Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

UNANG WIKA:

"AMA, PATAWARIN MO SILA, SAPAGKAT HINDI NILA ALAM ANG KANILANG GINAGAWA." 

Ang pagpapatawad ay isa sa mga pinakamahirap gawin. Napakahirap magpatawad, lalung-lalo na kung
mabigat ang kasalanan ng nagkasala sa atin. Isang halimbawa ng mga mabibigat na bagay ay ang
pagkakanulo sa iyo ng isang matalik na kaibigan. Ang kaibigang ito ay pinagkakatiwalaan mo at talagang
malapit sa iyo. Napakasakit tanggapin na ang kaibigang mapagkakatiwalaan ang siya pang magkakanulo sa
iyo. Napakasakit ng mga kasalanang iyon, at nag-iwan pa ng mga malalaking sugat ang iniwan sa iyong
puso't damdamin.

Naranasan din ito ng Panginoong Hesukristo. Ipinagkanulo Siya ng isa sa Kanyang mga alagad - si Hudas
Iskariote. Si San Pedro Apostol, tatlong beses niyang ipinagkaila na kilala niya o isa siya sa mga alagad ni
Hesus. Iniwanan si Hesus ng lahat ng Kanyang mga alagad (maliban na lamang kay San Juan). Ang mga
taong nagbigay-pugay kay Hesukristo noong pumasok Siya sa Jerusalem ay tumalikod sa Kanya at hiniling
kay Pilato ang Kanyang kamatayan sa Krus. 

Sa halip na magtanim ng galit laban sa Kanyang mga kalaban, hiniling at ipinagdasal ni Hesus sa Ama na
patawarin ang mga tumalikod, nagkanulo, at pumapatay sa Kanya.

Buong buhay ni Kristo, nagturo Siya tungkol sa pag-ibig at pagpapatawad. Sa panalanging itinuro ng
Panginoon, binigyang diin Niya ang pagpapatawad. Ang Diyos ay mapagpatawad. Hindi Niya itinatanggi
ang sinumang humihingi ng kapatawaran sa Kanya. Para sa lahat ang pagpapatawad ng Diyos. Walang
pinipili ang Diyos kung sino ang dapat at hindi dapat patawarin. Lahat ay pinapatawad, walang bawal o
hadlang sa pagpapatawad ng Diyos. 

Isa pa nga sa mga turo ng Panginoon ay ang pag-ibig sa mga kaaway natin. Napakahirap gawin ito. Mahirap
ibigin ang kaaway, lalung-lalo na kung mabigat ang kasalanan o atraso ng mga ito sa atin. Ngunit hindi
nagbibiro ang panginoon at tayo ay inuutusan na ibigin natin ang ating mga kaaway gaano man ito kahirap.

 Ang halimbawa ng pag-ibig sa kaaway ay ipinapakita sa atin ng Panginoong Hesukristo na nakabayubay sa


Krus. Ang unang ginawa ni Hesukristo noong Siya'y ipinako sa Krus ay humingi Siya ng patawad mula sa
Amang nasa langit para sa mga kasalanang ginagawa ng mga kaaway Niya laban sa Kanya. Isinagawa ni
Hesus ang mga tinuro Niya tungkol sa pagpapatawad sa Krus. Nagdasal si Hesus sa Ama upang patawarin
ang mga kalaban Niya. 

Mahirap mang tularan ang pagpapatawad ni Kristo, sikapin nating magpatawad katulad Niya. Sabi pa nga ni
Kristo, "Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama." Anuman ang ating kasalanan, handang
magpatawad ang Diyos sa ating mga kasalanan. Walang hahadlang sa pag-ibig at awa ng Panginoon sa atin.
Nawa ay sikapin rin nating magpatawad katulad ng Diyos. Mahirap man ang ibigin at patawarin ang ating
mga kaaway, pero, kung humihingi tayo ng kapatawaran mula sa Diyos, dapat nating patawarin ang ating
kapwa-tao. 

