Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TAKDANG-ARALIN

Panuto: Basahin at suriin ang katangian at elemento ng akda sa pamamagitan ng


Story Pyramid. Gamitin ang gabay na inihanda ng guro. Gawin ito sa MS Word.

Ang Tanging Hiling (Isang Pagsaludo sa mga Frontliners)


ni Mae M. Besing, Mena Memorial National High School
“Inaaaaaaay!”, bulalas ni Ausia habang niyayakap ang kumot at unan sa kaniyang
higaan, isang umaga sa kaniyang silid. Nagngingilid ang luha sa mga mata ng
labindalawang taong gulang pagkatapos niyang alalahanin ang kaniyang naging
panaginip. Nahimasmasan na lamang siya nang patakbong dumating ang kaniyang
nakatatandang kapatid na si Mayang. “May malaking ipis ka bang nakita kaya ka
nagsisisigaw, ha? pabirong tanong ng ate habang niyayakap ang nakababatang
kapatid. “Nakakainis ka naman ate, eh. Nanaginip po ako. Ang sama sama ate”,
salaysay ni Ausia. “Sus, huwag kang maniwala anoman yang panaginip na iyan. Ikaw
kasi, pinagpupuyatan mo ang panonood ng mga Horror movies sa selpon mo. Kahit
pinagagalitan ka na ni inay, nagtatago ka pa sa ilalim ng kumot”, pang-aasar ng ate.
“Sumunod ka na sa akin sa ibaba at parating na si inay. Kakain na tayo ng almusal”
dagdag pa niya. Pagbaba ni Mayang ay nagtiklop na ng kumot si Ausia at inayos na
ang higaan. Pagbaba ni Ausia ay saktong dumating si Aling Enggay, kanilang ina,
buhat sa kaniyang trabaho. Ibinaba saglit ang mga gamit, naghugas ng kamay at saka
umupo sa hapag-kainan. Nang matapos silang kumain, nagtanong si Ausia sa
kaniyang ina, “Inay, naalala ko po kasi noong nabubuhay pa si itay, ang sabi niya
umalis ka na sa trabaho mo, hindi ba? Naalala ko din kung paano siya mag-alala sa
iyo tuwing aalis ka na sa bahay at pupunta sa lugar kung saan napakaraming nag-
aabang ng iyong serbisyo”, pagpapaalaala ng bunso. “Nakararaos naman tayo kasi
nandiyan si ate. Sapat naman ang kinikita niya bilang guro, hindi ba?”,
pangungumbinsi pa niya. Sumagot nang marahan ang ina, “bunso, bago magpahinga
ang iyong itay naunawaan niya ang serbisyong ibinibigay ko sa mga tao. Lalo pa’t
nakita niya kung paanong pag-aaruga ang ginawa ng iba kong kasamahan nang siya
ay naratay sa karamdaman. Kailangan ang isang tulad ko lalo sa sitwasyon ng bansa
sa kasalukuyan”, paliwanag ng ina. “Eh inay, paano kung ikaw ang mapahamak?
Paano kung ikaw ang magkasakit? Sinong sasagip sa iyo? Tapos, nakakailang
kaarawan na akong di ka nakakasama kasi lagi kang tinatawagan sa trabaho mo.
Kung minsan pa nga gabing gabi na, nawawala ka sa tabi ko at pinatutulog mo si ate
bilang kapalit mo kasi may emergency. Dami mo ng absent sa mga homeroom
meeting sa aming paaralan. Inay, mas mahalaga ba sila sa amin? Alam mo inay, may
tanging hiling ako sa Panginoon na lagi kong sinasabi sa tuwing nananalangin ako sa
kaniya”, daing ng bunso. Ngunit bago pa man isunod ni Ausia ang karugtong, lumapit
ang ina sa kaniyang kinauupuan at muling nagpaliwanag. “Anak ko”, habang
nakahawak sa may balikat ng anak, “Hindi sa hindi kayo mahalaga sa akin. Nais kong
ipaintindi sa iyo na hindi lang basta trabaho ang pinag-uusapan dito. Dedikasyon at
serbisyo para sa kapakanan ng lahat ang una naming prayoridad. Alam ko ang takot
ninyo sa tuwing lalabas ako ng ating bahay. Ang kaba sa tuwing papasok ako sa
mismong gusali ng aking pinagtatrabahuhan. Pero, mga anak, sinumpaan ko ang
tungkuling ito.

Kaya sa tuwing may naisasalba kaming buhay, sobrang sarap sa pakiramdam ang
aming nadarama. Di ka ba proud kay inay?”, malambing na tanong ng ina. Lumapit
ang nakatatandang kapatid at niyakap ang ina habang nagsusumbong. “Kasi inay
nanaginip ng masama si Ausia kagabi. Siguro ikaw ang napanaginipan niya, kaya siya
ganyan magtanong”, pag-amin ni Mayang. “Ah, kaya pala. Teka nga bunso, may
nakalimutan akong tanungin. Ano na iyong kahilingan mo pala?” usisa ng ina.
Biglang niyakap ng bunso si Aling Enggay, “Sana inay mawala na ang COVID-19.
Kasi sa panaginip ko lahat ng mga doktor, pinahirapan nito eh. Tapos ang dami pang
namatay. Ayokong mawala ka sa amin inay”, lalo pang humigpit ang pagyakap ng
bunso. “Sus, ikaw talaga. Hindi ako mawawala, ano ka ba, di ba nga ako si Wonder
Mom”? sabay pisil sa ilong ng anak. Dinugtungan naman ni Vicky, “at Wonder
Doctor pa”. At nagtawanan ang mag-iina.
TAGPUAN

MGA TAUHAN

PAKSA/KAISIPAN

MAHAHALAGANG PANGYAYARI

(Naging Suliranin)

WAKAS

(Kasukdulan/Katapusan)

Pamantayan sa Pagmamarka : Kaugnayan sa kuwentong binasa – 5

Nilalaman – 10 Kabuuan – 20 PUNTOS

Kaayusan ng Pagsalaysay – 5

You might also like