunta sa banigan.( I iwan sa kawayang duyan
para sa bata) Tumakbo sila ng pagkabilis-bilis habang natataranta.

Mara: Dito ka muna anak ha, Huwag lang iiyak. Alis lang si Nanay saglit.( Itutualak Ang duyan
upang gumalaw )

Mara: ate ano ba talagang nangyayare??

Bet: Bilisan mo nalang Mara !! Daliiii

(SA BANIGAN)
Pagkarating nila sa banigan ay agad nilang nilapitan ang ina na nakasalampak sa sahig. Pinilit
nilang ipaupo ang ina.

Bet: Nay uwi na po tayo (habang nangingilid ang luha)

Habang itinatayo ang ina ay napansin ni mara ang kalagayan ng kaniyang ina.

Mara: a-a t—eee, (bigkas ni mara ng pautal-utal habang hawak ang kamay ng kaniyang ina) Si
nanay (umiiyak na) Ate wala na si nanay. Malamig na ang katawan niya at walang pulso

Bet: Mara ano bang sinasabi mo !!! (pagalit) nay uwi na po tayo, bangon na po. Nayyy, nayyy
bangon na po, sige na nay tara na po (umiiyak na si bet dahil wala siyang nakuhang tugon sa
kaniyang ina)

Napasalampak sa sahig si Bet at patuloy ang pagkabigla, si mara naman ay patuloy na umiiyak
sa tabi ng kaniyang ina. Nang mahimasnasan ay pinagtulungan nilang buhatin ang kanilang ina
pauwi sa barong barong.

(SA BARONG BARONG)

Dumating ang dalawa habang buhat buhat ang ina na wala ng buhay. Inihiga nila ito sa kama
ng walang kahit anong salita ang lumalabas sa kanilang labi.

Lights off (palit ng setting)


Lights on (sa bahay ng tinitirhang kaibigan ni keira)

Habang gumagawa ng takdang aralin si Keira, napatingin siya sa litrato ng kanilang pamilya
noong Grumaduate siya bilang Valedictorian noong highschool. Tinitigan niya ito at
nagsimulang alalahanin ang mga pinagdaanan niya habang kinakausap ang sarili.

Keira’s POV:

Hayyy, miss na miss ko na sila Nanang at Tatang lalo na mga kapatid ko (habang hinahaplos
ang larawan) Laking pasasalamat ko sa Diyos at nagtapos ako bilang valedictorian kaya’t
nakakuha ng scholarship. Nay, natupad na yung pangarap ko na makapag-aral ako at sa sikat
na unibersidad pa. Pasalamat din ako dito sa kaibigan kong may mabuting puso at pinapatira
ako dito (habang yakap yakap ang litrato) Hayaan niyo nay, makakauwi na ulit ako jan pag
tapos ko na ang mga gawain ko sa eskwelahan. (Ilalapag sa lamesa Ng biglang malaglag at
mabasag napuruhan Ang basag sa mismong mukha ni Nanay)

Kinabahan si Keira kaya't biglang nakitawag sa kanyang kaibaigan.


Habang tumatawag siya ay nagtaka siya bakit napakatagal namang sagutin ang telepono, agad
siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Isang pakiramdam na napakabigat nang biglang sagutin
na ang telepono.
Keira/ K ( Bunsong kapatid) :  Nay? Kamusta kayo po dyan? Sa susunod na linggo pa po ako
makakauwe nay dahil may exam pa po ako. Nay? Narerengel yu ak? Atsing wadtay nanay?
Mahina Nanaman siguro Ang signal.

Nabalot ng katahimikan at pagtataka ang kanyang pagtawag.

Bet: (umiiyak) “K? Nandyan ka pa ba?...K…s-si…s-si..n-na-nnay. K si nanay…i-ini-iniwan na


tayo… K wala na si nanay!”

Walang emosyong kumalas sa dalaga kundi Ang pag kabigla.

Keira: Ate?? Ano po yun ate??

