Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

GRADE
FILIPINO 11

4
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 4

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 1


MODYUL SA SHS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

KUWARTER 4
LINGGO 4

Pagbuo ng Konseptong Papel

Development Team

Writer: Anna Lyn A. Mangibunong


Editor: Antonio Q. Albis Jr.
Reviewers: Zorayda S. Paguyo Rosario Claudia A. Corcuera
Antonio Q. Albis Jr.
Lay-out Artist: Antonio Q. Albis
Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagtuturo sa


ikatatamo ng mas mataas na antas na karunungan lalo na sa larang ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ito sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral upang lalong
makaagapay sa mabilis na pag-indayog at pagbulusok ng pagbabago sa modernong panahon
sa makabagong milenyo at upang lalong umunlad ang sibilisasyong kinabibilangan ng bawat
indibidwal tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman
sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga
modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para
unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging mahusay na mananaliksik sa pamamagitan


ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:


1. matukoy ang mga bahagi ng konseptong papel;
2. matukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng konseptong papel;
3. mabatid ang mga katangian ng konseptong papel

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit ang mga inaasahan, isakatuparan ang mga sumusunod:


1. basahin at unawain nang mabuti ang naihandang aralin sa linggong ito;
2. sundin ang bawat panuto na inilakip sa bawat gawain at pagsasanay; at
3. sagutin ang lahat ng mga gawain at pagsasanay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 3


Magandang buhay! Maligayang pagdating sa
ikaapat na linggo ng pag-aaral! Bago natin simulan
ang Modyul na ito, nais kong kompletuhin mo muna ang
impormasyong hinahanap sa kahon sa ibaba. Isulat ang
mga impormasyon sa MALALAKING LETRA para
madaling mabasa at makita. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Pangalan: ________________________________ Strand/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________________________________________
Guro: ___________________________ CP no. ng Magulang: ___________________

Narito ang mga pamantayang at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?
ALAMIN

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop


na pananaliksik

Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa


Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon,
layunin,gamit,metodo, at etika ng pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto: F11PT – IVcd – 89


Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong
kaugnay ng pananaliksik ( Halimbawa: balangkas
konseptwal, balangkas teoretikal, datos
emprikal,atbp.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa
pagbuo ng konseptong papel sa pamamagitan ng
Paunang Pagtataya. Sa ibaba ay mayroong 5 aytem na
kailangan mong sagutin. Paghusayan mo!
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Itala ang titik ng iyong
tugon sa sagutang papel.

1. Ito ay nagsisilbing panukala o proposal para maihanda ang isang pananaliksik.


A. Balangkas C. Bibliyograpiya
B. Konseptong papel D. Rasyunal

2. Alin sa mga sumusunod ang isa sa hakbang sa pagbuo ng pananaliksik?


A. Magplano at Magsiguro C. Mag-isip at Magmuni-muni
B. Magtanong at Magmungkahi D. Lahat ng nabanggit

3. Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paglikha ng konseptong papel?


A. Nagiging gabay ito sa tunguhin ng komprehensibo at epektibong pananaliksik.
B. Inihahanda nito ang mga posibilidad na kakaharapin ng pananaliksik.
C. Isa itong tiyak na paghahanda upang mas pahusayin ang pananaliksik.
D. Lahat ng nabanggit

4. Ito ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang
paksa.
A. Rasyonal C. Layunin
B. Metodolohiya D. Inaasahang bunga

5. Anong katangian ng konseptong papel kung ito ay nakatutulong sa pagtataguyod o


pagpapaunlad ng larangang kinabibilangan?
A. Makapangyarihan C. Mapagmulat at Mapagpalaya
B. Makatotohanan at Makatarungan D. Maikli ngunit malinaw

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 5


Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa
linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang lilim ng iyong isipan baka kung sakaling iyo
BALIKAN nang naulinigan ang mga konseptong pag-aaralan.

Sa nakaraang aralin ay iyong nabatid ang pagbuo ng tentatibong bibliyograpi.


Napalawak ang iyong kaalaman sa paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya
gayundin ang pagkuha at pagsasaayos ng mga tala.
Napag-aralan mo din ang ilang konsiderasyon sa pagkuha at paggawa ng mga
tala. Ang lahat ng mga ito ay tunay na makatutulong sa iyo upang maging mapanuri at
mahusay na mananaliksik.

Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas


sa naunang aralin kaya ngayon naman ay makakaya mong
tuklasin, pagnilayan at unawain ang panibagong aralin!
TUKLASIN

Ang isang plano ay nagiging makabuluhan kung ito ay humantong sa


pagsasakatuparan. Sa akademikong gawain, isang katuparan at tagumpay ang paglikha o
pagbuo ng komprehensibo at epektibong papel pananaliksik. Patunay ito na pinagsamang
talino, sipag, at tiyaga na mainam na puhunan sa tunay na haharaping hamon sa buhay
Sa pagbuo ng papel pananaliksik makatutulong ang konseptong papel upang lalong
magabayan o mabigyang direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa
gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa
pamamagitan ng mga nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong
maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari.

Halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman at


palalimin ang iyong pag-unawa tungkol sa pagbuo ng
tentatibong bibliyograpiya. Tara, basahin at unawain
nating mabuti ang mga impormasyong nakalahad sa
SURIIN ibaba.

ANG KONSEPTONG PAPEL


Ang konseptong papel ay nagsisilbing panukala o proposal para maihanda ang isang
pananaliksik. Ito ang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng
paksang bubuuin. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mananaliksik na mailahad kung ano ang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 6


mangyayari. Nagbibigay rin ito ng kaalaman sa guro sa tunguhin o direksyong ninanais ng
mananaliksik para sa sulatin
KONSEPTONG PAPEL: Mula Plano Patungong Proseso
Katumbas ng isang mungkahi o rekomendasyon sa gagawing pananaliksik ang
konseptong papel. Ang sumusunod ay ang nilalaman ng konseptong papel:

✓ kabuuang ideya
✓ balangkas o framework
✓ nais patunayan sa pag-aaral
✓ gawaing binabalak sa pananaliksik
✓ halagang magagastos sa proyekto

Dahil ito ay mungkahi, hamak na mas maikli ito sa orihinal na papel pananaliksik.
Maikli rin ang guguguling panahon sa paggawa nito sapagkat dito hahalawin ang magiging
daloy ng pinal na sasaliksikin. Tinatayang limang pahina lamang karaniwan ang isang
konseptong papel.
Mga Bahagi o Template ng Konseptong Papel (Constantino & Zafra, 2000)
1. Paksa – Nakasulat dito kung tungkol saan ang gagawing pananaliksik. Limitahan ang paksa
gamit ang tinutukoy na batayan sa paglilimita
2. Rasyonal – Ito ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling
talakayin ang isang paksa. Mababasa din dito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
3. Layunin – Dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa na napili.
4. Metodolohiya – Inilalahad dito ang pamamaraan na gagamitin ng isang mananaliksik sa
pangangalap ng datos na gagamitin sa pananaliksik. Maliban dito, inilalahd din dito ang
paraang gagamitin ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon
5. Inaasahang output o resulta – Dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging
resulta ng pananaliksik o pag aaral. Dahil patuloy parin ang pangangalap ng impormasyon
ay maaari pa ring magkaroon ng pagbabago sa inaasahang resulta sa pinal na papel depende
sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.

Hakbang sa Pagbuo ng Konseptong Papel


1. Magplano at Magsiguro
• Planuhin kung ano ang nais pag-aralan o gagawing proyekto. Nakabatay dapat sa plano
ang katiyakang matatapos ang pananaliksik sapagkat ibinatay ito sa sa kakayahan,
interes, kagamitan, karanasan, at panahon.

2. Mag-isip at Magmuni-muni
• Isiping mabuti ang paksang sasaliksikin. Ito ba ay para lamang sa sarili na maipasa at
mabigyan ng karampatang grado o may maiaambag sa lipunan. Mahalagang tingnan
ang mga posibilidad na maiaambag ng pananaliksik bilang pagsasakabuluhan nito
tungo sa kapakinabangang pansarili, pampamilya, pampamayaman at pambansa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 7


3. Maghanda at Mangolekta
• Payabungin ang kaalaman upang mapalawak ang sasaliksiking paksa. Mangolekta ng
mga sangguniang maaaring pagbatayan ng sariling pag-aaral.Tiyaking ang mga
makukuhang batayan ay tumatalakay sa konseptuwal o teoretikal na batayan.

