Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BOLINAO SCHOOL OF FISHERIES
ARNEDO, BOLINAO,PANGASINAN

SUMMATIVE ASSESSMENT
School Year 2021-2022
FOURTH QUARTER WEEK 3 and 4
Date: May 16, 2022
ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: Baitang at Seksiyon: Iskor:
Puna ng Guro:
MELCs: Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon
sa mga isyu at hamong panlipunan. (Apan10, Q4, W3-4).
Test I. Written Works
A. Maramihang Pagpipilian: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Itiman ang titik ng
tamang sagot sa bawat bilang.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao?


A. Kakambal ito ng ating tungkulin. C. Proteksyon natin ito laban sa mga pang-aabuso.
B. Kailangan nating tuparin ang konstitusyon. D. Sinisiguro nitong makapamuhay.
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng karapatan na nakasulat sa dokumento ng Magna Carta?
A. Hindi maaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anomang ari-arian ng sinoman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nalilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
B. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
C. Pagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang
taong nanirahan sa bansa.
D. Pagbibigay ng karapatan na makapili ng sariling relihiyon.
3. Paano mailalarawan ang mga karapatang sibil?
A. Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.
B. Ito ay nagbibigay proteksyon kung tayo ay lumalabag sa batas.
C. Ito ay tungkol sa paghahanap natin ng mapagkakakitaan upang mabuhay.
D. Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.
4. Sa taong 1948, sino ang nasa likod sa pagkatatag ng Human Rights Commission at sa pamamagitan
nito nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights?
A. Eleanor Roosevelt B. Haring Louis XVI C. Haring Cyrus D. Christine Roosevelt
5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng statutory rights?
A. Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na mga magulang.
B. Ang pagsapi ni Allen sa grupong Sakdalista.
C. Ang pagbibigay ng 20% pribilehiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-aaral sa lahat ng
pampasaherong sasakyan.
D. Ang pagpili ni Ryan sa Iglesia Ni Kristo bilang kanyang relihiyon.
6. Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng
Amerika sa Geneva, Switzerland. Alin sa sumusunod na pahayag ang layunin ng The First Geneva
Convention?
A. Sumunod sa paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.
B. Isaalang-ala ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo.
C. Pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan.
D. Pagbibigay pagkain sa mga nagugutom na bata.
7. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan?
A. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan.
B. Pinarurusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.
C. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas.
D. Tinatanggal nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado.
8. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?
A. Ito ay itinakda ng mga batas. C. Ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo
B. Ito ay simbolo ng pamahalaan. D. Ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan.
9. Noong 1628 sa England, ano ang ipinasang batas kung saan ito’y naglalaman ng mga karapatan tulad
nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliamento?
A. The Fist Geneva Convention B. Petition of Rights C. Bill of Rights D. Cyrus Cylinder
10. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon sa Karapatang Pantao?
A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. Pinangangalagahan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao
11. Ano ang nakapaloob sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791?
A. Nagbibigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang
taong nanirahan sa bansa.
B. Sumunod sa kapangyarihan ng hari.
C. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
D. Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaismo, Hinduismo, Kristyanismo,
Buddhismo, Taoismo, Islam at iba pa.
12. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ng karapatang pantao?
A. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.
B. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay mamatay.
C. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay ikakasal.
D. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay matanda na.
13. Alin sa sumusunod na dokumento na naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England noong
1215?
A. Bill of Rights B. Petition of Right C. Declaration of the Rights of Man D. Magna Carta
14. Anong uri ng karapatang pantao na mabuhay at magkaroon ng sariling ari-arian?
A. Natural Rights B. Constitutional Rights C. Statutory Rights D. B at C
15. Noong 539 B.C.E ay may isang hari na sumakop sa Persia at naging tahanan niya ang lungsod ng
Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng isang relihiyon ayon sa
kanilang kagustuhan. Sino ang hari na ito?
A. Haring Cyrus B. Haring Solomon C. Haring Alexander D. Haring Abraham
16. Para kanino ang karapatang pantao?
A. Pulis B. Lahat ng nilalang C. Presidente D. Guro
17. Ito ang tinaguriang “World’s First Charter of Human Rights” noong 539 B.C.E na siyang sinakop ni
Haring Cyrus ng Persia.
A. The First Geneva Convention B. Cyrus Cylinder C. Parliament D. Syrus Cylinder
18. Ano ang tinatamasang pribilehiyo ng isang tao mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang
kamatayan?
A. Dignidad B. Pagkatao C. Karapatan D. Pangangailangan
19. Ito ay komisyon ng karapatang pantao na kung saan nilagdaan at ipinatupad noon1948 na naglalayong
protektahan ang isang nilalang?
A. Declaration of the Rights of Man C. Universal Declaration of Human Rights
B. Human Rights Commission D. The First Geneva Convention
20. Isang uri ng karapatang pantao na kung saan ito ay binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan
ng panibagong batas.
A. Natural Rights B. Constitutional Rights C. Statutory Rights D. Lahat ng nabanggit

