Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Hindi lahat ng bagay ay pare pareho, hindi

lahat ng lugar ay pare pareho, hindi lahat ng


tao ay pare pareho. At hindi lahat ng
pagkakataon ay pare pareho. Not all things
are the same. Not all places are the same. Not
all people are the same. And not all moments
are the same. May mga sagradong bagay ,
may mga sagradong lugar, may mga
sagradong individual, at may mga sagradong
pagkakataon o oportunidad. Sabi ni Dr Mike
Murdoc, Wisdom is the ability to discern the
difference between people, between places,
and between moments. Isang maituturing na
katalinuhan kung marunong tayong kumilala
ng pagkakaiba sa pagitan ng mga bagay, tao,
lugar, at pagkakataon. Hindi pwedeng pare
pareho lang ang kilos at pagtrato natin sa mga
bagay bagay. Iba syempre ang kilos natin
kapag tayo ay nasa party at iba din kapag
tayo ay nasa church. Pati suot natin
nagbabago depende sa okasyon dahil hindi
nga lahat ng okasyon ay pare pareho lang.
Pati sa mga tao, sabi ng bible give honor to
whom honor is due. Ibig sabihin may sadyang
dapat bigyan ng special na attention depende
sa kanilang status sa lipunan. Kahit sa mga
lingkod ng Diyos sila ay may kanya kanyang
anointing at mayroon ding spiritual ranking na
dapat i- discern. Kahit nga sa mga anghel may
pangkaraniwang angel pero may mga
tinatawag na arkangel. Ang moving ng Holy
Spirit ay iba iba din. Hindi pare pareho ang
move ng Holy Spirit sa mga pagtitipon.
Kailangan ma recognize natin yun. We should
discern be able to discern it. Once you discern
it, dapat alam mo paano i seize o paano
samantalahin ang moment, huwag mong
palalagpasin. At yun ang ginawa ni blind
Barthemaeus. Yun ang ginawa ng babaeng
inaagasan ng dugo. At yun ang ginawa ng
nakapako sa bandang kaliwa ni Jesus. They
seized the moment noong malaman nila na
nandun si Jesus. They all received their
blessings. Pati sa word ni Lord
na naririnig natin. May mga panahon na
parang wala lang pero may mga panahon na
kinakausap tayo ng Diyos sa mga salita na
ating napapakinggan. Sino ang naranasan
itong mga sinasabi ko?

Kapag pareho lang natin tratuhin ang mga


bagay na espiritwal sa mga bagay sa sekular
ay mali po yun mga kapatid. Tiyak may
pinapalagpas tayong blessings. Higit sa lahat
tayo ay dapat mabigyan tayo ng babala o
warning na baka hindi lang tayo aware ay
natatrato na pala natin ang mga bagay na
sagrado with contempt na hindi tayo aware,
napaka delikado po nun mga kapatid. Again,
may mga gawain, may mga lugar, may mga
aktibidad at may mga bagay na kailangan
nating ibahin ang pagtrato natin.

