Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Panahon ng Pre-kolonyal

Nagsimula ang Kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa

pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita

na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-

silangan ng Samar noong ika-16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa

Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga

paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila

sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng

kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon

ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas.


Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay

naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala

ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na

pamamahala noong 1905. Ang bahagyang pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang

paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-

taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa

pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos

ay natalo ang mga Hapones noong 1945. At ang muling-pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at

Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang

ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

Panahon ng Kastila
Si Lapu-Lapu ay itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas.

Si Lapu-Lapu (1491-1542) ay kilala rin sa pangalan na Kolipulako. Ang bayani ng Mactan at

manlulupig ni Magellan, ay inilarawan bilang strikto, matalino, at hindi nagpapatinag. Siya ay

tuluy-tuloy na nakipagdigma laban sa makapangyarihang pinuno ng Cebu, na noon ay mas higit

na malaking kaharian kaysa sa kanyang maliit na isla ng Maktan.

Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Maktan bagaman maliit ay isang maunlad na komunidad nang

ang dakilang si Magellan ay dumating sa Cebu. Bilang isang matapang na manlalayag at sundalo

ng Espanya, sinunog ni Magellan ang isang nayon nang malaman na ang ilang mga naninirahan

sa maliliit na isla ng Cebu ay tumangging kilalanin ang Hari ng Espanya. Si Lapu-Lapu ay isa sa mga

katutubong lider na tumangging kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya sa mga isla.

Nang maglakbay si Magellan papunta sa isang pinuno ng isla dala ang tatlong barkong puno ng

mga Kastila at dalawampung barko ng mga Cebuano, sinalubong sila ni Lapu-Lapu at ng kanyang

mga tauhan na armado ng mga katutubong elemento ng pakikipaglaban gaya ng kahoy na

kalasag, mga pana at mga sibat. Ang mga mananakop na mga Espanyol at ang mga Cebuanong

kasama nila ay napabalik sa kanilang mga bangka, subalit ang kanilang pinuno na si Magellan ay

nakatagpo ng kamatayan sa kamay ni Lapu-Lapu.


Panahon ng Propaganda at Himagsikan

Sa kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas, partikular na noong panahon ng Himagsikan, maraming

paring Pilipino ang nagpamalas ng kanilang maalab na pagmamahal sa bayan.

Sa pakikipaglaban sa kalayaan at mga karapatan, may mga paring Pilipino na hindi masikmura at

matagalan ang panunupil ng mga Kastila at ang naranasang kawalan ng katarungan. Kabilang dito

sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na mas kilala sa tawag na

GOMBURZA—tatlong paring Pilipino na sa panahon pa lamang ng kanilang pag-aaral ay nakaukit

na sa puso ang maalab na pag-ibig sa bayan. Sina Gomburza ang pinaghandugan ng ating

pambansang bayaning Dr. Jose Rizal ng kanyang nobelang “El Filibusterismo”.


Narito ang bahagi ng sinabi ng ating pambansang bayani tungkol kina Gomburza: “Ang Relihiyon,

sa pagtangging hubdan kayo ng karangalan, ay inilagay sa alinlangan ang kasalanang ipinataw sa

inyo; nagpakilalang may kamaliang nagagawa sa loob ng mga sandaling kasindak-sindak; at ang

buong Pilipinas, sa pagsamba sa inyong alaala at sa pagtawag na MGA MARTIR sa inyo ay hindi

kumikilala sa inyong pagkakasala. Ang inyong kaugnayan sa Himagsikan sa Cavite ay hindi pa

napatutunayan, naging makabayan man kayo o hindi, ay may karapatan akong ihandog sa inyo

ang aking akda bilang mga sinawi ng mga kasamaang aking babakahin”.

Ayon sa kasaysayan, matapos isangkot sa Himagsikan sa Cavite noong Enero 20, 1872 at ang mock

trial, sunud-sunod na ginarote sina Gomburza noong umaga ng Pebrero 17, 1872 sa Bagumbayan

na ngayon ay Luneta at Rizal Park. Ang Bagumbayan ay masasabing pinakasagradong lugar

sapagkat natilamsikan ito ng dugo ng mga Pilipinong sumigaw at humingi ng kalayaan sa kolonyal

na panahon ng ating Bayang Magiliw at Perlas ng Silangan.


Panahon ng Amerikano

Si Emilio F. Aguinaldo (22 Marso 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang rebolusyonaryo at politiko na

itinuturing na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Isa siya sa pangunahing personalidad sa

himagsikan laban sa mga Espanyol. Nang mahalal bilang pangulo ng Bagong Rebublika,

ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 1898. Nang magtapos ang Digmaang

Espanya-Amerika noong 1898 at naging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos

hinggil sa pagsakop sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899

hanggang 1901. Nadakip siya ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban

sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos hanggang sa tuluyang

makamit ng Pilipinas ang soberaniya noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935

ngunit natalo sa halalan ni Manuel L. Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi

siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.


