Week 45

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

March 13-April 2,2022

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA

1. Pag-uuri ng mga Ideya/Detalye


Ang ideya ay ang kaisipan na nalilinang sa talata. Ito ang nagsasabi kung ano ang pangunahing
kaisipan na inihahatid ng talata. Karaniwan na ang pangunahing ideya ay tuwirang inilahad sa pamaksang
pangungusap na maaaring matagpuan sa simula, gitna o huling bahagi ng talata. May mga pagkakataon naman
na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang nakalahad sa talata. Kailangan ang pag-uugnay ng mga kaisipan o
sariling pag-unawa tungkol sat eksto upang mabuo ang pangunahing ideya ng talata o teksto.
Samantala, ang detalye naman ang sumusuporta sa pangunahing ideya upang lubusang
maunawaan ang talata. Nagtataglay ng mahalagang impormasyon ang bawat detalye na nakapaloob sa talata.
Tumutulong ito sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang talata.
Ayon kay Badayos(2000), mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng
suporta sa pangunahing ideya.
Ang pagtatamo ng mga kasanayan sap ag-uuri ng ideya at mga detalye ng isang talata ay isang
magandang simula upang maging epektibong mambabasa at mag-aaral.

Halimbawa:
 Pangunahing Ideya: Uri ng mga Estudyante
 Mga Katulong na Ideya:
a. Katangian ng iba’t ibang estudyante
b. Mga salik o elemento na nakaaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante
c. Katayuan sa buhay ng mga estudyante

A. Gawain: Piliin ang pangunahing ideya at mga pantulong sa detalye. Bilugan ang pangunahing ideya at
salungguhitan naman ang mga pantulong na detalye. (5pts)

Pagmamadali, iyan ang ating karaniwang namamasid sa mga gawi at kilos ng mga tao sa ating
paligid. Madaliang pagtatayo ng mga gusali, paggawa ng mga lansangan at pagbabago ng mga dati nang
nakatayong istraktura. Mabilisang paglalakbay ng mga naghahagibisang dyip at kotse sa mga daan. Sa
paglalakad man ay tila hinahabol ang mga tao o may hinahabol na tila hindi maabutan. Tunay nga kayang
dapat tayong magmadali sa ating mga gawain? Dapat ba tayong laging maghabol sa oras at panahon? Bakit
tayo nagmamadali?

2. Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw sa Teksto


Isa sa mga kasanayan sa pagbasa ay ang pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw sa teksto. Sa
(a.)
pagtiyak sa damdamin, dito makikita kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa kanyang binasang teksto.
Samantala, (b.) tono ay tumutukoy naman sa saloobin ng awtor tungkol sa paksang binibigyang talakay. Ang
tono ay masaya, malungkot, nakakatakot, mapagbiro at iba pa. kung tutukuyin naman ang (c.) pananaw sa
teksto, maaaring unang panauhan, ikalawang panauhan o ikalawang panauhan (point of view).
B. Gawain: Basahin ang sumusunod na tula at suriin kung ano ang damdamin, tono at pananaw na
inilalahad dito. (10pts)

Ang Tutong
ni: Arnel S. Vitor Sa ilalim
Ay may tutong…..
Ang kalderong pinagsalangan Mamula-mula at maitim
Ay binuksan
Presto! Ito’y isang malaking tanong:
Mabango . . . Malinamnam Hindi na ba mawawalan ng tutong
Ang sinaing sa kalan, Ang kaldero ng kanin sa pugon?
Ngunit……. Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at ang itim?
May sustansya rin, marahil. . .
Kahit tutong. . . Kahit tutong. . .
Sila … silang mga tutong
Umaawit ng panaghoy Ang higit na malapit sa nakapapasong
Ang mga tutong. . . Halik ng apoy!
Umaamot ng tulong Kaunting habag
Sa mga taingang makatutugon… Kaunting habag mula sa mga nasa itaas…
Ikinakaway sa hangin Mula sa mga kaning maputi at masarap
Ang pinggang walang laman Ito’y
Isang panawagan
Pinakakalansing Bakit ang tutong
Ang sikmurang kumakalam Laging nasa ilalim…?
Ibinabandila ang saradong kamao At bakit ihihiwalay sa paghahain?
At sa kalangitang nakatunghay dito Bakit hindi pagsamahin
Mandi’y ipinapaalala: Ang puti at ang itim
Sila man, kahit tutong, ay mga anak din May sustansya rin, marahil…
Ng panahon! Kahit tutong… kahit tutong…

TONO PALIWANAG

DAMDAMIN PALIWANAG

PANANAW PALIWANAG

3. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon sa Katotohanan


Kadalasan, sa pagbabasa ng isang teksto, napagpapalit ang katotohanan sa opinyon o ang opinyon sa
katotohanan. Tunay na ang daigdig na ginagalawan ng tao punung-puno ng mga sitwasyong
mapagbabatayan ng mga pangyayaring makatotohanan na pinagbabatayan naman kung papaano
makapagbibigay ng impresyon, reaksyon o opinion ang isang mapagmasid at taong nagpapahalaga sa
mga pangyayari sa kanyang paligid.
Paano ng aba makikilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon?

KATOTOHANAN OPINYON
Patotoo sa isang bagay. Mapapatunayan Isang kuro o hakang personal. Sariling
ito sa pamamagitan ng pagsusuri at paniniwala ng isang tao tungkol sa isang bagay.
paghahambing sa mga karanasan o pangyayari Kaya’t walang maling opinyon. Maaari itong
sa paligid. ibatay sa isang katotohanan o karanasan.

Ang pagkilala sa katotohanan at opinyon ay mahalaga sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan.


Tunghayan ang mga sumusunod na pahayag:
a. May pagkakataong nais ng may-akda na ang ibang “patoto sa kwento” ay tanggaping totoo ng mga
mambabasa.
b. Ang pagbuo ng tauhan sa kwento ay isang sariling palagay tungkol sa kung alin ang totoo o opinion
sa mga bagay na tinatalakay sa kwento na kaugnay ng mga tauhang binuo.
c. Bumubuo ng sariling opinion ang mambabasa habang tinutunghayan ang kwento.