Sa bible kasi ay may mga tinutukoy na mga


banal na bagay sa Diyos at yan ang
tatalakayin natin ngayon. Today, I want to talk
on the subject, THE HOLY THINGS OF GOD.
In fact sa OT ay may mga warnings not to
touch the holy things of God. Huwag mong
gagalawin ang mga bagay na hindi ka
autorisadong galawin o pakialaman. Kukuha
ako ng mga halimbawa na nangyari noon at
hanapan natin ng spiritual significance at
relevance sa panahon natin ngayon. Sa
lupang tipan ay may mga tinuturing na banal
na bagay at banal na araw. Basahin natin
halimbawa ang talatang ito sa Ezekiel 22:8
Your priests have violated my instructions and
defiled my holy things. They make no
distinction between what is holy and what is
not. And they do not teach my people the
difference between what is ceremonially clean
and unclean. They disregard my Sabbath
days so that I am dishonored among them.
Nakita nyo po ba? My priests have viloated
my instructions and defiled my holy things.
Nilapastangan daw ng mga pari ang mga
sagradong bagay sa Diyos. They make
no distinction- hindi nila binigyan ng
pagkakaiba ang mga bagay na malinis sa mga
bagay na marumi. Ano pa ang sabi, they
disregard my sabbath days, meaning trinato
nila ang espesyal na araw na parang
ordinaryo lang. So that, i am dishonored
among them. Once we defile the holy things of
God, once we despise the holy things of God,
and once we disregard the holy things of God
we dishonor him. At alam naman natin ang
negetibong epekto once we dishonor God. It
means his favor is not upon us. It means his
blessings are witheld from us. And it means
that heaven is shut up for us. On the other
hand, once we honor God he promised in his
word that, wherever i cause my name to be
honored there i come and bless them. It
means an open heaven. It means his favor is
upon mga kapatid. Ngayong panahon ng
kristyano tila ang mga bagay na ito ay hindi na
pinapahalagahan. Some are not aware na
sagrado sa Diyos ang
simbahan. Ang paniwala ko ay sagrado sa
Diyos ang ating cathedral, sagrado sa Diyos
ang ating ginagawang mga faith house. And
God is jealous of his church. Basically, lahat
patungkol sa church ay sagrado sa Diyos.
They are considered the holy things of God.
Noong hindi pa tayo kristyano at mali pa ang
paniniwala natin, mataas ang pagtrato natin
sa araw ng pagsamba. Di pwedeng di tayo
magsimba kapag linggo. Ayaw natin
magsimba ng late. Pero noong tayo ay nasa
tama nang pananampalataya kung hindi man
panay absent kalagitnaan na ng simba kung
dumating. Bakit? dahil kinakaya kaya natin at
taken for granted na lang natin ang church,
maybe because of too familiarity. Sobrang
common saatin ang mga tumatayo sa unahan
at Kabisado na natin ang galawan. Tama ang
sabi na familiarity breeds contempt. Kapag
sobrang common na saatin ang isang bagay
may tendency na ito ay ating ma undermine.
Ang sobrang pagka pamilyar
kahit sa relasyon sa pamilya ay humahantong
minsan sa paglapastangan. Some kids are too
familiar with their parents kaya ganun na lang
nila sagot sagutin. Hindi porke tayo ay nasa
ilalim na ng grace ay iti take lightly na lang
natin ang mga bagay na banal. Kailangan pa
rin natin bigyan ng mataas na karangalan ang
mga ginagawa natin dahil pag patungkol sa
simbahan ito ay mga banal na bagay. God still
deserves the best of our service and God still
deserves the best of our respect. Hindi
bumaba ang standard ng Diyos sa new
testament. Si Ananias at Saffira kahit nasa
under grace sila ay na one time big time pa rin
sila when they treated the things of God with
contempt. Under the anointing bumagsak
silang dalawa sa sahig, patay dahil sa
pagsisinungaling. Kaya mag ingat tayo mga
kapatid. Be careful sa mga kinikilos at mga
ugali natin kapag tayo ay under the anointing.
Pag ingatan natin ang pag perform natin ng
assignment. Ako personally, i always consider
na lahat ng ginagawa ko ay point of contact ng
aking blessing. Kaya gusto ko pinagbubuti ko
ang aking ginagawa. God is the same
yesterday, today and forever. Kung mahigpit
siya sa OT ganun parin naman sa NT. Don't
take things for granted dahil we are under
grace. Dont dare to touch the holy things of
God with contempt dahil may paglalagyan
talaga tayo mga kapatid. Noon ang templo ay
napaka sagrado. Masama ang
kinahahantungan ng mga nagdi desecrate ng
temple. Ang mga lumapastangan sa
kagamitan ng templo ay hindi pinalagpas ng
Diyos. Hindi pinalagapas ng Diyos ang mga
anak ni Eli sa paglapastangan nila sa mga
bagay ng diyos. Siningil ng Diyos si Belsazar
sa Daniel chapter 5: babasahin ko lang ang
ilang verses dahil napakahaba...Daniel 5:1- 6
Minsan, si Haring Belsazar ay nagdaos ng
malaking handaan para sa sanlibo niyang
tagapamahala, at nakipag-inuman siya sa
kanila. 2. Nang lasing na si Haring Belsazar,
ipinakuha niya ang mga sisidlang ginto at pilak
na sinamsam ng ama niyang si Nebucadnezar
sa Templo sa Jerusalem. Ipinakuha niya ang
mga ito upang inuman niya at ng mga
tagapamahala ng kaharian, ng kanyang mga
asawa at mga asawang lingkod. 3. Dinala
naman sa bulwagang pinagdarausan ng
handaan ang mga kagamitang ginto at pilak
na sinamsam mula sa Templo ng Diyos sa
Jerusalem, at ininuman nila ang mga ito. 4.
Habang sila'y nag-iinuman, pinupuri nila ang
kanilang mga diyos na yari sa ginto, pilak,
tanso, bakal, kahoy at bato. 5. Walang anu-
ano'y lumitaw ang isang kamay ng tao at
sumulat ito sa pader ng palasyo sa tapat ng
lalagyan ng ilawan. Nakita ito ng hari, 6.
namutla siya, nangatog ang mga tuhod at
nalugmok sa matinding takot.