MAIKADUA NGA BALIKAS


“Ita nga aldaw, makipagyankanto kaniak idiay Paraiso”
Iti daydi nga aldaw a naibissayot ni Jesus iti krus idiay lugar "Bangabanga," adda idi
kaduana a dua a tulisan - maysa iti makanawanna ket ti maysa iti makannigid. Kadaydi
maysa, dayta nga aldaw ket aldaw ti pannakaukom gapu iti dakes/basol a naaramidna iti
gobierno ti Roma kasta metten iti pananglalaisna ken Jesus. Ngem iti maysa a tulisan, dayta
nga aldaw nupay saanna ninamnama, ket aldaw ti pannakaisalakan gapu iti napakumbaba a
panangbigbigna iti kinadakesna ken ti panangbigbigna ken Jesus kalpasanna kinunana,
"laglagipennak Jesus inton mapanka idiay pagariam"

Kadagiti nakaam-ames a pasamak ti lubongtayo iti agdama gapu iti COVID-19, sakit a
nakagitgita gapu ta iti apagdarikmat laeng manipud iti maysa nga indibidual ket maiyakar
ken mabalin nga agwaras ken maisaknap iti amin, kastoy ti napasamak iti lubongtayo.
SAPLIT gapu ta nalabit nga adun ti nakalipat kadagiti tattao ti Dios gapu kadagiti
nainlubongan ken nainlasagan a tarigagay ken aramid ket naiwalinen ti lugar ti Dios kadagiti
puso ken biagtayo.

Ita a kangitingitan ti Covid-19 pandemic, kunak iti bagik, “COVID 19, wagas ka kadi iti
pannakaukom? Wenno wagas ti pannakaisalakan?” Ngem kalpasan ti ababa a
pannakaidagelko, ti masiguradok ket daytoy a crisis ti salun-at ket maysa a pangriing ti Dios
kadatayo gapu ta ayayatennatayo nga an-annakna, a no nakullaapanen ti mata ti pammatitayo
ket nagsabalin ti dalan a tinaluntontayo gapu kadagiti manglimlimo a sulisog ken dakes nga
impluwensia ti agdama a lubong, riingennatayon iti Dios tapno agsublitayo iti nalinteg a
dalanna. Kas ti maikadua a tulisan, nga iti daydi nga aldaw, kinunana ken Jesus,
“laglagipennakto inton mapanka idiay pagariam!” Ngarud, kas kenkuana, ti reyalisasyom
ken panagpakumbaba iti imatang ti mannakabalin a Dios ti kasapulantayo ita a panawen.
Saan a kas ti immuna a tulisan a numanpay addan isuna iti maudi a kanito ti biagna ket
ubraenna pay laeng ti mangrabak wenno mangumbinsi. Kakabsatko iti Apo, a kas iti
maikadua a managbasol nga nangibaga, “laglagipennakto Jesus no mapanka idiay
pagariam!” tapno iti dayta met la a kanito, malak-amantayo ti panangisalakan ti Dios a
mannakabalin, maburak ti lunod ti basol! ken ti gita ti makapatay a sakit! Babaen ken Cristo-
Jesus a nagkuna, “Ita nga aldaw, makipagiankanto kaniak idiay paraiso.” Amen!

PANGATLONG WIKA:
"BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK.... NARITO ANG IYONG INA”
Noong si Hesus ay dinakip ng mga kawal sa Halamanan ng Getsemani, iniwanan Siya ng Kanyang mga
alagad. Ang mga alagad ay natakot at naduwag (maliban na lamang kay San Juan). Kahit malakas na sinabi
ng mga alagad na hindi nila iiwanan ang Panginoong Hesus, naduwag sila at iniwanan nilang mag-isa ang
Panginoon.

Ang Mahal na Birheng Maria ay hindi naduwag. Kahit alam niya na idinakip ang kanyang anak ng mga
kawal, hindi natakot si Maria na samahan si Hesus. Sinunod ng Mahal na Ina ang bawat hakbang nina Hesus
at ng mga kawal. Walang makakapigil o makakahadlang sa Mahal na Inang Maria sa pakikiisa sa
pagpapakasakit at pagdurusa ng Panginoong Hesukristo. 