C. Gawain. Isulat kung katotohanan o opinyon ang mga sumusunod na pahayag. (10pts)
___________1. Mas matututo ako sa face to face kaysa online/modular learning.
___________2. Walang magsasakang yumayaman.
___________3. Si Benigno Aquino III ay mas magaling na pangulo kay Gloria Arroyo.
___________4. Ang durian ay mabaho at masama ang lasa.
___________5. Nakakataba ang pag-inom ng bitamina.
___________6. Si Jose Rizal ay pambansang bayani ng Pilipinas.
___________7. Ang watawat ng Pilipinas ay mayroong 3 bituin at 1 araw.
___________8. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas.
___________9. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
___________10. Ayon sa DOH, bumababa na ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

4. Pagtukoy sa Hulwaran ng Organisasyon


Sa bawat tekstong pang-akademiko na isinusulat, mahalagang kapag ito ay binasa na, nakikilala
ang hulwaran kung paano binuo ang organisasyon ng teksto. Makikilala sa kasanayang ito ang istilo ng awtor.
May anim na hulwaran ng organisasyon ng teksto na tinalakay isa-isa sa naunang mga aralin. Ang mga ito ay
ang definisyon , pag-iisa-isa, pagsusunud-sunod, paghahambing at pagkokontrast, problema at solusyon at ang
hulwarang sanhi at bunga.
Ayon kay Badayos (2000), ang hulwaran o istilo sa pagsulat ay isang sistema o kaparaanan kung
paano binubuo at inilalahad ng awtor ang mga impormasyon o ideya sa mga teksto o babasahin.

Kahalagahan ng Hulwaran ng Organisasyon sa Mambabasa


1. Nasusuri agad ng mambabasa kung anong impormasyon ang maaaring kasunod na inilahad ng awtor.
2. Nakapgbibigay ng prediksyon sa babasahing teksto at maaaring matiyak kung tama o mali ang
prediksyon.
3. Ang pagkilala sa mga hulwaran ay makatutulong sa lubusang pag-unawa ng isang teksto.
4. Ang mga impormasyong inilahad sa isang sistematikong paraan ng pagbubuo ay madalling matandaan o
maalala.
5. Nakatutulong din sa mambabasa upang maalala ang mga impormasyong nabasa.
6. Higit sa lahat, di magtatagal matutuklasan ng isang tagabasa na nagagawa na rin niyang tularan o
gayahin ang hulwaran ng organisasyon o istilo ng isang awtor sa kanyang mga isinusulat.