Test II. Performance Task: 20pts


“Karapatang Pantao”

Panuto: Gumawa ng islogan sa loob ng kahon na nagpapakita na may mahalagang ginagampanang papel
ang karapatang pantao sa ating lipunan.

SUMMATIVE ASSESSMENT
School Year 2021-2022
FOURTH QUARTER WEEK 5 and 6
Date: May 30, 2022
ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: Baitang at Seksiyon: Iskor:
Puna ng Guro:
MELCs: Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko
sa kabuhayan, politika, at panlipunan. (Apan10, Q4, W5-6).

Test I. Written Works


B. Maramihang Pagpipilian: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Itiman ang titik ng
tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga politikal na gawain sa pamamagitan ng pagpaparating ng


kanilang mga ninanais sa napili nilang mga kinatawan.
A. Di-Tuwirang Pakikilahok C. Primaryang Pakikilahok
B. Tuwirang Pakikilahok D. Sekondaryong Pakikilahok
2. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga mamamayan kung saan sila ay nabibigyan ng pagkakataon
na pumili ng kanilang mga pinuno.
A. pagbabayad ng buwis B. pagboto C. pagkamamamayan D. malayang pamamahayag
3. Isang uri ng pagboto ng mga mamamayan kung saan sila ay nagmumungkahi ng mga batas.
A. Plebesito B. Referendum C. Initiative D. Eleksyon
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring bumoto?
A. Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon.
B. May edad na labing walong taong gulang sa araw ng eleksyon.
C. Mga taong wala sa tamang katinuan ng pag-iisip.
D. Residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan sa petsang itinakda ng
pagdaraos ng eleksyon.
5. Tumutukoy sa paraan ng pakikialam at pakikibahagi sa mga gawain na ang layunin ay mapabuti ang
pamamalakad ng pamahalaan at ang kapakanan ng mga mamamayan na naninirahan dito.
A. Politikal na Pakikilahok C. Pakikilahok sa mga Partido Politikal
B. Sibikong Pakikilahok D. Pakikilahok sa Organisasyong Panlipunan
6. Mga gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa sa Pamamagitan ng kusang loob na
pagtulong na walang hinihintay na kapalit.
A. Gawaing Pansbiko B. BayanihanC. Gawaing Politikal D. Pagkakawanggawa
7. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng Partido Politikal?
A. Ninanais nila na makuha ang kontrol ng kapangyarihan sa pamahalaan.
B. May mga sumusuporta itong miyembro.
C. Mayroon silang mga nagkakaisang mga ideyolohiya sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
D. Kumakatawan sila sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
8. Alin sa mga nabanggit ang halimbawa ng Partido Politikal?
A. Bayan Muna B. Gabriela C. Kabataan D. Laban ng Demokratikong Pilipino
9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Pansektor na Kinatawan o Party List?
A. Liberal Party C. Bayan Muna
B. Puwersa ng Masang Pilipino D. Nacionalista Party
10. Bakit kinakailangang bumoto ang mga mamamayan tuwing eleksyon?
A. Dahil ito ay isa sa kanilang tungkulin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.
B. Dahil ito ay nagpapatunay ng kanilang pagiging mamamayan ng bansang Pilipinas.
C. Kinakailangang bumoto upang makasigurado na tayo ay mabibigyan ng tulong tuwing may mga
sakuna o kalamidad.
D. Kinakailangang bumoto upang mapili natin ang mga taong karapat dapat na mamuno sa ating
bansa.
11. Bakit kinakailangang magkaroon ng Pansektor na Kinatawan o Party List?
A. Kinakailangan ito upang sanayin ang mga baguhan na lider sa larangan ng politika.
B. Kinakailangan ito upang magkaroon ng boses ang iba’t ibang sektor ng lipunan.
C. Kinakailangan ito upang mahikayat ang mga mamamayan sa proseso ng halalan.
D. Kinakailangan ito upang matiyak na hindi kontrolado ng iisang partido ang pamahalaan.
12. Ang mga non-governmental organizaition at people’s organization ay may malaking naitutulong sa
pamahalaan?
A. HINDI, dahil ang mga serbisyo na ipinagkakaloob ng mga ito ay hindi para sa lahat ng mga
mamamayan.
B. HINDI, dahil hindi naman nito natutugunan ang mga suliranin na napapabayaan ng pamahalaan.
C. OO, dahil sa pamamagitan ng mga non-governmental organization at people’s organization ay
nagkakaroon ng karagdagang kita ang pamahalaan.
