Modular Distance Learning

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

.

MODULAR DISTANCE LEARNING: EPEKTO SA


AKADEMIK PERFORMANS NG MGA MAG
AARAL NG SENIOR HIGH SA BATO
NATIONAL HIGH SCHOOL SA TAONG
PANURUANG 2020-2021
KABANATA I
PANIMULA
Ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa maraming pang bagay. Ang kaalamang
natutuhan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga
bagay bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din
ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon
din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat na
mga pananagutan. Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad.
Maraming pagbabago ang nagyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at
estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa
kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham. Maari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa
kalidad ng edukasyon ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang
ibang salik ang maaring maging hadlangpara sa tagumpay sa pagkatuto ng bata ay lubos pa ring
mas nakakaapekto ang paraan kung paano mailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon
sa kanya ayon sa napiling estilo nito.
Masasabing maayos na nakamit ang pagkatuto kung ang guro ay personal na sumusubaybay sa
kanyang mga mag aaral. Subalit, dahil sab anta ng Coronavirus disease (COVID19) nagbago ang
paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante para sa taong 2020-2021. Matinding dagok
ang dala ng pandemya na ito sa buhay ng tao, hindi lamang sa edukasyon kung di narin pati sa
pamumuhay, pamilya, sa lipunan, sa negosyo, sa mental health at marami pang iba.
Ang kalihim ng Edukasyon si Professor Leonor Magtolis- Briones, ay hindi tumitigil sa paghahanap
ng solusyon sa mga problemang kinakaharap. Ang Kagawaran ng Edukayon ay naglunsad ng isang
komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na tutugon sa mga materyales ng pagkatuto, at
karampatang suporta para sa mga guro. Sa kinakaharap na pandemya ng buong mundo ay
gumagawa ng desisyon ang Kagawaran ng Edukasyon kung ano ang mga “New Normal” na
ipapatupad, ang new normal na ito sa Sistema ng edukasyon,nabatid natin na may mga opsyon
ang mga mag aaral na maaring pagpilian kung paano nila ipagpapatuloy ang pag aaral sa kabila ng
pandemya.
Mula sa nabasang artikulo sa ABS- CBN NEWS (May 27, 2020) ipinaliwanag ni Education
Undersecretary Diosdado San Jose Antonio na magpapatupad ang kanilang kagawaran ng ibat-
ibang paraan para maihatid sa mga estudyante ang kanilang aralin sa darating na pasukan.
Ang pagbubukas ng paaralan ay hindi nangangahulugang tradisyunal na pag aaral ng harapan sa
silid- aralan, kaya naghanda ang DepEd ng Learning Delivery Modalities (LDM) para sa taong 2020-
2021. Isa sa mga Learning Delivery Modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang
distance learning, kung saan hindi pisikal na magkaharap ang guro at mag- aaral. Sa ilalim nito,
maaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL) Kung saan
ang mga mag aaral ay bibigyan ng kumpletong sets of Self-Learning Module (SLM) o printed
modules. Ang mga mag aaral ay bibigyan ng naiiimprentang modyul na kanilang pag aaralan sa
looob ng kanilang tahanan na naglalaman ng ibat ibang Gawain sa pagkatuto. Isa ito sa
alternatibong learning modality. Ang Modular Distance Learning ay nagtatampok ng individualized
instructions o pang isahang panuto na nagbibigay- daan sa mga mag aaral na gumagamit ng Self-
Learning Module (SLM) na nakaprint o digital na porma/eletronikong kopya, alinman ang naangkop
sa pagkatuto ng mga mag aaral. Maari ring gumamit ng iba pang mapagkukunan sa pag aaral tulad
ng mga kagamitan ng mag aaral.
1. 1 PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayung alamin ang mga epekto ng Modular Distance Learning sa
akademik performans ng mga mag- aaral sa Bato National High School.
Upang matugunan ang layuning ito, binuo ng mga mananaliksik ang sumusunod na mg tanong:
1.Ano-ano ang mga epekto ng modular distance learning sa pangkahalatang akademik performans
sa filipino ng mga mag-aaral sa Bato NHS kung ang mga datos ay papangkatin ayon sa:
a. Written outputs
b. Performace Tasks
2. Gamit ang checklist, epektibo ba ang paggamit ng modular distance learning sa akademik
performans ng mga mag aaral sa Bato NHS?
3. May makabuluhan bang pagbabago kung ang mga baryabols ay papangkatin ayo sa a. written
works; b. performance task ng mga kalahok?
1.2 KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Sadyang napakahalaga ng pag aaral na ito sapagkat layunin nitong malaman kung ano ba ang
epekto ng modular learning sa akademik performans ng mga mag aaral at mabigyan ng lunas ang