Basahin ang sumusunod na maikling kwento at gawin ang kasunod na gawain pagkatapos na ito ay mabasa.
Ang Huling Itineraryo ng Pulu-Pulong Utak ni presidente ng faculty association. Binabay pas mo si
Propesor Balisungsong Dr.Ilar, board member ka lang ng asosasyon, Prop.
At saka nga pala, chair-man ng Grievance
Ni Pat V.Villafuerte
Committee. (Amen!)
Ang kwentong ito ay nagwagi ng Ikatlong
Nauunawaan kita, Propesor Balisungsong.
Gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for
Tao ka lang, Marunong ka ring magutom.
Literature sa Maikling-kwento noong 1984.
Bumabaho ka rin. Kailangan mo ring bumili ng
Tama ka,Propesor Balisungsong. Isang toothpaste at deodorant. Makapagtuturo ka nga ba
pagpapatiwakal ang maging propesor sa panahong kung umaalingasaw ka. Pero may alam ka, Prop.
ito. Hindi lamang mga istudyanteng pulpol ang Iyong isang department head ninyo amoy pusali ang
nakabangga mo. Pati administrasyon ng ilalim ng braso. Pati yata tawas, e sumusuko. At pag
unibersidad. Pati nang sosyedad.'Pati na ang nagsalita pati si Eric Banes ay masusuka sa amoy ng
mundong di mo mayakap-yakap. Maraming ulit ka nabubulok na cavities. Pero graduate ng Harvard.
na ring nakatanggap ng sulat-pagbabanta mula sa Naitanong mo minsan sa sarili mo,"Bakit di ba
ilang istudyanteng inilagpak. Iyong mga graduating itinuturo sa Harvard ang good grooming at personal
students na ining-complete mo,tiyak isinusuka pati hygiene?”
ang kaluluwa at kaluluwa ng tumbong mo. At
Pero ang problema mo,Prop. Kung sabagay,
ngayon pati ba naman ang presidente ng unibersidad
sino bang tao ang di mamumrublema sa pera?
ay kinalaban mo.Paano,kahapon nang uminit ang
Namamasahe ka rin. Naninigarilyo. Nagkakape.
issue tungkol sa peso devaluation,umakyat din ang
Paminsan-minsa'y nanonood ka rin ng sine. Sa
init ng kukote mo. Sumugod ka agad sa opisina ng
Makati,Sa Cubao. Kung minsan pa nga'y sa isang
administrador mo. Nagbalitaktakan kayo. Kesyo di
second-run theater sa Quiapo. Pero katulad namin,
makabubuhay ang sweldong tinatanggap mo. Pero
biktima ka rin ng peso devaluation. Kaya 'minor
ano ang sagot ng boss mo? Sa pulong ng Board of
lang muna ang bisyo, mas kailangan kasi ng anak
Trestees sa isang buwan ay isasama sa agenda ang
mo ang gatas na pinagtutubuan ni Beho. Pasalamat
kahilingan mo. Ngunit hindi natuloy ang meeting.
ka nga't nakatira ka sa biyenan mo. Ambisyoso ka
Nasa States di umano ang chairman ng board. Pero
kasi. Department Head ka na kasi sa iskwelahang
abot na sa leeg mo ang halaga ng bilihin.
pinagtuturuan mo, lumipat ka pa sa unibersidad na
Kaya,ipinasya mong tumawag ng emergency
pinagtapusan mo. Kesyo mas mataas ang suweldo.
meeting. Pinulong mo ang mga gurong sa palagay
Mas may pangalan. Kapag may nagtanong nga
mo'y panig sa 'yo. May nagmungkahing mag-mass
naman,S aan ka ngayon?" Panggulat nga namang
leave kayo. Pero tumutol si Propesora Etnesba.
banggitin 'yong state university na pinagtuturuan
Ubos na raw ang service credits niya. Di primerang
mo. Pero ngayon? Ha! Ha! Ha! Ginugutom ka ng
absentera kasi ang dambuhala. Nag-second the
honor at prestige na sinasabi mo. Paano mo
motion naman si Dr. Diarfa, baka raw matanggal
masasabi sa mga kaibigan mo na impyerno't hindi
kayong lahat sa pagtuturo kapag natuloy ang mass
langit ang unibersidad na napasukan mo?
leave. Nakabinbin pa naman daw ang kanyang
Pagtatawanan ka nila. Sisisihin. Lilibakin. At iyon
three-step promotion. Personal ang rason. Pag
ang ayaw mong mangyari. Kasi, nag-uugat pa rin sa
natuloy ang mass leave, mababale-wala nga naman
utak at dibdib mo ang sinasabi mong pride. Kaya isa
ang ilang token appreciation na palihim niyang
lang ang tinitiyak ko sa iyo: lyong pride na 'yon ang
ipinadadala sa opisina ng VIP. Hindi kataka-taka.
lalagot sa hininga mo. Ingat!
Nang mag mass leave kayo noong nakaraang taon,
hindi siya sumama. Kesyo okey naman ang kanyang Tik-ti-la-ok! Umaga na, Propesor
sinasahod. Kaya pala, dalawang linggo pagkatapos, Balisungsong. Oras na upang magbangon ka't mag-
lumabas ang kanyang “lundag-kangarong jogging! Huwag mo nang kainggitan ang mga
promosyon.” Naisahan ka,Propesor Balisungsong. sosyal na magdiya-jog-ging sa CCP Complex.
Walang sagabal sa pagpunta nila roon. Nakakotse
Nagbotohan. Resulta? Sit down strike ang
sila. May baong sandwiches at juice. Kaya ikaw, sa
naging pasya. Kung kailan, wala pang katiyakan.
likod ka na lang mag-jog. May hangin ka ring
Walang petsang itinakda. Ha! Ha! Ha! Hindi ko
masisinghot. Hindi lamang kasinsariwa ng hanging
lubusang maisip. Ang unibersidad ng gobyerno,
nasasagap mo sa Roxas Boulevard. Pag napagod ka,
lalaban sa gobyerno? Malaking kahangalan 'yon,
lumagok ka na lang ng kape. Maging juice, maging
magiting na propesor. Hindi ko alam kung
kape, sa sikmura rin “yon tutuloy. Iiihi mo rin 'yon
nagpapakabayani ka o ibig mong maikapit sa iyong
pagkatapos. Pagkapahinga mo'y maligo ka. Mahal
pangalan ang salitang repormista. Wala nang lugar
ang sabon ngayon kaya't konting tipid. Pagbutihin
na mapagtataguan ng monumento mo, Prop. Ang
mo na lang ang paghihilod. Sabi nga, huwag na di
mga bakanteng lote'y nabili na ng mga may-ari ng
madaanan. Konting deodorant,konting pulbos, ayos!
subdibisyon at memorial plan. Taasan ang suweldo.
Iyon ang konseptong nais mong buuin. Pero baka Sa mesa, ang maggu-good morning sa iyo'y
nalilimutan mo.Prop. Hindi ka nagtatrabaho sa isang pritong gigi (galunggong) at pulang kamatis.
Budget Ministry, sa IMF o sa World Bank. Wala "Na naman?' tanong mo kay Misis.
kang alam sa kaban ng bayan. At hindi ikaw ang
“Bakit may ibinigay ka ba?' balik na tanong “Dito ka na lang sa bahay,” huling pasya
ng mahal mong asawa. mo. BRUM! POT! POT! BRU!
Napahiya ka sa asawa mo. At, lalong Marami ang nag-aabang ng dyip sa
napahiya ka sa sarili mo. Dati kasi, may langgonisa't Blumentritt. Tiyak na matatagalan ka na naman sa
tosino,sausage o pritong pata na nakahain sa mesa. kahihintay. Huwag mopg sabihing sasabit ka. Ang
May saging at papaya pa. A,tapos ang mga prestige.Prop ang prestige.Alam mo,mas masuven
maliligayang sandali ng pag-aalmusal mo. Propesor ang drayber kaysa sa yo.Dumudumi nga ang
Balisungsong.Tapos na. Pero parang litanyang di damit.Pawisan.Marumi'ng kuko. Di maka-Ingles.
matapus-tapos ang makahulugang tingin sa iyo, Pero kumikita ng mahigit na isandaang piso sang
Propesor Balisungsong na limang araw na lang ay araw. Piso na yata ang pamasahe ngayon
susuweldo ka na. Ha! Ha! Ha! Nakakatawang Saka,alipin pa niya ag drayber ng ibang
nakakainis ka, Prop.Sa unibersidad ay napakatapang sasakyan.Siya ang hari ng kalsada. Alipin pa niya
mo. Terror, sabi nga ng mga estudyante mo. Pero ang manibela. Ang preno. Hawak pa niya ang buhay
pag nasa bahay ka pala,tingin lang ng biyenan ng mga pasaherong tulad mo. Pero ikaw? Malinis
mo,pinangingilagan mo. Pero hindi mo naman nga ang damit mo. Maporma. Mabango.
magawang umalis. Di kaya ng suweldo mo ang Iginagalang. Hinahangaan. Kinatatakutan. Ngunit
panghulog sa subdibisyong itinatayo sa Biñan. mababa ang sahod.Alipin ka pa ng oras. Ng sistema.
Minsan kasi,binalak mong kumuha ng lote sa Ng intriga. At ng lahat-lahat na.Ang dahilan.Ibang
Novaliches. Pumasok sa isip mo ang pag-ibig fund. may hawak sa manibela ng buhay mo. Iba'ng
Nag-apply ka pero na-reject ang appli-cation form nagpapaikot ng gulong. Iba'ng nagsasalin ng pre-
mo.Natuklasan kasing bukod sa downpayment na mium.Di ba't philosophy ang itinuturo mo? Bakit
ibibigay mo,di sasapat sa sinasahod mo ang halaga wala ka yatang pilosopiya sa buhay? Mcmoryado
ng buwanang paghuhulog mo. At sino naman ang mo pa naman ang depinisyon ng philosophy. It is
taong mauutangan mo sa panahong ito? Utang na defined as the search for truth and wisdom. lt's
loob man, hindi na rin nauutang ngayon, mabunying concerned with investigating and trying to
propesor. Naitanong mo tuloy sa chiefng Personnel understand the principles ofhuman nature. behavior
Division, para ano pa ang pag-ibig? Ay,ewan. and reality? Sa nakalantad na realidad?
“lkaw kasi, e. Sinabi ko na sa iyo noon pa na May bakante sa dyip. Upps! Sa wakas,
pagturuin mo ako, sabi ng asawa mo. nakasakay ka rin. Bakit ang tao, pagsakay sa dyip
ay parang T.V. set? Pinapanood. Pati ng pag-upo
“Para ligawan ka na naman ng co-teachers