4. Magtanong at Magmungkahi
• Humanap ng makakausap upang ipasuri ang planong paksa.Mainam na may
makakausap upang magpalitan ng ideya at kuro-kuro. Sa simula pa lamang ay agad
nang makikita ang mga potensyal na butas o kahinaan na dapat punan o palakasin.
Ibahagi rin ang iyong kakayahan sa konstruktibong pagbibigay puna sa gawa ng iba.
Kailangang ang ginagawang konseptong papel ay lapat at sapat sa pamantayan ng guro
at paaralan o unibersidad na pinapasukan.

Katangian ng Konseptong Papel


1. Maikli ngunit Malinaw
• Sa limitadong panahon at pahina kailangang maging tiyak ang paksa at mailahad ang
layunin, kahalagahan, at iba pa. Kailangang maging magkakaugnay ang bahagi o
element ng konseptong papel upang malinaw na maipabatid ang nilalaman at
patutunguhan nito.

2. Makatotohanan at Makatarungan

• Panahon ang batayan ng katangiang ito. Gaano man kaganda ang paksa, ang
pinakamahalagang batayan ay ang kakayahang matapos o maisakatuparan ang
gagawing pananaliksik. Matatapos ba ito nang mag-isa o pangkatan? Kung hindi ito
maisasakatuparan, balewala ang gagawing pananaliksik.

3. Mapagmulat at Mapagpalaya

• Mahalaga sa panukalang proyekto o pananaliksik pa lamang ay litaw na ang ambag o


kahalagahan ng pag-aaral. Kailangang makatutulong ang pananaliksik sa pagtataguyod
o pagpapaunlad ng larangang kinabibilangan.

4. Makapangyarihan
• Magbubukas ang konseptong papel upang magsulong ng mga adbokasiyang dapat
itaguyod sa pag-aaral.Magiging bukas din itong pagkakataon para sa mga susunod na
mananaliksik na ipagpatuloy ang isinagawang pag-aaral upang lalong palawakin at
paigtingin ang hatid nitong ambag sa kaalaman at katarungan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 8


Sa bahaging ito ay sisikapin mong pagtibayin ang iyong
pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa.
Sagutin ang mga naihandang gawain para sa iyo. Alam
PAGYAMANIN kong kayang-kaya mo ito! Paghusayan mo!

Panuto: Tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Isulat sa linya ang TAMA
kung ito’y wasto at ang MALI kung hindi.

________1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating pananaliksik.


________2. Maaaring ang resulta o kalalabasan ng sulatin ay maiiba sa nakasaad sa konseptong
papel.
________3.Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng kalalabasan ng
pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng mananaliksik tungkol sa paksang
kanyang tatalakayin.
________4. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang hangarin o tunguhin ng
pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin.
________5. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong papel ay maaari nang
magbigay ng paunang feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro.

Kagila-gilalas! Narito ang ilang mga konsepto na


kailangang isaisip upang lubos na matalunton ang mga
ISAISIP napag-aralan.

Mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paglikha ng konseptong papel. Isa itong


tiyak na paghahanda upang mas pahusayin ang pananaliksik. Inihahanda ng konseptong
papel ang mga posibilidad na kakaharapin ng pananaliksik. Sa huli, nagiging gabay ang
konseptong papel sa tunguhin ng komprehensibo at epektibong pananaliksik.

Sa konseptong papel, malinaw na mailalahad ang pangkalahatan at tiyak na ideya


sa magiging laman ng isasagawang pananaliksik. Tunay na hakbang ang konseptong
papel sa pagsasakatuparan ng plano at proseso ng akademikong pananaliksik.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 9


Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan
ang kabuoan ng modyul na ito, kaya isang banat pa,
ISAGAWA kayang-kaya mo itong isagawa!

