Mahabang Pagsusulit - Ikatlong Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

MAHABANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Ikatlong Markahan

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________

Baitang at Pangkat: __________________ Iskor: _____________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng pinakatamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pinakaangkop na pagkakaiba


ng nasyonalismo at patriyotismo? (Understanding)

a. Ang Nasyonalismo ay tumutukoy sa mga mamamayan na nag-aalay ng buhay para


sa bayan habang ang Patriyotismo ay tumutukoy sa mga bagay at simbolong
sumasalamin sa bansa.

b. Ang Nasyonalismo ay tumutukoy sa mga bagay at simbolong sumasalamin sa bansa


habang ang Patriyotismo ay tumutukoy sa mga mamamayan na nag-aalay ng buhay
para sa bayan.

c. Ang Patriyotismo ay tumutukoy sa ideolohiyang nagbibigkis sa mga mamamayan


habang ang Nasyonalismo ay tumutukoy sa dedikasyong aktibong tumugon sa mga
tungkulin para sa interes ng masa.

d. Ang Patriyotismo ay tumutukoy sa dedikasyong aktibong tumugon sa mga tungkulin


para sa interes ng masa habang ang Nasyonalismo ay tumutukoy sa ideolohiyang
nagbibigkis sa mga mamamayan.

2. Ang ina ni Joey ay nagsisikap bilang Overseas Filipino Worker (OFW) kung kaya’t
naging masikap si Joey na suklian ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti. Ang
sitwasyon ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan? (Evaluating)

a. Oo, dahil ang kanilang ginagawa ay mga tungkulin na hindi na dapat ipaalala sa
kanila.

b. Oo, dahil parehang ginagampanan ni Joey at ng kanyang ina ang kanilang


responsibilidad bilang mga mamamayan.

c. Hindi, dahil hindi ito saklaw ng konsepto o prinsipyo ng pagmamahal sa bayan.

d. Hindi, dahil ang kanilang ginagawa ay limitado lamang sa ugnayan at relasyon nila
bilang nanay at anak.

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng


pagmamahal sa bayan? (Analyzing)
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

a. Ang pagmamahal sa bayan ay tumutulong upang pagtibayin ang ating


pagkakabuklod-buklod.

b. Ang pagmamahal sa bayan ay nagdudulot ng indibidwalismo sa mga mamamayan.

c. Ang pagmamahal sa bayan ay nagsisilbing motibasyon upang makamit ang mga


layunin ng lipunan.

d. Ang pagmamahal sa bayan ay nagbibigay sa mga mamamayan ng mataas na


pagtingin sa kanilang bayan.

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng tamang kilos upang
ipakita at hubugin ang pagmamahal sa bayan? (Analyzing)

a. Hindi nakakalimutan ni Martha ang pagsusuot ng face mask at social distancing


upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

b. Tinitiyak ni Paolo na lagi siyang nagpapasya at kumikilos ayon sa katotohanan.

c. Tinatangkilik ni Claudia ang iba’t-ibang rekado sa pagluluto na mula sa lokal na


produkto ng bansa.

d. Tinatanggap ni Christian na lagi siyang nahuhuli sa kanyang mga pulong dahil alam
naman ng kanyang mga kaibigan ang Filipino Time.

5. Bilang Pilipino, bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan? (Analyzing)

a. Ang pagmamahal sa bayan ay nagbibigay-daan upang malinang ang ating


responsibilidad at pagkakakilanlan bilang Pilipino.

b. Ang pagmamahal sa bayan ay nagdudulot ng kapanatagan sa ating mga Pilipino.

c. Ang pagmamahal sa bayan ay nagsisilbing pahiwatig ng ating kultura at tradisyon


bilang mga Pilipino.

d. Ang pagmamahal sa bayan ay bunga ng ating dedikasyong maglingkod para sa ating


kapwa.

e. Iba pang kasagutan: ___________________

6. Paano inilalarawan ang awtoridad ayon kay Everett Hardin? (Analyzing)

a. Kung kaya niyang mag-utos at magdikta ng dapat gawin.

b. Kung ginagawa niya ang kanyang nais kahit na may balakid o hadlang.

c. Kung mamuno at gumabay sa nasasakupan tungo sa pag-unlad at kabutihan.

d. Kung mayroon siyang mabuting layunin at walang tiyak na hakbang paano ito
makakamit.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

7. Hindi mo nagustuhan ang tugon ng inyong lider sa iyong ideya habang nasa
pagpupulong. Alin sa mga sumusunod na aksyon ang nagpapakita ng paggalang sa may
katungkulan base sa sitwasyon? (Understanding)

a. Sigawan siya upang maiparamdam sa kanya ang mapahiya.

b. Huwag na lamang pansinin upang hindi na lumaki pa ang gulo.

c. Harapin siya pagkatapos ng meeting upang masabi ang sama ng loob.

d. Komprontahin at tanungin ang dapat gawin upang mas mapaigi ang ideya.