mo ay sinusundan ng tingin. Ganyan lang kaliit ang
me?" tanong mo.
daigdig mo, Prop. Sinliit ng loob ng dyip. Masikip.
Sa panahong ito,wala nang selos-selos Mainit. Tingnan mo ang mga pasahero.
pa,Propesor Balisungsong.Maging praktikal ka na Prop.Galing! Sa iba't ibang lugar. Di kayo
ngayon.Bakit di ka tumulad kay Dr.Topi,yong head magkakakilala, pero alam mo kung sino ang
ng Depart-ment of Psychology? Malaki nang kita istudyante.Ang propesyonal. Ang di natatapos. Ang
pinagtatrabao pa ang asawa bilang chief ng kalapit- istambay. Alam mo rin kung sino ang manang (na
unibersidad.Dahil para sa kanya,ang pag-aasawa'y kadalasa'y nakasuot ng,Lourdes o Nazareno pag
pagtutulungan sa kabuhayan.Pero ibang nangyari, Biyernes) may hawak na rosaryo at bubulung-
may nakapagbalitang si Mrs.Topi at ang bise- bulopg. Alam mo rin ang bookworm (kumo). Mula
presidente ng unibersidad ay...Iyon ang ayaw mong nang makaupo hanggang sa malapit nang bumaba
mangyari,Prop.Ang magsuong ng ipot sa ulo. Pero ay nagbabasa ng isang latest edition ng pocketbook.
alam mong iba'ng misis mo sa misis ni Dr.Topi. Ibat ibang tinig ang maririnig mo. Ibat ibang
Kung may tiwala ka rin sa asawa mo,bakit di mo "alimuom".May nagbabalita. May pumupula. May
subuking ihanap siya ng trabaho? Kung nasisiyahan. May naghihinanakit.A.ganyan ang 2
sabagay,labingwalong taon ang tanda mo kay damdaming namamayani sa iyong munting
Misis.Istudyante mo siya noon sa daigdig,Prop.Sarisari.Sali-salimuot. Talagang tibay
Philosophy,remember?Nang minsang magkasabay lang ng loob nag kailangan.
kayong mananghalian sa canteen ay napag-usapan
"Barya lang,” paalala ng drayber. "Lang?"
ninyo ang tungkol sa paksang man-woman
naitanong mo sa 'yong sarili. Naisip mo kasi,
relationship. Noon mo natuklasang mag-iisang
mahalaga ang barya sa panahong ito. Kung maaari
buwan nang nagbalak ang naging misis mo at ang
nga lamang ay ayaw mong mabaryahan ang limang
dati niyang boyfriend. Umentra ka. Dahil may lihim
piso mo. At ano nga ba naman ang mabibili ng
kang pagtatangi sa istudyante mo at may crush siya
barya?Dalawang stork lang o dalawang stick ng
sa iyo,kayo ang nagkatuluyan. Okey ang reception
Marlboro na inilalako ng batang umakyat-tumalon
sa Hilton.Pagkatapos,nagpatuloy siya sa pag-aaral.
sa dyip na sinasakyan mo. May batang umakyat sa
Nakatapos naman.Pero lintik sa selos. Nilalamon
dyip. “Tempo! Peoples Journal! Daily Express!
ang utak mo.Para bang ang misis mo ang
Napatingin ka sa headline ng pang-umagang
pinakamagandang babae na nilikha ng
pahayagan:Magic Ten Runs Dollar
Diyos.Tipong tuksuhin,sabi nga.
Syndicate.Nagsisiklab ang kalooban mo. Naalala
mong bigla ang disiotso na palit ng dolyar.Ang otso
sinkuwentang halaga ng isang baretang sabon kanyang wallet. Isang calling card ang iniabot niya
panlaba. Ang presyo ng baboy, ng gatas, ng itlog, sa istudyante.
ng mantika, ng.Saka mo naisip ang misis mo. Si
"Tawagan mo ko mamayang gabi sa bahay.
misis na laging gulo ang isip sa pagba-budget.
Sa phone natin pag-uusapan ang lahat. Time ko na
Nagpuputok ang butse mo. Parang sinisilaban ang
for my second class." sabi ni Propesor Cainam.
buo mong katawan. Mahabang pu. . . ang kumawala
sa bibig mo. A, gapos ka ng walang hanggang Lumabas ka ng Men's Faculty Room. Si
pagkayamot. Propesor Atilab ang nagsabi sa yong may meeting
sa Conference Room mamayang alas-onse ng
Nasa tapat ka na nĝ unibersidad. Tapos na
tanghali.
ang nakababagot na oras na inilagi mo sa dyip.
Ginising ka ng mga hiyawan. Sa labas, naroon ang “Tungkol saan?" tanong mo.
mga istudyante. Nagpo-protesta. Hindi dahil sa
mababang sahod na tinanggap mo. At hindi rin dahil “Salary hike," sagot ni Propesor Atilab.
sa pagtaas ng presyo ng tuition fee na binayaran nila Lihim kang napangiti. Agad sumaisip mo
noong nakaraang se-mester. Kundi dahil sa anila'y ang karagdagang salaping mapapasakamay mo pag
mabababang uri ng panitikan na nagkataon. Ibibigay mo 'yon nang buong-buo kay
pinangangalandakan ng mga magasing BABAE, Misis. Kay Misis na hindi mo kariringgan ng
TIKTIK, AT SAKDAL. Nangakatambak ang mga pagtutol dahil alam mong makukulta na ang
magasin. Sinusunog. Nagliparan ang mga alipato. kanyang isip sa pagbabudget. Kay Misis na tanging
Nang makita mo si Dr. Gobil, matandang dalagang humahanga sa iyong kakayahan. Kay Misis na lagi
“pasimuno" ng kilusan ay lihim kang napangiti. mong tagakubli ng iyong mga kahinaan. Kay
Naibulong mo tuloy sa iyong sarili, alin ang mas Misis...kay Misis...
mahalay,ang magasing smut o ang taong gumagawa
ng lihim na kahalayan. Dahil kilala mo si Dr. Gobil. Pasado alas-onse na nang magkaroon ng
Naglapos lang ng Ph.D. sa Boston bilang scholar, quorum. Relaks na relaks ka sa pagkakaupo.
tumaas na ang ere sa katawan. Kesyo siya ang “Our welfare up to now is overlooked and
pinakamatalino. Siya ang may pinakamaraming taken for granted. Somebody should start listening
award.lokal at internasyonal. Siya lang ang to our demands. We're fed up with promises,"ito
tagapagtanggol ng mga estudyanteng naaapi.Siya ang pahayag ni Dr. Ilar.
ang martir. Ang banal. A. kung maibubulgar mo
lang na may kinakasama siyang t-bird ding tulad Bilib na bilib ka kay Dr. Ilar. Mahusay
niya sa inuupahan niyang apartment.Na siyang magsalita. Matapang. Matatag. U.P. Graduate at
nakatulong nang malaki para makapagpatayo siya magtatapos ng law sa Ateneo. At hindi marunong
ng isang negosyo sa Bicol. Pero di mo magawang maglangis. Hindi tulad ng ibang parang linta kung
ibulgar. Takot kang masabit. At malakas ang t-bird kumapit.
na 'yon sa isang minister. Nag-suggest ka. Automatic wage adjustment
"Pwe!"nasabi mo, sabay alis. Parang sa tuwing may pagtaas ng oil prices at peso
naririnig mo tuloy ang madalas banggitin ni Dr. devaluation. Ang adjustment, sabi mo pa ay dapat
Gobil kapag siya'y nakikipag-usap: Praise the Lord! naaayon sa in-flation level at economic price index.
Okey ang mga suggestions mo,pero ano bang alam
Tuluy-tuloy ka sa Men's Faculty Room. mo sa economics,Prop?
Twenty minutes pa kasi ang nalalabing minuto para
sa klase mo. Nakita mo si Prop. Cainam, ang Narinig mo ang bulong ni Propesor Paloksi.
playboy ng unibersidad.Ngingisi-ngisi habang Ipagpapatuloy raw niya ang kanyang Ph.D. Sa
nagmamakaawa sa kanyang harapan ang isang bata't U.S.T. para maragdagan ang kanyang sahod.
magandang istudyante. Napangiti ka. Kasi,alam mong sa bawat units ng
pag-aaral ay units din ang ibabawas sa extra
“O, pa'no na 'yan Arawirap?” tanong ni teaching load. Naibulong mo, bakit ganoon, bakit
Propesor Cainam. “Lagpak ka uli sa second final kailangang bawasan ang isang teaching load gayong
exam ko." tuwing Sabado lang naman ang turo sa Graduate
“Gagawa na lang ako ng special project, Sir. School. at hindi maapektuhan ang pagtuturo sa
Kung gusto ninyo ire-research ko ang mga unibersidad? Sa ibang unibersidad nga, kahit ilang
nagwaging lahok sa Palanca at sa CCP for this year. extra teaching load ay pinapayagan, hanggang kaya
Di po ba sabi ninyo, hindi pa kumpleto ang mga ng may katawan. Bakit dito sa amin, hindi? Ay,
koleksyon ninyo? O kung ibig ninyo'y magdo- ewan.
donate na lang ako ng libro. Please, help me, Sir. "Mass sick leave." mungkahi ni Propesor
Ako lang ang inaasahan ng par- et ko,"pakiusap ng Tikas. Nagbotohan.Panalo.llang araw? Isang linggo
istudyante. Kitang-kita mo nang pandilatan ni pumasok ka na naman sa gulo, Prop.
Propesor Cainam ang istudyante.
“Kailan!” tanong mo.
Nangangahulugang ibig niyang pigilin ito
sa pagsasalita. May dinukot si Propesor Cainam sa “Simula bukas,” sagot ni Propesor Ilad.
“Biyernes bukas at pay day. Next week na Dinukot mo sa 'yong bulsa ang maliit na flashlight.
lang,' mungkahi mo. Ipinatong mo 'yon sa ibabaw ng rostrum. Tinitigan
mo ang makinis na makinis na dingding. Nagsimula
Tumutol ang marami.'Sa susunod na lingo
kang magsulat. Naisip mo ang mga istudyanteng
na lang daw. May affair kasi sa susunod na linggo.
isinama mo kanina. Ang mga istudyanteng ibig
Pasisinayaan ang bagong ipinagawang
mong ipahamak dahil suklam na suklam ka sa
Administrative Build-ing. Walk-out?
kanila. A. sila. sila lamang ang maaaring gumawa
"Magandang ideya," bulong mo. Isang noon. Sulat...sulat...at sulat pat A, may apo palang
magandang balak ang nabuo sa isip mo. propesyonal si Bandalismo.