Habang ang Panginoong Hesus ay nagdurusa, ipinapakita ng Mahal na Inang Maria ang kanyang pakikiisa at
katapatan sa kanyang Anak. Masakit man para sa kanya na makita ang pagdurusa ng kanyang Anak, hindi
niya ito iniwan hanggang sa katapusan ng misyon ni Hesus.

Pagmamahal ng isang ina ang umudyok sa Mahal na Ina na samahan ang Panginoong Hesukristo hanggang
sa huli. Sinakripisyo ng Mahal na Birheng Maria ang lahat, makasama lamang ang Panginoong Hesus sa
mga huling sandali ng Kanyang buhay. Ang katapangan ni Maria sa pagpapakasakit at pagdurusa ni Hesus
ay bunga ng kanyang pagmamahal kay Hesus bilang Kanyang Ina. 

Kahit ang Panginoong Hesukristo ay nakabayubay sa krus, hindi Niya kinalimutan ang Mahal na Birheng
Maria. Inihabilin ni Hesus ang Mahal na Birheng Maria kay San Juan Apostol (na kumakatawan sa ating
lahat). Alam ni Hesus na kung paanong minahal, inaruga at sinamahan Siya ni Maria, gayun din ang
gagawin ni Maria para sa ating lahat. 

Inihabilin tayo ng Panginoong Hesus sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria. Katulad ni Hesus, tayo'y
mga anak ng Diyos at anak ni Maria. Bilang ating ina, mahal na mahal tayo ng Mahal na Birheng Maria.
Kung paano niyang sinamahan ang ating kapatid at Panginoong si Hesus, sasamahan din tayo ng Mahal na
Ina sa bawat sandali ng ating buhay. Kasama natin ang Diyos at kasama din natin ang Mahal na Inang
Maria. 

Alam ni Hesus ang makakabubuti para sa atin. Alam ni Hesus na hinding-hindi tayo makakalimutan ni
pababayaan ni Maria. Kaya, tayo'y inihabilin ng Panginoong Hesus sa Mahal na Birheng Maria. Tayong
lahat ay mga anak ng Diyos at ni Maria, katulad ni Hesus. Sa bawat araw ng ating buhay, hindi tayo nag-
iisa. Kasama natin ang Diyos, kasama din natin ang Mahal na Birheng Maria. 

Minamahal tayong lahat ng Mahal na Inang Maria bilang kanyang mga anak. Ipinapadama sa atin ng Mahal
na Birheng Maria na minamahal niya tayo at aarugain, katulad ng pagmamahal at pag-aruga niya sa
Panginoong Hesukristo. 

Ang ikatlong huling wika ni Hesus.

 Testimonhyo

IKA-4 NA WIKA:
"DIYOS KO, DIYOS KO, BAKIT MO AKO PINABAYAAN?" 

Marami sa atin ay mahilig magkaroon ng kasama. Ayaw nating manatiling mag-isa. Kapag may kasama
tayo, masaya tayo dahil tayo ay may kausap o kasalo sa hapag-kainan. Ngunit kung nag-iisa ka lamang, iba
ang pakiramdam. Nawalan tayo ng pag-asa, at tayo'y nalulungkot na mag-isa.

Ang katanungang ito'y katanungan ng isang taong walang pag-asa. Ito'y isang katanungan ng mga taong na
may malaking problema o kaya’y nahaharap sa isang malaki at matinding pagsubok sa buhay.

Ang mga may COVID, HIV/AIDS,  CANSER,ang maaaring maging tanong nila, "Pinabayaan na ba ako ng
Diyos?" Ito'y isang tanong ng mga taong may matinding pinagdaraanan dahil hindi sila tinatanggap ng
lipunan. Diyos ko, ano ba ang napakalaking kasalanang ginawa ko? Bakit Mo ako pinabayaan?
Panginoon, pansamantala lamang ba ito o talagang pinabayaan Mo na ako? Bakit ganito ang parusa Mo
sa akin?