Noong 1898, nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano at nakipag-ugnayan si Aguinaldo sa

mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong ang mga ito sa kaniyang pakikipaglaban para sa

kalayaan ng Pilipinas. Bagama’t hindi malinaw ang sagot ng mga Amerikano kay Aguinaldo,

nakipaglaban ang mga Filipino kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol.

Idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 Hunyo 1898 sa kaniyang tahanan

sa Kawit. Ito rin ang pagsisimula ng ikalawang yugto ng himagsikan. Noong ika-23 Enero 1899 ay

pormal na ipinahayag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos at si Aguinaldo ang naging una

at huling pangulo nito.

Naganap ang mga digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at sumiklab ang Digmaang Pilipino-

Amerikano. Noong ika-23 Marso 1901 nadakip si Aguinaldo sa Isabela at tuluyang bumagsak ang

Unang Republika. Pinagkasunduaan na isuko ni Aguinaldo ang buo niyang puwersa at namahinga

siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang sa 1935 nang ipahayag ang kaniyang

pagkandidato bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas, ngunit tinalo siya ni Manuel L.

Quezon sa halalan.

Nang dumating ang mga Hapon sa Pilipinas, nakipag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Hapon at

naging bahagi ng propaganda ng mga Hapon sa Pilipinas. Pansamantalang nakulong si Aguinaldo

nang muling bumalik ang mga Amerikano dahil sa pakikipagsabwatan niya sa mga Hapon. Nagsilbi
si Aguinaldo bilang miyembro ng Council of State sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Elpidio

Quirino. Matapos ito ay nagretiro na si Aguinaldo mula sa politika. Namatay si Aguinaldo noong

ika-6 ng Pebrero, 1964 sa edad na 95. Inilibing siya sa kaniyang tahanan sa Kawit, Cavite.

Panahon ng Hapon

Sa panahon ng Pananakop ng mga Hapones ay nagtayô ng isang pamahalaan noong 14 Oktubre

1943 at itinuturing itong Ikalawang Republika ng Filipinas. Si Jose P. Laurel (Ho·sé Pi Law·rél) ang

nahalal na pangulo ng naturang pamahalaan.


Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 kina Sotero Laurel at Jacoba Garcia.

Nagtapos siyá ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas at ikinasal sa kaeskuwelang si Paciencia

Hidalgo. Nagkaroon silá ng siyam na anak at ilan ang humawak din ng mataas na tungkulin: si Jose

Laurel Jr. na naging ispiker ng Mababàng Kapulungan (1953–1957), si Sotero Laurel na naging

pangulo ng Lyceum of the Philippines, at si Salvador Laurel na naging pangalawang-pangulo ng

Filipinas (1986–1991).

Dahil sa talino, ipinadalá siyáng pensiyonado sa Yale University. Pagkatapos, nag-aral siyá ng

pilosopiyang political sa Oxford University. Pagbalik ay humawak siyá ng iba’t ibang tungkulin sa

gobyernong Americano hanggang kumandidato noong 1925 at manalong kinatawan sa Asam-

blea. Naging majority floor leader din siyá sa Senado at delegado sa 1935 Kumbensiyong

Konstitusyonal, at naglingkod na kagawad ng Kataas-taasang Hukuman. Sa panahon ng digma,

hinirang siyá ni Quezon na Kalihim ng Katarungan, at sa ilalim ng mga Japanese ay hinirang si-

yáng Komisyoner ng Katarungan at pagkatapos ay Komisyoner Panloob sa Philippine Executive

Commission sa ilalim ni Jorge B. Vargas. Nahalal siyáng pangulo ng Filipinas ng itinatag na

Ikalawang Republika sa ilalim ng mga Japanese. Nása Japan siyá nang makabalik ang mga Amer-

icano at kasáma doon ang pamilya at ilang lider na sina Camilo Osias ng edukasyon, Ispiker

Benigno S. Aquino, at Hen. Mateo Capinpin.

Isa siyá sa mga inihablang kolaboreytor ngunit nabigyan ng amnestiya ni Pangulong Manuel A.

Roxas. Kumandidato siyáng senador noong 1953 at nagwagi. Bahagi ng tagumpay niya ang
“Kasunduang Laurel-Langley” na nagtatakda ng panahon para sa pag-iral ng karapatang parity

hanggang 3 Hulyo 1974. Pumanaw si Laurel noong 6 Nobyembre 1959 dahil sa atake sa puso.