ALAS-OTSO ng umaga ang nakalagay sa Bukas, pag-uusapan ang malaking isyung


oras ng pagbabasbas sa bagong gusali. Maliwanag ikaw ang' may likha. Bukas, isang pangyayaring
na nakalimbag 'yon sa program na nakuha mo sa magpapabago sa kasaysayan ng unibersidad. Sa
'yong pigeon hole. At bukas pa 'yon, Prop. Ewan ko harap ng mga panauhin mula sa Ministry. Sa harap
ba kung bakit gabing-gabi'y nariyan ka pa sa Men's ng mga dayuhang panauhin. Bukas…Bukas…
Faculry Room. Tapos na kanina pa ang evening
Nabunggo mo ang lata ng pintura. Tong!
class mo. At nag-uwian nang lahat ang mga
Plok! Plotokok! Plong!
istudyante. Sarado na rin ang main gate ng
unibersidad Kinuha mo sa iyong steel cabinet ang “Sino 'yan? Sino 'yan? May tao pa ba
lata ng pinturang ginamit mo noon sa paggawa ng riyan?" Kilala mo ang tinig.
placard, pati na ang thinner at brutsa. Ikinandado
Hindi ka kumibo. At huli na para kunin ang
mong mabuu ang pintuan ng Men's Faculty Room.
flashlight. Unti-unting bumubukas ang pinto. Isang
Nang buong ingat. Sa bagong gusali ka nagtuloy.
paraan na lamang ang nansip mo. Dinampot ang lata
Kanina'y pumasyal kayo roon ng ilan mong
Ipinukol sa mukha ng aninong nagbukas ng pinto.
istudyante. Nagsama ka pa ng ilang dyanitor upang
Ngunit naging mabilis ang kanyang kamay. At bago
magdala roon ng sound system at ilang upuan. Ikaw
ka nakapagsalita sunud-sunod na putok ang iyong
kasi ang naatasan sa tungkuling iyon. At tandang-
narinig. Bukas ang mga isinulat mo'y laman ng mga
tanda mo na hindi mo ni-lock ang pinto. Ikaw ang
pang-umagang pahayagan. Bukas,ang pulu-pulong
huling lumabas sa bagong gusali. Ngayo'y babalik
utak mo'y kasabay na mabebendisyunan.
ka roon. Dala ang mga kagamitang kinuha mo sa
Bukas...Bukas.
steel cabinet. Maingat kang nakapasok sa lobby.

Pagsasanay:
A. Ibigay ang definisyon ng mga sumusunod na salita o pahayag na ginamit sa binasang teksto. (10)
1. Istudyanteng pulpol - _____________________
2. Umakyat din ang init sa kukote mo - __________________
3. Magbalitaktakan - _________________________
4. Lundag kangarong promosyon - ________________
5. Repormista - ______________________
6. Kaban ng bayan - _____________________
7. Amoy-pusali ang ilalim ng braso - ________________
8. Lalagot sa hininga - _________________________
9. Litanyang di matapus-tapos - ___________________
10. Nilalamon ang utak mo - ______________________

B. Itala sa tsart ang/mga problemang tinukoy sa teksto. Magbigay ng sariling solusyon kaugnay ng mga
tinukoy na problema. (5pts)
Problema Solusyon
C. Ibigay ang sanhi at bunga ng mga sumusunod na sitwasyon. (5pts)

SITWASYON SANHI BUNGA


1. mass leave ng mga
guro.