Sa wikang ito, nag-iba ang tono ng Panginoon. Siya'y mula sa pagbibigay, ay nagmumukhang kawawa.
Wala na Siyang kalaban-laban at pag-asa. Mag-isa na lamang Siya sa sandaling ito. Ang Panginoon ay
pinabayaan ng Kanyang mga alagad. Yung isa pa nga sa mga alagad Niya ay nagkanulo sa Kanya samantala
ang isa naman ay nagtatuwa sa Kanya ng tatlong beses. Tinalikuran Siya ng napakaraming taong dating
humahanga sa Kanya.

Ang tanong, pinabayaan ba si Kristo? Ano ba ang ginawa ni Kristo upang pabayaan Siya ng Ama? Dapat
may ginawang masama si Kristo upang pabayaan Siya ng Ama. Ngunit, buong buhay Niya, naging
masunurin Siya. Ano ba ang nangyari? Tinalikuran na ba talaga si Kristo ng Amang nasa langit?
Habambuhay Niyang sinusundan ang kalooban ng Diyos. Ito pala ang gagawin sa Kanya ng Diyos
pagdating ng oras na ito.

Ang Diyos ay hindi nagpapabaya. Hindi pinabayaan ng Diyos Ama ang Diyos Anak. Sa halip, binubuksan
ng Diyos ang Kanyang mga Kamay upang tanggapin Siya uli. Tinatanggap ng Diyos si Hesus sa Kanyang
mga Kamay. Hindi tayo pinapabayaan ng Diyos. Laging kasama natin ang Diyos sa bawat sandali ng ating
buhay.

Naalala po ba ninyo ang talinghaga ng nawawalang tupa? Ang pastol ay hindi nag-atubli upang hanapin ang
tupang nawawala upang mabuo ang mga tupa. Hindi nag-dalawang isip ang Diyos na hanapin tayo. Dahil sa
ating mga kasalanan, tayo ay naihiwalay sa Diyos. Ang Diyos, dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa atin,
ay humahanap sa atin. Hinanap tayo ng Diyos sa kabila ng pagiging makasalanan natin. Tinanggap tayo ng
Diyos sa Kanyang mga kamay nang may pagmamahal sa ating mga makasalanan. Ito ang ikaapat na huling
wika ni Hesus sa krus.

 Testimony

IKA-5 WIKA:
"AKO'Y NAUUHAW." 

Nagbago muli ang tono ng Panginoon sa wikang ito. Siya naman ay humihingi. Humihingi Siya ng tubig
upang mapawi ang Kanyang pagkauhaw. Pagkatapos ng ilang oras na nakabayubay ang Panginoon sa krus,
uhaw na uhaw ang Panginoon.

Uhaw na uhaw tayong lahat para sa atensyon, pagmamahal, at marami pang iba. Hindi lamang
pangkaraniwang tubig ang kinauuhawan natin. Ganyan rin ang Diyos.

Madaling lumapit sa mga taong mahihina, walang kalaban-laban at pag-asa, at matatanda. Samantala,
mahirap lumapit sa mga taong malakas, mataas ang posisyon, at makapangyarihan. Napakahirap ring
lumapit sa Diyos. Hindi lamang makapangyarihan ang Diyos. Ang Diyos ay ang pinakamakapangyarihan sa
lahat.

Ngunit, dahil hindi natin kaya lapitan ang Diyos, ang Diyos ang Siyang lumalapit sa atin. Lumalapit sa atin
ang Diyos upang pawiin ang ating pagkauhaw. Uhaw na uhaw tayo para sa napakaraming bagay, ngunit
mapapawi ito sa pamamagitan ng Diyos. Sabi ng Panginoon, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na
napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko." (Mt 11:25)

Ang Diyos ay lumalapit sa atin sapagkat mukha tayong kawawa. Tayo ay walang kalaban-laban at pag-asa.
Nilalapitan tayo ng Diyos sapagkat nais Niya tayong tulungan. Ito ay dahil mahal na mahal tayo ng Diyos.
Ang Diyos ay pag-ibig. Dahil mahal na mahal Niya tayo, tayo ay tinutulungan Niya sa kabila ng ating
pagiging mga makasalanan.

