Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PILAR COLLEGE OF ZAMBOANGA CITY, INC.

R.T. Lim Boulevard, Zamboanga City


Basic Education Department
PAASCU Accredited Level III
A.Y. 2019-2020

Subject Area: Araling Panlipunan 9 Date: Hunyo 19, 2019 Day/s: 1


Unit Topic: Ang Ekonomiks at Iba pang Agham Lesson # 1 Quarter: 1

Paglipat ng Tunguhin: Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang
maging mapanuri sa mga konsepto ng ekonomiks at naisakatuparan ang tungkulin bilang isang responsableng
mamamayan at tagapangalaga sa mga biyaya na bigay ng Poong Maykapal sa pamamagitan ng matalinong
pagpapasiya sa pagpili ng mga sariling pangangailangan at kagustuhan sa gitna ng limitadong pinagkukunang
yaman para sa kapakanan ng lahat at ng susunod na henerasyon.

Kakailanganing Pag-unawa: Mauunawaan ng mga mag-aaral na ang matalinong pagpapasya, bilang


tagapangalaga ng Panginoon, ay mahalaga sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at nakakatulong sa
pagkakaroon ng maayos at maunlad na lipunan.

Mahalagang Katanungan:
1. Ang desisyon na ng tao ay nakakaapekto sa pagtugon sa kanyang pangangailangan?
2. Ano kaya ang mangyayari kapag nauubos na ang likas na yaman sa bansa?

Layunin:
1. naipapaliwanag kung bakit itinuturing na agham panlipunan ang ekonomiks; at
2. nasusuri ang kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng tao.

I. PANIMULANG GAWAIN:

Pagbabalik-aral: Bakit kailangang pag-aralan ang Ekonomiks?

Paksa:
Konsepto ng Ekonomiks

Pangganyak:
- Ipaskil sa pisara ang mga larawan na may kaugnayan sa salitang Ekonomiks. (Picto analysis)

APK:
Magbigay ng isang salita na siyang magbibigay ideya tungkol sa kahulugan ng Ekonomiks. Magpahayag ng
paliwanag hinggil sa salitang napili.

II. PAGLILINANG NG KAALAMAN

A. Pangkatang Gawain:
1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat (4) na pangkat. Sa pamamagitan ng brainstorming, magtutulungan
ang bawat miyembro ng grupo upang sagutin ang mga tanong ng guro.
.

B. Pagpapalawak ng Konsepto:

1. Ano ang Ekonomiks ayon sa iyong ideya? Ayon sa mga tanyag na ekonomista?

2. Bakit mahalaga ang Ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao?

C. Integrasyon:

1. Pagpapahalaga: Pagiging matipid


- Paano hinuhubog ng Ekonomiks ang matalinong pagpapasya ng mga tao?

2. Kamulatang Panlipunan
- Paano nakaapekto sa lipunan ang pagkakaroon ng mga alintuntuning dapat sundin ng mga mamamayan?

3. Kaugnay na Disiplina
CL: Paano nagiging isang mapangalagang ekonomista si Hesus?
Science: Paano ka magiging mapaghalagang kasapi ng lipunan na naiisip ang pangangailangan ng ibang tao?

4. Kaisipang Biblikal:
- Leviticus 19:13
“You shall not oppress your neighbor or rob him. The wages of a hired worker shall not remain with you all
night until the morning.”

III. PAGTATAYA:

Panuto: Sabihin kung TAMA o MALI ang sumusunod.

1. Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano nagpapasya ang lipunan kaugnay ng pagbaha-bahagi sa mga kapos
na pinagkukunang-yaman. (tama)
2. Maykroekonomiks ang tawag sa epekto ng mga pasiya ng mga indibidwal sa pagkonsumo. (mali)
3. Ang makropekonomiks ay ang pag-aaral ng ekonomiks na tungkol sa mga konseptong pangkalahatan tulad
ng pambansang kita. (tama)
4. Kapag tayo ay gumagawa ng obserbasyon sa ekonomiks, ito ay tinatawag na pamamaraang normative
sapagkat nalalagyan natin ng halaga ang mga obserbasyon. (tama)
5. Si Gerardo Sicat ang may sabi na ang Ekonomiks ay isang agham na sumisiyasat sa mga gawi ng tao bilang
ugnayan sa pagitan ng mga layon at kapos na sangkap na may alternatibong mga gamit. (mali)

IV. AKSYON:

- Ano ang Ekonomiks? Ano ang nagagawa nito sa buhay ng mga tao sa kabuuan?
- Ano ang mangyayari kung wala ang pag-aaral ng Ekonomiks? Mabuti ba ang maidudulot nito?
Patunayan ang sagot.

V. MAKATUTURANG KASUNDUAN:

Walang ibibigay na takdang-aralin.

MGA BATAYAN AT KAGAMITAN:

Bernard R. Balitao, G. T. (2015). Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad. Manila City, Davao City, Cebu City:
Vibal Group, Inc.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Inaprobahan ni:

Mr. Yuri Harris S. Pamaran Razil L. Dela Rosa Mrs. Gina E. Barrios
Subject Teacher ArPan Coordinator Academic Coordinator

Petsa: Petsa: Petsa:

Status of Implementation Modification/s:

___ Implemented
___ Partially Implemented
___ Not Implemented

Remarks:
Remarks:

Observed by:
________________________

Date: ___________________

You might also like