Dito nagpatawag ang hari ng pwedeng mag


interpret at dito pumasok si Daniel sa eksena.
Ayon kay Daniel, tumalon tayo sa v. 22- 31.
22. “At bagaman alam ninyo ito, Haring
Belsazar, ( ang nangyari sa kanyang tatay na
si nebuchadnezzar na kinastigo ng Diyos)
hindi kayo nagpakumbabá. 23. Sa halip,
nagmataas kayo sa harapan ng Panginoon ng
kalangitan. Ipinakuha ninyo ang mga sisidlang
mula sa kanyang Templo at ininuman ninyo at
ng inyong mga tagapamahala, mga asawa at
asawang lingkod. Bukod doon, sumamba
kayo sa mga diyos ninyong yari sa ginto, pilak,
tanso, bakal, kahoy at bato, mga diyos na
hindi nakakakita, hindi nakakarinig ni
nakakaunawa man. At ang Diyos na
nagbibigay at nagtatakda ng inyong buhay ay
hindi ninyo pinarangalan. 24. Kaya, ipinadala
niya ang kamay na iyon at pinasulat sa
dingding ng inyong palasyo. 25. “Ito ang
nakasulat: Mene, Mene, Tekel, Parsin. 26. Ito
naman ang kahulugan: ‘Mene,’ nabibilang na
ang araw ng iyong paghahari sapagkat
wawakasan na ito
ng Diyos. 27. ‘Tekel,’ tinimbang ka at
napatunayang kulang. 28. ‘Peres,’ ang
kaharian mo ay mahahati at ibibigay sa Media
at Persia.” 29. Iniutos ni Haring Belsazar na
bihisan si Daniel ng damit na kulay ube at
kuwintasan ng yari sa dalisay na ginto.
Pagkatapos, ipinahayag niyang ito ang ikatlo
sa kapangyarihan sa buong kaharian. 30.
Nang gabi ring iyon, pinatay si Belsazar, ang
hari ng Babilonia. 31. Ang kanyang kaharian
ay kinuha ni Dario, hari ng Media na noo'y
animnapu't dalawang taon na.