Wala ring iba ang Panginoon sa wikang ito. Tinatawag Niya ang ating pansin upang lapitan Siya. Hindi
pangkaraniwang tubig ang kinauuhawan ng Panginoon. Ang kinauuhawan ng Panginoon ay ang ating
pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Tayo lamang ang makakapawi sa malawak na pagkauhaw ng
Diyos. Kung paanong pinapawi ng Diyos ang ating pagkauhaw, kailangan ring pawiin natin ang pagkauhaw
ng Diyos sa atin. Makiisa nawa tayo sa pagkauhaw ng Panginoon. Ito ang ikalimang huling wika ng
Panginoon.

 Testimonyo mo

IKA-6 WIKA:
"NAGANAP NA."

Naganap na ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Naganap na ang lahat ngunit hindi ito ang wakas.

Ang kaligtasan ng tao ay inihain na sa bawat isa ngunit ang tao ay hindi pa nakahanda, hindi pa buo, at hindi
pa ganap. Niyakap na ng Diyos ang Kanyang Krus para sa sandaigdigan ngunit ang tao ay hindi pa handang
yumakap. Itinuro na ng Diyos ang daan tungo sa Kanya ngunit ang sansinukob ay taliwas pa. Ipinakita na
Niya ang Kanyang kapangyarihan ngunit tayo ay nagduda at nag-alinlangan pa. Bumuhos na ang dugo sa
Kalbaryo ngunit tayo ay hindi pa handang magbago.

Likas sa bawat isa ang kahinaan na nagiging dahilan ng ating pagkukulang at pagkakasala pero hindi
sumuko ang Diyos na gumawa ng hakbang upang maging tulay natin patungo sa Kanya. Anong klaseng
pag-ibig mayroon ang Diyos na ito na handang gawin lahat para sa Kanyang mga nilikha?

Sa’ting buhay maraming mahahalagang bagay ang dapat nating gawin bilang anak, bilang kabataan, bilang
magulang, at bilang misyonero.

Ngunit kadalasan dahil sa’ting mga kahinaan bilang tao ay hindi natin natatapos ang mga bagay na ating
nasimulan lalo’t higit ang mga adhikain at misyon na iniatang sa’ting mga balikat, dahilan na tayo ay
nabibigatan, napapagod at nasasaktan.
Titigil na nga lang ba tayo dahil wala nang naniniwala, susuko na ba dahil ito ay mabigat? Tuluyan nalang
ba tayong mawawalan ng pag-asa? At Nawala na ba ang ating pananampalataya?

Ngunit kaisa natin ang Panginoon dahil una na Siyang dumanas ng ating mga nararanasan. Minsan Niyang
winika na dala rin ng labis na hapis, “Ama, kung maari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito…” (Lucas
22:42) ngunit ipinagpatuloy nya parin ang kanyang misyon para sa kaligtasan ng mundo.

Tanda ito ng Kanyang dakilang pag-ibig sa lahat. Maganap din nawa ang kalooban ng Diyos sa’ting buhay
na maipaglingkuran ang sarili sa kapwa, magsilbing liwanag sa nadidiliman, magbigay ng pag-asa at lakas
sa mga nangungulila, magtanggol sa mga maralita at naapi, tumulong sa mga nangangailangan at higit sa
lahat ang magmahal katulad ng ating Lumikha.
Ang pagpapakasakit at pagkamatay ng ating Manunubos sa krus ay hindi dahilan upang matapos na ang
kanyang misyon dito sa lupa. Bagkus, ito’y nagpapatuloy sa pamamagitan natin na kanyang
mananampalataya. Nawa, tayo’y makiisa sa Kanyang misyon at tumahak sa Kanyang daan sa kalbaryo nang
tayo ay makasalo rin sa muling pagkabuhay.