Panuto: Pagsunod -sunurin ang mga paraan at tamang proseso sa pagbuo ng konseptong papel.
Lagyan ng 1 ang rasyunal, 2 ang layunin, 3 ang metodolohiya at 4 ang inaasahang output o
resulta.
____________ May mga epekto ang paglalaro ng mobile legend sa mga batang nasa edad
10- 12.
____________ Tukuyin ang mga epekto ng paglalaro ng mobile legend sa mga batang nasa
edad 10-12
____________ Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa epekto ng paglalaro ng
mobile legend sa mga batang nasa edad 10-12
____________ Mag-iinterbyu at magpapasagot ng questionare sa magulang ng mga batang ito
na madalas maglaro ng mobile legend. Kakapanayamin din ang mga bata
tungkol sa mobile legend at oobserbahan sila ng ilang araw.

Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling


pagsusulit sa kabuoan ng aralin. Natitiyak kong masasagot
mong lahat ang mga tanong. Hala, bira!
TAYAHIN

PANGWAKAS PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Itala ang titik ng iyong
tugon sa sagutang papel.

4. Ito ay nagsisilbing panukala o proposal para maihanda ang isang pananaliksik.


A. Balangkas C. Bibliyograpiya
B. Konseptong papel D. Rasyunal

5. Alin sa mga sumusunod ang isa sa hakbang sa pagbuo ng pananaliksik?


C. Magplano at Magsiguro C. Mag-isip at Magmuni-muni
D. Magtanong at Magmungkahi D. Lahat ng nabanggit

6. Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paglikha ng konseptong papel?


E. Nagiging gabay ito sa tunguhin ng komprehensibo at epektibong pananaliksik.
F. Inihahanda nito ang mga posibilidad na kakaharapin ng pananaliksik.
G. Isa itong tiyak na paghahanda upang mas pahusayin ang pananaliksik.
H. Lahat ng nabanggit

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 10


4. Ito ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang
paksa.
A. Rasyonal C. Layunin
B. Metodolohiya D. Inaasahang bunga

5. Anong katangian ng konseptong papel kung ito ay nakatutulong sa pagtataguyod o


pagpapaunlad ng larangang kinabibilangan?
A. Makapangyarihan C. Mapagmulat at Mapagpalaya
B. Makatotohanan at Makatarungan D. Maikli ngunit malinaw

Kumusta? Siguro nasagot mo nang tama ang bawat tanong. Kung ganoon, binabati
kita dahil sa wakas ay malapit mo nang matapos ang modyul na ito at tiyak na naintindihan
mo nang maigi ang iyong aralin. Sana ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang
iyong mga napag-aralan sa modyul na ito.

Bilang pagtatapos sa linggong ito,


kinakailangan mong mapagtagumpayan ang
huling pagtataya na inilaan para sa iyo.
Naniniwala akong kayang-kaya mo ito.
KABUOANG PAGSUSURI Paghusayan!

PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT):

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa


Filipino batay sa oryentasyon, layunin gamit metodo, at etika ng pananaliksik.

Ang pagsasagawa ng sulating pananaliksik ay isa sa mga pangangailangan sa


asignaturang Filipino lalo na sa Senior High School. Bilang mag-aaral ng Senior High School,
ikaw ay kinakailangang magsagawa ng isang kapaki-pakinabang at napapanahong sulating
pananaliksik. Bilang paghahanda sa isasagawang sulating pananaliksik, ikaw ay
magsasaliksik ng napapanahong isyu o paksa at gagawan mo ito ng isang konseptong papel
batay sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik. Isaalang-alang din ang
mga katangian at bahagi ng konseptong papel. Magpokus sa mga isyung nararanasan sa
kasalukuyan ng mga mag-aaral lalo na sa mga katulad mong Senior High School. Tatayahin
ang nasabing gawain batay sa nilalaman, paggamit ng wika at mekaniks, at pagkakabuo ng
konseptong papel.

SITUATION: Bilang mag-aaral ng Senior High School ikaw ay kinakailangang magsagawa


ng isang kapakipakinabang at napapanahong sulating pananaliksik. Bilang paghahanda sa
isasagawang sulating pananaliksik, ikaw ay magsasaliksik ng napapanahong isyu o paksa at

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 11


gagawan mo ng isang konseptong papel batay sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo at etika
sa pananaliksik.
GOAL: Ikaw ay magiging mananaliksik na bubuo ng isang konseptong papel sa Filipino
batay sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik.

ROLE: Mananaliksik

PRODUCT: Konseptong papel


AUDIENCE: Mga mag-aaral lalo na sa Senior High school
STANDARDS: nilalaman, organisasyon, paggamit ng wika at mekaniks.

RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN:

Mga Antas ng Pagsasagawa (Level of Performance)


Kulang sa
Kategorya Napakahusay Mahusay Kasiya-siya
Kasanayan
(4) (3) (2)
(1)
Ang konseptong Ang konseptong Ang konseptong Ang
papel ay tumatalakay papel ay papel ay konseptong
sa napapanahong tumatalakay sa tumatalakay sa papel ay
paksa. Napakahusay napapanahong napapanahong hindi
ng pagkakabuo ng paksa. Mahusay paksa. Wasto tumatalakay
konseptong papel; ang pagkakabuo ang pagkakabuo sa
natalakay nang husto ng konseptong ng konseptong napapanahon
ang bawat bahagi ng papel; natalakay papel; may sapat g paksa.
Nilalaman
konseptong papel. ang bawat na pagtalakay sa Kulang na
bahagi ng bawat bahagi ng kulang sa
konseptong konseptong pagtatalakay
papel. papel. sa bawat
bahagi ng
konseptong
papel.

Lubhang mahusay Mahusay at Maraming mali Kailangang


ang paggamit ng napamamahalaa sa gramatika at baguhin o
wika, walang mali sa n (manageable) baybay ganundin ayusin dahil
gramatika, baybay at ang mali sa sa gamit ng halos lahat
Paggamit gamit ng bantas, may gramatika, bantas. ng
ng Wika at mayamang baybay at gamit pangungusap
Mekaniks bokabularyo. ay may mali
ng bantas at may
sa gramatika,
mayamang
baybay at
bokabularyo. gamit ng
bantas.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 12


Nakasunod sa mga Nakasunod sa Nakasunod sa Magulo ang
tamang hakbang sa mga tamang ilang hakbang sa naging
pagbuo ng hakbang sa pagbuo ng proseso sa
konseptong papel na pagbuo ng konseptong pagbuo ng
Pagkakabu
nagbunga ng sulating konseptong papel. konseptong
o ng
lumabis pa sa papel. papel at ito’y
konseptong
inaasahan. makikita sa
papel
produktong
wala ring
kaayusan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 13


SUSI SA PAGWAWASTO

SUSI SA PAGWAWASTO

PAUNANG PAGTATAYA

*1. B 2. D 3. D 4. A. 5. C

PAGYAMANIN

1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. TAMA 5.TAMA

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

*1. B 2. D 3. D 4. A. 5. C

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 14


SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT

Bandril Lolita T., Alma Tang-Bautista, Diana F. Palmes at Voltaire M. Villanueva.


(2016). Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.Quezon City: Vival Group Inc.
Bernales Rolando A., Leticia M. Lopez, Maria B. Sarte , Ligaya Z, Del Rosario, Edna P.
Martinez, Ma. Lourdes R. Quijano. Jovert R. Balunsay at Susan M. Tindugan.
(2016). Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Dayag Alma M., at Mary Grace G. Del Rosario. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quezon Ave, Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

Bitmoji.com
https://www.123rf.com/clipart-
vector/middle_school.html?sti=lvj9eom9vi3pwvvyu2|&mediapopup=41741867
https://www.123rf.com/photo_81304793_stock-vector-student-stress-icon.html
https://webstockreview.net/image/why-clipart/21648.html
http://www.priscillaloebenberg.com/random-house-expands/
https://www.sachinrekhi.com/how-to-find-your-ideal-customer
https://www.123rf.com/photo_35969895_black-head-with-group-of-colorful-question-mark-
icon-in-brain-isolated-on-white-background.html
https://www.dreamstime.com/image-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-
wearing-glasses-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-image134074704
https://www.kissclipart.com/psychologist-clipart-psychology-psychologist-clip-q3z9nj/
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-mwyrb
https://spirit-riding-free-fan.fandom.com/wiki/Oliver
https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-bqyeo
https://wikiclipart.com/testing-clipart_7483/
https://www.clipartmax.com/so/spotlight-clipart/2/
https://www.brandeps.com/icon/K/Key-03
https://tenor.com/view/walk-man-books-study-gif-15377165
https://www.scribd.com/document/433387188/KONSEPTONG-PAPEL-HAND-OUT-1-
docx

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900


Contact Number: (077)771-3678

Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 16

You might also like