Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA IKAWALONG BAITANG

GAMIT ANG MODELONG MEDIA/ASSURE

Paksang Aralin: Personal na Interpretasyon


Lunsaran: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista
Antas: Ikawalong Baitang
Haba ng Pagtalakay: 40 minuto

I. Analisahin ang iyong mga mag-aaral (Analyze Learners)


Katangian ng mga mag-aaral: Ang paksang aralin na ito ay nakadisenyo para sa mga
mag-aaral sa ikawalong baitang,. Inaasahang mayroong iba’t ibang paraan ng pagkatuto ang mga
mag-aaral sa klase kung kaya naman ang guro ay napailing gawing lunsaran ang Tatlong
Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista na naglalayong matukoy nila ang
iba’t ibang personal na interpretaasyon ang nakapaloob sa kuwento. Sa kabilang dako, makalipas
na analisahin ang kuwento at mabigyang turing ang mga pahayag na nakapaloob bilang Personal
na Interpretasyon inaasahan ng guro na mapag-iba ng mag-aaral ang mga pahayag mula sa
katotohanan, hinuha at opinion upang buong husay silang makabuo ng pansariling halimbawa ng
personal na interpretasyon at mailatag ito bilang isang bahagi ng talastasan. 
II. Ilahad ang mga layunin sa pagtuturo (State Standards and Objectives)
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan na maipakita ng mga mag-aaral ang mga
kompetensing nakasaad sa Gabay Pangkurikulum tulad ng mga sumusunod:
a. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng katotohanan, hinuha, opinyon at personal na
interpretasyon mula sa iba’t ibang pahayag;
b. Nagagamit at naipapahayag ang katotohanan, hinuha, opinion at personal na
interpretasyon sa pang-arawaraw na pakikipagtalastasan;

Pinakalayunin: Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences) , opinion at