problemang kahaharapin ng mga sumusunod:
A. Sa mga Administrador
Ang kabuoan ng pag aaral na ito ay magbibigay ng impormasyon sa mga administrator ng paaralan
upang mabigyan ang mga guro ng epektibong stratehiya sa pagpapaunlad at pagbibigay ng
makabuluhang implementasyon patungkol sa modular learning.
B. Tagapagbalangkas ng Kurikulum
Ang kinalabasan ng pag aaral na ito ay nagbibigay ng ideya sa mga tagabalangkas ng kurikulum
upang makapagpanukala ng bagong patakaran patungkol sa implementasyon ng Alternative
Learning Delivery Modalities
C. Sa mga Guro
Ang resulta ng pag aaaral na ito ay magsisilbing pamulat-mata sa mga guro upang matagumpay na
makapagbigay ng isang kalidad ng edukasyon sa New Normal setting. Makatutulong ang
pananaliksik na ito upang magkaroon ng kaalaman ang guro sa mga salik na nakaaapekto sa
pagkatuto gamit ang self-learning modules, at masolusyunan o mabigyan ng tamang interbensyon
ang mga mag aaral na nahihirapan sa mga aralin sa modyul. Mag lalaan din ang guro ng oras upang
makipag-ugnayan sa mag-aaral at magulang nang sa gayon malaman ang estado ng pagkatuto ng
mag-aaral.
D. Sa mga Mag-aaral
Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maglalahad ng kahinaan at kahusayan ng mga mag-aaral
sa kung paano nila nagagawan ng paraan ang proseso sa pagtuturo sa new normal setting.
1.3 SAKLAW AT DELIMITASYON
Saklaw ng pag-aaral na ito na alamin at suriin ang epekto ng modular learning sa akademik
performans ng mga mag-aaral ng Bato NHS sa taong panuruang 2020-2021
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga napiling mag-aaral ng baiting 11 at 12 ng Bato NHS
na kasalukuyang nag aaral sa toang panuruan 2020-2021. May tatlong seksyon ang baiting 11 at
dalawang seksyon ang baitang 12, bawat seksyon may tigwawalong kalahok, apat na lalaki at apat
na babae. Sa kabuuan ay may apatnapung (40) kalahok.
KABANATA II
KONSEPTUWAL AT TEORETIKAL NA BALANGKAS
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng konseptuwal na literature at mga kaugnay na pag-aaral na
kinapapalooban ng mga lokal at banyagang pag-aaral. Kasama ang konseptuwal na balangkas at
pagbibigay katuturan ng mga salitang ginagamit sa pag-aaral na ito.
2.1 KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ang mga lokal at banyagang pag-aaral na matutunghayan sa bahaging ito ay may malaking
kaugnayan sap ag-aaral na isasagawa. Ang mga ito ay magbibigay ng malinaw na suporta at
batayan sa mga resulta kung papaano nakakaapekto ang akademik performans ng mga mag-aaral
ng Bato NHS SHS sa Modular Distance Learning sa taong panuruang 2020-2021.
2.2 TEORETIKAL NA BALANGKAS
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang epekto ng modular distance learning sa akademik
performans ng mga mag-aaral sa SHS ng BNHS.
Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa teorya ng Bruner (1961) Constructivism. Ang konstruktibismo
na binanggit ni Fosnot (2005) ay binibigyang diin ang aktibong papel na ginagampanan ng pag-
unawa sa natututo at pagbibigay kahulugan ng impormasyon. Ang pagtuturo ng constructivist ay
nakasentro sa mga mag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nakasangkot sa pagbuo
ng kaalaman kaysa sa mga passive ay nag aaral. Ang isang pangunahing tema sa teoretikal na
balangkas ng Bruner ay ang pa-aaral sa bawat aktibong proseso kung saaan ang mga nag-aaral
ay nagtatayo ng mga bagong ideya o konsepto batay sa kanilang kasalukuyan at nakaraang
kaalaman. Ang mag-aaral ay pipili at magbago ng impormasyon, bumubuo ng mga teorya,
gumagawa ng mga desisyon, at umahasa sa kanilang sariling pag-unawa. Ang nagbibigay-malay
na istraktura (schema) ay nagbibigay ng kahulugan at pag-aayos sa mga karanasan at pinapayagan
ang indibidwal na lumampas sa ibinigay na impormasyon. Sa madaling salita, dapat subukin at
hikayatin ng guro ang mag-aaral na tuklasin ang mga prinsipyo sa kanilang sarili. Sa paggamit ng
modyul ay magagawa ng mag-aaral na magproseso ng mga bagong ideya na nabasa nila mula sa
modyul. Mula sa therethey ay maaring nakasalalay sa kanilang sariling pag-unawa at bumuo ng
kanilang mga kasanayan sa paglutas.
Samantalang ang kasanayang pasulat, ay nasasalig sa teoryang cognitive constructivism ni Piaget
(1995). Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang kaalaman ay nalilinang sa isipan ng mag-aaral
habang sila’y natututo. Malinaw na isinasaad na ang kaalaman ng mag-aaral ay nakasalalay sa
impormasyong nakalagak na sa kanyang isipan kaysa sa mga nabasa, naririnig o naoobserbahan
lang.Sa madaling salita, bawat indibidwal ay gumagawa ng sariling imahe sa pamamagitan ng
pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga impormasyon nakaimbak sa kanilang isipan at mga