2. ambisyong
makapgturo sa
ibang bansa

5. Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw


Punong-puno ng mga ideya ang isang mambabasa. Kaya’t kapag nagbabasa siya, ang mga
ideyang ito ay yumayabong pa sapagkat nadaragdagan.
Sa pagkakataon na nagkakaroon ng kontradiksyon ang mga ideyang alam na ng mambabasa sa
mga ideya na kanya pa lamang babasahin.
Sa puntong ito, dapat na linangin ang kasanayang pagsusuri kung valid o hindi ang isang ideya o
pananaw.
Ayon sa mga mananaliksik, lahat na mga pananaw ng isang tao ay tama, hindi dapat sabihing
mali sapagkat ito ay batay sa kanyang nararamdaman, obserbasyon o sabihin na nating maaaring
naranasan niya ang isang pangyayari na naging batayan upang makabuo ng isang ideya. Ang mga
ideyang ito habang lunalaon ay lumilikha ng isang reaksyon, opinyon o paniniwala.
Malaki ang kaugnayan ng mga bagay na ito upang masuri kung valid o hindi ang ideya mula sa
tekstong binabasa.
Paano ng aba gagawin ang pagsusuri?
Una, tingnan kaagd kung ano ang kaugnayan ng pamagat sa mga bahagi ng binabasang teksto.
May kaugnayan ba ito sa panimula, gitna o pangwakas na bahagi ng teksto?
Ikalawa, upang mabago ang istilo ng paglalahad, may isiningit bang mga pahayag na
makapagpapalito sap ag-unawa ng mambabasa.
Ikatlo, bagama’t ang mga ideya o pananaw ay itinuturing na walang mali, may mga batayan ba
na naging daan upang ipahayag ang ideya o pananaw. Halimbawa, sinong tao ang nagsabi? Saan kinuha
ang istaditika? Ibig lamang sabihin, gaano katotoo ang mga ginamit na batayan.
Ayon kay Rufino Alejandro, may ilang paraan upang matukoy ang dapat na nilalaman ng isang
teksto. Pinaniniwalaan ko na makatutulong ang mga paraang ito upang masuri kung valid o hindi ang
ideya o paniniwala sa tekstong binasa.
Ang mga ito ay:
1. Paliwanag. Ito’y isang paglalahad ng kaugnayan ng mga bagay sa kabuuan o paglinaw sa kahulugan ng
isang pananalita o ng isang bagay.
2. Paghahambing o Pagtutulad. Dito’y ipinakikilala ang mga pagkakahawig ng isang bagay na kilala na
o mauunawaan at pinaniniwalaan. Ang buong layunin ay naging malinaw sa pang-unawa ng bumabasa
ang mga ideya. Datapwa’t ang paghahambing upang maging mabisa bilang patotoo ay dapat magkaroon
ng matitibay na batayan.
3. Paghahalimbawa. Ito’y paraang pagkukwento. Dalawa ang uri nito, ang halimbawang palagay lamang
at halimbawang hango sa tunay na pangyayari. Mangyari pa, itong huli ang higit na mabisa.
4. Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari. Ang mga ito ay hindi na ikinukwento, sapat na ang
banggitin na lamang.
5. Istadistika. Ang paggamit ng istadistika, tiyaking ang mga numero o bilang ng gagamitin ay may
mahalagang kaugnayan sa kaisipang pinatitibayan o may tiyak na kahulugang ipinakilala.

Gawain: Basahin ang sumusunod na talumpati at pagkatapos ay ikahon ang mga ideya o pananaw na hindi
valid. Pangatwiranan ito.
Ikalawang gawain, sumulat ng isang reaksyon sa nilalaman ng talumpati. Bigyang-pokus ang ideya o
pananaw na inilahad.
PANAWAGAN SA ISANG MALINIS NA NA HALALAN
Ang karapatan ng madla na pumili ng mga magpupuno sa kanila ay siyang saligan ng isang
pamahalaang demokratiko: kaya nga’t kung ibig nating ang gusali ng ating pamahalaan ay ay maging
matatag at matibay upang hindi maibagsak ng lalong malakas na sigwa at matinding unos, kailangang
pagtibayin at palakasin natin ang saligang iyan. Sapagkat kahit na ang ipapatong na gusali ay malaki
at maringal at nakakasilaw ay sa mga matang titingin, kung ang kinatatayuang saligan ay nakasalalay
sa buhangin, tiyak na iyon ay guguho at ang ipinagmamalaking ganda at dangal ay mauuwi lamang sa
wala upang di na makagitaw kailanman. Kaya nga’t kinakailangan ang ibayong ingat at malasakit sa
paggamit ng gayong karapatan. Ang mga halalan ay dapat maging malaya at malinis at walang
anumang bahid ng masamang layunin at lisyang pagnanasa. Higit sa lahat, ang ating karapata’y
gamitin natin nang buong katalinuhang kakambal ng pag-ibig sa bayan, at itanaw ang ating paningin
sa dako pa roon sa kabila ng ating mga makasariling kapakanan, doon sa maghahatid sa ating bansa sa
tunay na kadakilaan. Kung magiging ganyan ang ating mga halalan, ang ating mga puno ay tunay na
masasabing may kinatawan ng bayan at ang mga batas at patakarang pagtitibayin nila ay masasabing
may tatak ng kalooban ng bayan nang sa gayo’y makaaasa tayo na magiging maayos at malinis ang
pamamahala sa atin, ang tagumpay ng ating adhika ay matitiyak, at hindi masasayang ang mga buhay
na pinuhunan ng ating mga bayani at ang dugo nilang dumanak sa larangan ng digmaan.