Bet: K wala si inay, patay na si inay (umiiyak)

Keira: Hindi, hindi yan totoo !! ate nagbibiro ka ba? Hindi magandang biro yan.. (nanginginig at
kabado ang boses)  

Bet: Keira, totoo ang sinasabi ko( umiiyak)!

Keira: HINDI, HINDI YAN TOTOO! (habang galit na umiiyak) (napaupo sa sobrang pagkabigla)

 Emosyon niya ay naghahalo halo, isipan niya’y gulong gulo. Hindi makapaniwala sa kanyang
narinig, paghikbi lamang ang kanyang naibalik na sagot sa kapatid. Hindi nagdalawang-isip si
Keira at agad na nag desisyong umuwi sa kanilang bahay.

(SA BARONG BARONG)

Pagkarating ni Keira ay hindi na siya nag-atubiling kumatok at agad nalang pumasok sa


kanilang tahanan. Umiyak ito ng umiyak nang makitang nakaratay ang ina sa kama.

Keira: Naayyyyy !! nayyy??? Anong nangyari? Bakit inay ?? bakit mo kami iniwan?  Nangako
ako sa iyo na itataguyod ko sa hirap ang pamilya natin. Pano na yung mga pangarap natin
nay ?? paano na ang pamilya natin !!?? (umiiyak habang yakap yakap ang nanay na malamig
na ang katawan)

---------

Habang nagluluksa ang dalaga ay may narinig siyang isang pamilyar na tinig.

Pangenaen Tiryang: (pabulong na medyo kinakapos na ng hininga) Anak, mahal na mahal


kayo ni Nanay. Nasa kwintas na bigay ko Ang sasagot na makakatulong sa inyo at sa pag
Huwagaaral mo. Wag na kayo mangamba payapa na si Nanay. Hanggang sa muli mga a-nak.”

Keira: Nay?? Nay ikaw ba yan? (Habang naguguluhan at patuloy na umiiyak)

Pagkatapos ng tinig na iyon ay nagpatuloy si Keira at kaniyang pamilya sa pag-iyak ng biglang


nagising ang tatay nilang kanina'y lasing. Agad na bumuhos ang emosyon at galit ni Bet ng
makita ang ama.
Bet: Grabi kayo itay! Sobrang sama niyo ! Hindi man lang kayo naawa kay Nanay!

Pangamaen Tomas: Anong pinag sasabi mo? Bakit ? Bakit kayo umiiyak lahat? Anong meron?
At bakit ang sarap ng tulog ng Nanay niyo? Ha? Nasaan ang pag kain?

Bet: (gustong sampalain ang ama, saktan at ibuhos qng galit nito sa kaniyang ama ngunit
kaniya lang itong pinipigilan) Ano tay? Masaya ka na?? (umiiyak at galit) Pag kain pa talaga
yang hinahanap niyo? At nag tanong pa kayo kung bakit masarap ang tulog ni Nanay? Di niyo
ba talaga alam itay?? Paa.. p..PATAY NA SI NANAY!! PATAY NAA.... Masaya na ba kayo?
Kung sinamahan niyo siguro kami sa asinan e di Sana nahabol pa Ang buhay ni Nanang. Kung
Hindi Sana kayo nag lalasing lagi e di Sana malakas pa si Nanang dahil Hindi pagod lagi sa
banigan.. samantalang Ang sarap sarap Ng buhay niyo lahi sa inuman.

Tomas: anak ng… Patay na si Nanang niyo? ( Nabigla Rin sa kanyang narinig)

Keira: (nanlilisik Ang mga mata ni K, sa sobrang galit. At sa sobrang galit ay magsasalita sa
kanyang Tatang) masaya ka na ba tay? WALA NA SI NANAY !! pinabayaan mo siya na mag
hirap Ng sobra sa banigan!!! pinabayaaan mo kami dahil lang sa galit niyo sa pamilya ni
Nanang( umiiyak habang galit)

Dahil sa sinabi ng anak ay nahimasmasan si Tomas at agad na lumapit sa asawang nakaratay


at walang buhay.