Hindi naisalba ng panunuhol ni haring


Belsazar ang pagbagsak ng judgment, kahit
ginawa nya pang 3rd in command in Babylon
si Daniel, that same night hinatulan siya ng
Diyos dahil nilapastangan nya ang mga banal
na bagay sa Diyos. He defiled, he despised,
he desecrated, he disregard and dishonored
the things of God.
Ewan ko po sa iba, ako naman ay hindi
masyadong religious na pastor at alam kong
ang Diyos ay hindi na nananahan sa templong
gawa ng tao but he dwells in the hearts of his
children. We are now the temple of God.
Pwede ba tayong ginagamit ng Diyos at the
same time ginagamit din sa makamundong
bagay? May pagkakaiba ba dapat tayong mga
kristyano keysa ibang mga tao sa mundo?
Ano ang sabi ni Apostol Pablo tungkol dito?
Sa 2 Timoteo 2:19- 21 Ngunit matibay ang
pundasyong itinatag ng Diyos, at doo'y
nakatatak: “Nakikilala ng Panginoon kung
sinu-sino ang tunay na kanya,” at, “Ang bawat
nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat
lumayo sa kasamaan.”

Ang pagbibisyo, ang paglalasing ay wala na


dapat sa mga kristyano. Hindi na tayo dapat
laman ng mga sabungan at pumipila sa lotto.
Hindi tayo dapat pumapasok sa mga maling
relasyon dahil ito ay paglapastangan sa
kanyang templo- ang ating katawan. Dapat
maging mga kagamitan tayo para sa mga
espesyal na okasyon. Dapat maging aware
tayong lahat na ang ating calling, apostle man
tayo o pastor, janitor man o intercessor. Maliit
man tayo o malaking church. Pang barangay
man tayo o pang syudad. Our calling is a holy
calling. Our calling is called heavenly calling.
And our calling is called a higher calling. Ano
ka man, sino ka man , anuman ang posisyon
mo sa church ang pinasok mong
responsibilidad ay gawaing marangal at may
dignidad dahil ang tumawag at
pinaglilingkuran natin ay ang Diyos na kataas
taasan. We serve the king of kings and the
lord of lords. At dahil banal ang gawain na
pinasok natin dapat binibigay natin ang ating
best. Because God deserves the best. If it is
not the best God doesnt deserve it because
God deserves only the best. Sa paglilingkod,
there should be no overlapping. Walang
agawan ng papel. We should respect
everyone's anointing and calling. Our calling is
divine. Our calling is holy and a sacred. Si
haring Saul ay ginampanan ang trabaho ni
Samuel na maghandog at itoy ikinagalit ng
Diyos. Hindi porke kaya mo at alam mong
gawin ang isang bagay ay nangangahulugan
na pwede mo na itong gawin at agawin sa iba
kung hindi ka naman tinawag sa ganung
function kapatid. Naalala ko din na pinagbawal
ng Diyos noon na sindihan ang mga ilawan ng
unathorized fire. Noong ginawa ito ni Nadab
and Abihu silang dalawa ay namatay. Again,
dare not touch the holy things of God. Do not
desecrate, do not despise, do not defile, and
do not disregard the holy things of God. Kung
alam mong tinawag ka ng Diyos para gawin
ang isang bagay, gawin mo ito ng buong
husay. Gawin mo ito ng buong puso at
dedikasyon. Ang ministry ay banal na bagay.
Ang pulpito, ang pagpapaawit, ang pag
preside, ang communion, ang pagtugtog, ang
pagsayaw.
Ang pagbibigay natin ng ikapo at kaloob ay
sagradong bagay. Sana wag naman tayong
pupunta sa church na matamlay at napipilitan
lang. Wag naman sana tayong magsisimba na
para tayong walang kabuhay buhay. Bawat
gagawin natin ay gawin natin ng buong sigla
at lakas. Serve the Lord with all your heart,
mind, soul and strength. Everything we do for
God must be done in the spirit of excellence.
Dahil hindi nya deserve ang half hearted
service. Hindi nya deserve ang mediocrity.
Hindi nya deserve ang pawarde warde at
patumpik tumpik na service. Once you engage
with the holy things of God itodo mo na
kapatid. Ibigay mo ang lahat lahat. Ibuhos mo
ang pinaka matindi mong magagawa at
makikita mo kung paano ka nya pagpapalain.