1. Pangangatwiran:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Reaksyon:

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

6. Paghinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari


Batay sa maraming pag-aaral, habang nagbabasa ang isang indibidwal, nakabubuo siya ng
maraming hinuha. Malaki ang ugnayan ng pahiwatig at paghihinuha. Nagiging gabay ang mga pahiwatig na
mababasa tungo sa paghihinuha.
Isang kasanayan sa akademikong pagbasa ang paghinuha lalo na sa mga pangyayaring inilalahad sa
isang kwento.
Ano nga ba ang paghinuha?
Ito ay ang kakayahang maipaliwanag o mabigyang-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig o ng sariling
kaalaman ang pangyayari sa kwentong binasa.
Paano naman ito naiiba o natutulad sa paghula?
Ang paghula o prediksyon ay kasanayang ang layon ay hulaan ang ilang pangyayari o maaaring
kalalabasan ng isang kwento. Malaya ang mambabasa na hulaan ang maaaring mangyari sa tauhan ng kwento o
daloy nito o kaya nama’y ang pagwawakas ng isang kwento.
Ang sabi nga, ang manunulat ang nagbibigay ng implikasyon sa akdang binasa at ang bumubuo ng
prediksyon o paghuhula ay ang mga mambabasa. At dahil dito, maaari nating ipahayag na maaaring bumuo ng
hula o prediksyon ang mambabasa mula sa pahiwatig o implikasyon ng isang manunulat.
A. Tunghayan ang sumusunod na kwento. Isulat ang iyong paghinuha at paghula sa ilang mga pangyayari
na isinasaad sa bawat bilang.(5pts)

MOMMY, AYOKO RITO SA AKING DAIGDIG


“Happy birthday to me
Happy birthday to me
Happy birthday happy birthday
Happy birthday to me”
Tatlong taon na pala ako, isang taon na naman ang naragdag. Ang bilis talaga ng panahon.
Parang kailan lang at nasa loob pa ako ng tiyan ni Mommy. Wala pa akong isang buwan noon.
Tuwang-tuwa si Mommy nang malaman niyang dumating na ako. Bigla namang natahimik si Daddy. Iyon
ang huli kong pagkakita sa aking ama.
Naging magulo ang mga sumusunod na pangyayari. Lagi na lang umiiyak si Mommy. Palagi siyang
malungkot at tulala, tuloy nalulungkot na rin ako.
Ngunit nabawasan ang aking pagkalungkot nang dumating sina lola at lolo. Gusto kong sumigaw sa
katuwaan, “Hello lolo, lola!”
Pero bakit ganoon, galit sila kay Mommy at sa akin. Ayaw ba nila sa akin?
Mabuti na lang at kasama ko pa rin ang Mommy ko. Hanggang isang araw ay pumunta kami ni
Mommy kina lola. Tuwang-tuwa ako noon, lalo akong nasabik na lumabas na. Nasabi ko noon sa aking
sarili, magiging mabait akong anak at apo, para lahat sila’y matuwa sa akin.
Ang akala ko’y maayos na ang lahat pero nagkamali ako.
Isang araw ay umalis kami nina Mommy at lola. Akala ko’y mamimili kami ng aming mga gamit,
pero iba ang pinuntahan naming, isang maliit na klinika iyon. Naiwan sa labas si lola, pumasok naman sa
loob ng isang kwarto si Mommy.
Muli ay umiyak na naman ang Mommy ko. Pagkatapos ay humiga siya doon. Doon ko napansin ang
kabuuan ng kwarto, maraming garapon at sa loob ng mga ito ay nabigla ako sa aking mga nakita….
Napakaraming sanggol ang nandoon.
Sumigaw ako! “Mommy, huwag, huwag mo akong patayin!” Kinatok ko siya, pero hindi niya ako
narinig. Hindi!
Sayang Mommy, saying. Sana ay magkapiling tayong dalawa, nagdiriwang ng aking kaarawan sa
ating bahay. Masaya sana tayong dalawa Mommy.
Sayang….. Kung binigyan mo sana ako ng pagkakataong mabuhay.

1. “Happy birthday to me…


Happy birthday to me”

Paghinuha: ________________________________________
Paghula: __________________________________________

2. “Tuwang-tuwa si Mommy nang malaman niyang dumating na ako.”

Paghinuha: ________________________________________
Paghula: __________________________________________

3. “Iyon ang huli kong pagkakita sa aking ama.”

Paghinuha: ________________________________________
Paghula: __________________________________________

4. “Pero bakit ganoon, galit sila kay Mommy at sa akin.”

Paghinuha: ________________________________________
Paghula: __________________________________________

5. “Sayang Mommy, saying. Sana ay magkapiling tayong dalawa, nagdiriwang ng aking kaarawan sa
ating bahay.”

Paghinuha: ________________________________________
Paghula: __________________________________________
7. Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon

Ang lagom o buod ng ay ang pinakapayak o pinakasimpleng anyo ng paglalahd o diskurso. Isa itong
pagpapanibagong-gawa ng akda ng ibang tao. Pangunahing layunin ng pagbuo ng lagom o buod ang
matulungan ang magbabasa sa pag-unawa ng diwa ng isang akda o seleksyon kaya’t ang pananalitang dapat
gamitin ay yaong magaan at madali kaysa sa pananalitang ginagamit sa orihinal. Gayunpaman, hindi dapat
mawala ang katangiang nagbibigay-halaga rito. Hindi rin dapat pasukan ng anumang puna o sariling kuro-kuro
ang akdang hinahalaw. Nababatay sa haba ng akdang hinahalaw ang haba ng isang buod.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lagom o Buod:


1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at amunawaang mabuti ang mga
pagitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan.
3. Dapat gamitin ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraan na madaling
maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.

Mga Katangian ng isang Lagom o Buod:


1. Maikli. Hindi maligoy at hindi hihigit sa isang talata.
2. Malinaw ang paglalahad. Dapat na ugnay-ugnay ang mga kaisipan upang makabuo ng talatang
may kaisahan.
3. Laya. Nakatatayo sa kanyang sarili at taglay lamang ang pangunahing ideya o kaisipan ng
orihinal na teksto.
4. Matapat na kaisipan. Malinaw na matutunghayan ditto ang intension o hangarin ng awtor.

Kongklusyon
Mahalaga ang komprehensyon o pag-unawa upang makabuo ng isang kongklusyon sa isang seleksyon o
sa akdang binasa.
Ang kongklusyon ay ang paglalagom at pagbibigay-diin sa mga ideya na inilahad sa kabuuan ng teksto.

Gawain: Basahin ang maikling kwentong “Walang Panginoon” ni Deogracias A. Rosario. Gawan ito ng
lagom/kongklusyon.

8. Pagbibigay ng Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

Malaki ang maitutulong ng mapa, tsart, grap at talahanayan upang makatawag-pansin sa mga detalyeng ibig
bigyang diin sa nabasa, narinig at namasid. Sa kasanayang ito, nalilinang din ang kritikal na pag-iisip, malawak
at komprehensibong pagbibigay ng interpretasyon sa anumang paksa na tatalakayin.
Ang mapa, grap, tsart at talahanayan ay mga larawang detalye ng mahahalagang impormasyon. May
kasabihang ang masasabi sa libong salita ay maipapakita lamang sa isang larawan. Ang kailangan lamang ay
marunong umunawa ang mambabasa sa pagtukoy at paghinuha ng impormasyong ibinibigay ng mga grapikong
larawan.
Ang mga impormasyong ibinibigay ng mga grapikong larawan ay karaniwan sa maikling talata. Para sa
mabisang pagbubuo ng paglalahat sa mga grapikong larawang ito, maaaring tandaan ang mga sumusumod:
1. Pag-aralang Mabuti ang nakalarawan sa tsart, mapa, talahanayan o grap.
2. Bigyang pansin ang nilalamang tala o impormasyon sa tsart at grap. Sa mapa naman ay pag-aralang
mabuti ang direksyon o lugar na katatagpuan ng mga lalawigan, lungsod, o bayan.
Mapa

Malawak ang impormasyong ibinibigay ng mapa. Ipinakikita nito ang hugis at nilalaman sa loob at
paligid ng isang lugar: saklaw at ayos nitong pook, bayan, lalawigan, bansa o maging sandaigdigan. Malaking
tulong ito sa mga manlalakbay. Ito ang pumapatnubay sa bansa para marating ang nais na mapuntahan.
Ang paggawa ng direksyon ng pupuntahan mula sa isang lugar ay maari ring pagkatuto na hawig sa
mapa.