impormasyong kanilang natanggap mula sa kanilang pandama. Ipinaliwanag pa ni piaget (1980) na
ang bawat indibidwal ay hindi lamang tagatanggap ng impormasyon bagkus aktibo nilang ginagamit
ang kanilang kaalaman, iniuugnay ito sa katatanggap na kaalaman at naangkin ang kaalaman ito
sa pamamagitan ng paglikha ng sariling interpretasyon gaya ng pagsulat. (Cheek,1992)
Nasasalig rin ang pag-aaral na ito sa metakognitibong pananaw sa pagsulat ni Kellog (1994). Ang
metakognitibong pananaw ay nangangahulugang “pansariling kognitibo o kaalaman”.
Samakatuwid, ang mga mag-aaral ay may kakahayang gamitin ang kanyang sariling pag-iisip o
kaalaman. Samantala, binanggit ni Badayos (2008) mula kina Stewart at Tei (1983) na ang
metakognisyon ay may kamalayan sa angking kasanayan at ang pagkontrol sa mga kasanayang
ito. Ang kaalaman at karanasan ay ang dalawang mahahalagang salik sa proseso ng pagsulat na
binibigyang-diin ng teoryang metakognitibo.
2.3 KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang epekto ng modular distance learning sa
akademikong performans ng mga mag-aaral sa Senior high school ng BNHS.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang modular learning ay nakakaapekto sa akademik
performans ng mga mag-aaral. Ayon sa lumabas na pag-aaral ni Padmapriya, (2015) na ang mga
mag-aaral na ginamitan ng modular approach ay nakakakuha ng mas mataas na marka kaysa sa
mga mag-aaral na itinuro sa pamamagitan ng activity-oriented na pamamaraan. Ang pag-aaral ay
nagpapakita ng bias sa self-instructional module sa mga mag-aaral sa sekondarya, kaya kailangan
ang mga tagapangasiwa ng mga paaralan ay dapat bigyan ng espesyal na pagsasanay ang mga
guro sa pagbuo ng module.
KABANATA III
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Tinatalakay sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, instrument ng pananaliksik, paraan ng
pagbibigay ng halaga sa mga datos tungo sa masusing pag-aaral.
3.1 DISENYO NG PAG-AARAL
Sa pag-aaral na ito ginamit ang Quantitative-Descriptive na pagsusuri ang proseso ng pagsasarbey
sa pamamagitan ng Self-Learning Modules o CapSLET ng mga kalahok sa asignaturang Filipino.
Naniniwala ang mga mananaliksikna ang pagsusuri sa mga karanasan at pagkatuto sa
asignaturang Filipino ng mga kalahok gamit ang modular learning. Sa pamamagitan nito malalaman
ng epekto sa akademik performans sa asignaturang Filipino ng mga kalahok sa Senior High ng
BNHS gamit ang modular distance learning.
3.2 HAKBANG NG PAG-AARAL
Upang makalikom ng datos, ang mga sumusunod na hakbang ang sinunod sa pag-aaral ito;
a. Pagpili ng paksang pag-aaral
b. Pagbuo ng Panukalang Pananaliksik
c. Pagdepensa sa Proposal
d. Pagkuha ng Sertipiko sa Ethics
e. Pangangalap ng mga datos
f.Pagsusuri at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos
g. Pinal na depensa
3.3 INSTRUMENTO NG PAG-AARAL
Upang mabigyan ng tugon ang mga layunin ng pag-aaral, ang ginamit ng mananaliksik ay Self-
Learning Modules ng mga kalahok.
Ang Self-Learning Modules ay instrumentong ginamit upang makuha ang mga kwalitatibo at
kwantitatibong datos na layunin sa pag-aaral. Ito ay binubuo ng mga sagutang papel para sa
pagsasanay at pagtatasa o Learner’s Activity and Assessment Sheets na ginamit upang matukoy
ang epekto sa akademik performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino gamit ang modular
learning. Isinagawa ito sa loob ng tatlung buwan o unang kwarter sa pamamagitan ng mga module
na ibinigay sa bawat mag-aaral.
3.4 PARAAN NG PAGLILIKOM NG DATOS
Magbibigay ng liham ang mananaliksik sa punong-guro ng paaralan sa loob nh isang lingo upang
maipagbigay alam ang hangarin ng mga mananaliksik. Kapag naaprubahan na ang liham, sa unang
pagkakataon ipapakita ito sa mga guro ng mga kalahok. Bago isagawa ang pagkuha ng datos,
magtatakda ng isang oras na oryentasyon ang mananaliksik sa punongguro, mga guro at sa mga
kalahok gamit ang videocall sa messenger upang maipagbigay alamang layunin at proseso ng pag-
aaral.
3.5 PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON
Matapos makakalap ng mga datos ang mananalisik mula sa mga kalahok ay iwawasto ang mga ito.
Ang mga datos ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad sa pag-aaral. Ang mga
resulta ay ikukumpara sa grado na nakuha nila sa asignaturang Filipino ng nakaraang taon sa grado
na nakuha nila sa asignaturang Filipino ng nakaraang taon sa grado na makukuha nila ngayon
unang kwarter. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan gamit ang talahanayan upang
maayos at organisadong mailahad ang resulta. Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha ng
porsyente ng written works at performance tasks ay:
Written works= iskor na natamo sa loob ng isang kwarte×100×.40
Kabuuang iskor sa loob ng isang kwarter