Tomas: Tiryang?? Tiryanggg patawarin mo ako. Tiryangg. Tirrryaaaaaanggggg !! (sambit nito


nang pasigaw habang umiiyak at hinahagkan Ang labi Ng kanyang Asawa.)

Tomas: Mag babago na ako. Pinapangako ko iyan....HAAAAAAAA( malakas na sigaw Puno ng


pag sisisi habang umiiyak) (Titingin sa kanyang mga anak na parang nangungusap Ang
kanyang mga mata) Patawarin niyo ako mga anak ko at Asawa kooo. Hulin na ang lahat.
( Malakas na pag iyak na Puno Ng pag sisisi)

Mara: (Nakatingin sa ama at sasambitin Ang mga salita na natutunan niya sa kanyang Nanang)
Hindi pa huli Ang lahat Tatang. May nagawa man kayong pag kakamali noon. Kaya niyo paring
mag bago, bumabgon at mag simula uli ngayon. (Ngingiti sapagkat Naalala lahat ni Mara Ang
nangyari sa kanya na kahit nagkamali siya noon, tinanggap parin siya Ng kanyang mga
magulang Ng buo. Hindi sinisi at minahal ng sobra maging Ang anak niya)

Pagkatapos nilang magluksa ay babalik na si Kiera ilang raw Ang nakalipas.

(UMAGA MGA 9:00 AM)


Nag lalakad na si Keira, papalayo sa bahay nila upnag bumalik sa kaibigan niyabg nag papatira
sa kanya. Ngunit bakas parin sa kaniyang sa kanyan na siya ay nag luluksa dahil sa suot
niyang itim na blouse at itim pin na nagsisimbulong namatayan ang isang tao. Nag may biglang
kumalabit sa kanyang likuran.

Kapatid ni Pinang : (kakalabit Ng mabilis) Psst neng? neng....

Kiera: ( magugulat sa pag kakalabit) ay, bakit po? Ano po iyon? Sino po pala sila ? Ano po
kailangan niyo? ( Sunod na sunod na binitawan na tanong ni Kiera dahil sa pag ka bigla)
Kapatid Pinang : ( medyo mahihiya) ay pasensya ka na. Mukha kasing Familiar Yung face mo
eh... Anak ka ba ni Tiryang , neng?

Kiera : Ah..Yes po. Isa Nga po ako sa anak nila. Bakit po?

Kapatid Pinang: Ako nga pala si Josephina.....kapatid ng nanay ninyo.

Kiera: (magtataka) ahh?? kapatid po kayo ni Nanang ko po?

Kapatid Josipena: Oo neng..

Keira: Ahh...okay po. Magandang umaga po pala.

Kapatid Josiphena: Nakikiramay kami sa nangyari. Ngunit may sasabihin akong importante...

Kiera: Ano po iyon, ante?

Kapatid Josiphena: Ang totoo.... Matagal ko ng alam na may matinding sakit siyang
pinagdaraanan. Ninais ko itong sabihin sainyo ngunit pinipigilan niya ako. Ikinalulungkot kong
malaman na namatay ang aking kapatid ng wala sa ayos. Sa banigan kung saan naranasan
niya ang lahat ng hirap.

Kiera: Mawalang galang na po, ante ah. Pero kung alam niyo na po pala na may sakit na si
Nanang bakit po...( Naiiyak) Hindi niyo man lang po sila Pina tingin sa Doctor?

Kapatid Pinang: Ang masakit sa akin, gusto ko man ayaw niya eh. Baka daw malaman niyo at
baka mag tagal siya sa Hospital at di siya makapasok sa banigan.

