sf-3rd KAPANGYARIHAN NG ISANG WIKA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KAPANGYARIHAN NG ISANG WIKA

KAHULUGAN NG WIKA

Gleason (1961)
- Ang wika ay masisteman balangkas na sinasalita at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Virgilio S, Almario
- Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo!
Paquito B. Badayos
- Ang wika ang kaluluwa ng bansa.

KAKAYAHAN NG WIKA

1. LINAW- ang kalidad na nauunawaan ang isang bagay o ideya, naipapabatid ang
isang ideya sa paraang madali at sakto.
2. PUWERSA – nakapagbibigay ng kahulugan o impresyon sa isang masidhi o
marubdob na paraan. Maari itong pasalita o pasulat.
3. KAGANDAHAN – katangian ng isang tao, hayop, lugar, bagay, magimg isang ideya.
Sa gramatka mas nakatutulong ito upang mas maengganyo ang mambabasa o
nakikinig.
4. KATAPATAN – debosyon ng tao sa isang bansa, grupo o ideya. Sa pagpapahayag,
ipipakita nito ang pagkasinsero ng nagsasalita sa salitang kanyang binabanggit.
5. KARAKTER – tumutukoy sa personang gustong ipakita ng tao.
6. MAY DATING – estado kung saan nagiging kaakit-akit, kahanga-hanga, kapansin-
pansin ang isang ideya.

KAHULUGAN NG PAHAYAG
- Ito ay isang uri ng deklaratibong pangungusap kung saan naghahayag ng ideya ang
isang nagsasalita tama man ito o mali, maaring opinyon o saloobin, katotohana at
iba pa.
-
Dalawang Depinisyon ng Pahayag
1. Tekswal – kapag literal ang pagpaparating ng kahulugan ng isang salita.

2. Kontekswal – kapag naipararating ang kahulugan ng salita nang hindi direkta o


nagpapahiwatig ng kahulugang tanging sa kabuuan ng pangungusap lamang
mabibigyan ng katuturan.
PAGTUKLAS SA KAHULUGAN NG SALITA

A. KASING KAHULUGAN AT KALASALUNGAT


- ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitaan isang mambabasa,
taganood o tagapakinig.

B. TALINGHAGA AT IDYOMA
- mga salitang nagtataglay ng naiiba sa karaniwan
- mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan
- karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao
- idyoma sa pamamagitan ng nakikilala ang yaman ng isang wika.

C. KONOTASYON AT DENOTASYON

 DENOTASYON- ang karaniwang kahulugan ay mula sa diskyunaryo o salitang


ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. (general)

Hal. Tumataba na ang hayop na nakita ko sa kalsada. (hayop na nasa lansangan)

 KONOTASYON- may dalang ibang kahulugan o maaring pansariling kahulugan ng


isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.

Hal. Ang kanyang anak ay mababait. Galing ksi sa mabuting puno. (magulang o
angkan)

D. TINDI NG KAHULUGAN O CLINING


- ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais
ipahiwatig.

E. PAGGAMIT NG CONTECSTUAL CLUE


- ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

Hal. Maginhawa ang buhay ng pamilya Cruz sapagkat mataas ang kanilang pangarap

You might also like