(VSA)

Panahon ng Kalayaan

Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng

Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944) na makikita sa dalawampung pisong

papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng

Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa

mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).
Si Manuel L. Quezon noong kanyang kabataan. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa

lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang

pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina,

kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.

Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang

kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang

katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain,

nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng

lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas,

kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi

si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito

naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at

nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani

si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong

1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng

bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli

siyang nahalal noong 1941.


Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,

tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang

bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York

noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National

Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at

inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle. Ipinangalan sa

kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin ay

tinawag bilang Ama ng Wikang Pambansa.


Panahon ng Bagong Lipunan

Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang

ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi

hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.

Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta

del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang

Pamantasang Jose Rizal).


Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan.

Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at

pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950,

bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya

ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.

Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong

Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang

nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng

Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay

ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at

ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa

pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga

inkompetenteng heneral. Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa

pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban,

Cebu noong 17 Marso 1957.


Panahon ng Kontemporaryo

Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang ikalabing-dalawang Pangulo ng

Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998). Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay

inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National

Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Sa ilalim ni

Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang

Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol. Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Sa ilalim ni Ferdinand Marcos na ikalawang pinsan ni Ramos. Si Ramos ang namuno sa Philippine

Constabulary o PC na sa panahong ito ay ang pangunahing serbisyo ng Sandatahang Lakas ng

Pilipinas na nagsisilbing pambansang kapulisan noong 1972 nang ipataw ni Marcos ang Martial
Law. Ito sumusugpo sa komunismo at mga kaguluhan sa bansa. Sinasabing si Ramos bilang chief

ng PC at isa sa mga nagpapatupad ng Martial Law ay responsable sa pagdakip ng mga kalabang

pampolitika ni Marcos, mga aktibista, mga nagpoprotesta, mga komunista at mediang

bumabatikos kay Marcos. Gayunpaman, sinasabing siniguro ni Ramos na mapoprotektahan ang

mga karapatan ng mga nabilanggo sa ilalim ng Martial Law.

Si Ramos ay naging kandidato bilang bagong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

noong 1981 ngunit pinili ni Marcos si Fabian Ver na maging chief of staff nito. Si Ramos ay hinirang

na vice-chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1982. Si Ramos ay naging acting

chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1985 ngunit si Ver ay muling ibinalik bilang

chief of staff matapos na mapawalang sala ito sa kaso ng pagpatay kay Ninoy Aquino.

Noong Pebrero 22 1986, si Ramos ay kasama ni Enrile na nagprotesta laban sa sinasabing

pandaraya ni Ferdinand Marcos sa snap election laban kay Corazon Aquino. Inurong nila ang

kanilang pagsuporta kay Marcos at sumuporta kay Corazon Aquino. Ang pamilya Marcos ay

napilitang lumikas sa Hawaii, Estados Unidos dahil sa 1986 people power at si Aquino ang naging

pangulo ng bansa.
References:

Contributors, B., & Jardinero, J. (2021, April 27). Si Lapu Lapu at ang ating tagumpay sa Mactan
Laban Sa Kolonyalismo. Bulatlat. Retrieved May 28, 2022, from
https://www.bulatlat.com/2021/04/27/si-lapu-lapu-at-ang-ating-tagumpay-sa-mactan-
laban-sa-kolonyalismo/

Mga Nakamit na Pangkulturang pre-kolonyal na pilipinas. Encyclopedia. (n.d.). Retrieved May


28, 2022, from https://wikitltl.top/wiki/Cultural_achievements_of_pre-
colonial_Philippines

Panahong Kontemporaryo. prezi.com. (n.d.). Retrieved May 28, 2022, from


https://prezi.com/k9lkjwm_smvl/panahong-kontemporaryo/

PJS history. The Philippines-Japan Society. (n.d.). Retrieved May 28, 2022, from
https://philippinesjapansociety.com/pjs-history/

PressReader.com - Digital Newspaper & Magazine subscriptions. (n.d.). Retrieved May 28, 2022,
from https://www.pressreader.com/philippines/balita/20190217/281762745525250

Szczepanski, K. (n.d.). Emilio Aguinaldo. Emilio Aguinaldo Biography - Pangulo ng Pilipinas.


Retrieved May 28, 2022, from https://tl.eferrit.com/emilio-aguinaldo/

Talambuhay ni Manuel L. Quezon. Panitikan.com.ph. (2020, July 9). Retrieved May 28, 2022,
from https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-manuel-l-quezon

Third republic: Govph. Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.). Retrieved May
28, 2022, from https://www.officialgazette.gov.ph/featured/third-republic/

You might also like