D. OO, dahil kaakibat ang mga NGO at PO ng pamahalaan sa pagbuo at paggawa ng iba’ ibang
programa na makapagpapaunlad sa ating bansa.
13. Bakit mahalaga para sa isang mamamayan na makilahok sa mga pansibikong gawain?
A. Dahil kung tayo ay tumulong sa ating kapwa, asahan natin na babalik din sa atin ito kapag tayo
naman ang mangangailangan.
B. Dahil kapag tayo ay nakilahok sa mga pansibikong gawain natutulungan natin ang kapwa nating
mamamayan na maiangat ang kanilang pamumuhay.
C. Dahil ang pakikilahok sa mga gawaing pansbiko ay ang basehan para ikaw ay masabing mabuting
mamamayan.
D. Dahil maaring mabawasan ang mga suliraning kinakailangang bigyan ng solusyon ng ating
pamahalaan.
14. Ang pagsuporta sa mga lokal na industriya ay isang halimbawa ng gawaing pansibiko sapagkat
___________________?
A. Mas makakamura tayo kapag bibili tayo ng mga produktong gawa ng ating mga kababayan.
B. Nakatutulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya at nakapagbibigay ito ng trabaho sa maraming
Pilipino.
C. Natutulungan natin ang ating kapwa Pilipino na mas makilala pa ang kanilang mga produkto upang
mas marami pang tao ang tumangkilik nito.
D. Naipakikita natin ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na
industriya.
15. Ang sumusunod ay epekto ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa ating lipunan maliban sa isa.
A. Mas hinahangad ng mga mamamayan na maging mas mapabuti ang kanilang pamumuhay kaysa
sa iba.
B. Naisasatupad ang mga programang naglalayong paunlarin ang pamumuhay ng mga
mamamayan.
C. Nagiging maayos at tahimik ang ating pamayanan at bansa.
D. Nagkakaroon ng mabuting ugnayan sa bawat isa ang mga mamamayan.
16. Ano ang dahilan kung bakit mahalaga na makilahok ang mga mamamayan sa mga gawaing
politikal?
A. Maiiwasan ang mga kaguluhan at krimen sa ating bansa.
B. Makakamit natin ang hinahangad nating maayos at matapat na pamahalaan.
C. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga ibang tao upang sila ay makapagbigay rin ng puna sa
kinauukulan.
D. Nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kakatawan sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
17. Ang sumusunod ay halimbawa ng gawaing pansibiko maliban sa isa.
A. Pagpapakain sa mga batang lansangan. C. Pagtitinda upang kumita.
B. Paglalaan ng oras sa bahay ampunan. D. Pamimigay ng mga relief goods sa mga kapuspalad.
18. Ang sumusunod ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mamamayan
sa gawaing politikal maliban sa isa.
A. Si Nathan na isang mamahayag ng isang broadcasting network at nagsisikap na maging balanse
sa kanyang pagbabalita.
B. Pinag-iisipang mabuti ni Seri kung anong partidong politikal ang kanyang lalahukan batay sa
kanyang mga layunin, ideolohiya, at prinsipyo.
C. Dumadalo si Robin sa mga pagpupulong sa kanilang barangay upang magmungkahi ng mga
ordinansa o batas sa kanilang lugar.
D. Nagboboluntaryo si Jam na magturo sa mga bata sa kanilang Day-Care Center.
19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagnanais na maabot ang kagalingang pansibiko?
A. Hinihikayat ni Ailene ang mga kabataan sa kanilang lugar na magrehistro upang sila ay makaboto
sa susunod na eleksyon.
B. Iniuulat ng punong-barangay sa kanyang mga nasasakupan kung saan napupunta ang pondo ng
kanilang barangay tuwing may pagpupulong na nagaganap.
C. Ginugugol ni Gabrielle ang kanyang libreng oras sa pagsasagawa ng libreng seminar na
pangkabuhayan at pagsasanay upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga taong walang
trabaho sa kanilang komunidad.
D. Sumasali si Max sa mga programang nangangalaga sa kapaligiran kagaya ng mga Clean and
Green Program.
20. Isa ang media sa may pinakamahalagang gampanin sa pampublikong pamamahala. Alin sa
sumusunod ang nagpapakita ng hindi nila pagganap sa tungkulin?
A. Maghatid ng mga pangyayari o kaganapang pawang katotohanan lamang.
B. Sila ay nagsisilbing tagabantay sa mga gawain ng pamahalaan.
C. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng lipunan na ipahayag ang kanilang mga saloobin.
D. Piliin ang mga ibabalita sa taong bayan dahil may mga ilang isyu na kunpidensyal lamang.