Maganap nawa ito sa ating buhay. Amen.

IKA-7 WIKA:
"AMA, SA IYONG MGA KAMAY, AKING INIHAHABILIN ANG AKING KALULUWA."

Ang ika-7 wika ay hindi isang hiling. Ito'y isang pahayag na ang Diyos Anak ay babalik sa Diyos Ama. Ang
Banal na Santatlo ay mabubuo at magkakaisa uli. Babalik ang isinugo sa nagsugo sa Kanya.

Nakakainterasado na ito'y isinambit nang si Hesus ay nasa bingit ng kamatayan. Siya'y naghihingalo sa
Krus. Nakabitin nang ilang oras ang Panginoon sa krus. Ang wikang ito ay isinambit sa oras ng
pagdadalamhati.  Mula sa pagiging oras ng pagdadalamhati, ito'y naging isang oras ng luwalhati.

Ang okasyon ng pag-aanunsyo ni Kristo na babalik Siya sa Ama ay isang dakilang pangyayari. Ito'y naging
oras ng luwalhati. Babalik na uli ang Diyos Anak sa Diyos Ama. Kahit ito'y isang malungkot na pangyayari,
ito'y naging maluwalhati. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay namalas sa pamamagitan ng wikang ito.

Mapapansin natin na ang unang wika ni Hesus ay isinambit Niya sa Ama. Ngayon naman, sa ika-7 at huling
wika, muli itong isinambit sa Ama. Ito'y para ipahayag na ang Masunuring Anak ay babalik sa Ama. Hindi
sumuko o nawalan ng tiwala ang Anak sa Ama.

Isang aral ang makukuha natin sa wikang ito. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag mangamba. Sapagkat ang
Diyos ay palagi nating kasama hanggang sa bingit ng kamatayan. Palaging maaasahan ang Diyos sa bawat
oras.

Natatakot tayong harapin ang pagkamatay. Ayaw nating matapos ang ating buhay. Ngunit, ito'y isang
napakasakit ito para sa atin. Ang buhay natin dito sa lupa ay pansamantala lamang. Lahat ay may
hangganan. Kasama na rin ang mga buhay natin sa mga bagay na may hangganan. Hindi lamang mga
pelikula o teleserye o palabas sa telebisyon ang may hangganan. Hindi lamang mga pangyayari dito sa
daigdig ang may hangganan. May hangganan rin ang ating buhay.

Sa halip na matakot, dapat harapin natin ang ating kinabukasan, lalung-lalo na ang ating kamatayan. Hindi
ba, sabi sa Salmo 27: Tanglaw ko'y ang Poon, aking kaligtasan, 
kaya wala akong takot kaninuman; sa mga panganib kanyang iingatan, kaya naman ako'y walang kaagam-agam.

Hindi po ba, noong sina Hesus at ang mga alagad Niya ay nakasaky sa bangka, nawalan ng pananalig ang
mga alagad? Nakasakay sina Hesus at ang mga alagad isang araw. Noong dumating ang unos, nangamba at
natakot ang mga alagad. Sila'y nawalan ng pag-asa sapagkat napakalakas ng unos. Grabe, ang lakas ng unos.
Hindi kaya nilang labanan ang unos, kaya lalo silang nawalan ng pag-asa at pananampalataya. Noong
ginising nila si Hesus at pinatigil Niya ang unos, ano yung tanong Niya sa mga alagad? "Wala ba kayong
pananalig?"

Ganyan rin ang tanong sa atin ng Panginoon. Huwag tayong mangamba o matakot. Ang Diyos ay kasama
natin oras-oras at bawat sandali. Kapag tayo ay nangangamba, isipin natin ang Salmo 27. Sa tuwing maiisip
natin ang Salmo 27, harinawa, mas lalo pang lumakas ang ating pananalig sa Diyos. Huwag tayong mawalan
ng pananampalataya. Ang Diyos ay patuloy na sumasabay at magtatanggol sa ating lahat.

You might also like