Sabi sa Ezekiel 22:26 They may not approach


me to minister as priests. They may not touch
any of my holy things or the holy offerings, for
they must bear the shame of all the detestable
sins they have committed.

Again, wag nating babalewalain, huwag nating


memenusin, at wag nating lalapastanganin
ang mga holy things. Your tithe is holy wag
mo itong paglalaruan at iti- take for granted.
The word of God is holy. Kung makikinig ka
makinig ka ng taimtim. Kung magpi preach ka,
i- preach mo ang word with clarity. We are a
all representatives of God. Huwag natin
siyang imi- misrepresent. Umayos tayo
saating work place. Huwag nating ipahiya ang
pangalan ng Diyos. Huwag nating dudungisan
ang ating testimony. Kung pastor ka huwag
kang pahahawak sa mga politiko. Huwag
mong ibababa ang iyong standard. Huwag
mong ibi benta ang iyong dangal. Maging sa
pananamit at sa pananalita represent your
calling properly. Mamuhay ka ng may
dignidad. Sa praise and worship naman sana
ay galingan at husayan natin ang pagpupuri.
Yung kaaya aya naman
sa pandinig. Mag invest tayo sa mga gamit.
Yung talagang da best ang bilhin natin. Kahit
nasa public tayo huwag tayong mahiyang
pumikit, pumalakpak at sumayaw kung yun
ang hinihingi because we are not doing it for
man but we are doing it for God mga kapatid.
Huwag natin siyang ikakahiya saating mga
friends. Again, sa mga pastor, napakataas po
ng ating calling. Mag upgrade tayo hanggat
maaarin. Mag aral hanggat maaari. A
workman that needeth not to be ashamed,
rightly dividing the word of truth, sabi ni Paul.
Nagpastor ka na rin lang pangatawanan mo
na. Paghusayan mo na. Palaguhin mo na ang
church na iyong pinapastoran. Wag yung
kakapiranggot lang kuntento ka na. Dream for
a mega church. May ibang pastor kasi na di
na nga napapagbuti ang pagapastor ay kung
umasta pa daig pa ang mga political analysts.
Grabe kung mag post sa FB. Ang iba, daig pa
ang mga doctor ng DOH sa dami ng alam
tungkol sa covid at tungkol sa
vaccine. Imbes na mag evangelize at mag
disciple panay post sa fb tungkol sa mga
bagay na di naman nila field of experties. Ang
mga posts ay panay tungkol sa politics.
Batikos dito batikos doon. Di man lang iniisip
ang mga kapwa nya pastor at mga members
na binabanatan nya ang sinusuporthang
candidates. Kulang minsan ng common
sense. Very insensitive. Ano pa kaya ang
pagiging sensitive sa Holy Spirit. Church, we
should all respect and treat properly the holy
things of God. Usher ka man, tagalinis ka
man, cell leader ka man, ito ang inyong
pakatandaan- if you are handling the holy
things of God do it properly. Do not treat the
holy things of God with contempt. Kahit
kabataan ka lang, wag mong papayagan na
hamakin ka ninuman but be thou an example
in faith, in speech, in purity and in faith sabi ni
Paul kay Timothy. Ang church natin ay
mahalin natin because the church is the body
of Christ. The church is the visible
representation of the kingdom of God. Ang
simbahan at lahat ng bagay patungkol sa
church ay mga sagradong bagay. The church
is the only institution mandated by God to
transform peoples lives. Sa mga
nagtatangkang kontrahin ang church. Makinig
kayo. The church that is rooted by God cannot
be uprooted by man. And if God is with us
who can stand against us? Sinumang gagawa
sa church ng masama will br in great trouble.
Sabi ni Gamaliel those who would fight
against the church will find themselves fighting
against God. Why because the church is one
of the holy things of God. God bless you my
friends. See you next sunday.

You might also like