Test II. Performance Task: 20pts


“Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba”

Panuto: Sa pamamagitan ng Venn diagram talakayin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga gawaing
politikal at gawaing pansibiko.

A. Gawaing Politikal
B. Gawaing Pansibiko
C. Pagkakatulad ng dalawang Gawain
SUMMATIVE ASSESSMENT
School Year 2021-2022
FOURTH QUARTER WEEK 7 and 8
Date: June 06, 2022
ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: Baitang at Seksiyon: Iskor:
Puna ng Guro:
MELCs: Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang mabuting pamahalaan.
(Apan10, Q4, W7-8).

Test I. Written Works


C. Maramihang Pagpipilian: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Itiman ang titik ng
tamang sagot sa bawat bilang.

1. Nakikilahok sa tree-planting at coastal cleanup ang mga mamamayan. Anong katangian ng isang
mabuting Pilipino ang ipinapakita nito?
A. Makabansa B. Makakalikasan C. Makatao D. Makatwiran
2. Ano ang tawag sa kapangyarihan na ipinagkakaloob ng Estado sa mamamayan upang piliin ang
nararapat na pinuno o lider sa lipunan?
A. Pagkamamamayan B. Pagboto C. Pag-aasawa D. Pakikisama
3. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kapaligiran?
A. Makabansa B. Makatao C. Makakalikasan D. Makatwiran
4. Si Lemuel ay ipinanganak sa Amerika, bagamat parehong Pilipino ang kanyang magulang. Sa kabila na
siya ay nakatira sa Amerika lubos ang kanyang pagpapahalaga sa mga produktong galing sa Pilipinas.
Anong katangian ang ipinapakita ni Lemuel?
A. Maka-Diyos B. Makatwiran C. Makatao D. Makabansa
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mamamayang may pagpapahalaga sa
lupang tinubuan?
A. Handang ipagtanggol ang Estado. C. Ibinoboto ang kandidato dahil malapit na kamag-anak.
B. Tinitingnan ang kamalian ng mga pinuno. D. Tinatangkilik ang produktong galing sa ibang bansa.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mamamayang produktibo?
A. Sinusunod ang Saligang Batas at mga panukala sa lipunan.
B. Tapat sa Republika ng Pilipinas.
C. Isinaalang-alang ang kapakanan ng nakararami.
D. Nagtatrabaho at tinatapos nang maayos ang kanyang gawain.
7. Sa panahon ng halalan, lumapit sa inyong ang isang representante ng isang kandito at pinipilit kang
suhulan para iboto ang isang pulitiko sa inyong lugar. Natatakot kang tanggihan ang alok na pera sapagkat
kilala ang naturang pulitiko na mainitin ang ulo at ayaw ang napapahiya. Ano ang dapat mon gawin?
A. I-report sa kinauukulan ang panunuhol ng kandidato at huwag iboto ang naturang pulitiko.
B. Tanggapin ang pera at iboboto ang naturang pulitiko.
C. Lisanin ang lugar sa lalong madaling panahon.
D. Tanggapin ang pera at huwag nang bumoto.
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayang Pilipino?
A. Humingi ng resibo sa tuwing bumibili ng produkto.
B. Pahalagahan ang mga imported na produkto.
C. Maging mabuting anak sa magulang at huwarang magulang sa mga anak.
D. Tulungan ang mga kapus-palad lalo sa panahon ng sakuna.
9. Bakit sinasabing nasa kamay ng mamamayan ang kagalingan at pag-unlad ng lipunan?
A. Mas marami ang bilang ng ordinaryong mamamayan kaysa namumuno.
B. Ang mga mamamayan ang nagpapabagsak sa mga tiwaling pinuno.
C. Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga lider nagkakaroon ng positibong pagbabago sa lipunan.
D. Ang mga mamamayan ang nakikinabang sa mga programa at proyekto ng gobyerno.
10. Ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga mamamayan sa mga produktong gawa sa sarili nilang bansa?
A. Tataas ang kita ng mga lokal na prodyuser at tataas ang buwis na malilikom ng gobyerno upang
tustusan ang panlipunang programa at proyekto.
B. Tataas ang halaga ng piso kontra dolyar kayat mabibili nang mura ang mga lokal na produkto.
C. Bababa ang halaga ng piso at mabibili nang mura ang mga produkto na galing sa ibang bansa.
D. Bababa ang halaga ng dolyar at tataas ang halaga ng lokal na produkto kayat tataas ang kita ng mga
lokal na prodyuser.
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
A. Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat na piliin ang
pinakamayamang lider na mamumuno sa isang bansa.
B. Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat na baguhin ang uri ng gobyerno.
C. Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na makipagtulungan ang mamamayan sa
gobyerno.
D. Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na maging sunud sunuran ang
mamamayan sa gobyerno.
12. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga mamamayan ay hindi humihingi ng opisyal na resibo?
A. Uunlad ang bansa dahil tataas ang makokolektang buwis.
B. Mas mabilis ang transaksiyon dahil sa hindi pagbibigay ng resibo ng bibilhing produkto.
C. Makikinabang ang gobyerno dahil sa koleksiyon ng buwis.
D. Mawawalan ng koleksiyong buwis mula sa sektor ng industriya at bababa ang pondo ng gobyerno.
13. Ibinoto ni Joseph ang isang tapat at maaasahang lider sa halip na ang malapit na kamag-anak na wala
namang nagawa sa kaniyang termino. Anong katangian ang ipinapakita ni Joseph?
A. Makabansa B. Makakalikasan C. Makatao D. Makatwiran
14. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa
kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Lahat ng nabanggit.
15. Paano maipakikita ng isang mamamayan ang kanyang pagkamakabansa?
A. Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng lipunan. C. Tinatangkilik ang mga produktong imported.
B. Ibinoboto ang mga sikat na personalidad. D. Nakikilahok sa mga welga na tumutuligsa sa
pamahalaan.
B. Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag sa sumusunod. Suriin kung ito ay Karapatan o Pananagutan
ng isang Mamamayang Pilipino. Kung Karapatan ng Mamamayan, Itiman ang Letra A kung Nararapat
Ibigay sa Akin at Letra B kung Pananagutan, at Letra C kung Nararapat Kong Gawin.
16. Mapakinggan at matugunan ang mga hinaing.
17. Dumaan sa tamang proseso ng paglilitis.
18. Masiguro ang proteksiyon at pantay na pagtingin ng batas.
19. Mabigyan ng tamang impormasyon sa mga nangyayari sa lipunan.
20. I-ulat sa kinauukulan ang anumang nakikitang paglabag sa batas.