Gawain: Iguhit ang mapa na nagpapakita ng iyong komunidad.

Tsart

Ipinakikita sa tsart ang dami ng hanay ayon sa impormasyong ibibigay o hinihingi.


Halimbawa:

Tsart ng Dami ng Mga Mag-aaral na Nahuhuli sa Klase Para sa Buwan ng Hulyo

Hulyo Seksyon Bilang ng Unang Ika-2 Ika-3 Ika-4 na


Mag-aaral Linggo Linggo Linggo Linggo
1 43 10 8 12 10
2 45 12 9 12 11
3 40 10 8 7 8
4 42 15 6 5 7
5 46 11 8 9 6

Gawin: Balikan ang tsart na ginagamit na halimbawa. Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Bilang ng mag-aaral sa seksyon 3 - __________________


2. Seksyon na may pinakamaraming mag-aaral - ___________
3. Seksyon na may pinakamaraming nahuhuli sa klase sa unang linggo - ______
4. Seksyon na may pinakamaraming nahuhuli sa klase sa ikalawang linggo - _____
5. Seksyon na may pinakamaraming nahuhuli sa klase sa ikatlong linggo - ________

Talahanayan

Sa grapikong ito, ay inilalahad ang datos na tabular ang anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanap at kolum
ang mga nilikom na datos.

Halimbawa
Tsaang-Gubat
Maraming mga halamang gamot na napatunayang mabilis na nakagagamot sa ilang sakit na nararanasan
ng isang tao. Sabi nga ng marami “mura na ligtas pa”.
Tunghayan ang sumusunod na mga impormasyon tungkol sa tsaang-gubat na isang halamang gamot na
nakapagpapagaling sa sakit na pagtatae at pagsakit ng tiyan.
Tsaang-Gubat
Saan ginagamit Paghahanda Paggamit
Magpakulo ng tinadtad na dahoon sa Hatiin ang pinaglagaang tubig sa 4 na
2 basong tubig sa loob ng 15 minuto o bahagi. Inumin ang 1 bahagi tuwing 2
hanggang mangalahati ang tubig. o 3 oras.
Palamigin at salain.
Pagtatae Kailangang dahon:
Gulang Tuyo Sariwa
2-6 2-1/2 tbsp 3 tbsp
7-12 5 tbsp 6 tbsp
13 10 tbsp 12 tbsp
pataas

Sakit sa Tiyan Magpakulo ng ng tinadtad na dahoon


sa isang basong tubig sa loob ng 15 Inumin ang pinaglagaang tubig
minuto o hanggang mangalahati ang
tubig. Palamigin at salain.

Kailangang dahon:
Gulang Tuyo Sariwa
7-12 1 tbsp 1-1/2 tbsp
13 pataas 2 tbsp 3 tbsp
Paalala: Hugasang Mabuti ang
halaman bago tadtarin.

Grap

Maraming klase ang grap. May pie o circle grap, bar grap at pictograp.

 Circle Grap/Pie Grap


Gumagamit ng isang bilog para sa isang circle o pie grap. Ibinabahagi ang bilog sa porsyento o dami ng
mga impormasyong hinahati-hati.

 Bar Grap
Ang uring ito ng grap ay nagpapakita ng iba’t ibang kantidad sa pamamagitan ng haba ng bar. Ang bar
ay maaaring patayo o pahiga.

 Pictograp
Tunay na larawan o drawing ang ginagamit sa pictograp upang maipahayag ang mga datos. Ang
pictograp ay maganda sa paningin at madaling maunawaan, (Tangco, et. al. 1997)

9. Pagbibigay ng Wakas

Karaniwan ang isang mambabasa ay ibig ng pagwawakas na masaya sa isang kwento. Ayaw niyang
naaapi ang bida. Kailangang sa pagwawakas ay magiging masaya ang pangunahing tauhan sapagkat
nagtagumpay siya sa pakikipagtunggali sa suliraning hinarap niya sa kwento.
Nakapagpapatalas sa isip ng isang mambabasa kung siya ang mahilig magbibigay ng pagwawakas sa
isang kwento. Epektibo raw ang kwento kapag ang istilo ng awtor ay iniiwan sa mambabasa ang
kakayahang bigyan ng wakas ang isang kwento.

Gawain: Basahin at bigyan ng wakas ang maikling kwento, “Impong Sela” – ni Epifanio Matute.
10. Pagbasa nang Pahapyaw at Palaktaw
Ang pahapyaw(skimming) na at palaktaw (scanning) na mga paraan ng pagbasa ay ginagamit ng mabilis
na mambabasa ayon sa kanilang layunin sa pagbabasa. Magkaiba ang dalawang paraan ng pagbasa ayon sa
kung anong uri ng impormasyon ang nais makuha kaagad ng nagbabasa sa teksto.
Ginagamit ang paraang pahapyaw kung:
1. Nais ng mambabasa na makuha ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa aklat o artikulo. Kung
may inihahanda siyang report o term paper, sa pahapyaw o madaliang pagbasa makikita niya kung
ito’y naglalaman ng mga impormasyong kailangan niya.
2. Nais malaman ang pangunahing ideya o mga kaisipan ng isang pahayag o seleksyon.
3. Nais balikan ang mahahalagang impormasyon na nasa seleksyon na nabasa bilang paghahanda sa
isang pagsusulit.
Ginagamit ang paraang palaktaw na pagbasa kung:
1. Nais Makita kaagad ang hinahanap na partikular o tiyak na impormasyon mula sa babasahin tulad ng
mga tauhan, lugar, petsa, bilang at iba pa.
2. Nais na matukoy ang partikular na bahagi ng babasahin, halimbawa, pangungusap o talata na
kakikitaan ng hinahanap na sagot sa mga tanong o mga detalyeng nais itala.

You might also like