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa iba't ibang klasipikasyon ng


awtoridad? (Remembering)

a. Awtoridad ng Palaruan

b. Awtoridad ng Simbahan

c. Awtoridad ng mga Magulang

d. Awtoridad ng Namumuno sa Lipunan

9. Si Ginoong Charles ay masusing sinasanay ang kanyang empleyado na hahalili sa


kanyang posisyon bago ang kanyang pagreretiro. Alin sa mga antas ng kapangyarihan
ang kanyang ginawa? (Understanding)

a. Una

b. Ikalawa

c. Ikatlo

d. Ikaapat

10. Piniling maging lider ng grupo si Jonah ng kanyang mga kaibigan dahil alam nila ang
kanyang kapasidad na mamuno. Alin sa mga antas ng kapangyarihan ang angkop sa
sitwasyon? (Analyzing)

a. Posisyon

b. Permisyon

c. Produksyon

d. Pinakamataas

11. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pagpapakahulugan sa “Pagmamahal?”


(Remembering)

a. Isang birtud na tumutukoy sa kakayahan ng tao na magtimpi sa kabila ng mga


pagsubok.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

b. Isang birtud na tumutukoy sa katatagan ng tao na sumulong sa kabila ng anoman


hamon.

c. Isang birtud na tumutukoy sa pagkakataon ng tao na ipakita ang kaligayahan at


kagustuhang kumalinga.

d. Isang birtud na tumutukoy sa oportunidad ng taon na ipamalas ang kahusayan sa


paggawa ng pasya.

12. Mahalaga ang pagmamahal sa Diyos dahil tayong lahat ay binigyan ng kapasidad na
magmahal upang bigyang-buhay ang ating kilos sa araw-araw. Ang pahayag ay
____________? (Evaluating)

a. Tama, dahil likas sa tao na makaramdam ng koneksyon o pagmamahal para sa


kanyang sarili, kapwa, at Diyos.

b. Tama, dahil espesyal na regalo sa bawat tao ang kakayahang magmahal sa kapuwa
at Diyos upang makita ang kahulugan ng kanyang buhay sa araw-araw.

c. Mali, dahil ang paggamit sa ating kapasidad na magmahal ay hindi obligasyon at


maaaring gamitin lamang sa panahong ating gugustuhin.

d. Mali, dahil tanging ang mga taong may tunay na mabuting loob lamang ang may
kakayahang makakapagpamalas ng pagmamahal sa Diyo at kapuwa.

13. Kakambal ng pagmamahal sa Diyos ang pagiging mabuti sa kapuwa. Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita nito? (Analyzing)

a. Pagkatapos magsimba, hindi maiwasan ni Angelo na magalit sa mga tao sa kanyang


paligid.

b. Pagkatapos mag-alay ng panalangin, sinisikap ni Jane na iwasto ang kanyang mga


naging pagkakamali.

c. Tuwing Holy Week o Mahal na Araw, karaniwan nang gawain ni Richie ang lumahok
sa pag-organisa ng feeding program sa kanilang barangay.

d. Tuwing nag-aayuno, naglalaan si Pinky ng panahon upang magnilay at alamin kung


paano pa magiging mabuting tao sa kanyang kapuwa.

14. Mahalagang taglay natin ang mga katangian at birtud ng isang taong nagmamahal sa
Diyos. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa
pamamagitan ng birtud ng PAG-ASA? (Applying)

a. Pagiging maingat at mabusisi sa paggawa ng mga pasya sa araw-araw.

b. Pagtitiyak na ang bawat tao ay nabibigyan ng pantay-pantay na pagkakataon.

c. Pagbabahagi sa kapuwa ng mga bagay na kaya nating ibahagi upang sila ay


tulungan.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

d. Pagkakaroon ng determinasyon na makamit ang hinahangad para sa kabutihan ng


kapwa at sarili.

15. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa ugnayan ng ispiritwalidad at


pananampalataya sa usapin ng pagmamahal sa Diyos? (Analyzing)

a. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa panloob na katauhan habang ang


pananampalataya ay tumututukoy sa mga gawain para palakasin ang ating kaluluwa.

b. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa kilos-loob habang ang pananampalataya ay


tumutukoy sa mga panlabas na salik na nakakaapekto sa paghubog ng ating kilos-loob.

c. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa kilos ng pagmamahal sa kapuwa at Diyos habang


ang pananampalataya ay pagtanggap sa Diyos sa ating buhay.

d. Ang isipiritwalidad at pananampalataya ay magkaibang konsepto at walang ugnayan.

16. Paano inilalarawan ni Fr. Joseph de Torre ang buhay ng tao?(Analyzing)

a. Ang bawat tao ay may dignidad na hindi dapat galangin.

b. Ang tao ay humihinga at lumalagi sa mundo ng mapayapa.

c. Ang tao ay gumagawa ng kanyang nais sa buhay kahit na may balakid o hadlang.

d. Ang tao ay hindi maaaring gumawa at makapag-ambag sa lipunan kung wala siyang
buhay.

17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit dapat igalang ang
buhay ng mga tao? (Understand)

a. Ito ay dahil sa nilalang tayo ng Diyos.

b. Ito ay dahil ang bawat isa sa atin ay mayroong dignidad.

c. Ito ay dahil pili lang ang buhay ng taong dapat galangin.

d. Ito ay dahil bawat buhay ng tao ay mahalaga.

18. Papasok ka sa paaralan nang makita mo ang isang "differently abled" na nahihirapan
paandarin ang kanyang wheelchair sa rampa ng gusali. Alin sa mga sumusunod na
aksyon ang nagpapakita ng paggalang sa buhay ng may kapansanan? (Application)

a. Hayaan siyang magpadulas sa rampa tulad ng normal na tao.

b. Kusang-loob na tulungan siya upang hindi rin siya mapahamak.

c. Huwag na lamang pansinin dahil marahil ay ayaw niya ng tulong ng iba.

d. Hintayin na humanap siya ng tutulong sa kanya at doon lang siya tulungan.

19. Alin sa mga sumusunod ang ibang katawagan sa Euthanasia? (Remembering)


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

a. Suicide

b. Aborsyon

c. Self-killing

d. Mercy Killing

20. Ang buhay ay tunay na mahalaga sa atin. Nagbibigay ba ng kahulugan sa buhay ng


tao ang kanyang misyon? (Analyzing)

a. Hindi, dahil hindi mahalaga na maisip natin ang kahulugan ng buhay.

b. Opo, sapagkat ito ang dahilan nating mga tao para magpatuloy sa buhay.

c. Hindi, dahil nararapat na ilagay natin sa sarili nating mga kamay ang buhay natin.

d. Opo, sapagkat magiging kapaki-pakinabang ang isang tao sa lipunan kung taglay niya
ito.

21. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng “Reuse”? (Understanding)

a. Pagbabawas ng kalat o basura.

b. Paggamit ulit ng isang bagay upang makatipid at hindi ito maging basura.

c. Paggamit ulit ng basura bilang “raw materials” upang makagawa ng bagong bagay.

d. Pag-iwas sa paggamit ng mga bagay na hindi na maaaring muling magamit o non-


reusable.

22. Mabisang paraan upang bawasan ang basura ang Recycling subalit alin sa mga
sumusunod ang pinaniniwalaang kahinaan o hindi magandang epekto ng pamamaraang
ito? (Evaluating)

a. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang gawin ang pamamaraang ito.

b. Nangangailangan ng malaking badyet upang mas maging epektibo ang pagsasagawa


ng pamamaraang ito.

c. Lumilikha ng karagdagang basura ang pamamaraang ito upang makalikha ng bagong


kagamitan.

d. Walang kahinaan ang pagsasagawa ng Recycling.

23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paghubog sa pagiging isang
globalisadong mamamayan? (Analysis)

a. Nakikiisa si Lea sa mga pulong ng kabataan sa buong mundo upang tugunan ang
suliranin ng Climate Change.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

b. Naniniwala si Lois na ang pagtugon sa Climate Change ay hindi pa tungkulin ng


Pilipinas dahil mababa lamang ang ating Greenhouse Gasses Emission.

c. Ipinapaliwanag ni James sa kanyang mga kaibigan at kapitbahay na ang bawat


basurang itinatapon ay nakakadagdag sa milyon-milyong basura ng mundo.

d. Dumadalo si Paolo sa mga iba’t-ibang organisasyong pangkabataan sa kanilang lugar


na naglalayong hikayatin ang mas maraming kabataan upang makisangkot sa isyung
pangkalikasan.