(Dito babagsak Ang luha ni K sapagkat naramdaman niyang selfless Ang kanyang Ina ,
gagawin talaga lahat para sa pamilya. )

Keira: (Babagsak Ang mga luha sa narinig ni K. ) Inag po talaga si Nanang. Walang kasing bait.
Ano po pala Yung sinasabi niyo pong importanteng sasabihin niyo po?

Kapatid Pinang: Nabanggit sa akin dati na Ang kwentas na ibinigay niya sa Isa niyang anak
na si Kiera ay susi sa isang malaking baol sa may banigan kung saan nagtatrabaho ang nanay
mo, naglalaman ito ng mga pag-aari na naitabi ng nanay mo nang hindi nalalaman ng aming
mga magulang. Pera, Ginto, mga titulo ng lupa at iba pang mahahalagang dokumento na
nakapangalan sa inyong magkakapatid.

Kiera: ( magugulat sa kanyang narinig at di makapaniwala) totoo po ba iyan?

Kapatid Pinang: Oo neng, Yan lamang Ang pinunta ko dito. Aalis na Rin ako dahil baka mag
Kita pa kami Ng Tatang niyo tiyak na malaking gulo. Dahil Ang akala niya kaming lahat ay tutol
sa pag iibigan Ng inyong magulang.

Kiera: Sige po, ante. Salamat po sa impormasyon at mag iingat po kayo. Kailangan ko narin din
po kasing maabutan Yung regular na bus. Ingat po kayo.

Kapatid Pinang- Sige, mag iingat dij kayo.


Si Kiera ay Hindi masyado naniwala sa sinabi Ng babae. Sapagkat unang beses niya palang ito
Nakita. At hindi kapani paniwala sa kanya Ang sinabi Ng babae.

Patuloy Ito sa kanyang pupuntahan.

Lights off (change scene)

Makslipas Ang Isang taon

Lights on ( sa asinan) (1:00 pm) bakas sa kanilang mukha Ang pagod at panghihina ni
Tatay at Bet)

Tomas: Hayy..sobrang hirap na ngayon Ang mag asin lalot pasulpot sulpot Ang ulan. Kaya't
uunti na Ang nagagawang asin. Paano Nanaman Kaya Tayo nito? Baka bawasan din Ang upa
natin sa Araw na ito anak ko.

Bet: Hindi naman po sana bawasan Tatang.

Tomas: Sana nga anak. Kasi sobrang Dami na ng ating utang sa mga kapit bahay may pang
allowance lang si K, dahil di talaga Kaya Ng kita sa asinan.

Bet: Ahh Tay nabanggit po pala ni K nung isnag Araw na yung allowance niya daw po sagad na
sagad na daw po... Kaya... Kailangan daw po siya mapadlahan.

Tomas: Hayaan mo anak mamaya pag binigay Ang Kita natin diresto ipapadala natin agad sa
kanya.

Bet: Sige po Tay..

Makalipas Ang ilang oras


Tahimik lang nauuwi sila bet at Tatang sa kanilang tahanàn dahol halos maliit Ang Kita ngayon

.
(Bahay scene) ( Medyo mag tatakip silim na )

Tatawag si K, Kay ate niya Mara.

Kiera: ate kamusta na kayo diyan?

Mara: Ito ading ayos pa naman kami dito. Medyo hirpa alnag talaga dito sa asinan sila Tatang
at ate Bet. Ikaw diyan K? Kamusta ka na?

Saktong dumating Ang mag Ama na si Bet at Tatang na medyo tahimik lamag dahil sa pagod at
maliit lamang Ang nakuhang upa sa banigan)

Mara: oh, andito na pala sila Tatang kakarating lang nila.


Kiera: Ate pwede kausapin ko po muna si Tatang te? Tatang ? Sasabihin ko Sana na.. Wala na
po akong natirang allowance dito Tang.. ( medyo naiiyak) baka naman po pwede kayo mag
Padala... Kung meron po?