Personal na Interpretasyon. [F8PN-IIId-e-29

III. Pumili ng Angkop na Estratehiya, Metodo, Midya at mga Materyales (Select Strategies,
Methods, Media and Materials)
Estratehiya at Metodo. Sa kabuoan ng talakayan, gagamitin ng guro ang Pasaklaw na Pagtuturo
at Pagkatuto. Gayundin, gagamitin ang Tanong-sagot o paggamit ng Gabay na Tanong na istilo
upang mahikayat ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga ideya at maging kasangkot
sa pagtuklas ng mga makabuluhang mga kaalaman. Mula sa kuwento bibigyan din ng guro ng
halimbawang pahayag ang mga mag-aaral upang mahinuha nila na ito ay pumupukol sa paksang
Personal na interpretasyon.
Gabay na Tanong:
 Ano ang napansin niyo sa mga pahayag?
 Paano niyo nasabi na ang mga pahayag ay sariling pagkakaunawa/ pananaw?
 Ano ang mga palatandaan na nagsasabi na Personal na interpretasyon ang mga ito?
Midya at Materyales. Dahil ang pag-aaral sa kasalukuyan ay ginaganap onlayn kinakailangan
nguro ang laptop o kompyuter sa kanyang pagkaklase at cellphone naman sa mag-aaral na
kahalili ng kompyuter kung walang pag-aari kalakip nito ang internet konekyon mapa Wifi o
Data Connection man na pangunahing kailangan sa klase upang makabilang sa sinkronus na
klase na gaganapin sa Zoom o Google Meet. Sa talakayan gagamitin ng guro ang Class Dojo
bilang sisidlan ng puntos ng mga mag-aaral kabilang na ang imang puntos para sa attendance,
isang puntos sa mga resitasyon, tatlong puntos para sa nanalong grupo sa aktibidad at huling
isang puntos sa pagtugon. Gagamitin din ng guro ang jamboard na magiging espasyo ng
aktibidad upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maghayag ng kanilang mga
nas ibahagi maging ang espasyo na lagakan ng kanilang mga kasagutan, panghuling internet
platform na gagamitin ay ang Quizizz na gagamitin ng guro sa pagtasa ng mga natutunan ng mga
mag-aaral. Ang ahat ng ito ay ipapakita sa pamamagitan ng share screen at power point
presentation. Upang makapasok ang mga mag-aaral sa mga internet platforms na ito ay bibigyan
ng guro ang mga mag-aarall ng link na isesend sa zoom/ google meet conversation box.
IV. Paggamit ng Teknolohiya, Midya at iba pang Materyales (Utilize Technology, Media
and Materials)
Ihanda ang mga materyales. Ihahanda ng guro ang gagamitin nitong laptop at internet para sa
kanyang pagtuturo. Papaalalahanan din nito ang kanyang mga mag-aaral sa kanilang naka-
iskedyul na klase upang maihanda ang mga kinakailangan nilang mga gadgets at internet sa
kanilang mga tahanan. Titiyakin ng guro na nakahanda na ang kanyang powerpoint presentasyon
at mga gagaiting onlayn platform na materyales na kanyang gagamitin sa pagtatalakay ng aralin
una ang classdojo upang maiset-up ang mga account na lalagakan ng puntos, mga aktibidad sa
jamboard at mga katanungan sa quizizz na siyang magsisisguradong maayos ang magiging
takbuhin ng talakayan.
Ihanda ang kapaligiran. Sisiguruduhin ng guro na nakahanda na ang kanyang gadgets, mga
presentasyon at may malakas na koneksyon sa internet. Titiyakin nitong siya’y nasa
komportableng lugar at walang magiging  sagabal na ingay sa oras ng kanyang pagtuturo. 
Magbibigay din ito ng mga alternatibong mga solusyon at paraan kung sakaling hindi makapasok
ang mga mag-aaral sa mga aplikasyong kanyang gagamitin sa pagtatalakay. 
Ihanda ang mga mag-aaral. Sisiguraduhin ng guro na ibibigay sa mga mag-aaral ang mga
panuntunan para sa pagpapanatili ng maayos na interaksyon sa online na klase. Paaalahanan din
nito ang mga mag-aaral na pumunta sa isang lugar na kung saan sila’y komportable, walang
sagabal at may malakas na koneksyon sa internet. Sa kabilang dako ang guro ay maglalahad ng
tuntunin sa klase upang mapanatiling hindi magkakaroon ng distraksyon sa klase:
Upang maging maayos at produktibo ang ating klase, kailangan nating alalahanin at isaisip ang
mga sumusunod na alituntunin at paalala:
 Sikaping i-mute ang mikropono kung hindi magsasalita at sikaping nakabukas ang
inyong mga bidyo.
 Sikaping isuot ang uniporme at ilayo ang mga bagay na maaring makaistorbo sa inyong
konsentrasyon.
 Kung ikaw ay may nais sabihin o itanong, pindutin ang “raise hand button” at hintaying
ika’y matawag ng guro bago magsalita.
Pagganyak. Sa pagganyak ay magkakaroon ng isang simpleng gawain para sa mga mag-aaral.
Ipapakita sa powerpoint presentation ang crossword puzzle.
“MINUTE TO FIND IT”
Mekaniks:
 Sa loob ng isang minuto, hanapin ang tatlong salitang maaaring mabuo sa puzzle.
 I-type sa chat box ang mga salitang hinihingi.
 Kung sino ang unang makapagbibigay ng tatlong wastong salita, ay siyang
makatatanggap ng karampatang premyo.

Paglalahad. Ipapabasa ng guro ang kuwentong pinamagatang “Tatlong Kuwento ng Buhay ni


Julian Candelabra ni Lualhati Bautista” makalipas nito sa pamamagitan ng mga gabay na tanong
na siyang sasagutin ng mga mag-aaral upang mahalaw ang paksa sa pagtatalakay.
 Maglahad ng mga pansariling pananw na pahayag sa kuwento?
 Ano sa inyong palagay ang dahilan kung bakit natin pinagtutuunan ng pansin ang mga
pahayag na ito?
Pagtalakay. Sa puntong ito ng talakayan makalipas basahin ang kuwento hihingi ang guro sa
mga mag-aaral ng pahayag na mula dito. Makalipas nito ay pipiliin ng guro ang mga pahayag na
naglalahad ng personal na interpretasyon na ililista sa jam board.

Makalipas nito susurrin ng mga mag-aaral ang pahayag sa pamamagitan ng gabay na mga
tanong. Sa dulo ng bawat tanong at matapos masagutan ng mga mag-aaral ang mga katanungan
aanalisahin naman ito ng guro at ipapaliwanag ang mga sagot ng mga estudyante upang mapunto
ang tunay na kasagutan.
Gabay na Tanong:
 Ano ang napansin niyo sa mga pahayag?
 Paano niyo nasabi na ang mga pahayag ay sariling pagkakaunawa/ pananaw?
 Ano ang mga palatandaan na nagsasabi na Personal na interpretasyon ang mga ito?