3.6 PAGTUTUOS- ISTADISTIKAL


Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pag tataya rito. Gagamit descriptive
Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng
mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madling
maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang ibat ibang uri ng talaan
gaya ng talahanayan, tsats at graphs gayon din ang may pag tatalakay sa mga resulta ng datos.
Sa pag buo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maintindihan ng mga
mananaliksik ay ang pag gamit ng talahanayan at graphs nang sagayon ay mas magiging epektibo
ang descriptive Statistical Analysis sa pag-aaral na ito.
Talahanayan 0.2
Mga suliranin / katanungan at Pag tutuos-istadistikal na ginamit sa pananaliksik.
SULIRANIN HAYPOTESIS ISTATISTIKA
1.Ano- ano ang mga epekto ng
modular distance learning sa
pang kalahatang akademik
performans sa filipino ng mga Walang haypotesis Mean at standard deviation
mag aaral ng sangali national
school-shs kung saan ang mga
baryabols ay papangkatin ayon
sa :

A. written outputs
B. performance tasks
2. Epektibo ba ang pag gamit
ng modular distance Walang haypotesis Mean at standard deviation
performance ng sangali
national high school-shs?
3. May makabuluhan bang pag
babago kung ang mga Walang haypotesis Mean at standard deviation
baryabols ay papangkatin ayon
sa a.written works ; at b.
performance task ng mga
kalahok.

REPERENSIYA
https://www.google.com.ph/search?ei=OxoUYKWCFMv8wAPh-on4DA&q=Modular-
Based+Approach+and+Students%E2%80%99+Achievement+in+Literature&oq=Modular-
Based+Approach+and+Students%E2%80%99+Achievement+in+Literature&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzICCAA6
CAgAEOoCEI8BUNqJA1jaiQNg1aUDaAFwAXgAgAHSAogB0gKSAQMzLTGYAQGgAQGgAQKqAQdnd3Mtd2l6
sAEKwAEB&sclient=psy-ab&ved=0ahUKEwjli4_qq8HuAhVLPnAKHWF9As8Q45dUDCA0&
https://balita.net.ph/2017/03/15/alternatibong-pag-aaral/
https://brainly.ph/question/1454295
https://www.coursehero.com/file/p1n2kne/Sa-local-napag-aaral-ni-Andaya-2014-ang-akademikong-performans-
ng-isang-mag/
https://www.coursehero.com/file/p1n2kne/Sa-local-napag-aaral-ni-Andaya-2014-ang-akademikong-performans-
ng-isang-mag/

You might also like