Tatang Tomas: ( malungkot na sasagot) anak.. pasensya ka na anak Kasi walang Wala Rin
Tayo ngayon eh. Wala kami masyado kinikita sa asinan. Halos lahat na din Ng pinadala sa iyo
na allowance mo ay galing sa utang sa kapit bahay na di pa nababayaran hanngang ngayon.
Ayaw na din Kasi ako pautangin Ng dati Kong pinag uutangan anak eh.

Kiera: ( walang maisasagot .. pilit na pinipigilan Ang luha sa pag bagsak ) maginig NGINIG na
mag sasalita) Ahh. Ga..Ganon po ba Tang ?

Tatang: Oo anak eh. Pasensya ka na anak ahh.... Pero.... Parang ...di...ka..di ka na....namin
kayang pag tuluyin sa pag aaral eh.

Bbuhos Ang luha ni Kiera ngunit walang maririnig na pag tangis galing sa kanya.

Kiera: Tatang.... Malapit na tayo oh? Baka pwede pa pong magawan ng paraan? Tatang?

Tatang : (M aluluha na Rin ) (tanging masasabi ay..) Patawarin mo ako anak. Gusto ko man
pero Wala na ako alam na ibang mahanapan eh.

Kiera: Sige po Tatang. Ako po'y mag susunog pa Ng kilay. Ingat po kayo lagi Tang.

Sobrang malungkot si K, sa mga narinig nito.


Di mapakali at iniisip kung paano niya maipag papatuloy Ang kanyang pag aaral, nang bigla
niya maalala ang kwintas na nabanggit ng isang pamilyar na tinig na kalaunay napagtanto
niyang kaniyang ina. Ang kwintas na ito ay bigay sa kaniya ng kaniyang ina bago siya
magsimula sa kolehiyo. Napahawak siya sa kuwintas na suot niya. Tinanggal niya ito.

Keira: (magsasalita mag Isa)Nay , ano ang ibig mong sabihin sa kuwintas na ito?? Ito ba
talaga ang sagot sa lahat? At ano Ang ibig sabihin Ng babae na Ang Sabi niyay kapatid niyo
raw? Totoo ba Ang kanyang sinabi na Ang kwentas na ito ay magiging susi sa Isang
natatagong kayaman na matagal niyo pong itinago?

Dala ng kuyorsidad at puso na gustong maipag patuloy Ang pag aaral. Sinunod niya Ang
kanyang puso at isip na bumalik sa kanilang tahanàn at hanapin Ang kayaman. Na maging Siya
ay di makapaniwala kung ito ba ay totoo.

Pag karating nito sa kanilang bahay ay agad agad nitong hinalughog Ang bahay upang
masiguronna Wala nga talaga doon

Keira: Saan Kaya iyon? Mag pakita ka ? Naway toto Yung mga sinabi ng kapatid niyo Nanang.
Upang maipag patuloy ko po ang asking pag aaral.

Magugulat Ang lahat ng Makita so Keira na nasa kanilang bahay.

Mara: K? K!! Ano at nauwi ka ng wala sa oras ? Anong ginamit mo? Ang akala ko bay Wala ka
Ng pera.
Kiera: ( habang nag kalkalkal) oo ate. Ang toto kinapalan ko na po yung akong mukha na
umutang sa nag papatira sa akin para sa pamasahe ko.

Mara: At bakit Ikaw ay halos Hindi mapakali at ikot Ng ikot diyan na parang may hinahanap?

Kiera: Ang totoo ate. Mahabang kwento. Pero pwede mo ba ako samahan na mag hanap ate?

Mara: ano iyon?

Kiera: Ng pwedeng susihan neto? Basta parang may pinatuaan daw at maraming kayamanan..

Mara: ( di maniwala at maiisip na nababaliw na si Kiera) Kiera sabihin mo Lang kung okay ka
pa? O baka nasobrahan ka na niyan kaka aral mo? ( Tatawa na pag bibiro Kay Kiera)

Kiera: Hindi ako nag bibiro atee. AT MAS HINDI AKO NABABALIW. Totoo nga po. Mahirap
paniwalaan tulad ako nung una pero. Wala namang mawawala eh.

