Chekhov's Gun and Prophecy

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Chekhov’s Gun- Andeng <3

Isang araw naisipan ng limang magkakaibigan na magcamping sa isang kagubatan.


May isang bahay silang tinuluyan sa gitna ng gubat. Masaya ang magkakaibigan na
nagkukwentuhan nang bigla nalang tumayo ang isang kaibigan nila. Naglabas siya ng
kutsilyo at pumunta sa likod ng isa pa nilang kaibigan na mayabang at ginilitan ito sa
leeg, nagtakbuhan ang magkakaibigan at tuluyan na nga silang nagkahiwa-hiwalay.
Nahanap niya isa-isa ang mga kaibigan niya at pinatay ito sa iba’t-ibang paraan.
Bumalik siya sa bahay na kanilang tinutuluyan at nagpahid ng dugo sa kaniyang
katawan, nagsugat-sugat din siya sa kaniyang sarili uoang hindi masabing siya ang
may gawa ng krimen. May dumaan na dalawang pulis sakay ng kotse at sinilip ang
bahay. Umakto siyang takot na takot at nagkuwento sa mga pulis. Hindi niya alam na
namukhaan siya ng mga pulis dahil siya pala ay isang wanted sa kabilang bayan bilang
isang serial killer. Pinataas ng mga pulis ang kaniyang kamay at pinatalikod. Ngunit
hawak niya ang kutsilyo kaya’t bago siya tuluyang hulihin at ikulong ay mas pinili
niyang wakasan ang kaniyang buhay gamit ang kaniyang kutsilyo.

Prophecy- Giselle <3


Sa kabisera ng Palawan merong dalawang taong pinagtagpo ng landas. Ito si troy at
megan. Isang dekada na ang nakalipas ng hanapin ni Troy ang kanyang nawawalang
kapatid, kaya naglakbay lakbay ito para mahanap niya. Bata pa lamang sila troy at ng
kanyang nakakabatang kapatid ay hilig na nilang pumunta sa bukirin. Kaya wala siyang
duda na baka ang kanyang nakakabatang kapatid ay baka naligaw lang ito sa bukirin.
Ngunit sa isang dekada makalipas meron siyang natagpuan dito na isang binibini.
Magaan ang kanyang loob dito kahit saglit pa lamang niya ito nakasama.Hindi rin kasi
karaniwan yung pakiramdam niya nong makasama niya si megan.Madami silang
kapareho ni megan kaya hindi siya nahirapan na pakisamahan ito. Habang patagal ng
patagal nagtataka si Troy kung bakit sa katulad ni megan ay mag isa lang ito
nabubuhay sa bundok. Kaya inalam niya ang dahilan kung bakit mag isa lamang ito. Na
e kwento ni megan na bata pa lamang siya ay mag isa na siyang nabubuhay sa bundok
na tinitirahan niya ngayon. Biglang lumukas ang bugso ng damdamin ni Troy.
Hanggang umabot na sa punto na napayakap nalang si Troy kay megan na di alam ni
megan kung bakit. Kumanta si Troy ng paunti unti at sinasabayan ito ni megan. Sabi
ni megan “Teka lang bakit alam mo yang kanta na yan” biglang natulala si megan at
naisip niya na baka ito yung nawawala niyang kuya. “Kuya” at nagyakapan sila.

(Flashback) Pinalitan niya yung pangalan niya dahil para sa safety niya kasi
naniniwala siya na babalikan naman siya ng kuya niya.

You might also like