Paglalahat. Bilang pagbubuod sa natalakay sa klase, sasagutin at pupunan ng mga mag-aaral


ang inihandang aktibidad ng guro na isang Graphic Organizer sa aplikasyong Jamboard.

MEKANIKS
 Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling pagpapakahulugan ng Personal
na interpretasyon sa Jamboard.
 Ang mga kasagutan nila ay ilalagay sa mga kahong may numero. Ang katumbas na
numero ng posisyon sa klase ang kanilang magiging personal na espasyo o lalagakan ng
kasagutan.
V. Hingin ang partisipasyonng mga mag-aaral (Require Learner Participation)
Sa puntong ito magkakaroon ng maikling pagsusulit ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng Quizizz ang link ay isesend ng guro sa chatbox ng klase. Ito ay bubuuin ng sampong
katanungan na magsisilbing pormal na assessment sa talakayan.

Mga Tanong sa Maikling Pagsusulit:


Tumutukoy ito sa sariling pagtingin o pananaw matapos niyang basahin, makita at masaksihan
ang isang bagay o pangyayari.

a. Hinuha
b. Opinion
c. Katotohanan
d. Personal na interpretasyon
Ang mga sagot sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig
lamang.

a. Hinuha
b. Katotohanan
c. Personal na interpretasyon
d. Opinion
Sa tingin ko hindi naman lahat ng tao ay nais magpabakuna dahil na rin sa takot na
nararamdaman. Ang pahayag na ito ay halimbawa ng:

a. Personal na interpretasyon
b. Opinion
c. Katotohanan
d. Hinuha
Patuloy na sumunod sa sistema ng pamahalaan kung ayaw niyong kayo ay maparusahan tulad ng
napapanood ko sa telebisyon. Ang pahayag na ito ay halimbawa ng:

a. Opinion
b. Personal na interpretasyon
c. Katotohanan
d. Hinuha
Dapat lamang komunsulta sa isang Doktor ang taong nakararanas ng sakit na Covid. Ang
pahayag na ito ay halimbawa ng:

a. Opinion
b. Katotohanan
c. Personal na interpretasyon
d. Hinuha
Ito ay pagbibigay ng kahulugan sa partikular na isyu o opinion, at sa mga bagay na kanyang
nakita.

a. Hinuha
b. Opinion
c. Katotohanan
d. Personal na interpretasyon
Ito ay ang pagkakaunawa o pagkakaintindi ng isang tao sa isang bagay, lenggwahe at iba pa.

a. Hinuha
b. Katotohanan
c. Personal na interpretasyon
d. Opinion
Tumutukoy ito sa personal na pagsasalin at pagbibigay kahulugan sa isang kaisipan,
impormasyon o pahayag na nabasa o narinig.

a. Personal na interpretasyon
b. Opinion
c. Katotohanan
d. Hinuha
Marahil ay pagod na siguro siyang intindihin ang kanyang asawa kaya iniwan na niya ito. Ang
pahayag na ito ay halimbawa ng:

a. Opinion
b. Personal na interpretasyon
c. Katotohanan
d. Hinuha
Tila naging tamad na ang mga kabataan ngayon dahil sa paggamit ng mga gadyet. Ang pahayag
na ito ay halimbawa ng:

a. Personal na interpretasyon
b. Opinion
c. Katotohanan
d. Hinuha

Pangkatang Gawain. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat mag-aaral ay gagawa
ng maikling iskrip na nagalaman ng personal na interpretasyon na nakabase sa “Tatlong
Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista” sila ay mamimili lamang ng isa sa
mga kasalanang nagawa ng pangunahing tauhan. Ilallagak ang mga iskrip sa Jamboard ng klase.
VI. Suriin at rebisahin (Evaluate and revise)
Tatayain ng guro ang isinagawang gawain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng nakahandang
pamantayan.
Pamantayan:
Kaangkupan sa Isyu- 40%
Daloy ng talakayan- 40%
Kalinawan- 20%
Kabuuan------------------------100%

You might also like