Test II. Performance Task: 20pts


“Pagsulat ng Repleksiyon”

Panuto: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan sa paksang tinalakay sa modyul
na ito: Ang Mahalagang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan..
RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON
Dimensyon Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangai- langan
10 Puntos 9 Puntos 8 Puntos ng Pagpapabuti
7 Puntos
Buod ng aralin, paksa o Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag at
gawain kumpleto ang subalit may maliwanag at marami ang kulang
pagbuod ng kulang sa kulang sa ilang sa mga detalye sa
araling detalye sa detalye sa paksang stinalakay.
tinalakay. paksa paksang
tinalakay. tinalakay.
Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang Dalawa lamang Isa lamang ang
Pagkakasulat pamantayan sa mga ang magtatagpuan sa
-Maayos ang pagkakasunod- ay pamantayan pamantayan kabuoang
sunod ng mga ideya. matatagpuan ang ang repleksiyon
-Hindi paligoy-ligoy ang sa kabuong matatagpuan matatagpuan
pagkakasulat repleksiyon. sa kabuoang sa kabuoang
-Angkop ang mga salitang repleksiyon. repleksiyon.
ginamit.
-Malinis ang pagkaaksulat

Inihanda ni:

VITO C. CAMERO
Guro III

Address: Arnedo Bolinao, Pangasinan Document Code: P1BOL2-FR-019


Telephone No.: 0906-570-6284 Revision No.: 00
Email: bolinaobsof@gmail.com Page No.: Page 8 of 8
Website: www.bolinaosof.com Effectivity Date: 01-23-2020

You might also like