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Upcycling? (Understanding)

a. Dinadala ni Kirby ang mga gamit nang papel sa junk shop upang ibenta.

b. Isinasauli ni Theo ang mga disposable utensils tuwing kumakain sa restaurant.

c. Bumili si Loraine ng isang tumbler para sa kanyang inumin tuwing siya ay umaalis ng
bahay.

d. Binubutasan ni John ang mga bote sa kanilang bahay upang gawing taniman ng mga
halaman.

25. Ang responsableng paggamit sa kalikasan para sa pag-unlad ay posible sa kabila ng


paghahangad ng kaunlaran. Ang pahayag ay: (Application)

a. Tama, dahil hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang bagay na ito sa pag-unlad.

b. Tama, dahil kaakibat ng ating kalayaan at kapangyarihang umunlad ang pananagutan


sa paggamit sa kalikasang ipinagkaloob sa atin.

c. Mali, dahil bahagi ng pag-unlad ang pagsasakripisyo sa kaligtasan ng kalikasan.

d. Mali, dahil maaari naman muling bawiin ang mga nawala sa kalikasan dahil sa ating
paghahangad ng pag-unlad.

II. PAGGUHIT NG SIMBOLO AT PAGSULAT NG SANAYSAY


Panuto: Basahin at gawin ang mga sumusunod na hakbang para sa bahaging ito ng pagsusulit.
Gamitin ang gabay na rubrik bilang gabay sa pagsagot.

1. Gumuhit ng isang bagay na para sa iyo ay sumisimbolo sa Pagmamahal sa Bayan.


2. Sumulat ng 3-5 pangungusap na sanaysay na sumasagot sa tanong na “Bilang
kabataang Pilipino, bakit mahalagang maipakita natin ang pagmamahal sa
bayan?”

Rubrik para sa Pagguhit ng Simbolo at Pagsulat ng Sanaysay


Pamantayan Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit ang Marka
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Inaasahan Nakamit ang Inaasahan


(3) Inaasahan (1)
(2)

Pagkamalikhain Malikhain at kawili- Malikhain at Ang simbolo ay


ng Simbolo wili ang simbolong malinaw na kawili-wili ngunit
ginuhit. Orihinal at ipinakita ng ginuhit walang orihinalidad.
natatangi rin ang na simbolo ang
simbolong ginuhit. repleksyon ng
pagmamahal sa
bayan.

Nilalaman Maliwanag na Ang konsepto at/o Nakapagbigay ng


at Organisasyon ipinahayag na kontekstong nais mga konsepto at
konsepto, ipabatid ay konteksto ngunit
nakapagbahagi ng nakakalito ngunit hindi tumutugon sa
konteksto, at tumutugon sa isyung tinalakay.
tumutugon sa isyung tinalakay.
isyung tinalakay.

Ang kasagutan at Kapansin-pansin Hindi lohikal ang


ideya ay ang nakakalitong pagkakasunod-
nagpapamalas ng pagkakasaad ng sunod ng
lohikal na ilang bahagi ng pangungusap at
pagkakaayos sa sagot at ideya. ideya na nagdudulot
pangkalahatan. ng kalituhan sa
mambabasa.

Mekaniks Angkop ang mga Angkop ang mga Angkop ang mga
salitang ginamit at salitang ginamit at salitang ginamit
tama ang paggamit tama ang paggamit ngunit mapapaunlad
ng lahat ng mga ng halos lahat ng pa ang paggamit ng
bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon, at kapitalisasyon, at kapitalisasyon, at
baybay. baybay. baybay.

Kabuuan (/9)

Susi sa Pagwawasto:
A. Maramihang Pagpipilian
1. D
2. B
3. B
4. D
5. A (2 pts.); E (2 pts.); B (1 pt.); C (1 pt.); D (1 pt.)
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

6. C
7. D (2 pts.); C (1 pt.)
8. A
9. D
10. B
11. C
12. B
13. A
14. D
15. C
16. D
17. C
18. B
19. D
20. D (2 pts.); B (1 pt.)
21. B
22. C
23. B
24. D
25. B

B. Pagguhit ng Simbolo at Pagsulat ng Sanaysay


- Ang pagwawasto at pagbibigay ng iskor ay batay sa mga itinakdang pamantayan ng
rubrik.

You might also like