Mara: O, sige sasamahan na Kita.

Habang nag hahanap sila sa bahay nila. Naalala ni K, na sa mismong banigan pala Ang sinabi
Ng Tita niya.
Agad agad silang pupunta doon habang nag aasin Sina ate Bet at Tatang na walang kaalam
alam na umuwi so Kiera.

Papasok so K at Mara sa banigan. Mag kalkal sila ngunit Wala silang Makikita.
Mapapagod na mauuna si Mara at bibigay na.

Mara: Pinag luluko mo naman ako K eh. Nahaluhhog na natin halos lahat pero wlaa naman
yang sinasabi mo.

Kiera: Meron nga daw po ate.

Mara: Kiera, alam ko mahirap Tayo at sino ba naman maniwala pag sinabihan Ng ganoon pero
nako. Huwag mo na sayangin oras mo diyaan. Mauna na akong umuwi.

Kiera: ate samahan mo naman ako..sige na atee. Ateee!!.

Napanghinaan si K sa sinabi Ng kanyang ate Mara. At naisip na sumuko nalang din

Sa sobrang pagod ito ay nag pahinga pero nasa loob parin Ng banigan.
Bumalik lahat ng ala ala na. Doon daw namatay Ang kanyang Nanang sa mismong banigan.

Kiera: (mag sasalita mag Isa ) nay... Totoo po ba talaga ang sinabi niyo dati? Kasi parang Hindi
naman eh... Nahalughog ko na halos lahat pero Wala parin po ako nakita... Parang gusto ko na
Rin pong sumuko eh..(medyo maluluha at emosyonal) . Kasi Ang hirap hirap po talaga... Para
akong mag Isa nalang na lumalaban sa pag aaral ko eh Pero gusto ko pong tapusin Ang pag
aaral ko Kasi Yun Yung pangako ko sa inyo eh. Diba po, Nay? Para maiahon ko Ang Family
natin sa hirap. Habang nandiyan pa si Tatang. Gusto ko naman maranasan Ng pamilya natin
Ng ginhawa...Nay mag bigay naman kasyo Ng sign oh... Kahit sign lang.
Nang biglang may maliit na liwanag Ang pupukaw sa atensiyon ni K. Maliit na butas na may
liwanag na lumabas Mula rito. Agad niya itong pinuntahan upnag tignan Ng bigla itomg magulat
sa Nakita niya.

Kiera: Parang ngayon ko lang ito napansin ha. (Hinaplos haplos Ang maliit na butas hanggang
matanggal Ang alikabok.

Nagulat siya sapagkat ito ay parang maliit na pintuan at Ang butas na pinag lalaban Ng maliit na
liwanag ay doon pala butas na para sa susi ng kanyang kwentas

Nakita niya ang maraming alahas, mga ginto at mga papel na Ang nakasaad ay patungkol sa
lupa.

Kiera: (Hindi mapinta Ang kasiyahan ng kanyang mukha sa kaniybag Nakita) (mapapadasal)
Nanangg..... Huhu... Wala talaga kayo katuladd.( Bubuhos Ang luha sa saya at pag ka mangha
sa bait Ng kaniyang Nanang) Salamat Panginoon.

Kiera: ( agad na tatakbo si kyra papunta sa kanyang mga ate at Tatang sa asinan) Tatang
tatang... ate meron ako nakita.

Nagulat ang mag-ama sapagkat hindi nila inaasahan na makikita nila si Kiera.
Bet: (kita sa kanya ng reaksyon ang pagka gulat) Kiera?? Hello bakit ka nandito Kera? Anong
ginagawa mo dito sa asinan dibat nandoon ka lamang sa iyong kaibigan?

Kiera: Oo ate ahabang kwento.

Tatang: Anak saan ka naman kumuha ng pamasahe mo anak?

Keira: umutang muna ako doon sa kaibigan ko Tatang. Kinapalan ko na talaga yung mukha ko.

Bet: asan ka naman kukuha ng pambayad mo diyan?

Kiera : ate meron na. Wag na po kayo mag alala. Bumalik ako dito ate sapagkat meron kasi
sinabi sa akin yung kapatid daw ni nanang bago ako pumunta sa Manila. Nalala nyo po ba yung
binigay sa akin ni nanang na kwintas? Sinabi ng babae na ito ang magiging susi para
makaahon Tayo sa hirap. At meron ding nabanggit sa akin si Nanang. Huwag ko daw ito ay
wala sa pagka importanteng importanti iyon.

Bet : Ha?? Anong pinagsasabi mo?

Kiera: Basta ate , Tatang Tara na po!..Daliiii

At dali dali na sila ng pumunta sa loob ng banigan( lalagyan Ng asin). Pagdating doon ay
bumungad sa kanila ang mga kayamanan. Hindi makapaniwala ang mag-ama sa nakita.

Bet: Ading ko.. Ading ko. Ano ito napakaraming kayamanan at mga ginto.

Tatang: agad na hawakan ang mga ginto at kayamanan. ( Napawi ang pagod ni Tatang )
At Sa pag kakalkal ni K ay may Isang papel na Nakita siya. Nakahiwalay sa mga papel Ng
titulo.

Ito pala ay Isang liham Ng kanilang Nanang.

LIHAM

Dear mga anak at asawa ko,


Isang magandang Araw sa inyo. Ako'y lubos na nag papasaalamat at dumating kayo sa
aking buhay. Alam ko na darating ang araw na kami lilisan din sa mundong ito kayat ako'y nag-
iwan para sa inyo. Itinago ko ito sapagkat gusto kong gamitin ninyo kung kailan walang wala na
kayo . Ito ay galing sa aking mana sa aking mga magulang . Ito ay naglalaman ng mga alahas,
mga ginto at titulo ng lupa na mismo ay pinangalan ko sa inyong magkakapatid. Naway gamitin
niyo ito ng mabuti lalong lalo na sa pag-aaral ninyong. Mahal na mahal na mahal ko kayo.
Hanggang sa muli pamilya ko.
Nag mamahal,
Tiryang

Ang mga kayamanan na nakuha nila ay paghahati-hati on nila. Ang iba i gagamitin sa pag-aaral
ni K. Ang iba naman ay binabayad sa mga utang na halos hindi mabayaran dati.

Lights off
After 2 years ( Stage )
Lights on

Naka toga na si K, may hawak na diploma, at maraming nakasuot na medalya. Agriculture ang
kinuha niya. Siya ay ang kanilang valedictorian.

SPEECH
Magandang araw po sa ating lahat. Ako po si Kiera Bautista. Ako po ay anak ng mga mag-
aasin na taga Pagasinan. Gusto ko lamang po na ibahagi ang aking kwento. Ang totoo po ay
hindi ako makapag aral sa magandang skwelahan na ito kung hindi ako scholar. At dahil sarin
sa pag hihirap Ng aking mga magulang. Nanang, Tatang.. Graduate na po Ang bundo niyo.
Maraming salamat po sa lahat. Kaya sa mga studyante diyan. Huwag po kayo mawalan Ng pag
asa. Makakaya po natin lahat Yan. Yan lamang po at maraming salamat.

Babalik sa bahay nila.


Mag papagawa Ng sariling Asinan
Unti unting yayaman dahil sa asinan
Sa pag Yaman na iyon, nakakatulong pa sila sa mga Taga doon na nag aasin sa kanila.
Sapagkat ayaw nila na maranasan Ng mag aasin ang naranasan nilang hirap dati. Na halos
walang makain.
Naging successful silang mag kakapatid at kilala Ang kabilang Barangay na mayayaman dahil
sa asin at matulungin sa kapwa.
Namuhay silang masya at naging blessing sila sa ibang tao.

You might also like